40
40
Fall is here, as evidenced by the brown leaves dropping.
Halos matutop ako nang maramdaman ko ang kamay ni Xion sa tuktok ng ulo ko. He took the leaf off gently and turned back to face me.
"Nung nalaman kong babae ka, I knew I was down bad."
A wave of tears had blurred my vision. Bumilis ang tibok ng puso ko, pero hindi na sa masakit na paraan. His words made my chest swell up, and I felt a surge of relief rush over my worries.
Maraming tanong ang sumuong sa isip ko.
"Galit ka nga sa'kin no'n,"
I still remember how he looked at me with dark eyes. Kung paano niya ako kinanuno at pag-tabuyan gamit ang mga nakakatusok niyang salita. But I clearly recall how his dark eyes would get warmer and warmer every time he gazed at me.
"Nag-gagalit galitan ako para mapansin mo,"
"Huh?"
"Pinapansin mo lang kasi ako no'n kapag alam mong galit ako sa 'yo," Ngumuso siya. "Kapag pinansin mo ako, okay na ako-solve na 'yong araw ko. Even though, in your eyes, I was your enemy."
Nilunok ko ang bara sa lalamunan, hinahayaan lang siyang mag-salita.
"Sana aware ka na pinagselosan ko 'yong buong team ko nung napagtanto kong malapit ka sa kanila, pero hindi sa'kin." A tear touched his cheek. Nahihiya niya itong pinunasan agad.
I didn't know that Xion had feelings for me. Ang tanging alam ko lang, galit siya sa'kin.
"I tried to detest you as soon as I heard that you were in a relationship with Astre. Ilang beses pa kitang itinaboy no'n... pero hindi ko pala talaga kaya... " His voice broke. "Ako lang din kasi 'yong bumabalik sa 'yo."
Listening to him, I realized that nobody has ever made me feel this way before - visible and valued.
"G-Gustong..." Bumuga ako ng hangin. "Gustong-gusto rin kita, Xion."
With him, I could fully be myself, where my soul felt at peace, where I was not only accepted but celebrated.
Napagtanto kong hindi ko kailangan magpanggap para matanggap. Hindi ko kailangan magmakaawa para pahalagahan. He valued me and accepted me without me begging or pretending.
I didn't just feel secure and at home; I felt whole, complete, and utterly cherished.
Leaves fall with me quite smoothly.
I have no idea what kind of relationship I have with Xion. Maybe just a platonic relationship?
Hindi ko naman minamadali. I want us to take our time. Pero kung ako ang tatanungin, wala akong paki kahit gaano pa katagal 'yan... but I wish it would last forever.
"Akla, nakita mo ba 'yong volleyball player kagabi sa parking lot?"
Huminto ako sa ginagawang pagsusuklay sa buhok upang ibaling ang buong atensyon kay Ian. He was sitting on the edge of the bed while wearing his socks. May malawak na ngiti ang nakapaskil sa kaniyang bibig.
"Anong mayroon do'n? Type mo?"
Ngingitingiti siyang tumango habang mariin na kinakagat ang labi para mapigilan ang pagtakas ng ngiti niya. Napairap naman ako at napabalik sa harapan ng salamin.
"Ang pogi kaya niya! Ang yummy ampotik! Halatang hindi tinatablan ng school air no'ng student era!"
He's been a friend for two decades, yet he's still hopelessly romantic.
"Anyways, kami na... kahapon lang,"
Agad akong napapihit muli paharap sa kaniya. Napahalukipkip ako at sinamaan ng tingin ang lalaki. "Ibigay mo sa'kin buong information niyan, sisiguraduhin ko lang na walang anak! Baka matulad na naman kasi sa recent love life mo!"
"Shhh," Inilapat niya ang hintuturong daliri sa labi. "Saka na muna. Baka mausog mo. Ang lakas pa naman ng usog mo."
Inarko ko ang kilay ko at binato ang suklay sa direksyon niya. "Kapal ng mukha mo. H'wag kang iiyak-iyak sa'kin kapag niloko ka na naman niyan, ha. Jusko, pang-bente mo na 'yan!"
Hindi ko alam kung bakit ako umaarte ng gan'to. Maybe I'm just worried about him.
Hindi ko maiwasang matawa sa kaisipin na sa tuwing nasasaktan siya ay nasasaktan din ako. I hate seeing him cry with people who're not even worth it. I hate seeing him beg and be deceived by people whose only intention is his money.
Ayo'kong ginaganon-ganon ang kaibigan ko.
"Hindi ba pwedeng I'm just letting myself enjoy things?" Depensa niya sa sarili. "Ayo'ko namang isubsub ang sarili ko sa pagtatrabaho. I like risking things for thrills. At saka minsan lang naman mabuhay-"
Inangat ko sa ere ang dalawang kamay ko, tanda nang pag-suko ko sa maputak na bunganga ng kaibigan. Tumawa naman siya kaya natawa rin ako.
"Ayain mo na lang akong mag-shot kapag broken ka na, okay?"
"I'm not claiming your negative energy," He joked. "Pero ako rin ha, one-call-away ako for shot kapag broken ka na ulit kay Xion, okay?"
I raised my middle finger to him and rolled my eyes as I looked away.
Siya ang unang nakaalam tungkol sa'min ni Xion. Halos pagbukas ko pa nga lang ng pinto, siya na agad ang pinagkwentuhan ko. I didn't tell anyone but him.
Kinuha ko ang cellphone sa ibabaw ng bed-side table at halos matigalgal sa tumambad sa aking mga mata. It's a chat head with Xion's profile on it.
Sumilip ang kinikilig na ngiti sa aking labi.
I unrestricted him just yesterday. Napagtanto kong kawawa naman siya kapag hindi niya ako nakakausap. Mabait naman ako kahit paaano at may awa sa lalaki.
I leaned my back against the wall before opening our conversation.
Xion Achilles Sanders set his own nickname to Ramen seller
Kunot ang noo ko sa nabasa.
Ramen seller:
Greetings, I am the Ramion's owner. I promise to serve with caution moving forward and sincerely sorry for what happen at our ramen house. I also promise to make amends and keep the matter open and resolve any unresolved problems.
We can discuss the matter further or simply extend an offer to sponsor you a year's worth of ramen. Here's the menu:
Ramen seller sent a photo.
But if you want to take another offer, just take a chance with me ;)
I don't know how I will react to the chats I read. Naiwang may awang ang labi ko, hindi pa rin makapaniwala na nagdulot ang simpleng chat niya ng malakas na kuryente sa buong pagkatao ko.
This man is really something. I'm going insane... day by day...
Ilang minuto akong napatulala sa chats niya habang ang labi ay may malawak na ngiti bago nagkaroon ng tyansang replyan ito.
Cassee:
Tangina, kuya, anong mapapala ko sa one year sponsor na ramen?
baka puro ramen na lang laman ng utak ko niyan hahahhahahha
pero g sa last hahahhahhahahahahhahahahahhaha yieee
I was still in the middle of typing, but then I saw his profile go down on my chats, hinting that he had already read it.
Online siya. Ang bilis niya naman mag-seen. Wala ba siyang ginagawa?
Ramen seller set your nickname to Ramen consumer.
Natutop ako sa kasunod na lumabas sa screen ng cellphone ko. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko para hindi kumawala ang ngiti pero nabigo ako. Laughing, I typed a reply.
Ramen consumer:
Ang corny mo potaka hahaaahahaahah
Ramen seller:
Samahan kita mag-sundo kay Cy, pwede ba?
Ramen consumer:
Susunduin ba si Cyren o gusto mo lang ako kasama?
Magtitipa pa sana ako ng mensahe ngunit awtomatikong huminto ang mga buto ko sa daliri matapos marinig ang sigaw ni Ian.
"Nandiyan kotse ni Xion sa baba, teh!"
"Huh? Ano namang ginagawa niya ro'n?!" Sinipat ko ang relo na nakasabit sa dingding at mas lalong nangunot ang noo. "Teh, alas-diyes pa lang. Ala-una pa uwi ni Cyren. Ang aga naman niya masiyado?!"
He sighed. "Aba, ewan ko! Bahala ka na. Choice mo kung paghihintayin mo 'yong crush ko o bababain mo agad."
Crush niya? The freak. That man is mine. Periodt.
Hindi ko na pinatulan ang lalaki at dumiretso sa banyo upang maligo.
I went to my closet immediately. Mabuti na lang na bagong laundry ang mga damit ko ngayon, some of them were even ironed by Ian. Kumuha lang ako ng isang white fitted long sleeve and blue jeans.
Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko at naglagay lang ako ng hair clip para sa curtain bangs ko na pumupuslit.
"Xion," I managed to utter. He rolled down the windows upon seeing me.
"You okay?" tanong n'ya sa akin. He was wearing a white hoodie.
Coincidence ba ang pagtutugma ng kulay ng mga damit namin?
Pumasok na ako sa passenger seat. Bumungad sa akin ang malamig na aircon mula sa sasakyan. Hindi ko alam kung nanglalamig ako dahil doon o dahil sa ang gwapo-gwapo ni Iscaleon sa tabi ko ngayon. Partida, hindi naman siya mukhang bihis na bihis. It was his usual casual style.
"Ang aga mo masiyado para sa uwian ni Cyren," I hissed. "May iba ka bang plano?"
He fastened his seatbelt, causing his broad shoulder to move sexily. "Secret, no clue," Biro niya.
Bumusangot naman ako. Akala ko pa naman ay makakakuha ako ng matinong sagot galing sa kaniya. Masiyado pa kasi talagang maaga para mag-sundo kay Cyren. We are three hours early. Ayaw ko namang mag-hintay doon ng ganoon katagal... kahit kasama pa si Xion.
"Bababa na lang ako rito-"
"Let's hunt cherry blossoms in Jeju,"
"Sira ka ba?" I arched an eyebrow. "Isang oras at kalahati 'yong byahe ro'n, at saka uwian na ni Cyren mamaya-maya lang. At saka tingnan mo nga 'yong damit ko, nakapang-bahay lang ako!"
Sumilip ang ngiwi sa kaniyang labi. "Kasing ganda mo naman na ang spring do'n..."
Masama ko siyang tiningnan sa mata and tightly closed my eyes, thinking about the decision of my life. Kung tatanggi ako ay sayang naman ang pagkakataon... hindi naman na ako makakagala ulit dahil magiging abala na naman ako sa trabaho.
Argh!
"Sige na nga. Saglit lang tayo, ha."
Ayan lang ang tangi kong nasabi.
Gusto ko rin naman kasing gumala at lumabas-labas. I miss seeing the beauty of nature. Nakakakita lang kasi ako ng magandang tanawin sa tuwing titingin ako sa salamin.
Char.
Buong byahe ay tahimik lang ako. I was using my phone while Xion drove calmly. Handa ko nang isalpak ang isang pares ng earbuds sa kanang bahagi ng tainga ngunit agad ding napatigalgal nang magsalita si Xion.
"Anong ginagawa mo? May kausap ka ba?" He sounded jealous, still not looking at me, and busy driving.
Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Xion. I never imagined him to be the kind of guy who gets jealous quickly. Hindi niya pa nga alam kung ano ang ginagawa ko, nag-rereact na agad siya. Ganoon ba niya ako ka-crush?
Nangingiti akong humarap sa kaniya. "Bakit? Ano naman kung may kausap ako?"
He made a face, causing me to laugh. Nang tuluyang pumait ang timpla ng mukha niya ay tinusok ko ang kaniyang tagiliran gamit ang hintuturo. Napansin ko naman ang pag-tawa niya.
"May sinusulat lang ako sa keep notes," Paliwanag ko.
"Tungkol saan?" Sinilip niya ang screen ng cellphone ko. "Bakit naka-capslock lahat?"
I quickly looked at my phone's screen before turning it off, embarrassed that he had seen some of the text I had typed.
"Kakatapos ko lang manood ng movie... but I don't have anyone to talk to, so I write everything I want to say about the movie here."
It was a good and heartbreaking movie about a reporter and an athlete. Lumipas na ang bente quatro oras pero hanggang ngayon, nagmumukmok pa rin ang buong pagkatao ko dahil sa naging pagtatapos ng kwento na pinanood ko.
"Tell me all that's going through your head, Cassee."
Nag-angat ako ng tingin at napagtantong nakatitig na sa'kin si Xion. His gaze lingered over my entire face, leaving me with an unsettling feeling throughout my body. Naramdaman ko ang panlalambot ng binti ko.
Gosh, bakit ganiyan siya makatingin? Wala man lang warning? Nakakapanghina kaya!
"H-Huh?" Napakurap ako. "It's just a small thing-"
"Even small things,"
Bahagyang bumagal ang takbo niya nang makita ang lubak na daan mula sa malayo.
"Gusto kong malaman lahat ng tungkol sa'yo, even if it's small; kung ano mang ulam mo kagabi, kung anong paborito mong kanta, kung anong ayaw mo na movie... Every single detail of yours is important to me."
Those words give my stomach the whole zoo.
Sobra akong napako sa aking kinauupuan. This was something I didn't think of. Ni hindi ko nga kailan man naisip na magiging ganito ang epekto niya sa akin.
Hindi nagtagal ang pagkakapako ng mga mata niya sa'kin dahil nagmamaneho siya. But I still feel like I was frozen in my spot, not knowing how to move any of my little bones.
"C'mon, I'm all ears for you, Cassee."
Fuck. Nalaglag ang panga ko. I thought I have already remove the volts of electricity that he gave me - mukhang saglit lamang pala itong naka-switch off. He can switch it on whenever he want to.
My cheeks went crimson and I decided to brush it off.Akala ko ay mapapahiya ako sa harapan niya dahil sa sobrang pagkatutop, mabuti na lang at nag-ring ang cellphone naming dalawa. My phone rang, and Xion's also, since the gc of the TVOT I was with was making a call.
Pinatay ko ang akin nang sagutin ni Xion ang tawag.
"Hello?" Panimula ni Xion.
Nakahinga ako ng maluwag at sinandal ang sarili sa lingkuranan ng upaun, pinapakinggan ang pag-uusapan nila. Akala ko ay katapusan ko na. Bakit ba naman kasi ganito 'to? Pinanganak ba siya para tanggalin ang angas ko?
"May sakit si Cid... walang maglalaro for finals bukas. Eh, need ng confirmation para registrar,"
Mabilis na dumaan ang pag-aalala sa aking mukha. The moment I glanced at the phone, Bulkan's face appeared on the screen. May cat filter pa ang mukha n'ya at mukhang namimili pa ng ibang filter ang lalaki dahil sa paggalaw ng camera.
"Kumusta si Cid?" Sabi ko kaya mabilis na hinarap sa'kin ni Xion ang camera.
Mabilis naman na dumaan ang pag-tataka sa mukha ni Bulkan. His eyebrows rose in surprise, and a large gap appeared in his mouth. "Mag-kasama kayo?!"
"Hindi, sculpture lang 'yan," Pabalang na sagot ni Xion sa lalaki.
"Kayo na ba? Shit? Wala man lang akong kaalam-alam!"
I arched an eyebrow. Sinukbit ko ang takas kong buhok sa likod ng aking tainga at hinarap ang camera ng cellphone sa'kin.
"Ang ingay mo, Bulkan! Iniistorbo mo date namin," Sigaw ko sa harap ng cellphone.
Nahulog naman ang kaniyang panga, hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. Nang makabawi mula sa pagkagulat ay binalandra niya ang gitnang bahagi na daliri, nananatiling may pusa na filter sa mukha.
Laughtrip ampota.
"E 'di sorry naman, Cassee. Inaalala ko lang kasi 'yong laro namin bukas... kulang kami ng isa kasi may sakit 'yong kapatid mo," Paliwanag niya gamit ang sarkastikong tono. "Sorry ha, sorry kung na-istorbo ko date niyo."
"Apology accepted." I winked.
"Sana ma-enjoy niyo 'yang date niyo 'no?!" Galit niyang sabi. "Sana tama kami. Sana mali kayo. Sana maranasan ko rin 'yan."
Napanisn ko ang pag-agaw ni Nick sa cellphone at natatawang hinarap ang mukha sa camera. Agad na dumapo ang cat filter sa mukha niya dahilan para mapahalakhak ako ng malakas.
Nick's face is very manly because of his pointed jaw. Kaya hindi rin ako masisisi sa pag-tawa dahil sa cat filter na nasa mukha niya.
"Taksil ka, Cassee. Alam mo namang crush ko si Captain tapos aagaw-agawin mo!" Nick shouted, acting like he was crying, and even changed his tone to that of a woman.
"Bakit? Sino 'yan?" Narinig ko ang boses ni Sage mula sa likuran ni Nick.
Tinapat naman ni Nick ang camera sa mukha ni Sage at mabilis na dumapo ang cat filter sa mukha ng lalaki. I laughed so hard. Halos mamatay na ako sa kakatawa dahil wala silang kaalam-alam na may filter ang camera nila.
"Ayan oh, si Cassee,"
Bigla na lang lumabas si Jes sa camera. I covered my mouth with both hands to stop laughing because Jes and Sage both had filters on their faces now.
Baka isipin nilang nasisiraan na ako ng bait.
"Cassee, ikaw kaya ang maglaro bukas?" Jes suggested.
"Huh?" Sumeryoso naman ang mukha ko at mabilis kaming nagkatinginang dalawa ni Xion.
The idea somehow excites me. Pero may malaking parte sa'kin ang tumatanggi sa hindi malamang dahilan. Maybe because I don't want to be exposed on social media anymore.
"H'wag niyo nga kaming guluhin," Kinuha ni Xion ang cellphone sa kamay ko at pinatay ang tawag. He drove a little faster and turned to me.
"Gusto mong mag-laro bukas?
Napasandal ako sa upuan, kinakalma ang sarili mula sa labis na pagtawa kanina.
Hindi ko alam kung maglalaro ba ako o hindi. Wala na akong plano na magpanggap pa bilang si Cid at wala na rin akong plano humarap sa madla bilang manlalaro.
Matagal ko ng tinapos ang radar ko sa pag-lalaro ng mobile games. Ewan ko na lang kung mayroon pang rason na sumulpot sa harapan ko at makapagpabalik sa'kin.
"Ewan ko... pag-iisipan ko." Tipid kong sagot habang ang isip ay naguguluhan na.
Tahimik lang kami sa byahe hanggang sa matunton ang destinasyon.
Mula sa loob ng kotse pa lang ay nagtatatalon na ang puso ko sa tuwa. The view is so beautiful... so breathtaking.
Kung bibigyan ako ng pagkakataon na mamili ng matitirhan, mas pipiliin kong dito na lang... kasama ang mga mahal ko sa buhay.
As Xion and I step out of the car onto the gravel path, a rush of excitement fills me. The air is alive with the promise of spring on Jeju Island. I take a deep breath, inhaling the sweet fragrance of blooming flowers, feeling the warmth of the sun on my skin.
Sa halos isang taon na paninirahan ko rito sa Korea, ngayon lang talaga ako naka-gala at nakalibot. Wala kasi akong sapat na oras... at bukod do'n, wala rin akong pera.
I feel like I just came here to work and earn money.
As I reach out to touch the soft petals of a nearby cherry blossom, I can feel my eyes sparkling with wonder. Bumaling ako kay Xion para sabuyan ito ng petals ngunit tila ba nagbago ang ihip ng hangin nang mapagtanto ko ang panonood niya sa ginagawa ko.
He was standing tall, watching me with a playful smile.
"Maganda ba 'yong cherry blossom na tinitingnan mo?" I asked, smirking.
Umangat naman ang kilay niya at mas lalong diniin ang pagtitig sa'kin. "Sobra."
I tsked. Napaisip naman ako at nagkibit-balikat. Hindi pwedeng siya lang ang may pangbato ng kilig sa'ming dalawa. Dapat may banat din ako para sa kaniya!
"Are you a cherry blossom?" I quip, unable to contain my playful mood.
Naningkit ang mga mata niya. "Oh?"
"Kasi I'm petal-ly sprung for you!"
"'Yon na 'yon?" Tanong niya, bakas ang pagkadismayado sa mukha, kaya naman napabusangot ako. "Nakakatawa, ha ha ha." Dugtong niya pa.
I rolled my eyes. Sinaboy ko sa kaniya ang hawak kong mga petals. "Salamat sa fake laugh mo, ha. Baka suklian ko 'yan ng fake love."
Xion chuckles, his laughter echoing amidst the beauty of the spring scene.
Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Xion hanggang sa dalhin kami ng mga paa namin sa gitna ng pagitan ng dalawang naglalagas na puno. We could see the ocean, and the beauty of the surroundings made it seem as though we were staring at an artwork.
Ang ganda, hindi nakakasawang tingnan.
"You know," I say softly, "ngayon pa lang ako nakapunta rito-kaya dream come true talaga... tapos kasama pa kita. It's as if the cherry blossoms have bloomed just for us."
Hindi siya sumagot. Instead, I feel his arm wrap around my shoulder from behind, pulling me closer to him in a tender embrace.
"Xi," I called his name. "Hindi ko alam kung anong totoong nangyari sa 'yo simula no'ng tumira ako rito. Pakiramdam ko nga... sobrang sama kong tao dahil iniwan kita ro'n. Even when your mom died, I wasn't by your side," I confessed, my voice tinged with regret.
"That's the past now,"
"Kahit na," I clicked my tongue. "Totoo bang... I mean... did you have a hard time?"
Naramdaman ko ang bigat niya mula sa likuran ko, tanda nang pag-sandal ng kaniyang ulo sa 'kin habang ang mga kamay ay nananatiling nakapulupot mula sa likuran ko.
"Hindi na-"
I cut him off. "Sabi ni Ian, tinanggalan ka raw ng allowance ni Mr. Sanders. Madalang ka rin daw nag-i-stay sa camp... siguro, dahil do'n kaya hindi ka masiyadong nakakalaro sa laban niyo?"
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali. Alam kong hindi tatahimik ang sikmura ko hangga't hindi ko nalalaman ang totoo.
"Madalas akong nandito,"
Umangat ang kilay ko sa naging sagot niya. "Hindi ba't may rules ang pro-gamers na once a year lang sila pwedeng lumuwas ng bansa-maliban na lang kung may laban o may negosyo na inaasikaso sa labas ng bansa?"
He nodded his head. "Yeah, kaya nag-tayo ako ng ramen house rito para magamit na dahilan sa pagluwas-luwas ko ng bansa,"
"Bakit naman?"
"I want to see you, know where you are, and what you are doing."
Mabilis na gumawa ng kung anong kuryente ang mga salita niya sa loob ng pagkatao ko. I couldn't feel my heart beating because it was so fast.
Ang lapit sa'kin ni Xion. Nararamdaman ko ang mainit niyang hininga mula sa likuran ko.
I gulped. "S-So you mean, pinagawa mo 'yon para sa'kin?"
I asked and he nodded. Umangat naman ang kilay ko ngunit agad na nagliwanag ang mukha sa napagtanto.
Bago kami pumasok sa Ramen house, may makikita kang catchline sa dingding. It says "The ramen house: made for 20See." which appears to refer to calcium, or Ca, in the periodic table because it was the twentieth element.
So basically, 20see means Cassee.
Akala ko pa naman 20see dahil makikita mo ang jeju island mula sa Ramen house na 'yon.
"Ang smart mo sa 20see,"
I heard him laughed. Sandali kaming binalot ng katahimikan.
"Xi,"
Calling his name again, I squeezed his right hand that was wrapped around my shoulder. Naramdaman ko naman ang paggalaw niya mula sa likuran ko. His left hand caressed my hair tenderly, and I knew he was also taking in the stunning scenery that I was now enjoying.
"Hmmn?" Sagot niya, bahagyang hinahapit ng braso niya ang ulo ko habang patuloy na nilalaro ang aking buhok.
"Let's play together tomorrow." Nakangiti kong pahayag.
^________________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro