Chapter 18 - Thank you
Unwanted Marriage
MyJaffStories2017 - 2018
~
SANA panaginip na lang ang lahat, sana mawala pa iyong sakit na dinadala ni Trisha sa kanyang dibdib. Sana pag gising niya nariyan na ang asawa sa tabi. Sana mapatawad na siya ni Blue. Pero hanggang sana lang pala talaga ang lahat ng iyon dahil ang bumungad sa kanyang mga mata ay ang malamig na silid ng isang Hospital.
Wala siyang kasama sa loob niyon, alam niyang imposible pero umaasa siyang si Blue sana ang naghatid sa kanya sa Hospital na ito.
Ano na kayang ginagawa ngayon ng asawa niya?
Nakarinig si Trisha ng pagbukas ng pinto, mabilis siyang lumingon dahil umaasa siyang si Blue iyon kahit na alam niyang si Sky ang tumulong sa kanya.
Ngumiti siya ng tipid ng makita ang binata. “Sorry to trouble you again.” Namamaos ang boses niya.
Hinila nito ang isang upoan para itabi sa kama niya. “Okay lang,” Nagulat siya ng pitikin siya nito sa noo ng mahina. “Diba sabi ko sayo huwag kang aalis sa condo ko ng hindi ako kasama.”
Nagyuko siya ng tingin. “Sorry.”
“Lapitin ka ng disgrasya buti hindi napahamak ang baby mo. I tried to call your husband using your phone but he's not answering my calls.”
Napakurap si Trisha sa sinabi nito. Totoo ba ang narinig niya o pinaglalaruan lang siya ng kanyang pandinig?
Nilingon niya si Sky. “Ba-baby!?”
Tumango naman ito. Tinaas nito ang palad at pinakita ang dalawang daliri. “Two weeks.”
What the...
Hindi siya makapagsalita sa gulat. Parang may sariling isip ang mga kamay na tumapat iyon sa kanyang sinapupunan. She's pregnant! Oh god! Kailangang malaman ni Blue ang bagay na ito. Ito naman iyong gusto ng asawa niya diba??
Napabangon siya sa kama. Inalalayan naman siya ni Sky para makaupo ng maayos.
“Can I have my phone?”
Tumango ito at inabot sa kanya ang cellphone. Mabuti na lang ang memorydo niya ang numero ng asawa. She dialed his number, ilang beses din siguro iyon pero nadismaya siya dahil ilang ulit lamang nitong hindi sinasagot ang tawag niya.
Right! She needs to go back at that place, iyong ETHQ!
Nilingon niya si Sky, nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya ba iyon sa binata dahil alam niya kung gaano kapribado ang lugar na iyon para sa grupo ng asawa niya.
Mabagal na ibinalik niya ang cellphone nito. “Here, hin-hindi pa siya sumasagot baka busy pa.” Pinigilan niyang pumiyok ang boses niya.
Inabot ni Sky ang cellphone niya. “I suggest you to rest, sabi ng Doctor kailangan mong magpahinga. So, ngayon pipilitin kitang manatili muna sa condo ko hangga't di pa kayo ayos ng asawa mo,”
Gusto niyang magulat dahil paanong nalaman ng binata na hindi sila ayos ng asawa niya? Sabagay, sino ba namang hindi makakaalam kung siya mismo ang naglayas sa poder nito.
“You should take care of yourself, dalawa na kayong dapat mong alagaan kaya dapat mas maingat ka na sa sarili mo.” He said with pure gentleness in his eyes.
“Hi-hindi ba ako makakaabala sayo?”
His gentle smile assured her that she'd not. “Of course not! You're a friend to me, Trisha.”
She wanted to thank him more but words cannot explain how thankful she is right now. Kung hindi dahil kay Sky baka napano na siya at ang bata sa sinapupunan niya.
KABABALIK lang ng Pilipinas ni Blue pagkatapos niyang ihatid sina Haze sa China, next week ay babalik siya roon para tignan ang kalagayan ng best friend niya. Critical ngayon ang sitwasyon ni Haze dahil sa Project X ang grupong pinamumunuan ng gagong fiancee ng punyetang Forteza na iyon. Fuck? Isipin niya palang ang Forteza na iyon nawawala ang salitang 'kalma' sa sarili niya.
Binaba niya ang coat sa may backrest ang loveseat niya, bago tinanggal ang pagkakabutones ng cuffs. He was waiting for Green, makikibalita siya kung ano ang nangyayari sa bansa habang wala siya.
Makikibalita siya tungkol kay...
He shook his head. Tinanggal niya ang polo niya, now he's only wearing his white T-shirt when his younger brother arrived.
“Gē! You're back!” Naupo ito sa kaharap niyang sofa.
Binalingan niya ang kapatid pero saglit lang iyon ng kunin niya iyong cellphone niya. Ilang araw niya na ring hindi chinecheck iyon kahit noong nasa Cambodia siya.
Kumunot ang noo niya sa dami ng missed calls doon. It was his wife. Again, binalingan niya ng tingin si Green.
“What happened to her?” Kunot noong tanong niya.
Napakamot ng batok si Green. “I'm sorry gē! I've been busy this past few days that's why kahapon ko lang naipadala iyong mga invisible body guards, she's in the hospital right now.”
“Hospital? Why?” Even if his voice were cold, his eyes can't hide the fact that he's concerned about her whereabouts.
“Gē, sa Ramirez Hospital iyon mahirap manghingi ng information. I was trying to find Red to ask him to hack their database but Red gēgē is nowhere to be found.”
He tsked. “He's busy fooling around.” Tumayo na siya. “Ako na lang ang aalam, I'm her husband. Papapasukin naman nila ako 'ron.”
“You don't wanna rest first? Kararating mo lang ge! Isa pa, mother was looking for you.”
Tumango siya, mamaya ay pupuntahan niya ang kanyang ina. Now, he wants to check if Ish is okay. Kahit naman galit siya sa pagsisinungaling nito sa kanya, nag aalala pa rin siya para sa asawa.
“By the way gē, she's with Sky Hurricane Forteza.”
Naiwan sa ere ang kanyang kamay na bubuksan sana ang pinto. Malamig na binalingan niya ng tingin ang bunsong kapatid.
She's with who? Anong kinalaman ng Fortezang iyon sa asawa niya? At putangina! Talagang Forteza na naman? Tss. Hindi na siya nagsalita, he grab the doorknob and walk out the room.
Nagmamadali niyang pinahanda ang sasakyan niya. Sumakay siya roon at pinaharurot paalis. Damn it!
His car beamed in front of the Hospital, hindi niya na nga na-ipark ng maayos iyon sa sobrang pagmamadali, he needs to see his wife and make sure that she's alright.
Dumiretso siya sa front desk akmang magtatanong siya sa mga nurses na naroon nang makita niya ang pamilyar na bulto ng asawa. Green is right, she's with Sky at kailan pa ito naging close sa binata?
Kunot noong pinagmamasdan ni Blue ang dalawa, nakaakbay si Sky sa asawa niya kaya hindi niya mapigilang ikuyom ang kamao. He needs to calm, violence is no good, calm down Blue.
Inilang hakbang niyang dalawa at tumigil sa harapan nito, kitang kita niya ang pagkagulat sa mga mata ng asawa niya nang makita siya.
“Bu... Bughaw...”
He stared at her blankly before turning his gaze to Sky. “Why are you with my wife?”
Ngumisi naman ito sa kanya. “Because you're not here for her.” Simpleng tugon nito.
Ibinalik niyang muli ang tingin kay Trisha. “What happened to you?” Pinilit niyang huwag lagyan ng kahit na anong emosyon ang boses niya.
Hindi ito nakapagsalita kaagad, tila nagdadalawang isip kung may sasabihin ba ito o wala. Please, don't tell him that she's pregnant again because he's not going to buy it this time. He's tired on her plays and games, he just want to hug her tight.
Big deal talaga kay Blue ang lahat when it comes to lies, umpisa kasi iyan ng pagkasira ng pagsasamang pilit mong iningatan.
“Bughaw... I'm pregnant.”
Pinikit niya ng mariin ang kanyang mga mata. Umigting ang panga habang kuyom pa rin ang mga kamay.
“Bughaw...”
He cocks his head. “I forgive you once but I don't do the same mistake twice.”
It's a bit harsh but Blue walks out, bago iyon ay pinatay niya muna sa masamang tingin ang Forteza na iyon. Damn! Lahat ba ng Forteza ay pepeste sa buhay niya? Bumalik na si Blue sa sasakyan niya. Mahigpit ang pagkakahawak sa steering wheel habang malalim ang iniisip.
He started the engine without looking back at his wife. Damn it! How painful it is? And how dare him act like that? Walang matatapos kung pati siya'y tatakasan ang lahat. Ano naman kung nagsisinungaling ang asawa niya? Mahal niya si Trisha! Sobra pa sa sobra.
Mabilis na nag U-Turn si Blue para bumalik sa Hospital. Iuuwi na niya ang asawa niya, may mali rin naman siya sa pangyayari kanina. Hindi na niya ito kayang tiisin pa.
Nagring ang cellphone ni Blue, it was Green kaya sinagot niya iyon.
“Green, I'm busy.” Aniya.
“Gē, go home now. Mom wants to see you, she's sick.”
“What!?” Gulat na aniya.
“Nalaglag sa hagdan gē.”
“Damn it!”
Mabilis niyang iniba ang direksyon ng daan para makabalik sa ETHQ. He will deal with his wife later kahit na gustong gusto niya itong unahin ngayon. Hapong hapo na si Blue, mula sa byahe niya sa bansa maging sa nakita niyang may kasamang iba ang asawa and now this! Oh please! Give him a break.
Ilang beses nag overtake ng sasakyan si Blue, siguro nga'y nagkaroon na siya ng traffic violation pero dahil wala namang traffic enforcer sa may kalsada nakalusot ang mabilis siyang pagpapakatbo ng sasakayan.
Later he will ask Green to know his wife's whereabouts, kung saan ito nakatira para masundo na niya.
Nakabalik si Blue sa ETHQ, hinagis niya ang susi ng sasakyan niya sa isang bantay doon para ito na ang mag ayos nito sa pagkakapark sa parking. Dumiretso si Blue sa infirmary para puntahan ang kanyang ina. Ang buong akala niya'y nasa operationg room ito pero tinuro sa kanya ng isang nurse ni Edzel na nagpapahinga na raw ito sa isang silid.
Nagmamadali siyang binuksan ang isang room doon only to find out that his mother is just eating some fruits while watching. Sa tabi nito'y ang kapatid niyang si Green na sapo sapo ang noo.
Humakbang siya papasok. “What's happening here, Green? Akala ko ba may masakit kay Mom?”
Bumuntong hininga si Green sa kanya. “I'm sorry gē, nag iinarte si Mommy.”
“What?!” Binalingan niya ng tingin ang ina. “Hindi kayo nalaglag sa hagdan?”
Binaba nito ang isang bowl ng prutas at umarte na masakit ang binta. “Baby Blue... Masakit iyong paa ni Mommy, Oh God! Mamamatay na yata kuko ko sa mga paa ko. Huhuhu. Don't leave na please. Huwag ka ng aalis ng bansa and chase your wife na.”
“Mom! Iyon nga ang ginagawa ko kanina pero pinag alala mo ako dahil sa tawag ni Green! Where is Dad?”
Umirap ito sa kanya. “Ugh! He's busy again. Lahat kayo panay busy na lang even Red! Hindi ko na nakikita. Buti pa ang baby Green ko hindi iniiwan si Mommy.”
God! This is ridiculous!
“Saan ka ba nagagalit? Sa pagsisinungaling niya o dahil hindi talaga siya buntis?” This time seryoso na ang Ina habang sumusubo ng mansanas. “Alam mo kasi, minsan ang mga babae nagiging desperada lalo na kung hindi sila sigurado sa pagmamahal para sa kanila ng partner nila. Maybe Trisha was threatened that without the child, the marriage will be unwanted.”
“Hidi po ganoon kababa ang nararamdaman ko sa kanya para pagdudahan.” Masakit na aniya.
“I know, pero kailan niya lang ba naramdaman ang bagay na iyon? Noong nalaman mong buntis siya? You asked her hand in marriage immediately when you found out that she's pregnant right? Siguro matagal ka na niyang gusto and being pregnant is the only method that she can see to have you, anak.”
“Mom...”
Ngumiti ito sa kanya. “Kung hindi mo pa kaya, kung masakit pa rin isipin. Ipahinga mo muna, iyon ang makakabuti sa inyo. Pero dahil mukhang desidido ka na sa desisyon mo, go and fetch your wife. Hug her tight and tell her how much you love her, baka sakaling magkaroon na ng assurance para sa kanya.”
“Thank you Mommy.”
**
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro