Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

31

31

Hindi pa man din ako nakakaapak sa loob ng korte, hinahanap na ng mga mata ko ang presensya ni Xion. And I had no idea he was watching and listening to my papa as he unveiled me.

Binigkas niya ang pangalan ko ng puno ng galit at pagsisisi.

Galit na galit siya... His tightened jaw and dark bloody eyes communicate his anger. Alam kong gusto niyang manakit pero nangingibabaw ang pagtitimpi sa kaniya.  

"Maniwala ka sa'kin, Xion..." I almost beg for his ears. "Let me explain. Pakinggan mo naman ako, please—"

Kusa kong pinutol ang sinasabi nang maramdaman ang pag-yapos ng panghihina sa katawan ko. 

I glanced away and looked back at Xion with a blank face. There were no emotions, but the sad and begging feelings were evident in my face.

Gusto kong tanungin kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Now that he knows the truth, I want to be sure of what he plans to do with me... kung may balak ba siyang ipakulong ako katulad ng ginawa niya sa tatay ko?

"Look, Xion... I am not afraid of fucking consequences... Kahit ipakulong mo pa ako... But at least, please lend me your ears just this once,"

"Bakit pa?" Xion laughed sarcastically. Malagkit ang tingin na pinupukol niya sa'kin, para bang diring-diri siya sa buong pagkatao ko. "Don't make me believe anymore... H'wag mo na akong paniwalain na may pagkakatiwalaan pa ako."

Mabilis akong umiling. 

"I'm not asking for us to be okay after what happened... I just want you to know my stories," Isang bulto ng luha ang nahulog mula sa mata ko. "Kasi... biktima rin ako, eh."

They used me. I'm also a victim...

Napaangat ako ng tingin nang mapansin ang pag-hugot ng malalim na hininga ni Xion at muling mahinang tumawa. He clenches his jaw and fist in an attempt to calm his racing mind down.

"Sigurado ka? Biktima?" Puro ng pagiging sarkastiko ang tunog ng kaniyang tono.

Bahagya namang nahulog ang braso ko. He doesn't believe me anymore... para bang lahat ng sasabihin ko ay kasinungalingan para sa kaniya.

"Bakit hindi mo kasi ako pakinggan, Xion? Just this once—"

"Bakit?" Ulit niya sa tanong ko habang ang isang kilay ay naka-arko. "Kasi natatakot na ako sa 'yo... you are a pack of lies,"

Trust is like a glass; once it breaks, it will never mend.

 "Akala ko pa naman-kilalang-kilala na kita," May emosyon sa mga mata niya na hindi ko mawari at maipinta. "Ibang tao pala 'yong kinilala ko." 

His words feel like a knife that has been stabbed in my back. Paulit-ulit akong lumunok at kumurap, hindi ma-iproseso ang mga pangyayari. Walang lumabas na kahit anong salita sa bibig ko at napalunok na lamang nang mapagtantong wala na si Xion sa harapan ko.

I understand Xion's anger toward me.

Sanay naman akong galit siya sa'kin. Pero ang gulo kasi... hindi ko maintindihan kung bakit gan'to ang naging reaksyon ko nang malaman na galit siya sa'kin. May kirot sa puso ko ngayon na hindi katulad ng dati na halos tawanan ko pa ang ideya na galit siya sa'kin.

Is it because I'm too much?

Isang buong gabi kong dinamdam ang mga salita na nanggaling sa bibig ni Xion na tila ba ayaw ng kumawala sa pagkakasaksak sa'kin. It permeated my entire being... maging ang lalamunan ko ay nagkaroon ng malaking bara.

"Okay naman sa'kin makulong..." Napanguso ako. 

Nakaupo lamang ako sa gilid ng veranda ng unit ni Ian habang pinapanood ang mga nakatanim na bulaklak sa tuwing tatangayin ito ng hangin. 

"Ahh, ang bobo ko talaga kahit kailan!" Sinipa ko ang paso at padabog na binagsak ang sarili sa malambot na upuan. "Tangina, gulong-gulo na naman 'tong buhay ko! Paano ka na ngayon, Cassee? Ang tanga mo kasi! Bwisit!"

I spent hours gaslighting myself. Pero walang nangyayari. I can gaslight myself all night, but my ego is not that dumb to be deceived.

Natigalgal ako nang marinig ang pag-ring ng cellphone ko. I glanced at who it was and frowned as soon as I saw Cid's doctor's number. Isa lang naman ang posibleng rason nang pagtawag niya.

"Good afternoon, Miss Acosta, this is Cid's doctor... I have a good news," The doctor sounds happy in his tone, mukhang good news nga ang sasabihin niya. "Cid is awake."

Halos hindi ko maramdaman ang puso ko dahil sa gulat na nararamdaman. And to be sure I understood what the doctor had said, I made him say it again. Kinulit ko pa ang doctor na bigkasin ito ng mas malinaw.

At totoo nga... Cid is awake, I have to visit him... kailangan ko siyang makita at makausap. 

I changed into a white shirt that I just paired with simple denim pants, and I also brought a cardigan. Paglapat na paglapat pa lang ng paa ko sa labas ay agad na tumambad sa tainga ko ang sunod-sunod na bulungan ng mga tao na malalagpasan ko. 

I wonder why... lukot ba ang damit ko? May dumi ba ang mukha ko? Mukha ba kong zombie dahil sa sobrang pagkabangag? Kung hindi... ano? Bakit nila ako pinagtatawanan at pinagbubulungan?

"Pangit naman niya, gago," Kumento ng isang babae habang nakatingin sa'kin ng madumi at tumatawa. "Kawawa naman buong TVOT team, nagdudusa dahil sa kaniya ngayon."

The other girl laughed. "Dapat nga ikulong na rin 'yan."

However, it seems like it was as a result of what happened. 

Shit... shit... Cassee, h'wag kang maaapektuhan... tangina nila. Sino ba sila para pag-salitaan ka ng pangit? 

Pinilit kong iangat ang mood ko at kunwari ay hindi naaapektuhan sa naririnig. But it was too much... maski ang tainga ko ay bumibigay na at gusto na lamang mag papunit.

Naghanap ako ng palikuran at agad na sumabog ang emosyon nang maihakbang ang paa sa loob. Fortunately, there were many vacancies so I got in right away without having to stand in line.

"Si Cassee 'yong pumasok 'di ba?" Boses ng babae ang bumalot sa tainga ko. "Umiiyak ba 'yon?"

"Who that?"

"Iyong anak ng kriminal? Na nagpanggap maging kambal niya para makapasok sa TVOT," I heard a laugh from the outside, so I stopped what I was doing. "Balita ko, may relasyon 'yong poging captain ng TVOT at siya..."

Bahagya akong napalunok, mas lalo lamang lumalaki ang bara sa lalamunan.

Everyone knows right now that I'm Cassee Yvonne Acosta, who pretended to be my twin to enter the TVOT group. They also think that I and Xion have a thing. Alam ng iba ang totoong nangyari dahil sa balita, at ang iba naman ay nagpapakalat lamang ng haka-haka na mas lalong nagpapalala sa sitwasyon.

"Weh? si Xion? tangina, crush ko pa naman 'yon... totoo ba?"

"Oo nga, malandi kasi 'yong Cassee. Target na ata talaga niya si Xion bago pa lang mag-audition sa TVOT,"

Ayan na naman ang bulungan nila tungkol sa'kin. Ayan na naman ang mga mapanghusgang tao na hindi naman alam ang totoo at buong pangyayari... ayan na naman sila sa mga salita nilang akala ay hindi kapwa-tao ang pinaguusapan.

I'm so tired of it.

Mariin kong pinag-lapat ang labi ko upang ipitin ang pag-hikbi. I used the cardigan to wipe my tears three times, but they didn't seem to stop. Para bang wala itong balak tumigil.  

"Akala ko ba siya 'yong pumatay kay Polca?"

"Kasabwat siya," Mahinang bulong ng babae. "Hindi ko nga alam kung bakit pa nandito 'yan... balita ko nag-baba si Xion ng statement na ipapakulong niya rin 'yang si Cassee."

Natutop ako sa narinig. 

I thought that Xion was unable to put me in jail. However, it appears that he actually made the decision to imprison me. 

Ang tindi ng galit niya sa'kin... hindi man lang ako pinakinggan.

Akala ko pa naman kakampi ko siya... hindi rin pala. 

"Akala ko ba may something sa kanila?"

A laugh enveloped my ear. "Something went wrong na ngayon, teh. Baka nga fake news lang 'yong may something sa kanila kasi 'di ba, ang taas ng standard no'n ni Xion... imposibleng ibaba niya para sa kriminal na panget na yon."

Mariin akong napapikit at hirap na hirap hugutin ang hininga bago muling imulat ang mata. 

Napaangat naman ako ng tingin nang mapansin ang cellphone na nakapatong sa pinto ng palikuran kung nasaan ako ngayon. It focused on me so I quickly wiped away my tears. Aabutin ko sana ang cellphone ngunit agad itong nawala.

"Uy, gagi, ang taas ng views natin,"

"Ilan?" The other girl asked. "Gago, oo nga, twenty four k."

"Chismis eh, syempre dudumugin."

Nagtawanan ang tatlo. 

Naka-live ba sila? Tapos nakatutok iyong camera sa'kin? Tangina.

Hindi ako nag-dalawang isip lumapit sa tatlong babae na mukhang nasa kolehiyo na. Based on their uniforms, they're nursing students. Halata ang pagkataranta na dumaan sa kanilang mukha ng tumigil ako sa harapan nila.

Tang ina, wala naman kasi akong balak tumalo ng mga tao ngayon... pero kasi sobra naman na.

"Naka-live pala kayo?" Barumbado kong tanong nang makalabas mula sa maliit na banyo. "Anong sabi sa mga comments? Nag-e-enjoy ba sila?"

Halos mamutla ang tatlong babae nang makita ako sa harapan nila. 

"Sorry po,"

Bahagya akong tumawa nang marinig ang paghingi nila ng paumanhin. 

"Wala naman akong paki kung ako ang laman ng live n'yo, gusto ko pa nga kayong i-congrats kasi naka-twenty four thousand views agad kayo," I clenched my fist to refrain my hand from slapping their faces and pulling their long hairs. "Ang akin lang—"

"Sorry po talaga, hindi na po mauulit—"

"Ang akin lang naman kasi, paano kung wala akong saplot sa loob ng banyo tapos na-video-han niyo ako? Eh 'di makikita nila iyong kaluluwa ko ng libre? Lugi naman ako ro'n kasi kayo ang kikita habang ako, hindi?"

"Sorry po talaga, A-Ate..."

"Sorry amputa, sarap mantsahan ng mga uniforms niyo," Humakbang ako palapit sa may-ari ng cellphone na ginamit nila. "I-delete mo 'yon habang pinipigil ko pa sarili ko na h'wag isaksak sa bagang mo 'yang lahat ng syringe na mayroon kayong tatlo?!"

Halos manginig-nginig ang babae nang kuhanin ang cellphone sa bulsa niya. She was so scared that she even entered his password twice. Pinanood ko ang mabilisan niyang pag-lunok bago tuluyang burahin ang live.

"Nanghihinayang ka ba sa views?" Pinandilatan ko ng tingin ang babae. "Tangina neto, pasalamat ka hindi ako nangbibira ng butas ang stockings."

Umamba ako ng sampal sa kaniya ngunit agad din na nilimit ang sarili. I still have to go see Cid... ayo'ko munang gumawa ng eskandalo kasama ang mga makikitid ang utak na mga nursing na 'to.

As I exit the restroom, I hastily wipe away the tears that have fallen. Nanginginig ako sa galit at sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. 

Tangina, everything about me is already unveiled. 

My vulnerability and my toxic side were exposed.

Gusto kong yupiin ang sarili ko sa apat para hindi na ulit nila makita. I feel ashamed that they are aware of my true self. My flaws... and my lies.

Nalaman na nila yung totoong ugali ko na dumidepende sa opinyon nila. Na binabase 'yong buhay ko sa opinyon nila. Na... kayang kaya nila akong kontrolin

"Tangina kasi, bakit ba hindi ko maiwan at hindi bigyan pansin 'yong mga sinasabi nila sa'kin?!" I shouted to myself. "Lahat na lang pinupuna ko... bakit ba hindi ko kayang mabuhay ng hindi pinapakinggan mga sabi-sabi nila? Ano naman kung ayaw nila sa'kin? Ano naman kung..."

I took a deep breath and clenched my fist.

It's so hard... to trust and be my own self.

Mugto ang mga mata ko nang lumakad patungo sa hospital. Minabuti ko pang dumaan saglit sa bungad ng palengke upang bumili ng mga prutas kahit na mugto ang mga mata at pinagbubulungan ng tao. 

Nagpanggap akong bingi at bulag para lang makabili ng prutas na ibibigay ko kay Cid. 

"Cid," Tawag ko sa pangalan ng kambal na kasalukuyang nakahiga at nanonood.

Looking in his face now, he already looks okay. Nagkalaman na siya ng kaunti, hindi katulad noong nakaraan na halos makita na ang buto niya dahil sa tubo lang naman dumadaan ang pagkain na mga kinakain niya.

Mabilis na luminga ang lalaki sa'kin at hindi man lang ako pinakitaan ng kahit maliit na ngiti. He turned his eyes to the television he was watching and ignored me as if I were an air.

Bahagya akong natigilan ngunit hindi na nagulat sa inaksyon niya.

Sure, Cid and I are not that close. Ako lang naman talaga ang nagtutulak sa sarili ko para mapalapit sa kaniya kahit na mag-mukha akong tanga dahil sa pagsisiksik ng sarili ko sa lalaki. I just want to have a bond with him.

Gusto ko rin kasing maranasan iyong makasundo ang kambal ko... lalo na sa tuwing makikita ako ng mga tao, tatanungin agad nila ang tungkol kay Cid. 

I heaved a sigh and put down the basket of fruits that I bought from the outside. Umupo ako sa bakanteng upuan na nakapwesto sa harapan niya at bahagyang napanguso, nililibot ang tingin sa puti niyang silid.

I have the same figure as Cid. Matangos ang kaniyang ilong na mas lalong nagpapahulma sa mapula niyang labi at ang makapal niyang kilay na bumagay sa bilugan niyang mata.

The clues that people used to identify who was in front of them are still vivid in my mind. Marami akong nunal sa mukha habang si Cid ay sa kilay lamang.

"Bakit ka nandito?" He coldly asked. 

Umangat naman ang kilay ko. "Hindi ba pwede? Halos anim na buwan ka ring nandito—"

"Ano naman ngayon?"

Tinikom ko ang bibig ko at napatuwid sa pagkakaupo. 

Ako ang unang lumabas sa sinapupunan ng nanay namin, kaya pakiramdam ko ay dapat ko pa ring ipakita ang pagiging responsableng ate sa kaniya kahit na ilang minuto lamang ang tanda ko sa lalaki. 

I closed my eyes tightly as my chest gradually tightened.

"Hindi ko alam kung saan mo nakukuha 'yang galit mo sa'kin—"

Tuluyan niya akong hinarap pagkatapos putulin ang sinasabi. "Ano 'yong napanood ko sa balita? You pretended to be me to get into the TVOT group?"

Naiwan akong nakanganga, hindi matanggap na maski siya ay galit sa'kin.

"Sinabi lang 'yon ni Pap—"

"H'wag mo nang linisin 'yang pangalan mo, Cassee. Kalat na kalat na nga 'yang kagaguhan na ginawa mo," He clenched his jaw. "Mag-kasabwat kayo ni Papa sa pagpatay kay Polca? Para ano? Ganoon ka ba kasakim magkaroon ng nanay? Kaya pati iyong CEO ng Redvelbeth tinulungan mo sa pag-angat para tratuhin kang anak?!"

May kirot sa dibdib ko nang pakinggan ang sunod-sunod na mga salita na lumalabas sa kaniyang bibig.

He sounded as if I were like a greedy looking for love and attention.

"Gan'yan ba tingin mo sa'kin?" Basag ang boses kong tanong. 

"Oo," He plucks his lips. "'di ba nga, iniwan mo ako sa gulayan tapos sumama ka sa mga madre kasi gusto mo ng may tatayong magulang mo at mag-aalaga sa 'yo?"

Mabilis akong umiling. 

Everything flashes back to me.

"Hindi kita iniwan no'n... hinanap nga kita sa gulayan kaso nagtatago ka kasi ayaw mong mapunta sa bahay-ampunan... habang ako, sapilitang kinuha ng mga madre," I laughed. "Akala mo ba gusto ko ng—"

"Sinungaling," Nanlilisik ang mga mata niya. "Bakit hindi mo na lang aminin na kulang ka sa pagmamahal at atensyon kaya hinahanap mo 'yon sa ibang tao?!"

Hindi ako nakapagsalita.

"Kunwari ka pang walang paki sa mundo..." Humalakhak ang lalaki. "Kilala kita, Cassee. Gagawin mo lahat para magustuhan at mahalin ka ng mga tao. Tapos ano? Iyong mga taong may ayaw sa 'yo? Hindi ba nilalason mo utak mo tapos nagpapanggap na walang paki kahit na iniiyak-iyakan mo 'yon gabi-gabi?" 

"Ano bang sinasabi mo?" I shouted. "Ang tanga mo naman para husgahan agad ako kahit sa balita mo lang nalaman 'yang mga pinagsasabi mo."

"Bakit, hindi ba totoo?"

Mariin akong napapikit. 

Maybe... Cid was true... I was just longing for love and attention.

"Ano naman?! Tangina n'yong lahat!" I shouted from the top of my lungs and quickly left his room with a heavy heart.

Naglakad ako sa labas dala-dala ang pakiramdam na galit sa'kin lahat ng tao. Mabigat pala sa pakiramdam kapag ikaw lang ang mag-isa... iyong pakiramdam mo ay wala ka ng kakampi na tatayo para sa'yo.

It really sucks. 

Gusto kong ibuhos lahat ng galit at ano pang emosyon ko sa pamamagitan ng malakas na pag-sigaw at pagmura sa kawalan. But I had no energy anymore... and don't do anything but cry like a crybaby.

"Mi!"

Mabilis kong pinunasan ang luha na lumalandas sa aking pisngi nang marinig ang matinis na boses ni Cyren. I watched her run to the couch I was sitting on with her dextrose on and sit next to me.

Nakasuot siya ng simpleng pulang sando na may kapares na short at malaking pulang laso sa kaniyang umaalon na buhok.

"Gagaling na po ba ako, Mi?" Lumabi siya. "I don't want dextrose in my body anymore, Mi. Hindi po ako maka-walk nang maayos because po I have to take it with me wherever I go."

Matamis akong ngumiti sa batang babae at mahigpit itong niyakap. "Gagaling ka na, ako doctor mo, eh!"

I really miss hugging her. Lahat ng tungkol sa kaniya, miss na miss ko hanggang ngayon. Naiinis nga ako sa tuwing makikita ko ang naging epekto ng mga gamot na tinurok sa kaniya. Pakiramdam ko ay kasalanan ko rin 'yon dahil hindi naman mangyayari ang bagay na 'yon kung hindi ako naging pabaya.

"Mi," Kumalas siya sa pagkakayakap. "Is it true po ba na you pretended to be tito Cid po kaya lagi kang wala sa tabi ni baby Cyren?"

Umangat ang kilay ko at sinamaan ng tingin ang babae. "Saan mo nalaman 'yon? I told you 'di ba, don't watch news-"

"Kaya nga po, Mi. Nalaman ko lang po 'yon sa newspaper na naiwan ni Tita Ian sa Sala," Puno nang pag-aalala ang kaniyang mata. "Totoo po ba 'yon, Mi? Kasi... everyone is talking about it po, ih."

Napayuko ako, hindi alam kung paano sasagutin si Cyren. I don't want to lie to her, pero ayo'ko rin mamulat siya kaagad sa mga malalim na bagay na 'to. She's too young; she deserves to enjoy herself instead of bothering about my crimes.

Hindi ko rin naman mapipigilan ang mabilis na pag-ugong ng balita kaya maski kay Cyren ay nakarating. That news is widespread, and TVOT is now trending again... at ang pangalan ko.

Marami akong nabasa na kumento na una pa lang, hindi na sila kampante sa presensya ko. Ang iba naman ay gulat dahil sinusuportahan nila ang naturang si Cid. And now, they are protecting TVOT against me, and they are all now using the hashtag Cassee_is_a_vile_that_has_been_unveiled.

"Mi, don't mind them po, ha," Isiniksik ni Cyren ang sarili niya sa dibdib ko. "Don't let them judge you po, Mi. Sarili lang po natin ang makakapanghusga sa'tin, Mi... And if everyone hates you po, don't mind them and just think of the person who likes and believes in you.. Just be happy and live freely, Mi."

Mabilis na nag-tubig ang mata ko. I also feel my lips shaking because of the pain I feel.

"I love you po." I hugged her tight as if there's no tomorrow.

Simula nung una, I was trying so hard to act like I was never been hurt by what they said about me. I was trying so hard to act like I was so strong and I'm not affected by them.

They all know that I'm strong enough even though all of them hating me.

But little did they know... I was affected.

Kaunting kibot pa lang tungkol sa'kin, nasasaktan na ako. It made me fell silent until the day end. It made me make myself change. It made me feel insecure... and sometimes it made me wanted to die.

I'm not a vile... I'm just trying so hard to be a vile even though I'm not.

And... reading their comments made me wanted to hide behind.

"Sa South Korea muna kami titira ni Cyren," Mapait ang ngiti ang nakapaskil sa bibig ko nang sabihin ko iyon kay Ian. Natigalgal naman ang lalaki kaya natawa ako dahil mukha siyang gulat na gulat sa sinabi ko.

"Hindi niyo ako isasama?!" Pagmamaktol niya.

"Pwede ka ba? May trabaho ka, ah-"

"Nag-resign na ako," Lumabi siya. "Feel ko mas kailangan mo ng maganda at masikip na si Ian sa buhay mo ngayon."

Those words... fuck... Tila mamon ang puso, kaagad na nanubig ang mata ko. I immediately wiped my tears with Ian's clothes and laughed out loud.

"Ang iyakin ko naman!" I shouted, laughing while crying.

"Miss mo lang ako, eh!"

Tumawa naman si Ian, pinipigilan ang luha na nagnanais mahulog sa kaniyang singkit na mata. Ian is half chinese and half japanese kaya singkit na singkit ang kaniyang mata. Kung nagpakalalaki nga lang ang kaibigan ko na 'to at hindi lumihis ng daan, hindi ko mapipigil ang sarili kong mag-pa-lahi sa kaniya.

"Ang OA mo talaga 'no?!" Biro ko.

"Kaya nakakabuntis ng iba jowa mo eh!" Ian laughed.

Bubusangot pa sana ako nang may pumasok sa isipan. "At least hindi ako ang nabuntis!"

 "Lakas ampota," Ian chuckled. "Mag-bu-book na ako ng flight, ha. Nasaan ba passport mo?"

Natigalgal ako at napasapo sa noo. I double-thought it and realized where I really left my passport.

"Gago, nasa Camp!" Noong nag-lipat ako ng gamit, iniwan ko iyon sa cabinet at hindi na ulit nakuha pa. Nawala sa isip ko.

"Tanga ka talaga, Cassee Yvonne Acosta!"

"Paano 'yon?"

He shrugged. "G na, lalakarin ko na 'yong ibang papel. Goodluck na lang sa 'yo, akla. Face your fears, smell your fears, taste your fear-"

"Gago!" I slapped his arm and laughed.

Buong umaga ay nanatili lamang ako sa tabi ni Cyren. Hindi pa rin ako masiyadong magaling mula sa gamot na itinurok ko sa loob ng katawan ko, so I'm still dizzy and always sleepy.

Noong tanghali naman, pinag-isipan ko nang mabuti ang desisyon na gagawin ko. Knowing that every decision has responsibilities.

Wala akong trabaho na maayos pero paniguradong makakatanggap agad ako sa ibang bansa. Kaunti lang kasi ang voice actress doon, I want to come back as a voice actress. Paniguradong may tatanggap agad sa'kin dahil boses ko lang naman ang mailalabas sa buong mundo, hindi ang mukha ko na kilala sa paggawa ng krimen at kasinungalingan.

As for the house to stay in, I have my condo there.

Lumabi ako. Okay, desidido na talaga ako. Si Cid lang naman ang maiiwan ko rito sa bansa, and I can ask someone to check for him. Babantay-bantayan lang naman ang lalaki dahil may nurse naman na nagtitingin sa kaniya minu-minuto.

I took a deep breath before bravely going to camp.

Sinarado ko nang mabuti ang pinto ng bahay bago lumabas. I was wearing shades, a cap, and just simple fitted jeans and an oversized t-shirt. Wala ako sa wisyo ngayon para mag-suot ng bonggang damit.

Mabuti na lang talaga at pinapasok ako ng guard. Pero hindi yata ako papapasukin ng kaba ko sa loob ng Camp. Every step I take my heart beats. Huminto ako sa likod ng malaking pintuan at humugot ng malalim na hininga.

I was ready to step in but stopped when I heard someone speak from the inside.

"Nand'yan si Tita,"

Those words from the inside enveloped my ears. Kaagad akong napatanong sa sarili. I didn't expect anyone to come here in the camp, kaya nga ako nag-lakas loob pumunta rito dahil alam kong sila-sila lang ang tao na makakasalamuha ko kapag pumunta ako.

My chest heaved and my lips parted slightly.

Sinong tita ang tinutukoy nila? Si Ven ba? Xion's mother?

Napamura ako sa aking isipan. Sinilid ko ang cellphone ko sa bulsa at saka agresibong hinilamos ang dalawang kamay sa mukha. I still can't face Ven because of the lies I made. Wala pa akong lakas para harapin ang takot ko.

I mean... she doesn't scare me... I just believe that today is not the right time to talk to her.

Napakamot ako sa ulo at humakbang paatras. I know I should back off.

"Kinausap ko na ang abogado, I will also file a case against her."

Binawi ko ang hakbang na ginawa ko at nilapit ang tainga sa nakapagitan na malaking pintuan. I bit my lip, waiting for someone inside to make sure that I was the "her" she was referring to.

Jail doesn't scare me, but the responsibilities I'll be left behind do.

"Cassee Yvonne Acosta, a twenty-three-year-old voice actress who quit the Echo organization recently," She said some of my information. "Walang permanent address... lumaki sa youth orphanage and studied pharmacy at OLFU, but only made it through the second year."

Wala akong narinig na kahit anong kumento galing sa TVOT group. Just silence... and my heartbeat with audible gasps from me.

"Cid Acosta, a twenty-three-year-old who only graduated from his senior year of high school in order to pursue a career in gaming," I heard her sigh, making my forehead furrow even more. "Kambal sila ni Cassee pero... uh... his father raised him and did not grow up in a youth orphanage."

Umangat ang kilay ko sa narinig. Did she just compare how Cid and I grew up differently? At saka... ilang araw niya pa lang nalaman ang tungkol sa totoo kong pangalan, pero nakapag-background check na kaagad siya?!

Speed lang, hah. Gano'n ba talaga karami ang source na pwede niyang pagkuhaan ng impormasyon? Is she that powerful?

Sabagay, pera naman ang basehan ng mga tao ngayon sa pagtukoy ng lakas at kapangyarihan ng isang indibidwal.

"What now?" Baritonong boses ang bumalot sa tainga ko.

I knew it was Xion, and I don't know why there's a sudden pang in my chest. Base sa boses niya, pagod siya. Akala ko pa naman ay nasa paborito niya itong Ramen House. But it didn't turn out the way I thought.

"I'm going to investigate Cid at the hospital. Kay Cassee naman, I won't let her slide. Hindi ko siya hahayaang umalis ng bansa."

Cassee... So, ako nga... She intends to put me in jail. Fuck. Hindi pwede... baka hindi pa ako makaalis sa bansa dahil dito.

"Aalis siya ng bansa?" Hindi ko maipinta kung ano ang tono na 'yon ni Xion.

"Hindi naman siya makakaalis, kakasuhan ko siya."

"Is it necessary?" There was a gasp inside as Xion asked her own mother in a rude tone.

"She faked her identity at ang worst, ginawa niya 'yon dahil kasabwat siya sa pag-patay kay Polca," Her expensive tone echoed throughout the place. "Bakit? Do you find it unnecessary?"

"Sort of,"

"Bakit? Ano bang iniisip mo, Xion?" Galit na galit niyang ani ngunit hindi sumagot si Xion. "Pick, Xion," Gamit niya ang nakasanayan na maarteng tono. "I won't put her in jail, but you should start packing up your things and leave."

"Pinapapili mo ba ako?"

"Isn't obvious?"

"I mean, it's kind of obvious what I'll choose." A sarcastic laugh came out from Xion.

Napabuga ako ng hangin.

"Oh," Narinig ko ang tunog ng takong mula sa loob na tumatama sa sahig sa bawat hakbang na ginagawa. "You mean you'll continue your life here and let me put her in jai-"

"I'll leave,"

Umangat ang kilay ko.

"Ano?!" Sigaw ni Ven. "Ang tigas talaga ng ulo ng bata na 'to! Are you really that dumb to make bad decisions?! Hindi mo ba naisip na pwede ka rin niyang patayin katulad nung ginawa nila sa pinsan mo?!"

"I'd rather die,"

"What the fuck, Xion?! Naririnig mo ba sarili mo?!"

Bahagya akong sumilip sa pintuan na malaki. I just want to see their reactions and know how intense the inside is. Kaagad namang bumungad sa'kin ang magkaharap na mag-ina, parehas may galit ang kanilang mga mata.

"Bakit?! Answer me?! Bakit mo sinasabi 'yang mga 'yan?!"

Xion shrugged.

"Inaayos ko 'yang buhay mo, tapos ano?! Binabalewala mo lang lahat ng ginagawa namin ng daddy mo!" Napahawak sa sintido ang babae. "Muntik ka na ngang mamatay dahil sa aksidente! Sigurado akong may kinalaman 'yong mga Acosta ro'n!"

Nagsalubong ang kilay ko. Accident? May nangyari bang hindi ko alam?

Tangina, ano pa bang hindi ko nalalaman?! Am I that clueless?!

Mariin na pumikit si Xion at humugot ng malalim na hininga. Ibinuka niya ang kaniyang bibig at handa nang mag-salita ngunit tumikom siya at mas piniling h'wag nang mag-salita. He rudely walked upstairs, leaving the TVOT group and Ven shocked.

"Xion!" Sigaw ni Ven.

Bumalik ako sa likod ng pinto at napabuntong hininga. Hindi sila okay sa loob, paniguradong hindi rin ako makakapasok sa loob. But shit, I really need to get my passport inside.

Bakit kasi sa dami ng pwede kong makalimutan, iyon pa talaga?!

Shit... They are holding my passport. Paano ako makakaalis ng bansa kung hinaharangan nila ako?

Umalis ako sa subdivision at naghintay ng taxi sa waiting shed malapit sa subdivision. I had no choice but to leave even though I didn't have my passport. Wala naman akong magagawa, eh.

Tama naman kasi sila... may mali pa rin ako dahil pinagtakpan ko ang tatay ko.

But only if they will listen to me... They will know that I also did not know that Papa killed Polca. 

"Cassee..."

Halos magulantang ako sa marinig. 

That made me paused and my lips parted. Kaagad kong minulat ang mga mata ko at mabilis na naaninag mula sa dilim ang putla at malamyang mukha ni Xion. His eyes were dark, and I could feel the anger he was suffering from.

Tiningnan ko siya diretso sa mga mata niya na mabibigat ang tulikap at pagod.

He called me Cassee... He called me Cassee in the coldest tone that I've heard...

Fuck. It just made my heart wrench.

"Are you here for your passport?" Kasing lamig ng yelo ang tono niya kaya hindi ko maiwasang hindi manigas sa kinatatayuan.

Nilunok ko ang kaba na bumabara sa buong sikmura ko. "Oo,"

"So, you're running away..."

Mahigpit akong napahawak sa laylayan ng damit ko. "Tatakasan? Ano namang tatakasan ko?"

"Lahat,"

I don't know what he really means but I laughed. 

"Hindi mo kasi ako pinapakinggan," Hinang-hina kong ani. "Kung sana hinayaan mo kong magpaliwanag... kung sana hinayaan mo akong magsalita kung paano ako naloko rin... kung sana..."

"Ano?"

"Kung sana," I looked into his eyes; I can't believe he's making me continue what I want to say. I felt my eyes watering, so I quickly wiped them away. 

"Kung sana lang naniwala ka sa'kin." Dugtong ko. 

What the hell... Am I just begging him to believe me?

"Wala naman na akong pagkakatiwalaan sa 'yo,"

Umawang ang labi ko at tila ba huminto sa pag-ikot ang mundo ko. 

Words are really important to me... And also the tone... the way they deliver it...

I clenched my fist. "Hindi ko naman sinabing mag-tiwala ka, Xion. Ang sabi ko lang, hayaan mong pakinggan 'yong side ko. Everyone has their own story to tell, be fair naman—"

"Ayon nga, kapag nakinig ako sa 'yo... anong mapupurat ko?" He gulped, causing Adam's apple to move. "You'll end up deceiving me again, and I'll end up being a fool who trusts someone easily."

Humugot ako nang malalim na hininga. "Tangina naman, Xion. Bakit ba hindi mo maintindihan?!"

"Kasi you already gave me trust issues."

Mariin akong napapikit. "Bahala ka na nga sa buhay mo! Nakakapagod na. Paniwalaan mo lahat nang gusto mong paniwalaan! Kahit naman anong pilit ko para makinig ka, hindi ka naman nakikinig!"

I was ready to turn my back to him when he spoke.  "Nasa akin ang passport mo, you can't run away just like that."

Kaagad ko siyang hinarap, nakaarko ang magkabilang kilay. Hindi ako makapaniwalang sobrang liit ng tingin niya sa'kin. 

"I'm not running away; I'm just distancing myself from the people who don't believe me," I boldly stated.

Ilang minutong katahimikan ang nanalatay sa buong lugar. The area is rural, so only a few of cars pass in front of us. Halos huni ng ibon at kung anong katahimikan ang maririnig sa sobrang tahimik. 

I decided to break the silence.

"Kung gusto mo, you can keep my passport para masiguradong hindi ako tatakas sa kaso," Binasa ko ang nanunuyo kong labi. "Kahit wala akong ebidensyang hawak, haharap ako sa korte... ayos lang sa'kin makulong. At least I said what is true, even if no one believes me."

The entire place radiated two feelings. the hurt and the rage. rage because he believed he was being deceived... and suffering from everyone's refusal to accept and pay attention to me. 

"May parte sa'kin na gusto kang pakinggan, pero may parte rin sa'kin na sawa nang maloko," The hesitant on his tone was evident. "Kung makikinig ba ako, sigurado ka ba na hindi mo na ulit ako mamamanipulate—"

"Tangina naman, Xion. Gawin mo na lang lahat ng gusto mong gawin! Haharap na lang ako sa korte!" Ilang luha ang bumagsak sa mga mata ko. "Please... ayo'ko nang marinig na parang hirap na hirap kayong pagkatiwalaan ako!" 

Humugot ako ng malalim na hininga at umayos sa pagkakatayo. 

"Kanina, nagising na si Cid..." Basag na basag na ang boses ko. "Pinuntahan ko agad siya kasi akala ko... maniniwala siya sa'kin kapag napakinggan niya ako. Pero hindi, hindi rin siya naniwala sa'kin maski pakinggan man lang ako!"

The lumped on my throat only gets bigger. My sobbing gets more loud as I try to express how I really feel. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi ang mga bagay na 'yon.

 "Cassee," I was ready to speak again when he called my name in the softest way that I've heard, causing a pang in my chest. 

"Do you really think I can put you in jail?" Pagpatuloy niya na nagpahinto sa'kin. "You have no idea how much I despise myself for not putting you in jail."

"Bakit naman hindi? Hindi ba galit na galit ka sa'kin?!" Kaagad na tumulo ang mga luha ko. "Alam mo bang ang hirap kapag walang naniniwala sa'yo?! Iyong gusto mong magpaliwanag pero walang tainga na nakikinig sa 'yo?! Akala ko pa naman iba ka sa kanila, kaso tangina, wala kang pinagkaiba sa kanila, Xion!"

Unti-unti nang sumabog ang bulkan na kanina pa nagmamatyag sa loob ko. 

"Akala ko rin alam mo na 'yong bawat detalye tungkol sa'kin," I said, whispering. "Iyong bawal ako sa itlog at tamarind at mahilig ako sa alak at sigarilyo lang ang alam mo... pero hindi iyong kung kailan ako nagsisinungaling at kailan ako nagsasabi ng totoo."

Pumikit ako nang mariin. Lahat ng tingin sa paligid ay unti-unting nawala. I slowly opened my eyes. All of them are slowly turning into mere shadows.

This was what I wanted, right?

"Don't hate yourself and just file me a fucking case," I said, closing my eyes. "H'wag mong pigilan sarili mo... I don't want those people to feel sorry for me. Ayaw ko no'n, Xion... please... please... continue hating me..."

Sandaling katahimikan ang bumalot sa'min.

"I will give your passport back," Aniya ulit. "Just live freely there."

"Ang gulo mo, kanina lang ayaw mo sa'kin ibigay—"

"Sabi ko lang na sa'kin... hindi ko sinabing hindi ko ibibigay,"

Mariin akong napapikit at sinabunutan ang sarili. "Bakit nga?! I'm clueless! Bakit?! Hindi ba galit ka sa'kin! Gusto mo akong ipakulong kasi putangina isa akong kriminal! Pinatay ko nga si Polca, 'di ba?!"

"Are you still clueless?" 

Natawa naman ako. "Magtatanong ba ako kung hindi—"

I wasn't expecting him to lean forward to my face and I held my breath when he did. I was about to speak when he decided to drop the bomb first.

"Gusto kita, Cassee."

Three words. And everything just stops. 

Hindi ako nakagalaw at natutop sa kinatatayuan. I don't know what I am supposed to do. I could hear my heart being crushed by those words. I knew I was one of those people.

Tila ba nawala ako sa katinuan habang ang mga paru-paro sa tiyan ay nagwawala.

"Galit ako sa 'yo dahil aalis ka ng bansa... without you telling it to me."

Para bang nanlambot ang mga tuhog ko sa narinig. But no, Cassee. Hindi pwede. Refrain yourself, please. 

"Hindi mo ba nararamdaman?" I asked him, curious. "We are burdens for each other, Xion..."

Parang ang hirap huminga. Pinipiga ang puso ko habang kausap ko siya. He has all the reasons to feel this way. It only gave me more reasons to feel guilty. It was a random gift. I didn't know any meaning behind it.

"You were never a burden to me, Cassee," Xion gulped.

"Mabigat ba ako sa'yo?" He sounds like he was betrayed.

Hindi...

I nod my head. Tumingin ako sa kanyang mga mata. "Oo... sobra," 

Hindi siya nakapagsalita at natahimik. Pinanood ko ang paglunok niya kasabay nang pag-tulo ng mga luha sa kaniyang pisngi ngunit agad niya rin iyong pinunasan at sunod-sunod na tumango.

"This is the last time I will advise you to just keep being mad at me," I clenched my fist in exhaustion. "Pursue the case filing. Wala akong paki kung mabulok ako sa kulungan, basta haharap ako sa korte..."

Mariin akong napapikit, wala ng luha na lumalabas sa mata pero nananatiling malabo ang paningin dahil sa iilang luha na namuo sa mata.

"And I hope that's the last time we ever cross paths."

^_____________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro