Chapter 2- Sorority
Unwanted Marriage
MyJaff©2017
~
NAGMAMADALING pumasok si Trisha kinabukasan para lang ikwento kay Sofia ang mala-Rapunzel niyang buhok! Gosh! Hindi kaya siya nakatulog ng maayos kagabi kakaisip kay bebeloves Blue Onyx Chui niya. Kumikinang kinang pa nga ang mata niya, pakiramdam niya kasi nasa mga ulap pa rin siya hanggang ngayon. To the highest level na 'to!
And the fact that he's concern about her whereabouts made her heart skip a beat. Siguro talagang may gusto rin sa kanya si Blue o baka naman matagal na rin siya nitong napapansin hindi lang pwede ngayon dahil strictly na pinagbabawal ang student and teacher affair. Again, assumera ng taon goes to, Trisha Aguillon! Sabog confetti!
“Fia! Uy! Fia!” Tawag niya sa matalik na kaibigan pero kaagad ring lumukot ang mukha niya ng makitang may eyebags na naman ito. “Ay! Sobrang laki ng bagahe mo inday! Don't tell me pinuyat ka na naman ng puro titi lang na 'yon?” Humalukipkip siya.
“Your mouth, Trish paki filter nga.” Pagod na sabi nito bago umupo sa upoan nito. “Kaninang madaling araw lang ako nakauwi. C. A is insatiable last night. I can't leave him.”
Bagot siyang umupo sa katabing upoan. “Ewan ko sayo! Lalaspagin ka lang niyan tapos in the end kay Hyana naman ang bagsak. Ikaw lang ang kawawa, martyr ng taon pwede ka ng tayuan ng rebulto sa pinag gagawa mo Fia!”
“Never mind me na lang Trish.” Pagod talaga ito, kita naman niya ng ibagsak nito ang ulo sa mesa para maka-idlip.
“Ay! May kwento pala ako sayo!” Biglang naalala niya.
“Hmm? Ano yun?” Inaantok ang boses nito.
“Hinatid ako ni Professor Blue kahapon sa bahay!” Kinikilig na parang kiti-kiting saad niya.
Hindi naman nag angat ng ulo si Fia sa kanya, mukhang hindi na nagulat sa kinuwento niya. “Talaga? Ang ganda naman pala ng panaginip mo, Trisha. Dream come true.” Bagot na sabi pa nito.
Basag! Minsan talaga ang sarap lang ihampas ni Fia sa study table. “Totoo iyong sinasabi ko! Totoo na 'to promise.”
“Oo na, oo na kahit na memorise ko na yang ganyang line mo.”
“Yaah! Fia totoo na talaga 'to ano ka ba?! Sinabihan niya pa nga ako na mag iingat ako at huwag akong magtitiwala kung kani-kanino.” Naiinis na siya, promise.
Finally, nag angat na ng ulo ang dalaga ang buong akala ni Trisha ay maniniwala na ito sa kanya. “Edi lumevel up na pala iyong panaginip mo, Trish? Should I congratulate you then?”
“Sofia?!”
“Miss Aguillon please sit down.” Malamig na boses ni Blue Onyx ang nakapagpatahimik sa kanya.
Oh my God! Ngayon pala ang klase nito sa kanila at nakakahiya pa dahil siya na lang ang nakatayo! Goodness Trisha! What the hell are you doing?! Nahihiyang umupo siya at muli nagpangalumbaba, nakatunganga na naman siya sa kagwapohan nito habang nagdi-discuss sa klase.
“Tumutulo na laway mo Trisha.” Bulong ng kaibigan niya sa kanya.
Parang Giraffe ang leeg ni Trisha sa haba makita niya lang ng maigi ang guro sa harapan. “Okay lang, mouthwatering naman talaga ang bebeloves ko e! Papabuntis ako dyan promise.”
“Huy! Maghunos dili ka nga, Trisha mamaya marinig ka ni Prof e.”
Nilingon niya si Sofia. “Edi mabuti!” Napalakas na naman ang pagkakasabi niya niyon.
“Ano ang mabuti Miss Aguillon?”
Hayun! Superstar na naman siya sa klase dahil lahat ng mata nakatitig sa kanya. Panis siyang ngumiti sa mga classmate niya bago nahihiyang binaling ang tingin kay Blue. “Ah Sir yung problem solving po, mabuti po 'yan ang napili niyo kasi na-review ko iyan kagabi.” Palusot niya.
“Really? Good then, can you please show to the class how to solve it?”
Wrong turn. Dead end. Burn Trisha Aguillon.
She fucking hate numbers!
“BAKIT mo ba kasi sinabing ni-review mo iyong problem solving na iyon e hindi naman pala?! Ayan tuloy napahiya ka sa klase.” Sermon sa kanya ni Sofia nang nasa canteen na sila. “Sabi ko naman sayo e, tigilan mo ang pagpapantasya mo kay Prof Chui! Bakla nga siya e.”
“Hindi siya bakla Fia! Nakasakay na ko sa car niya and it's so manly kaya imposibleng bakla siya and the fact that his cold voice made me hot. Gosh! Ang gwapo ng Oppa ko!”
Inirapan siya ni Sofia at sumubo ng fries. “Malala ka na Trish.”
“Mas malala ka kaya Fia!” Halos murderin na ni Trisha ang carbonara niya. Kainis naman kasi! Na-major turn off siya sa buong klase at sa harap pa ng Oppa niya. “Haist! Bakit ba kasi ayaw mong maniwala na hinatid niya ako kagabi? Totoo naman iyon e——”
Nagvibrate ang cellphone niya kaya kinuha niya iyon sa bulsa ng palda niya. Kumunot ang noo ni Trisha ng makitang unregistered number iyon kaya sinagot niya.
“Hello, sino po sila?” Tanong niya sa kabilang linya. Kumunot naman ang noo ni Fia tila kuryoso sa tawag na iyon.
“It's me Miss Aguillon.”
Literal na nalaglag niya ang tinidor na hawak. Ilang beses pa siyang mapakurap kurap para siguradohing hindi siya nananaginip. Inilayo niya ng bahagya ang cellphone sa tenga at tinakpan ang speaker nito.
“Sofia sampalin mo nga ako.”
“Ha?” Takhang tanong nito sa kanya. “Ano na naman bang ka-wirdohan ang tumatakbo sa utak mo Trisha? Sino ba iyong tumawag sayo?”
“Si Oppa ko! Ang Bughaw ng buhay ko!” Impit na tili niya.
“Sigurado ka?”
“Wait lang!” Binalik niya ang cellphone sa tenga, lumipat naman ng upoan si Sofia para makatabi siya at dinikit din nito ang tenga sa cellphone niya. “P-prof, paano niyo ho nalaman number ko?”
“It doesn't matter, maghihintay ako sa car parking. May itatanong ako then sumabay ka na rin sa akin pauwi.” Hindi pa man siya nakakasagot ng patayan na siya nito ng tawag.
Tulala at laglag ang pangang humarap siya sa kaibigan na mukhang hindi rin makapaniwala pero kaagad ring tumaas ang kilay nito at humalukipkip sa harapan niya.
“Si Prof na iyon o boyfriend mo Trisha tapos hindi mo lang sinasabi sa akin?” May bahid ng pagtatampo ang boses nito. “Kainis ka! Malihim.”
“Tangek! Bakit ba ayaw mong maniwala na si Oppa ko iyon? Jusko naman Fia! Di mo ba narinig iyong sexy cold voice niya na nakakawet?” She dreamingly said. “Haaay! Lahat na lang sa kanya nakaka-inlove!” Kinuha niya ang shoulder bag niya at handa ng umalis. “Bukas na lang ulit Fia ah? Ihahatid na naman kasi ako ng future boyfriend ko!”
Naiiling lang ito sa pinagsasabi niya. Hay naku! Sofia will never understand her fan girling talaga! Hindi pa kasi nito naranasan at nagpatali na kay C.A ng walang kasiguradohan.
Patalon talon pa si Trisha habang naglalakad siya papunta sa car parking ng University. Napapansin niyang palaging kaunti ang tao roon kapag ganitong oras na. Pinagkibit balikat niya lang iyon lalo na ng matanaw na niya ang binata na prenteng nakasandal sa gilid ng sasakyan nito. Tumirik ang mga mata ni Trisha sa kilig at inayos ang buhok niyang takas at inipit sa likod ng tenga niya. Geez! Ganito ba talaga ang feeling ng may naghihintay sayo? Jusko! Di pa niya boyfriend pero parang mahihimatay na siya.
Tumikhim siya ng makalapit na sa binata, nag angat ito ng tingin sa kanya. His signature chinky eyes gaze at her making her shiver down to spine. Titig pa lang nito'y nanlalambot na ang tuhod niya.
Pinagbuksan siya nito ng pinto. “Sakay.” As usual, his voice were cold yet so hot in her ears.
Sinunod naman niya ang binata at tulad ng dati'y umikot ito para makasakay sa driver's seat.
“Seatbelt.” Paalala nito.
Tumalima naman si Trisha at mabilis na inayos ang sariling seatbelt. Tahimik na nagmaneho si Blue hanggang sa makalabas sila ng University, seryoso ang ekspresyon ng mukha nito kaya siya naman ay hindi mapakali.
“I'm asking you questions again that's why you're here with me.” Panimula nito.
Pwede bang araw araw na lang itong may itatanong sa kanya?
“A-ano po iyon?”
“Someone give you a important thing huh? That was a few days ago, Trisha Aguillon. I need to know what it is, asap.”
Ha? Nabibigla talaga siya sa mga nangyayari at sa mga sinasabi nito. Ngayon serious mode on na, there's a big possibility na totoo nga ang mga sinabi ni Beta sa kanya.
“W-wala naman po. Bakit po ba?”
Marahas itong nagbuga ng hangin pero hindi pa rin ibala ang sarili na lingonin siya. “You must remember it.” He whispered pero narinig niya naman. “Where are you last week?”
“Na-nasa book signing event ni Maine Mendoza.” Alanganing sagot niya.
“Crowded.” Kumento nito.
Hindi na nasundan ang tanong nito sa kanya hanggang sa maihatid na siya nito sa tinutuloyan niya ay wala na 'tong imik. Hindi na rin umimik sa kanya ng magpasalamat siya.
That's weird, may nangyayari bang hindi niya alam? But kahit ano pa 'yon masaya siya dahil nakakasama niya ang Oppa niya. Gosh!
TAHIMIK na bumalik si Blue sa ETHQ. Ang tanging nasa isip niya lang hanggang sa makarating siya ay ang student niyang target ng Kappa. What the hell? Kung nagsasabi man ito ng totoo sa kanya, bakit ini-insist ng kalaban nila na may hawak itong importanteng bagay? She wasn't sure what she did last week, she's in a crowded place at imposible namang magpunta roon ang sinasabi ni Green na si Jade.
Oh, fuck! Sinasabi na nga ba niya at ayaw niya ng sakit ng ulo e, kasalanan 'to ng magaling na abogado niyang kapatid. Insert sarcasm here!
“Gege! Gege!” Oh speaking of the devil, tumatakbo na ito papalapit sa kanya. “Have you found anything? Or she's a spy?”
Kumunot ang noo niya. “Spy?” He don't think so, she's fucking clueless of what's happening to her. “No she's not.”
“How do you say so?”
Pinilig niya ang ulo. “She's not, Green. Believe me.” Tiim bagang na aniya. “She's clueless about what's happening around her.”
Biglang napaisip ang kapatid. “Right. At ang pinagtataka ko, protektado ng kung sino ang Ate niya kaya hindi ito magalaw ng Kappa and according to my source walang alam si Trisha Aguillon doon.”
“Really?” Now it's getting more complicated at sino naman ang nagpoprotekta sa kapatid nito kung ganon. “Aish! Damn it, Green dapat kay Red ka na lang nagpatulong! I swear kapag nagtampo sa akin si Haze, hahayaan ko siyang panain ka!”
“Tss.” Dumilim ang mukha nito or namamalikmata lang siya. “Ge! I'm your brother kaya ako muna unahin mo.”
“Ewan ko sayo.” Inis na sabi niya at dumiretso na sa kanyang silid pero bago iyon ay hinabol pa siya ng kapatid. “What now?!” Inis na tanong niya.
“Just so you don't know, may umaaligid na Sorority member kay Miss Trisha Aguillon. That's the Omega Sorority, magkapatid ang leader ng Omega at Kappa. They're making a move gege. We need to get what's Jade gave to that girl or else mauunahan tayo at baka hindi na natin maligtas ang buhay ng babaeng iyon.”
Hindi na siya umimik pero ramdam niya ang galit sa hindi malamang dahilan. Tiim bagang na pumasok siya sa silid. Sorority? At sa tingin ba ni Green ay sasali sa ganoong uri ng grupo si Miss Aguillon? The girl is obviously into him that makes him annoy but damn it! Hindi naman niya pwedeng pabayaan na lang ang kapatid sa misyon nito.
Green is right. Siya ang pinakamalapit sa target ng Kappa at kung patuloy niya pang lalapitan si Trisha paniguradong makakatunog na ang Kappa sa hakbang na ginagawa nila.
He needs to fucking know what's that important thing as soon as possible.
Hindi naman niya gustong mamatay ang babaeng iyon dahil sa kapabayaan niya. Tss.
**
A/N: Miss ko na comments niyo torts 😘😘
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro