Chapter 10
Chapter 10
I chose you
Tumayo siya sa harapan namin habang naka kunot ang noo. Mukha siyang galit na galit. Hindi ko pa siya nakitang ganiyan kagalit ever! Nakakatakot.
"Ano to?" his jaw clinched.
Nakakagulat dahil kalmado ang tono ng boses niya. Pero alam kong deep inside ay galit siya.
"S-Shawn--"
"Kuya uwi nalang tayo bukas nalang natin i observe tong restaurant" singit ni Kim.
Hinila niya paalis si Shawn.
"Quinn! Pasensya na ha una na kami." aniya habang nag lalakad.
Nakatingin parin si Shawn saamin. Ngayon, kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot. I don't know but it broke my heart seeing him like that.
7pm na pala. Hindi ko namalayan ang oras. Tinapos namin ang pagkain namin nang maayos. Nakapag kwentuhan din kami ni Sean kahit papaano.
Pero hindi matanggal sa isip ko si Shawn. Yung mukha niyang nakakaawa. Para bang tinatawag niya ako na siya ang piliin ko.
"See you tomorrow Quinn" ani ni Sean habang kumakaway saakin. pasakay na siya sa kanyang kotse.
Pagka pasok ko sa bahay ay agad akong naghilamos at humiga sa kama. Grabe. Nakakamiss to. But at the same time. Si Shawn. Naaawa talaga ako sakanya. Hays!
Chineck ko ang cellphone ko. Himala walang chat o text galing kay Shawn.
Napabuntong hininga nalang ako at natulog.
Ringg ringg
Tunog nang maingay kong alarm. Grr sarap na nang tulog ko e.
Madalian akong nag ayos at tumakbo papunta sa harapan ng bahay namin at matyagang nag hintay sa school bus.
Maya maya pa ay nariyan na ang School Bus. Kasakay ko ay sinalubungan ako nang mapangasar na ngiti netong sila Sab at Chel.
Grr ano nanaman ba nasaisip ng mga to.
"So ano nangyari?"
"kayo na ba"
"kelan kasal?
"ninang kami ah!"
"flower girl ako omg"
Maingay na pang aasar nila.
"Wala, nag dinner lang kami." maikli kong sagot.
"Sayang kala ko may baby na" ani netong si chel at nag buntong hininga.
Inirapan ko siya. As if naman.
"So anong nangyari sa date niyo?" tanong naman ni sab.
"O-okay naman" sagot ko. Nag aalinlangan akong sabihin yung pagpunta nila Shawn pero dahil kaibigan ko sila. Go. hehe!
"Actually not so okay. Kumain kase kami sa restaurant nila Shawn. And yes nakita kami ni Shawn and Kim. Hindi naman nang gulo si Shawn pero mukhang galit siya" pagkukwento ko sa nangyari.
"OH DEMN LOVE TRIANGLE!" sigaw nilang dalawa.
Nakita kong nag tinginan ang ibang estudyante sa bus kaya binawal ko na sila agad.
"Hoy ang iingay nyo ha!" pagbawal ko sakanila.
Nang nakarating na kami sa room ay nakita kong nakaupo lang si Shawn na hindi kumikibo.
Sa ngayon ay wala pa si Sean. Late siguro.
Uupo na sana ako pero biglang nagsalita si Shawn nang nasa harapan ko na ang upuan ko.
"Nakakalamang na ba siya sayo?" tanong niya.
Tinignan ko siya. Blangko ang ekspresyon nang mukha niya. Hindi ko mawari kung ano ang gusto niyang sabihin.
"S-Shawn ano ba-"
"Let's go out on a date later Quinn!" ngumisi siya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Omg Shawn! Ano ba tooooo!!
"A-ahm"
"Ako na bahala sa place isusurpresa kita, bawal mag no! " sagot naman niya. Kumindat siya at ngumiti.
"H-hindi ka galet?" tanong ko sakanya.
"Hindi noh! Hindi ko naman kayang magalit sayo." sagot niya habang patuloy parin sa pag ngisi.
He's smile is just everything for me.
Mabilis lang natapos ang klase. Nothing special parang ordinary class day lang.
Hindi na ako sumabay kila Sab sa school bus dahil hinihatid ako ni Shawn papuntang bahay.
"Hi po tita, hiramin ko po muna sainyo si Quinn ha? Mag dadate po kami! " bungad ni Shawn sa ngayon ay nakangiting si mama.
"Nakooo! Antagal ko nang hinihintay to! Kelan pa naging kayo?" pang aasar ni mama.
"Ma! Hindi pa kame! Mag bihis nga muna ko." inirapan ko sila. Agad ko silang tinalikuran dahil napapangisi nako. Urhhh! Something's wrong with my system! Napapangiti nalang ako.
Katapos kong nag bihis ay pumunta na agad ako sa baba. Nadatnan ko si Shawn na tinutulungan si mama sa pagtuklip nang mga damit na galing sa labada.
"S-shawn halikana." napayuko pa ako. Ewan ko pero nahihiya ako.
Agad siyang tumayo at nginitian si mama.
"Tita, ako na muna po bahala kay Quinn." sabi niya habang nakangiti.
Nako naman Shawn!! Nakaka baliw ka!! Ay joke.
Pinagbuksan niya ako nang pinto nang kanyang sasakyan.
"Uhm Shawn san mo ako dadalhin?" tanong ko sakanya.
"Secret" sabi niya habang nakangisi parin.
Grr pasecret secret pa to!
Malayo layo din ang byahe. I would say 15 minutes? Hindi naman ako nailang dahil madaming chika si Shawn. Pag may dead air at naubusan naman kami nang topic ay pinag mamasdan ko ang dinadaanan namin.
Maya maya pa ay hininto na niya ang sasakyan.
Nandito kami ngayon sa tapat nang isang parang buntok. Walang gaanong tao pero may mga ilan ilan ding nag titinda sa gilid gilid.
"Hmm saan to?" tanong ko sakanya Habang inaalalayan niya akong bumaba sa sasakyan.
"Tara sama ka sakin!" sagot niya. Hinila niya ako at tumakbo paakyat sa mala bundok na ito.
Tumakbo kaming mabilis hanggang sa makarating kami sa tuktok.
"We're here." aniya
Sa ngayon ay hinihingal pa ako dahil sa pagod.
Napa hawak pa ang dalawa kong kamay sa tuhod habang hinihingal.
Unti unti kong iniangat ang ulo ko. Nahulog ang panga ko sa nakita ko.
It's a beautiful beach sa baba nang bundok. Sa tubig ay makikita mo ang repleksyon nang malaki at bilog na buwan.
Sa likuran neto sa medyo kalayuan ay matatanaw mo naman ang nag gagandagang city lights. It's such a beautiful view.
"Alam mo ba Quinn, bago pumanaw si lola dinala niya ako dito. Nag kwento siya tungkol sakanila ni lolo. Dito daw siya dinala ni lolo noon. Ipinangako daw ni lolo na kung sino man ang dadalhin niya dito, siya na habang buhay. Tinupad naman ito ni lolo, minahal niya si lola hanggang sa huling hininga niya. Ang sabi sakin ni lola piliin ko daw mabuti ang babaeng pakakasalan ko balang araw at dalhin dito. And out of all the girls out there. I chose you Quinn. " sabi ni Shawn habang nakangiting nakatitig saakin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro