Wakas
Behind the vile
Deceptive. Dirty. Selfish. Evil. Vile.
People like that are disgusting.
And there's only one way to deal with those kinds-you trample them before they trample you.
"Ito lang yung CCTV footage na nakuha namin malapit sa Resto bar,"
Tahimik kong kinuha ang USB sa ibabaw ng lamesa at sinalampak ito sa laptop ko. Upon viewing the clip, all I could feel was intense rage and grief.
I exhaled and clenched my jaw.
They killed Polca... no... he killed Polca.
"Cid Acosta killed Polca," I announced to my teammates. Lahat sila ay binalot ng pagtataka at labis na pagkagulat.
"Paano ka nakakasiguro, Captain?" Mountain asked, trying to confirm if it's true.
Napadaing naman ako. Kasalukuyan kaming nasa back stage dahil kakatapos lang ng laban. And it feels like there was another enemy to fight with.
"Joke," Mountain clenched his teeth and made a peace sign. "Naniniwala na ako, Captain," He paused for a minute. "Pero hindi ako maniniwalang wala kang kahalikan."
Jethro examined my whole face with a frown and then widely smiled. "Shet, walang first love pero may first kiss."
Kaagad kong kinuha ang cellphone ko at tiningnan ang repleksyon ng sarili sa blangkong screen ng cellphone. Halos mapamura naman ako sa isipan ko nang makita ang pulang kiss mark sa labi ko.
I scowled as I felt the heat on my cheaks and wiped the mark off my lip. Hiyang-hiya ako na nag-iwas ng tingin sa mga kaibigan na hanggang ngayon ay pinapaulanan ako nang pangkakantyaw.
"Sino 'yan, Captain? Spill naman!"
Hindi ko rin alam kung sino 'yon... but I swear she's familiar to me.
Bakit niya kaya ginawa 'yon? Avid fan ba 'yon? Pero... Sobrang higpit ng security sa backstage, imposibleng makakapunta siya ro'n.
Freak, whoever she is-she stole my first kiss.
Ilang linggo akong hindi nakatulog kakaisip kung sino ang nagnakaw ng halik sa'kin. I don't know what I really feel. Para bang may malaking harang sa isip ko na nagiging dahilan para hindi mawaglit sa isip ko ang humalik sa'kin.
Ang bilis kasi ng pangyayari.
Ang tanging natatandaan ko na lang ay ang kayumanggi niyang mata.
"Xion, attend the conference meeting tomorrow, okay?"
Kakasagot ko pa lang ng tawag ngunit ayan agad ang bumungad sa tainga ko. I inhaled and exhaled before playing with my hands in the mug of my coffee.
Hindi ko alam kung bakit ako nadidismaya sa pinapakita sa'kin ng babaeng nag-silang sa'kin-I should just accept it and get used to it.
Dapat tanggapin ko na ang ideya na hindi ko maririnig ang mga katagang kamusta? kumain ka na ba? Ayos ka lang ba? galing sa kaniya.
"Nga pala, nakita ko ang history mo... ang pangit ng standings mo. Ano na? anong nangyayari sa 'yo? may problema ka ba?"
I gasped for air. "Hindi po ako masiyadong makapag-focus... naghahanap po kasi ako ng military school-"
"Military school? Nag-iisip ka pa ba, Xion?! I have repeatedly advised you to give up on your dreams of joining the military! Ang ayos-ayos na nga ng buhay mo riyan sa camp, hahanap ka pa ng sakit sa ulo ko!"
For her, chasing my dreams is a headache.
Hindi ko naman talaga pinangarap ang maging manlalaro. I was just forced to do so by my mom, who's CEO of beauty products, and my dad, who's CEO of the game that I'm playing.
Gusto kong mag-bigay serbisyo sa bansa. I want to experience wearing a military uniform. Pangarap ko na 'to simula bata pa ako... at hanggang ngayon ay pangarap ko pa rin.
I guess she's right; I should've given up on my dreams.
"Okay," I coldly uttered, and I was about to drop the call when she spoke again.
"Pupunta ako bukas sa meeting... kapag nagkita tayo, don't call me mama, okay? Ma'am will do."
Kinuyom ko ang kamao ko at hinayaan siya mismo ang magpatay ng tawag.
22 years of living-that's what she always reminds me of. Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako masanay kahit na paulit ulit na akong tinatanggi at kinakahiya ng sarili kong nanay.
But despite everything, I can't even hate her.
"Xion,"
Ni hindi niya man lang ako natawag sa katagang anak. Siguro... isang beses lang. Tinawag niya akong anak habang nilalason ang utak ko na lumiko sa landas na gusto ko at tumungo sa landas ng paglalaro.
"Oh?" Arko ko sa aking kilay.
"Siya na ang papalit kay Polca sa lahat ng battles, so train him well." Anunsyo ni Ven.
Napatingin naman ako sa lalaki na nagmula sa likuran niya. Along with flared jeans and a black t-shirt, he had on a black cap. I'm a little taller than him; he's only up to my nose.
Bumaba ang tingin ko sa kaniya at mabilis na nagtama ang mga mata namin.
He has brown eyes.
"Hello," Malamig niyang tugon. "Cid na lang."
Akala ko, sa oras na magtagpo ang landas namin, hindi siya mapapalampas ng kamao ko dahil pinatay niya si Polca. Now, though, I felt something other than rage as I stood in front of him.
We have met twice but it feels like somethings weird about him now...
The way he moves his lips is really suspicious.
"Delete it, h'wag mong hintayin ako ang mag-post ng full clip,"
This is probably our first long-term interaction. Natagpuan ko siya sa terrace, umiinom at mukhang aliw na aliw na pinagmamasdan ang madilim na kalawakan habang ang tainga ay may nakasalampak na earbuds.
"Paano kapag ayaw 'ko?" Sarkastiko niyang tanong.
There was a little laughter in my head, so I tsked. Hindi ako makapaniwala na mamaltratuhin niya agad ako, making me believe that he truly killed my cousin.
"Pinatay mo si Polca, 'di ba?"
"Hindi ako nakikipag-usap sa nonsense ang sinasabi." He snorted.
Natapyas ang kunot sa aking noo. I can't believe him. Siya lang ang nag-lakas loob pagsalitaan ako gamit ang sarkastiko at pabalang na tono.
He must be fooling around!
"Hindi ba kayo naiinis kay Cid?" Gigil kong tanong sa buong grupo.
Mountain shook his head. "Oksidoksi kami, Capt! Binigyan niya pa nga ako ng nickname na Bulkan."
"Bulkan? E, Mountain ang pangalan mo?" Natatawang tanong ni Ben.
"Gumawa kasi ako ng kwento-'yong ma-a-amaze siya. Ayon, mukha naman siyang na-amaze, ginawan pa nga ako ng nickname." Mountain laughed.
Ganoon nga ang totoong nangyayari sa loob ng gaming camp. Cid seems close to Mountain and Jethro. Madalas din mag-laro si Cid at Sage sa gaming lounge.
And I don't know, but I'm upset with that idea.
"Xion," Tawag sa'kin ni Cid gamit ang malamig na boses.
I sighed. "Oh?"
"Kapag natalo kita sa one v one, lalabas ako ng camp mamaya."
"Deal."
Sa tuwing pinapanood ko ang pag-galaw ng braso niya, pag-kunot ng noo niya at pagkibot ng labi niya, pakiramdam ko talaga ay may mali. Parang ang daming nagbago.
Is he really a he?
Kasi... kamukha niya 'yong humalik sa'kin. O paranoid lang ako?
Even his brown eyes match hers.
Sa mga lumipas na araw, pinilit kong pagmasdan ang bawat kilos ni Cid sa kabila ng pagkaabala ko. Nakakatawa nga dahil nagawa ko pang sundan si Cid sa pag-alis niya.
Iyong kaba ko at pagkagulat sa nakikita ay hindi mapantayan ng kahit ano man.
Dressed as a boy, she went into the girl's restroom and came out with a yellow dress on. She also had a hint of lipstick on her face.
Hulmang-hulma ang matangos niyang ilong-kahit nga ang manipis niyang labi at ang may pagka-bilugan niyang kayumangging mata. Her skin color matched her yellow dress.
That moment, I felt something strange.
I don't know but it feels like there is something in my stomach that I can't identify. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pagkatapos kong malaman ang totoo.
Pero sa ngayon, alam ko na ang totoo. She really is.
Inulan ng mga tanong ang isip ko nang umuwi sa bahay ngunit mas nangingibabaw ang katanungan na bakit kailangan niyang magpanggap?
Did she really kill Polca?
Fuck!
Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong gawin. Should I tell my teammates the truth?
Sa oras na nalaman kong babae siya at nagpapanggap lang maging lalaki, alam kong obligasyon ko ang sabihin ito sa buong TVOT group. But for unknown reasons, I didn't do anything-even expose her and let her do what she was doing.
Hindi ko rin alam kung anong ginagawa ko.
"Ang bobo naman ng mage. Ang ganda ng set ko tapos wala man lang natalunan kahit isa," Bulong ko.
Mabilis na lumipad ang masamang tingin sa'kin ni Cid. "Sana naman kung bubulong ka para backstabin ako, hininaan mo 'no? Hindi 'yong naririnig ko."
Nag-layo siya ng tingin at padabog na inikot ang gaming chair niya patungo sa harap ng computer at tinuon na nag atensyon sa computer niya. Natawa naman ako.
Sa mga lumipas na araw, napansin kong pinapansin niya lang ako kapag nagagalit ako sa kaniya... dapat ba akong magpanggap na galit sa harap niya para lagi niya akong mapansin?
Aish, Xion. You should realize how stupid you have been acting to get her attention.
"Hoy," Ismid ko, malayo pa lang sa kinauupuan ni Cid.
I noticed her flinch and sit up straighter before facing me, wearing her raised eyebrows. Napalayo tuloy ako ng tingin at nagpanggap na nauubo. Bakit ba bigla bigla na lang sumisilip 'tong ngiti sa aking labi? Badtrip. Galit nga ako...
Dapat galit ako. Para mapansin niya ako.
"Oh?"
I like how she refused to act like she had a bad attitude.
"Hugasan mo 'yong mga plato ro'n,"
Mas lalong sumama ang timpla niya. Kinailangan ko tuloy kagatin ang labi ko para hindi tumakas ang sumisilip na ngiti sa labi.
I heard her cursed at herself before looking at me. "Bakit ako maghuhugas no'n? member ako rito, Xion, hindi dishwasher."
"Okay, ako na lang," Pinilit kong malamig ang tono na gamit para sakto sa pagpapanggap kong galit. "Overtime ka one hour, ha."
Dali-dali siyang tumayo, "Hindi, ako na pala! Hindi ka ba mabiro?!" Huminto siya sa harapan ko, sakto lang para sa isang dangkal na pagitan namin sa isa't isa.
I don't know why I'm frozen in my place. Tatlong beses akong napalunok kahit na nanunuyo na ang lalamunan habang dinarama ang dibdib na tila ba tinatambol sa sobrang bilis at lakas ng tibok nito.
"Hindi ka dapat naghuhugas ng plato! Alam mo bang ikaw ang pinaka-mahal kong captain sa buong balat ng mundo?!" She said, putting on a fake big smile and wrinkled nose. "Matulog ka na, Captain. Sleepwell."
Then she turned around as her wide smile dropped and walked towards the kitchen with a heavy step.
Nahulog ang mga mata ko sa sahig, tuluyan ng nablangko ang utak. Para bang hinigop niya lahat ng lakas ko...
Why does being near her make me feel this way?
"Baka gusto mo siya?" Ngingiti-ngiting tanong ni Deron sa'kin.
Siya lang ang tanging tao na napagsabihan ko tungkol sa pagpapanggap ni Cid. I told him not to expect too much since I'm not sure. However, now that I've already seen her wearing yellow garments...
Cid is a girl, I'm sure of it.
And the one who stole my first kiss in that alley.
Bumusangot naman ako. "Over my dead body, Brendon,"
May pilyong ngisi sa labi niya.
"Alam mo, Xi, gan'yan din ako noon kay Zafina-hanggang sa tinanggap ko na lang. Wala naman kasing mangyayari kung itatanggi ko, mas lalo ko nga lang siyang minamahal sa tuwing tinatanggi ko."
Napakamot ako sa ulo. "Hindi mangyayari 'yon 'no. Hindi ko siya type."
Kilala ko ang sarili ko; alam kong hindi ako magkakagusto sa kaniya. Hindi ko naman kasi siya type. Siguro, benchingko ang persyento na maabot niya ang taste ko sa babae.
I know I just enjoy making fun of her. Ayon lang, wala ng iba.
It is her arched brow that appeals to me.
"Bahala ka sa buhay mo, Xi," He smirked as he wore his sweat treat's apron and fixed his cup. "Hintayin ko na lang 'yong tanga sa science era mo, ha. 'Yong tipong gagawin mong mundo 'yong tao."
"Ulol. Mamatay na lang."
Nakakatawa pero sa mga dumagsang araw, napagtanto kong ayan na siguro ang mga salita na akala ko ay mapapanindigan ko talaga. Pero sa huli, kinain ko rin.
Natamaan ako. Sobra.
"Hoy,"
"Ay, palaka," Gulat niyang sigaw sa sarili at saka pinangkunutan ako ng noo.
Isang salita pa lang ang binitawan ko pero parang sasabak na siya sa gyera.
I crossed my arms.
Kailan ba dumapo ang tingin niya sa akin nang hindi nakakunot ang noo? pambihira, parang hindi ata patas iyon. Kasi ako, tuwing nakatitig ako sa kaniya, ngiti ang lumalapat sa bibig ko. bakit sa 'yo, kunot na noo?
"Mag-1v1 tayo-"
"Na naman? Walang katapusang 1v1, nauumay na ako. Kabisado ko na nga techniques mo, pati galaw mo."
"Hindi ka naman nananalo,"
Tuluyan niya akong hinarap. "Hoy, nananalo kaya ako,"
"Ilan? Isang beses?"
"Oh, ano naman?"
"Isa lang? e, halos nakaka-singkwenta na tayong laro."
Natigalgal siya at nagkibit-balikat din, handa na akong paulanan ng mga salita.
Natawa na lang ako.
I adore her refusal to let anyone overlooked her abilities or what she is capable of. Para siyang umuusok na takure sa tuwing maririnig na minamaliit ang kakayahan niya.
Cute.
Living with her, I found out that she's allergic to eggs and tamarind, but she loves drinking and cigarettes. Napagtanto ko rin na kulay berde ang paborito niyang kulay... paano ba naman kasi, halos lahat ng parcel na dini-deliver sa camp ay kulay berde.
It's weird, but I started to be confused about the things that she hates and likes.
"Whipped,"
Halos magulantang ako nang sumulpot na lang bigla si Deron mula sa likuran ko. I quickly changed the browser to Chrome on the laptop and pretended to figure out how we were going to make this month's income.
"Ang corny mo... Doing a Google search on "How can you tell if you like someone?"
"Shut up, Brendon Sevilla,"
Mariin akong napapikit at tuluyang nilamon ng kahihiyan. Fine, I really did it. Hindi naman kasi ako hasa sa mga gan'tong bagay dahil buong buhay ko, akala ko ay tatanda lang akong binata.
"Una, lagi siyang tumatakbo sa isip mo," Deron stated. "Pangalawa, nagpapapansin ka sa kaniya. Pangatlo, They make you act nervous. Pang-apat, para bang ang bilis ng heartbeat mo kapag kausap mo siya. At ang last, gumagawa ka ng weird things para sa kaniya."
I just rolled my eyes and ignored him.
Well... fuck... Why is all he said accurate?
Tangina, tinamaan na nga talaga ako. I'm down bad. You're down bad, Xion. Down bad.
"Xion," Malayo pa lang ay narinig ko na ang boses ni Sage.
"Oh?"
"Hindi ko alam kung ako lang 'yong nakakapansin," Nilapit niya ang bunganga niya sa tainga ko at may binulong. "Feel ko, babae si Cid... kasi... ang weird... hindi naman ako bakla, eh. Pero kinikilig ako sa kaniya."
What? Kinikilig? Gago ba 'to?
Binaba ko ang headphone sa balikat at inis na nilayo si Sage sa'kin. "Ano bang pinagsasabi mong babae 'yon? It is very clear that he is a guy. At saka... layuan niyo 'yon, It was he who killed Polca."
Halos isang buwan kong tinago ang nalaman ko sa buong grupo ng TVOT sa hindi malaman na dahilan. I kept acting like I was upset with Cid in an attempt to hold her closer. to continue our conversation more vibrantly... and to maintain her focus on me.
Hindi ko mawari kung anong klase ng saya ang nararamdaman ko sa tuwing lalapitan niya ako at babatuhan ng masasamang salita.
Nakakatanga pala talaga kapag tinamaan ka ng sobra.
Not until they discovered Cid is a female. Lahat sila ay labis na nagulat maliban sa'ming dalawa ni Sage. Pinagmalaki pa nga sa'kin ni Sage na tama ang hinala niya na babae si Cid... but in fact, I already know it.
Cid continued to live with us.
Nagagawa niya nang mag-salita gamit ang babae niyang boses. Ang sabi pa nga niya, hindi niya alam kung paano niya natuklasan na may kakayahan siyang magpabago-bago ng boses... However, I feel proud in some way.
Gustong-gusto kong marinig ang matinis ngunit masarap sa tainga niyang boses. Lalo na sa tuwing... tatawagin niya ang pangalan ko.
Ganoon pa rin katulad ng dating gawi, we continue to argue like a dog and a cat every day.
Nakakainis lang dahil... nagiging malapit siya sa buong TVOT group... maliban sa'kin.
"Boyfriend ni Cid si Astre?"
Nagpinting ang tainga ko sa narinig. To listen in on their talk, I pretended to pour some water into the glass from the pitcher. Hindi naman ako nauuhaw eh, pero rito kasi ang best place para marinig ang bulungan ni Cid at Mountain.
"Shhh, h'wag kang maingay, Bulkan! Baka marinig ka nila," Saway ni Cid.
Pero... sana pala hindi na lang ako nakinig.
Ouch 'yon.
Ano pa bang aasahan ko? First of all, our feelings for one another are diametrically opposed.
Gusto ko siya... at hindi niya masusuklian 'yon.
He was together with the captain of AGAPE, probably my rival in gaming.
Buong linggo ay kinain lang ako ng lugmok. Alam kong hindi ako dapat masaktan dahil wala akong karapatan... pero puta kasi, ang sakit pala talaga kapag may ibang mahal ang taong gusto mo.
"Kakalimutan ko na 'yon," Sinubsob ko ang mukha ko sa tuhod at inis na umirap.
Pumasok si Lyn sa kwarto ni Brendon dahil mukhang narinig niya ang pinaguusapan namin ng pamangkin niya. "Sino?"
"'Yong crush niya, Tita," Brendon teased me.. "May jowa, eh."
Lyn merely laughed, shaking her head.
Napadalas ang pag-tambay ko sa bahay nila Brendon at doon nagpapalipas ng oras. Para lang hindi ko makita si Cid... kasi pakiramdam ko, It will help me forget about her more when I don't see her.
I was getting along okay at Brendon's place until I got a call.
"Captain," Bakas ang pag-aalala sa tono ni Mountain.
"Oh?" Taka kong tanong. "Anong nangyari riyan? Andiyan si Jes 'di ba?"
"Nag-cheat si Astre kay Cid..." Mahina ang boses niya. "Hindi ko alam kung nasaan si Cid ngayon... dalawang araw na siyang 'di umuuwi."
I tightly closed my eyes.
Wala akong nagawa kun'di ang hanapin si Cid... I attempted to locate her phone, but it is completely ineffective. Akala ko ay hindi na siya uuwi... kaya no'ng matagpuan ko siya, may parte sa'kin na sobrang nadurog.
"Sir, aalisin ko po lahat ng missing paper-"
Mabilis akong umiling. "H'wag na... hayaan mo na lang muna 'yan sa harap natin."
Tumingin ako sa may kalayuan at nakita si Cid... napalunok naman ako nang maramdaman ang pag-bigat ng dibdib ko.
It was her; her face was clearly fatigued. Lukot na ang madumi niyang damit at halata pa ang butil ng luha sa kaniyang kayumangging mata. May hawak siyang sandamakmak na papel at halata sa mukha ang pagkadesperada na maipakalat ang lahat ng iyon sa kalsada.
Hindi pa siya okay 'di ba? She was fooled by Astre... and now I thought someone she loved had gone missing.
"Cid, tulungan na kita,"
I did just that-I wouldn't let her go from my side. Halos ginugol ko ang buong araw ko sa pagtulong sa kaniya... ayo'ko kasing nakikita siyang napapagod at nahihirapan. Nasasaktan ako. Sobra.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa korte, nakikinig sa sinasabi ng tatay niya.
And I feel that heaven and earth have betrayed me. They killed polca. Hindi siya ang pumatay, pero sila.
"Aalis ka?"
Marahan siyang tumango, bakas ang pagod sa kaniyang mukha.
I wanted to cup her face and tell her how much I love her. But her crest fallen expression made me feel like it's already too late.
"Ayos lang naman kung sasampahan mo ako ng kaso, Xi,"
Umiling naman ako. "Hindi, Cassee... I wouldn't do that,"
"Bakit naman?"
"Gusto kita, Cassee."
I said that with all my heart as tears fell to my cheek. Nahihiya ko 'tong pinalis. Ayo'kong makita ni Cassee na mahina ako... na nanghihina ako kapag umalis siya. Dahil... natatakot ako na baka hindi ko na ulit s'ya makita.
"Nag-sign na ako sa TVOT contract... tutuloy ako, Xi."
Ano ba naman ang magagawa ko? We have opposite feelings toward each other.
Tanggap ko na nga 'yon, eh. Tanggap ko na nga na kahit presensya niya lang ang maramdaman ko. Kahit hindi na n'ya masuklian 'yong nararamdaman ko... ayos lang naman sa'kin.
Pero mukhang desidido na siya. So I let her.
"Nag-suicide siya, Xi,"
I tightly closed my eyes as I heard Lyn. Plano ko sanang sundan si Cassee... pero mukhang mas kailangan ako ni Brendon. I was so stressed that night that I don't even know what I was doing.
Noong umuwi ako para magpahinga saglit galing sa burol, akala ko ayos na... magiging maayos na... pero hindi pala.
"She's also an instrument for killing Polca,"
"I don't care, Ven." Matigas kong sabi.
Hindi ko alam kung kailan niya ako maiintindihan... hindi ko alam kung kailan niya ako balak intindihin.
Today is my birthday. Pero wala akong natanggap na kahit anong bati galing sa nanay ko. Noong una, tumatalon pa ang puso ko sa tuwa no'ng nalaman kong nandito siya sa gaming camp. Akala ko kasi babatiin niya ako o aayain lumabas para mag-celebrate.
Pero hindi... si Polca na naman.
Minasan, napapatanong ako kung sino 'yong tunay na anak sa'min ni Polca. Hindi ko naman magawang magalit at pagselosan si Polca dahil mag-pinsan kami, magkababata, magkaibigan, makapatid at pamilya.
"Nakaalis na raw si Cassee ng bansa, bro," Sage made an announcement.
Tinakpan ko ang tainga ko para hindi na marinig pa ang susunod niyang sasabihin. I don't want to hear about her anymore. Kasi sa tuwing naririnig ko ang tungkol sa kaniya... imbis na magalit ako... mas lalo ko lang siyang minamahal.
It wasn't even fair for me.
"May tumatawag, bro," Sage said that and handed me my phone.
Nang makita ko ang screen ng cellphone ko ay agad kong sinagot ang tawag.
"Xion, your mom had a stroke due to high blood pressure."
The moment I hear that... I don't know what to do. Nagsisihulugan ang mga luha ko nang tumulak patungo sa morge. Nagmamadali ako na halos makalimutan ko nang hindi magkapareho ang suot kong tsinelas.
Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko.
It was my fault... kung hindi sana siya ako sumuway sa kaniya... baka nasa tabi ko pa rin siya hanggang ngayon.
"Xi, okay ka lang?" Lyn asked.
Kasalukuyan kaming nasa burol ng pamangkin niya. It's his last day, so I tried my best to go. Bukas pa naman ang unang araw ng burol ni Ven... kaya ayos lang kung sumaglit ako rito.
"Okay lang," I mumbled and looked down at my phone.
Mabilis na nanlabo ang mata ko nang makita sa screen ng cellphone ko ang pangalan ni Cid. I've been stopping myself from pressing the call button, even though I really want to call her.
Gusto kong marinig ang boses niya. Gusto ko siyang tanungin kung ayos lang ba siya roon... gusto kong sabihin na hindi ako ayos dito simula no'ng iniwan niya ako.
Fuck... bakit kasi sabay-sabay naman...
Tinanggap ko na nga 'yong ideya na taon-taon akong nawawalan ng mahal sa buhay. Pero bakit naman... tatlo ngayon?
"Xi, 'di ba si Cassee 'to?" Lyn asked and handed me her phone.
Pinindot niya ang play button at agad na nanikip ang dibdib ko. This is a video of Cassee in the restroom and crying. Kalat na kalat ito sa media at pinagpipyestahan ng karamihan.
I clenched my jaw.
Ganito ba araw-araw ang nararamdaman niya?
Isang beses ko lang pinanood iyon pero halos hindi na mabura sa isip ko. Noong araw na 'yon, hindi talaga ako pinalagpas ng sikmura ko at sa halip na mag-pahinga, so I decided to go to my lawyer.
I told everyone that I'll fil them a case. I also almost paid good and sharp I.T. professionals to delete all the videos and photos that were circulating about Cassee.
Hindi ko lang talaga kaya... hindi ko kayang makitang pinag-uusapan siya sa media.
They can't be mad at her and do shit about her. Ingat na ingat ako sa kaniya para lang pagtawanan nila.
Hindi pwedeng wala akong gawin habang nagdudusa si Cassee.
I continued to up the post saying I'm filing a case against who hate her. I just hid my posts from Cassee and her close ones so she wouldn't see them. Ayaw kong makita niya ang ginagawa ko sa kaniya sa labas ng bansa...
Ayaw kong isipin niyang gustong gusto ko siya... sobra naman kasi talaga.
"Mag-laro ka na, Captain! Sige na," Halos lampasuhin na ni Bulkan ang sarili niya sa lapag habang ang braso ay nakapulupot sa binti ko. Hindi tuloy ako makalakad, ang laki ng pabigat na naka-sampa sa'kin.
"Ayo'ko na nga mag-laro."
Ang tagal na simula no'ng tinapos ko ang radar ko sa paglalaro. It's been almost a year. Wala na kasing Ven ang pumipilit sa'kin para gawin ang mga bagay na hindi ko naman gusto.
"Si Cassee ang host,"
"Huh?" Kaagad kong tanong, hindi maipinta ang kaba na bigla na lang naramdaman. "People change, guys. Gusto ko talagang mag-laro."
Tuwang-tuwa ang puso ko no'n. Tuwang-tuwa ako dahil makikita ko na ulit siya... miss ko na kasi sobra 'yong kunot niyang noo... 'yong pag-kibot ng labi niya sa maliit na bagay... at ang ngiti niya.
The one dream I have that I will never give up on is hers.
Para bang bumalik ang kulay ng buhay ko nang tumama ang mata ko sa kaniya.
Seeing her with shoulder-length hair and wearing a smile now, I feel happy.
Dinaig ko pa yata ang nanalo sa lotto.
"...The Captain, Xion,"
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Tinawag niya ako, eh. Para na naman tuloy binalot ng mahika ang tainga ko. Tinawag niya ang pangalan ko.
Halos isang taon na rin noong huli kaming nagkita.
Miss ko na siya. Miss na miss.
Bago pa lang sumalang, halos pinaulit-ulit ko ang pagkabisa kung ano ang dapat kong sabihin sa oras na magkasalubong kami. I don't know if I should act normal toward her, but I decided to act angry.
"Nahulog 'yong sandals ko, X-Xi,"
Bumaba ang tingin ko sa talampakan niya. She had just one sandal on in her left foot and was curving her right toe due to the extreme cold. Lasing na lasing siya at hapos na hapos dahil sa tama ng alak.
Tinamaan na nga lang, sa alak pa. Dapat sa'kin na.
I looked at her from my side. Tumigil ako sa paglalakad kaya ganoon din ang ginawa niya. I examined her face, and a bitter smile drew on my lips. Mariin na nakapikit ang mga mata niya habang gegewang-gewang na nakatayo.
Ang ganda niya, sobra.
I cursed to myself. I shouldn't act as if I care.
Ang sabi ko, dapat galit ako. Galit ako... dahil... hindi ko alam. Pero bahala na, hindi ko naman siya kayang tiisin, eh.
I sat in front of her and untied my shoelaces. May ingat kong kinuha ang kaliwa niyang paa at pinagpag ang talampakan niya para matanggal ang mga buhangin. I put my rubber on her feet and brought a pair of her sandals.
Nang gabing 'yon, halos manigas ang paa ko sa lamig. Pero ayos lang, basta hindi paa ni Cassee ang naninigas sa lamig. Kaya ko namang tiisin 'yong akin, eh. Mas importante 'yong kanya.
"Hoy,"
Dali-dali akong lumapit sa pintuan nang marinig ang boses ni Cassee. I forced my eyes shut and forced myself not to open the door so quickly. Dapat maghintay siya sa labas ng kahit dalawang minuto.
Baka kasi sabihin niya, hinihintay ko rin ang pagpunta niya rito.
"Ano?" Pagsusungit ko nang mabuksan ang pinto.
"Galit ka ba sa'kin?"
I feel as though the entire force of the earth was blasted into my heart. Halos hindi ko mawari kung anong gagawin ko kaya kinunot ko na lang ang aking noo. Nagpamulsa rin ako para matago ang namamawis kong kamay.
"Tinatanong pa ba 'yan?" Anas ko. "You know I tried, but I'm not able to."
Biktima rin si Cassee. She doesn't deserve all the hate she gets. Alam kong mabigat din sa kaniya lahat ng nangyari. Naiintindihan ko siya, sobra.
"Anong pinapakinggan mo?"
Tinanggal ko ang suot kong earbuds at marahan na sinalampak ang isa sa tainga niya. Kaagad naman na pumait ang timpla ng kaniyang mukha. Inalis niya ang earbud na suot ko habang ang pisngi ay unti-unting namumula.
It was her confession in the record room.
"Ano ba, Xion! Bakit mo pinapakinggan 'yan? Hindi ka ba nandidiri?!"
I laughed at her. "Nakakadiri pala sa 'yo 'to? Wala ka bang music taste?"
"Anong music taste pinagsasabi mo ba?! Parang gago, idelete mo na nga 'yan! Nakakahiya ka!"
I miss the way she nags at me. I miss her reddish cheek every time she feels embarrassed. I miss her rolling eyes every time she's upset. I missed her a lot.
Hindi ko na yata alam ang gagawin ko sa susunod na mawalay ulit siya sa'kin.
I can't lose her again.
I can't die twice.
Sa tuwing kasama ko siya, alam kong nakauwi na ako. Nakauwi na... sa kaniya.
I courted Cassee for almost two months. Madalas kaming mag-tungo sa ukayan dahil gusto niya ang mga damit do'n. Just watching her sift through the clothes soothes me.
Para bang lahat ng bagay tungkol sa kaniya ay nakakaakit.
Fuck. Mahal na mahal ko s'ya.
Running towards the gaming lounge, there's a wide smile that seems like can't erase to my face.
"Kailangan ko yata ng oxygen, Jethro,"
The all panicked. Pinilit pa nga akong ipahiga ni Bulkan sa malambot na couch habang pinapaypayan ako ng kanang kamay niya.
"Teka, papatugtog ako air supply,"
"Gago," Sage laughed, checking me. "Ano bang nangyari?"
"Girlfriend ko na si Cassee, Sage. Girlfriend ko na."
I've been adoring her from a distance for a while, but I can finally declare that she's mine.
I think I'm the happiest man alive.
I gasped. "I planned to quit from gaming,"
She was taken aback, but since I had already made up my mind, I was unwilling to retract what I had said.
Simula una, hindi ko naman talaga pinangarap ang mapunta sa landas ng paglalaro.
Yet, this route got me to Cassee.
It took a while to get here, but I was sure we'd be fine wherever this road took us.
Opportunists tell you to chase your chances, idealists tell you to follow your dreams, realists tell you to trust your gut... and so I did.
It led me to her.
"Bakit naman? do you have other plans?" Cassee asked me while playing with my hair while I'm lying with my head on her lap.
"Hindi ko naman talaga gusto ang paglalaro. Una pa lang, I really hate seeing myself playing the game that my dad created. At saka... para mas makasama kita rito sa ibang bansa nang 'di dinadahilan 'yong Ramen house."
"Nuks, mahal na mahal mo talaga ako e', 'no?" She smiled. "Ako naman... may contract ako na pinirmahan sa GVIS, mag-bobroadcast ako,"
I can't believe her. She never failed to amaze me.
Sometimes, I wonder what miracle did I do to deserve someone like Cassee. Para kasing isang himala na biyayaan ako ng isang tulad niya.
"Bakit gan'yan ka sa'kin makatingin? Hindi mo ba gusto na natanggap ako sa GVIS? O baka naman nagseselos ka sa boss ko? H'wag kang mag-alala, hindi kita ipagpapalit sa mukhang surot-"
"I love you, Cassee."
I never let such spicier remarks go. Only for her.
That was the last time Cassee and I talked, because we were both busy. Pero ayos lang. Kaya ko pa naman tiisin ang pangungulila ko sa kaniya... aalis na rin naman ako sa landas ng paglalaro. I will see her every day from now on.
"Still single?"
"No," Without hesitating, I shook my head and smiled.
Mabilis na umugong ang hiyawan at bulungan sa paligid. Sari-saring tanong na rin ang nadagdag sa mga madla na nanghihingi ng kasagutan sa mga tanong nila na tila ba walang katapusan.
I smiled in front of all of them.
Inulan ng hiyawan ng mga madla ang paligid. Ngunit sa kabila ng iyon, natimbang ang isang tanong sa tainga ko at nagpukaw sa atensyon ko.
"Sino?" The host giggled, so I faced her.
Naramdaman ko ang pawis sa palad ko kaya hinigpitan ko ang pagkakahawak sa mic at nilinis ang bara sa lalamunan.
"Wala rito, eh," Biro kong sabi.
Bahagya niyang nilayo ang mikropono at bumusangot. "Ah, gano'n, Xi? Lagot ka sa'kin maya."
I laughed at Cassee. "Syempre, ikaw. It's always been you"
Everyone's jaw fell. Napansin ko mula sa gilid ang TVOT members na tila ba uod na inasinan. They are shaking each other and jumping at the same time.
"Kiss nga!" Bulkan shouted. Inalog-alog naman siya ni Ben sa sobrang kilig.
I threw a "mamaya na" look at them. Kaagad naman silang nagsitilian at animo'y inipit.
Hindi ko na sila pinansin pa. Humugot ako ng malalim na hininga at tumayo ng tuwid sa gitna ng dagat ng mga tao-kung nasaan nasa gilid ko ang babaeng mahal ko.
I looked at the large screen and saw Cassee's face. She could not disguise the redness on her face as a broad smile covered her lips.
Napangiti rin naman ako.
I already have enough reason to live, to try again, and to trust in the goodness of love just because she exists.
And in a low tone, I stated. "I stan you, Cassee."
^______________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro