Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22 - Hawk Azure

Unwanted Marriage
MyJaffStories©2017-2018

~

MALAKAS na suntok ang dumapo sa pisngi ni Blue nang alalayan siya ni Zera papunta sa emergency room ng ETHQ. Napatili pa ang pinsan niya at bahagya siyang nabitawan kaya napatumba siya sa sahig. Kaagad naman siyang dinaluhan ni Zera habang si Green ay nakatayo lang sa kanilang likora. Yeah, he knows, he deserves it.

“Tama na pwede ba! He's still recovering! Antayin niyong maka-recover ang katawan niya bago niyo siya lamugin! My God!” Asik ni Zera kay Sky Forteza na siyang sumuntok sa kanya.

“Pasalamat ka at ito ang pinakamalapit dahil kung hindi lang emergency ito, hindi ko hahayaang mapadpad pa ulit dito si Trisha. Tangina mo kang gago ka!” Sinipa pa siya nito sa tuhod.

“Enough!” Si Green na iyon at inawat si Sky.

“Maka-recover lang si Trisha, ilalayo ko siya rito. Tangina ka!” Muling mura sa kanya ni Sky Forteza.

Inalalayan na siya ni Zera at Green patayo, nasa lounger na sila at nakaabang sa nasa loob ng emergency room. He wanted to talk and ask if how are they but he couldn't obvious naman kasi na hindi at kasalanan niya ang lahat ng iyon. Fuck! Oo na, kasalanan niya! Naging sarado ang isip niya, hindi naging tama ang lahat. He just wanted her to learn from her mistakes, kung sana hindi siya nagmatigas noon at hinabol niya ang asawa niya hindi sana aabot ang lahat sa ganito.

Nagkulang silang pareho sa tiwala. Sinukuan niya si Trisha kaya ngayon ay sising sisi siya. Why? Oh God, iligtas niyo lang si Trisha at ang batang dinadala niya, aayusin ni Blue ang lahat ng pagkakamaling nagawa niya.

He never wanted their relationship to be like this. Isang beses lang kung magmahal ng totoo ang mga Chui! He can't let this happen to Trisha!

Lumabas si Edzel at ang kasama nitong isa pang babaeng Doctor. She's a new recruit Doctor in ETHQ, I guess. Unang lumapit si Sky at Green.

“She's fine. Kinailangan namin siyang paanakin ng wala sa oras to save the baby. And baby's fine too. Iyon nga lang ay naka-incubator pa. We will monitor him for a while. Congratulations it's a boy anyway.” Anang babaeng Doctor.

“Thanks Doc,” Si Sky iyon. “Can we see her?”

“Yeah, pero nasa kabilang room na ang baby boy.”

Tumango naman si Sky at wala ng inaksayang panahon pa't pumasok na sa loob ng silid ni Trisha. Natulala si Blue, parang namamhid ang buo niyang katawan. Parang sinasampal siya ng katotohanan kung gaano niya napabayaan si Trisha.

Tinapik ni Edzel si Green. “Kamukhang kamukha ni Master Jaguar. Singkit din. No doubt the baby is a true blood torturer.” Sabi nito sa bunso niyang kapatid.

Narinig niya ang pagsinghap ni Zera sa kanyang tabi at ang malungkot na pagbaling ni Green sa kanya ng tingin. Damn it!

He shut his eyes and lowered his head. Fuck! He's so ashamed! Fuck! Fuck!

“Blue...” Tawag ni Zera sa kanya.

Nagsimula nang umalog ang kanyang balikat. Tuloy tuloy ang pag agos ng kanyang luha. Kung alam niya lang sana... Kung nilawakan niya lang sana ang pag iisip niya. Damn it! This is all his fucking fault!

“Gēgē...”

“Fuck!” Sinuntok niya iyong pader na malapit sa kanya.

“Blue! Ano ba! Kumalma ka nga!” Saway ni Zera. “Tara na, tignan na natin kung maayos na ang pakiramdam ng asawa mo.”

Umiling siya at hinawi ang kamay ni Zera. “I can't...”

“Blue Onyx!!”

Again, he shook his head. “I can't!! How can I fucking face her! Kaunting respeto na lang ang kaya kong ibigay sa kanya at ito iyon ang hindi magpakita sa kanya ng tuloyan matapos ang lahat ng nangyari. Ano sa tingin mo ang mararamdaman niya kapag nakita niya ako? Galit! Mas lalo lang siyang masasaktan. Ano man ang pagsising nararamdaman ko ngayon, walang wala iyon sa sakit na pinaramdam ko sa kanya! I hate to fucking admit it but I fucking didn't deserve her!” Blue broke down.

It hurts coming from his own mouth that he doesn't deserve her! He will never be deserving for her love because he doubt her! He doubt his own wife!

“Gē, I'm sure Ate Trisha will understand you.”

“I don't want her to hate herself for loving me. I thought my love for her is as deep as the ocean but she proves me wrong. Her love for me is way deeper than any oceans in the world and I hate myself for that Green. You're right. I'm such a coward fool.” He hissed.

“Gēgē...”

He smiled weakly, binalingan niya si Edzel na tahimik na nakikinig sa kanila. “Can I... Can I at least see him...?” He was taking about the baby.

Their baby. Fuck!

Tumango naman ito sa kanya. Binalingan niya si Zera, maging ito ay tumango. Sumama si Green sa kanila. Before they entered the second room which is the NICU, they wore the hospital kind gown, face mask and the one to cover your hair.

Pumasok silang tatlo sa loob. Naabutan nila roon ang parents niya. So, they already new. Mabilis na tumayo ang kanyang ama mula sa pagkakaupo sa harap ng isang aparato.

“Jaguar! Huwag mong sasaktan ang panganay mo! Please...” His mother stopped his father. “Hindi ba't sinabi ko ng bawal manakit?! Anak pa rin natin siya, nagkamali siya oo pero parang awa mo na, huwag mong sasaktan ang mga anak natin.” His mother cried.

His father was glaring at him. Marahas itong nagpakawala ng hininga bago kinalma ang sarili, niyakap nito ang mommy nina Blue.

“Ayusin mo 'to Blue Onyx! Kapag nilayo ni Trisha ang unang apo namin. Ako mismo ang hihila sayo papuntang torture room! I expect too much from you! Ikaw ang pinakamatanda sa inyong magkakapatid! Ikaw ang mas nakakaalam sa mga pangaral ng Mommy niyo sa inyo!” His father hissed.

“What if she doesn't love me anymore after what happed bábá? What if she wants space?”

Muli siya nitong sinamaan ng tingin. “Be a man and make her love you again! Don't stop chasing her until she's all on you again!”

He looked at his child. Nasa loob ito ng rectangle shape na aparato. He's so tiny... Maputla ang balat nito. He wanted to cry again. Wala siya noong panahong nasa loob ito ng sinapupunan ni Trisha. Can he be a good father like his father to them?

Mabuti pa noon si Haze ay nabantayan niya, naiaalay niya ang buhay niya but for his own blood and flesh, siya pa ang naghatid ng kapahamakan sa kanila. Damn it!

Nagulat siya ng yakapin siya ng mahigpit ng kanyang ina. Robina Ayana Makalaylay-Chui was hugging him really tight. Iyong mararamdaman niya talaga iyong comfort ng isang ina. Humagulgol na si Blue sa balikat ng kanyang ina.

“I'm sorry Mom. I'm sorry... I'm so sorry for being a disobedient son.”

Green wiped his tears upon watching them.

Mas lalo pang hinigpitan ng kanyang Ina ang yakap sa kanya. “You're not a bad son, Blue, sinunod mo lang iyong rule mo sa buhay. Hindi masamang magkamali anak, hindi masama kasi alam kong itatama mo iyong pagkakamali mo, husgahan ka man ng ibang tao, ako...” Pumiyok na ang boses nito. “...kailanman hinding hindi kita huhusgahan dahil anak kita, ako ang nagdala sayo ng ilang buwan sa sinapupunan. Kilala kita mula ulo hanggang paa, anak ko.”

“Mommy...” Fuck! He's crying like a small child in the arms of his mother.

“Iyong akala mong simpleng pag amin mo sa pagkakamaling nagawa mo, malaking bagay na iyon Blue.” Humiwalay na ito sa yakap. Pinunasan ng kanyang ina ang kanyang mga luha. She cupped his face. “I know you're going to make everything alright, right? You will fight alongside with her, right? I know you Blue... Trust me, your love for her is enough to make her stay.”

“Xie xie, xie xie Mommy. Thank you so much and I'm sorry...”







“SKY...”

Tinawag ni Trisha ang unang taong nabungaran niya mula sa pagtulog. Pagtulog? No. She remembered she passed out. She remembered the blood, oh! Her child!

Mabilis pa sa alas kwatro na ginusto niyang bumangon ngunit hindi kinaya ng kanyang katawan. Makirot ang bandang puson niya.

“Easy Trisha...”

“Sky,” Namamaos ang kanyang boses. “Ang baby ko, nasaan ang baby ko?”

“He's fine, nasa NICU siya, nandito pa rin tayo sa ETHQ. Don't worry ililipat ko kayong mag ina once na bumalik na ang lakas mo.”

They're still here. Alam na ba ni Blue ang nangyari sa kanila?

“Where is my husband?” Iyon kaagad ang lumabas sa bibig niya.

Nakita niyang bumuntong hininga si Sky. “That jerk! Sinuntok ko kanina nung nagpunta siya rito! He's not allowed to see you, Trisha!”

Namilog ang mga mata niya sa sinabi nito. “Why did you do that! Kakarecover niya pa lang mula sa comatose!”

“Really!? Iyan talaga ang iniintindi mo Trisha!? Hindi ka ba galit sa kanya? Kung hindi ka sana niya pinagtabuyan hindi sana kayo mapapahamak na mag ina! I hate him so much for that! Gago talaga!”

“How can I hate him if I love him this much?” Balik tanong niya, natigilan naman si Sky. “Kung parehong sarado ang utak namin sa isa't isa, walang maayos Sky. I love him too much that I am willing to embrace him over and over again.”

“Hays! The fucking magical power of love!” Sky hissed. “But before that someone wants to talk to you, hindi ko alam na connected rin pala ang Ate mo sa mga torturers.”

Ha? Ang Ate Rachelle niya?

Tumayo na si Sky at lumapit naman ang isang babaeng kanina pa pala nakaupo sa may sofa sa bandang gilid ng silid.

“Pupuntahan ko muna ang kapatid ko, he's also here.” Paalam ni Sky sa kanya bago ito tuloyang lumabas.

“Trisha...” Her sister immediately run to her to hug her. “I missed you so much! Sorry, sorry kung bigla na lang akong umalis. Patawarin mo ako Trish.”

“Ate...” She cried. Nanakit pa nga iyong hiwa niya sa tiyan dahil sa sobrang paghagulgol niya. “Ate, I'm sorry for judging you, I'm sorry for hating you.”

“Shh... It's okay now, Trisha. Don't mind the past. Ano pa man ang nangyari kapatid mo ako at magkapamilya tayo. Stop crying na Trisha...”

“I'm so sorry Ate Rachelle. I'm sorry.”

“Shh, tahan na, kailangan mong maging malakas para sa baby mo.”

Right her baby!

“It's a boy Trisha.” Nakangiti sa kanya ang Ate Rach niya.

“Then he's Hawk Azure A. Chui.”

Hawk symbolized as the messenger from Angels, Devas and the Divine. He signals a time in your life when you need to focus on what's ahead and prepare for a leadership role. Your global vision is a potent helpmate in this.

Just like the real Hawk flying in the sky, her son  is ready to fly higher.

And Azure, variation of blue that is often described as the color of the sky on a clear day.

“Hawk Azure...” She can't wait to meet her beautiful son.

**

A/N: The next chapter will be the last chapter before epilogue. Nadagdagan ng isa pa. Haha kala ko last chap ko na 'to wiii. Comments torts 💕

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro