Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

32

32

Growing up, I held a grudge against Xion. Yet, as I grew older, I found myself inexplicably drawn to him.

Hindi pala talaga nakokontrol ang mga pangyayari sa hinaharap.

Akala ko no'ng una, puro galit at inis lang ang mararamdaman ko kay Xion-nagkakamali pala ako sa pagkakaroon ng kaisipan na 'yon. Because, to tell the truth, I do like Xion.

Hindi ko rin alam kung kailan nag-simula... siguro tama nga 'yong sinabi ni Cid. All I want is for someone to love me and give me attention. Marahil nga nahanap ko ang mga pagkukulang na matagal ko nang hinahanap sa mga normal na aksyon at salita ni Xion.

Wala pa kasing nagpakita ng pag-aalala sa'kin... Wala pang nag-tuon sa'kin ng mahabang oras para lang pakinggan ako... Wala pang iniwan ang mahahalaga niyang trabaho para sa'kin... siya lang talaga...

He considers every aspect of who I am... and it makes me feel loved.

Just because of his actions and his words... he makes me feel loved and important.

Pero hindi... Not in a "just" way. Siguro para sa iba, simple at normal lang 'yon. But to me, it means everything.

Hindi sa'kin pinakita ni Astre ang mga bagay na 'yon...

"Tangina, halos lahat ng love languages sinalo ko,"

Tinungga ko ang bote ng alak na hawak-hawak at parang tanga na natatawang humikbi. I immediately felt the alcohol in my throat, so I squeezed my eyes shut. Hinipak ko ang vape na hawak at muling bumaling kay Ian.

We are currently on the terrace, drinking our throats off as if I hadn't left behind not only my passport but also a part of myself, embodied in Xion.

"Ano ba kasing ginawa mo? Kanina pa ako tanong nang tanong, hindi mo naman ako sinasagot!"

I yawned. "Kasi gan'to 'yan..."

"Ano nga kasi?" Bakas ang masidhing pag-tataka at pag-aalala sa mukha ni Ian. Gustong-gusto ko talaga ang reaksyon niya kapag nabibitin sa mga kwento ko. "Tangina, 'yan tayo, Cassee, eh. Parang nakikipag-gaguhan. Iiyak-iyak ka sa harapan ko tapos 'di mo sasabihin 'yong dahilan? Ano 'to?! Guessing game?"

"Pwede bang h'wag kang maingay?" Inarko ko ang kilay ko. "Inaalala ko pa kung paano nag-confess sa'kin si Xion-"

Lumiwanag ang mukha ng lalaki. "Totoo? Tangina? Anong ginawa mo-I mean anong sinabi mo?!"

"Sinabihan ko siyang pabigat lang sa'kin," I leaned my head against the height of the chair with tears running down my cheeks. "Gusto ko rin 'yong tao, Ian... kaso... sinabi ko na lang na ituloy niya 'yong pag-sampa ng kaso sa'kin.... tapos... sinabi ko rin na sana hindi na ulit kami magkita..."

Expressing my true feelings is my weakness. Ayaw ko kasing makita at maramdaman nila kung ano ang totoong nararamdaman ko... Dahil pakiramdam ko, masiyado akong mahina kapag hinayaan ko ang sarili ko na maramdaman at iparamdam ang mga bagay na 'yon sa ibang tao.

I don't want them to know that I lack attention and love. I therefore act heartless and constantly irate with others.

"Sasampahan ata ako ng kaso ni Xion..."

"Masakit ba?"

Umangat ang tingin ko sa kaniya at umirap. "Bobo mag-tanong ampota. Malamang, oo!"

"Bobo ka kasi," Malakas niya akong hinampas, gigil na gigil na. "Aarte-arte kang malakas sa harap nila tapos kapag nakatalikod at wala ng tao, iiyak-iyak ka na tapos magmumukmok! Everything can change if you show your true feelings, kaso wala! Bobo ka kasi!"

"Ano na naman bang sinasabi mo riyan?!"

"Walang nang-i-invalidate sa feelings mo, Cassee, sarili mo lang lagi," Seryoso niyang ani. "Nakakainis na... you always dismiss your feelings and act as if your feelings don't matter and are wrong."

There's a big lump in my throat. "Bakit? Deserve ko bang maramdaman 'yon-"

Pinutol niya ako at malakas na hinampas sa braso. "Oo, akla; deserve mo lahat-lahat. Lagi mo lang kasing iniisip 'yong iisipin ng ibang tao, kaya maski sarili mo, pinagsisinungalingan mo,"

"Sabihan mo kaya 'yang high ego self mo na 'wag matakot mahusgahan," He continued. "Hindi ka robot, Cassee, hindi ka rin Vile na puro galit lang ang nararamdaman. It just affected the genuine happiness you should be enjoying."

Should I start by recognizing and accepting my emotions without fear of judgment?

Bahala na.

Kinabukasan, masakit ang ulo ko nang magising. Ian was sleeping on the sofa when I woke up in his bed. Hinayaan ko lang matulog ang lalaki at inasikaso si Cyren sa pagpasok niya sa paaralan.

"Mi, nag-bye-bye na po ako sa mga classmates ko po,"

We are supposed to take off later in the evening. Naka-impake na ang lahat at handa na ang mga gagamitin at susuotin namin para sa gagawing pag-alis ng bansa. Pero hindi matutuloy ang plano dahil sa nakaabang na kaso sa'kin.

Inilagay ko ang berdeng laso sa tuktok ng kaniyang ulo bago siya hinarap sa'kin. "Is it okay po ba kung hindi tayo tuloy? Nagkaproblema kasi sa passport ko..."

"Ayon po ba ang reason kung bakit ka po nag-cry last night?" Seryoso niyang tanong. "Don't worry po, Mi, okay lang po if hindi tuloy... h'wag na po kayo mag-cry, hehe. Punta na lang po tayo sweet treats mamaya after uwian, please? Want mo kasi ng ice cream everytime na hindi ka happy 'di ba po?"

Sweet treats...

"Sige, basta h'wag kang lalabas ng school mo hangga't hindi mo ako nakikita, ha."

Nanatili lang ako sa unit ni Ian buong mag-hapon hanggang sa mag-uwian si Cyren. I cleaned, cooked, and did anything else that would help me forget what had happened. Hinihintay ko lang na may umaresto sa'kin na mga pulis dahil nakahanda na ang sarili ko sa kahit anong mangyari.

Kaso nga lang, walang dumating kaya naman dumiretso na ako sa eskwelahan ni Cyren. I took her to her room and like I promised her, we went to the sweet treats.

Napapansin kong nagiging paboritong lugar ni Cyren ang sweet treats. Halos hindi nag-sasawa ang batang babae sa lasa ng mga pagkain na tinda rito.

"What do you want?"

Cyren pouted, tapping her lower lip using her index finger. "Blueberry cheesecake, Mi!"

Tumingin naman ako sa kaniya. "Take out natin, ha. Sa park ulit tayo kain?"

"No, Mi,"

"Anong no?" Umarko ang kilay ko at pinanood ang pag-tambok ng mataba na pisngi ni Cyren nang ngumiti ito at saka nilaro ang dila niya sa loob ng pisngi.

Kaya nga ako nagmamadali dahil madalas nandito nagpapalipas ng oras si Xion kapag ganitong oras. I'm not ready, I don't want to see him yet, and I'm not even sure what face to give him after what happened.

"I invited someone po, Mi," She giggled. "He's a friend of mine po, Mi. Nakilala ko rito sa sweet treats.I told him to eat here with me before our flight. Sabi naman po niya sige raw."

Agad na nagkasalubong ang dalawang kilay ko.

"Sinabi ko bang makipag-usap ka sa stranger?"

"Ang sakit mo naman," Halos magulantang ako nang marinig ang boses mula sa likuran. "Stranger pala ako, haha, sige, uwi na ako."

"Hello po, Kuya!"

Halos mapapikit ako sa inis nang tumambad sa paningin ko ang mukha ni Adonis. Xion's friend.

"Hello, bibi! Gusto ko sanang sumama sa inyo sa South Korea, kaso baka ipatapon ako ni Reducted sa North Korea dahil sa selos," Adonis laughed and roamed his eyes around the shop. "By the way, wala naman dito si Reducted, pwede kong sabihan na maganda mama mo."

I clenched my fist. Sino naman kayang reducted ang tinutukoy nito?

"Thanks," I rolled my eyes in irritation and looked down at Cyren. "Let's go, Cy. Ang daming sinasabi ng stranger sa harapan natin, kapag ako nainis, matatapalan talaga ng icing 'yang bunganga niyan."

"Ang sama ng ugali neto, pasalamat ka iniingatan ka ni Reducted-kung hindi, baka nabira na kita,"

I faced him. "Sino ba 'yang reducted na tinutukoy mo? Wala akong kilalang reducted, wrong number ka ata."

"Hindi mo talaga kilala?" Nag-pamaywang pa ang lalaki. "Hayaan mo, tinawagan ko na 'yong may-ari ng shop. Sabi ko may nag-eeskandalo rito at gusto raw tapalan ng icing 'tong kissable kong lips."

Mag-ari ng shop? Si Xion? Tangina.

"Si Kuya pogi po ba 'yon, Kuya Adonis?"

Nahulog ang panga ni Adonis. "Kapag kay Reducted kuya pogi? Tapos sa'kin Kuya lang? Nasaan naman ang hustisya ro'n?"

"Baka nasa butas ng ilong mo," Iritado kong sabat sa usapan ng dalawa at muling bumaling kay Cyren. "Bakit ka nakikipag-usap sa gan'yang klase ng tao? Alam mo bang siya 'yong nasa balita na nakatakas sa mental kagabi lang-"

"Adonis-"

Halos malagutan ako ng hininga nang magkasalubong ang mga mata namin ni Xion. Kakapasok lamang niya sa shop ngunit halos hindi ko na maramdaman ang puso ko. He had on a black short and a grey hoodie. Magulo ang kaniyang buhok at ang iilan pa nga ay natatakpan ang kaniyang magang mata.

Did he cry?

Agad akong napalunok at bumalik sa reyalidad nang mapagtantong napatitig na ako sa lalaki. I turned to face Adonis while grabbing Cyren's arm and prepared to walk away as if I had not noticed Xion.

"H'wag ka na ulit magpapakita sa anak ko, Adonis, ha. Baka mahawaan mo 'to ng sakit mo sa-"

"Cassee," Baritonong boses ang tila ba bumalot sa katahimikan.

Napatahip ang puso ko at tatlong beses napalunok. I find myself blinking three times trying to find the words I lost and unable to even look at the man who called. Tila ba napako ako sa kinatatayuan.

"Uy," Naagaw ang atensyon ko nang dramatikong takpan ni Adonis ang bibig niya. "Shet, ano 'to, lord. Katatapos ko lang kay Attorney at Lyn, andito naman ako ngayon... lagi na lang talagang ipit sa relasyon ng iba."

I widened my eyes at him. "Tangina mo, Adonis, hindi ka lalabas ng sweet treats ng may ulo."

"Bastos ampota, manyak! Kitang may bata, eh!" Dramatiko niyang sigaw at bumaling kay Cyren. "Tara, bibi, order tayo ro'n. Iwan muna natin 'yang dalawa, deserve nila ng silence at mag-unwind together."

Hinigpitan ko ang hawak ko sa braso ni Cyren at mas lalong pinanlakihan ng mata ang lalaki. "Aalis na kami-"

"Mag-uusap po ata kayo ni Kuya pogi, Mi, eh,"

"Hindi ah, hindi ko naman s'ya kilala-"

Umiling si Adonis. "H'wag kang maniwala riyan, bibi, magkakilala 'yang dalawang 'yan." Gusto ko pa sanang hawakan si Cyren pero tuluyan siyang hinila sa'kin ni Adonis at dinala sa counter, medyo may kalayuan sa kung saan nila ako iniwan.

Shit...

"Cassee,"

Para akong tanga dahil hinanap ko ang pag-aalala at iba pang sangkap sa tono niya na nakasanayan ginagamit sa tuwing kakausapin niya ako. But I found nothing... just coldness.

Tangina naman, Cassee. Ano bang gusto mong mangyari pagkatapos mo siyang pagsalitaan ng mga masasakit? Na habulin ka niya? Na magmakaawa siya sa 'yo at sabihing gusto ka niya?

I'm too toxic... napapagod din naman si Xion.

Hinugot ko ang natitirang lakas sa'kin bago bumaling kay Xion.I arched my brow, and my jaw almost dropped when I saw him holding my passport. Mag-sasalita na sana ako ngunit mabilis niyang kinuha ko ang kamay ko at inabot sa'kin ang bagay na 'yon.

"Pinabura ko lahat ng videos at posts tungkol sa 'yo-"

"Bakit naman?"

"Let me speak first," Malamig niyang tugon at tanging lunok at tango lamang ang nagawa ko. "Tanggapin mo 'yang passport mo, live where you want. Inurong ko rin 'yong kaso, sana hindi ka na ulit magtanong kung bakit."

Para akong binubuhasan ng malamig na tubig sa tuwing tatama ang matikas niyang tono sa dulo ng aking tainga. Tanging pagtitig lamang sa gumagalaw niyang labi ang nagagawa ko kahit na gusto kong mag-salita.

"Hayaan mong ipa-bura ko lahat ng posts tungkol sa'yo sa social media para..." His jaw tightened. "Para mabilis kitang makalimutan..."

Isang malaking bara ang tumabon sa lalamunan ko. I took a firm hold of the passport and shot Xion a furious glance. Hindi ko alam na ganoon niya lang kadali masasabi 'yon... it was as if my heart had cracked.

Humugot siya ng malalim na hininga, hindi ako hinahayaang mag-salita. "Don't say any word and just leave, ayaw ko nang marinig ang boses mo. And I hope our paths never cross again."

Natigilan ako at ilang minuto bago maiproseso sa isipan ang mga sinabi niya. Thankfully, I was unable to speak as he said because of a big blockage in my throat. Pinalis ko ang mga luhang dumausdos sa aking pisngi at binuhat paalis si Cyren sa lugar na 'yon.

"Mi, why ka po umiyak ulit?" Sumimangot siya habang abala na pinupunasan ang luha sa pisngi ko. "Inaaway ka po ba ni Kuya pogi? O ni Kuya Adonis?"

"Wala, tears of joy lang 'to," Inanat ko ang passport ko. "Naayos na 'yong passport, tuloy na tayo mamaya, ha. Matulog ka muna para gisingin kita mamayang ala-siyete tapos aalis na tayo..."

"Sure ka po, Mi?"

Mabilis akong tumango-tango at pekeng tumawa.

Ganoon ang nangyari, alas-siyete pa lamang ay umalis na kami sa unit ni Ian upang tumahak patungo sa airport. Magang-maga ang mata ko kakaiyak kaya naman minabuti kong mag-suot ng itim na salamin upang matakpan ang mata kong pagod.

"Ang taray, artista ang peg?"

Hindi ko pinansin si Ian at sinalampak ang earbud sa tainga ko. We are currently in the waiting area, just waiting for our flight time. Nasa gilid namin lahat ng bagahe na dala-dala habang prenteng naka-upo habang tinatanaw ang dagat ng mga tao.

"Either mapagkamalan kang bulag o may sore eyes." Tawa ni Ian.

I rolled my eyes and focused on, looking at the people in front of me and listening to my favorite song. Nasa tabi ko lang si Cyren at mukhang boryo na siya dahil halos isang oras na kaming nandito nakaupo, naghihintay na makaalis.

Mas maganda naman kasi ang maaga kaysa sa maiwan ng eroplano.

"Ven, the CEO of Ven's, had a heart attack and passed away at twelve in the evening due to stress. According to her driver, she went to the TVOT camping game before the tragedy happened."

Halos hugutin ko ang earpod na nakasalampak sa tainga ko nang makita ang litrato ni Ven sa screen ng cellphone ni Ian. I turned to face Ian and gave him a startled look before grabbing his arms.

"Ano raw sabi?" Nilingon lang ako ni Ian. "Ano nga? Hindi ko mas'yadong narinig, naka-earpods ako."

I want confirmation... that what I hear is not true.

Hindi maipinta ang mukha ni Ian nang lumunok ng sariling laway. "Patay na raw si Ven-teka nga, baka naman fake news lang?!"

"Verified user 'yong nag-post... paanong fake news lang?" Kinuha ko ang cellphone ni Ian at mabilis na rumehistro sa lalamunan ang galit, pagsisisi at awa sa sikmura ko. It was as if cold water had been poured over me.

Binawain ng buhay kagabi lang si Ven... binawian ng buhay ang nanay ni Xion kagabi lang...

The same night I left Xion... and make him feel like he was a burden for me.

"Ian..." Halos pumiyok ako nang tawagin ang lalaki. "Kasalanan ko ba 'yon?"

Nagkasalubong ang dalawa niyang kilay at inis na bumaling sa'kin. "Anong kasalanan mo? Wala kang kasalanan do'n-"

"Hindi kasi, Ian-sabi inatake raw si Ven no'ng gabi na pumunta siya sa Camp... e, ang pinag-usapan lang naman nila no'n... ako," Napatahip ang puso ko. "Inatake siguro siya sa puso dahil sa'kin, Ian."

Before Ven passed away, I was there, listening to her angry tone. Galit na galit siya... at kitang-kita ko kung paano halos mamula ang mukha niya sa galit dahil sa pag-suway ni Xion sa kaniya. And it all happened because of me.

"Okay lang kaya si Xion?" Siguro isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit magang-maga ang mata niya noong nakita ko kanina sa sweet treats?

Humugot nang malalim na hininga ang lalaki habang ang noo niya ay lukot na lukot na at halos hindi na mapakali. His expression was a mix of disappointment and panic, para bang napakalalim ng iniisip niya.

"Hindi ko alam, akla," He said in a low tone as he shook his head. "Masakit 'yon para kay Xion... sakto pang nawala si Ven nung gabi na nakipag-usap ka sa kaniya..."

Mariin akong napapikit at tinikom ang kamao sa inis na nararamdaman sa sarili.

Fuck, Cassee... Everything was too much for Xion... Everything weighs a lot.

Tumingala ako upang pigilan ang luha na nais kumawala sa mga mata ko. "Tangina, sinabihan ko pa siyang mabigat sa'kin... eh, ako naman talaga 'yong mabigat sa kaniya at lagi niyang pasan-pasan sa likod."

"Nasa Pilipinas pa tayo, Cassee, pwede ka pang hindi tumuloy."

Iminulat ko ang mga mata ko at saglit na tinitigan si Ian.

Tutuloy ba ako o hindi? I have no idea what might occur if I follow his advice. and everything will be alright if I keep living in a different nation.

Isa pa... galit sa'kin si Xion. Baka kapag nasa harapan niya na ako, paalisin niya lang ako at pagbuntungan ng galit.

Marahan akong umiling habang pinupunasan ang luha na rumaragasang sa balat.

"Hindi na," Desidido kong sagot. "Mas magiging okay siguro kaming dalawa kung lalayo ang isa."

I leaned back in the chair and put in my earbuds, silently deciding to give Xion space and begin letting go of thoughts about him.

^______________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro