27
27
"What do you mean?"
Tanging lunok lamang ang nagawa ko. I can't do anything because of the massive headache that I feel. Siguro ay mas'yadong overload na ang utak ko sa halos isang bultong mga tanong at pakiramdam ko ay sasabog na ang ulo ko.
"Totoo ba 'yong... tatay mo ang pumatay kay Polca?"
"Oo..."
"Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin?"
"I was just afraid-"
"You're so full of secrets..." I could feel the ice in the coldness of his tone, but his eyes were still burning with rage.
Naiintindihan ko naman iyong galit na nararamdaman niya ngayon. I'm sure he feels like that because he and Polca have been best friends since birth. At dahil nga iisang anak si Xion, paniguradong kapatid na rin ang turing niya rito.
"I'm sending him to jail-"
"H'wag..." Agad kong putol sa sinasabi niya. He was about to open his mouth, but I decided to speak again. "Paniguradong sa'kin magagalit si Papa kapag nalaman niyang alam mo na 'yong tungkol dito... hindi pwede 'yon, Xion. Hawak niya pa 'yong mga bata, baka kung anong gawin niya..."
Bumaba ang tingin sa'kin ni Xion at nagkasalubong ang dalawang kilay niya.
"I hate liars, Cid," Sarkastiko siyang tumawa. "Kung sinasabi mo 'yan para pagtakpan 'yong tatay mo, please, stop. He deserves to be in jail."
I looked up into his eyes.
The worst feeling is when someone doesn't believe in you. Iyong tipong kahit anong paliwanag at gawin mo, hindi sila maniniwala dahil wala silang tiwala. And I hate it when someone makes me feel that they don't trust my words.
Pero... iintindihin ko na lang muna si Xion. I understand why it feels so hard for him to trust me.
Pinalis ko ang luha ko nang maramdaman ko itong nahulog sa'king pisngi.
"Gan'to kasi," Humugot ako nang malalim na hininga at diretsong tiningnan ang mga galit na mata ni Xion. "May secret affair si Papa at 'yong CEO ng RedvelBeth, tapos, dahil... si Polca ang big ambassador at nag-a-angat ng Ven's, My papa killed Polca because they wanted that fucking award!"
Halos manginig ako sa galit nang bitawan ang mga salitang iyan.
Ang layo ng kwento sa kinuwento sa'kin ni Papa. He says Cid killed Polca, and he made me pretend to be Cid, saying he's doing that just to protect the two of us. Tangina, napaikot ako sa mga salita niya.
Hindi naman ako tanga eh, pero natatanga ako pag-dating sa kanila.
"Sigurado ka ba?"
Gigil akong napasabunot sa sarili ko. "I saw them with my two eyes!"
"You just saw them with your eyes pero kumpleto na agad ang details na sinabi mo sa'kin?" Xion laughed again. "Ginagago mo ba ako, bro?"
"Hindi ko rin alam, nalaman ko lang din kay Astre,"
"Naniniwala ka ro'n?"
"Kaya nga I will go to my father and ask him," Mariin kong pinaglapat ang ngipin ko. "Don't worry, wala akong balak pagtakpan siya.I will just make Cyren come back to me before doing those things, please."
Halos magmakaawa na ako. Para lang sa kapakanan ng bata.
"Or..." Agad kong binuka ang bibig ko matapos huminto ng ilang segundo. "Just continue hating me so you won't feel bad about me, and... pursue filing the case for my papa."
Alam ko namang walang paki si Xion sa mararamdaman ko dahil pareho kaming may gustong gawin. He wants Papa to go to jail for Polca's murder case, and I, for my part, just want Cyren to come back to me and live in peace.
Natapos ang usapan namin no'ng gabing 'yon nang iwan ko siyang mag-isa sa terrace at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita. He's probably busy gathering proof for Polka's case.
Hindi naman ako umaasang susundin niya ang sinabi kong hayaan muna ang kaso ni Polca at unahin muna si Cyren. I knew how greedy he was, and I didn't want to miss this opportunity.
Nanatili lang ako sa gaming camp ngunit para akong kinakain ng sarili kong utak sa sobrang dami ng tanong na namumuo rito.
Fuck, I need to make plans.
"Nasaan si Xion?"
Patakbong lumapit sa'kin si Sage. "Ano bang nangyayari, Cid? Lagi kayong wala ni Captain sa camp tapos uuwi nang pagod na pagod at malalim ang inisiip. It just feel so strange."
Hindi ako nakasagot agad at tila ba nanigas sa kinatatayuan. Nahagip naman ng mga mata ko si Bulkan na papalapit sa'min at mukhang gusto rin ako tanungin ng katulad sa tanong ni Sage.
"Sasabihin ko na lang sa inyo kapag okay na,"
"Gago, sinong umaway sa'yo?!" Jethro run towards me. "Sabihin mo, sasapakin natin!"
I closed my eyes tightly from exhaustion. Kinagat ko ang namamalat kong labi at hinayaan umikot ang mundo dahil sa sobrang hilo na nararamdaman. Simula kahapon pa ako nahihilo, I bet it was because of lack of sleep, stress, and not eating on time.
Napapabayaan ko na ang sarili ko, but I know I still slay everyday.
"Wala lang 'yon," Umiling ako habang unti-unting minumulat ang mga mata. "Kung may balak mang umaway sa'kin, h'wag na nilang balakin at umuwi na lang. My gorgeous palm will not hesitate to land on their cheeks."
Mahinang tumawa si Ace. "Ikaw talaga ang fighting spirit ko, Cid."
They are all here in the living room, just chilling and resting while watching movie. Si Xion lamang ang kulang sa kanila, as usual. Palagi namang pa-intense ang isang 'yon at palaging gustong hinahanap siya. I bet sanay na rin silang lahat sa ugali ni Xion.
"Nakakapagtaka si Xion, ampota," Untag ni Ben sa hangin habang ang mata ay nakadungaw sa screen ng cellphone ni Jes. Agad ko silang tinabihan sa sofa para malaman kung ano ang pinagkakaabalahan nila.
"Bakit?" Tanong naman ni Nick habang kumakain ng ice cream at prenteng naka-upo sa sofa.
"Ngayon na lang ulit nagpunta 'yon sa Ven's company," Jes seriously stated. "Hindi na nga bumibisita 'yong tao na 'yon doon kaya nagagalit sa kaniya si Tita Ven, tapos bigla na lang magpaparamdam ng hindi nila alam?"
Does it mean... pumunta talaga si Xion doon para pakiusapan ang CEO ng Ven's?
"Kakaalis lang ba niya?"
Tangina, baka ipapagpatuloy talaga niya 'yong pagsampa ng kaso kay Papa!
Agad na tumango si Jes sa'kin. "Kakaalis lang no'n. Hindi pa nga siya pinapapasok hanggang ngayon sa loob ng Ven's, kaya 'yon, naghihintay sa labas."
Inilantad niya pa ang screen ng cellphone niya at mabilis kong nakita ang nakatalikod na litrato ni Xion. His attention-grabbing Rolex watch, his broad shoulders, as well as his disheveled hair, and his black t-shirt will instantly caught your eye as soon as you saw the picture.
"Saan 'yan?" Tanong ko dahilan upang mapunta ang tingin nilang lahat sa'kin. Siguro ay nagtataka sila dahil nakapunta na si Cid sa lugar na 'yon. "Pwede bang pasabi na lang 'yong address?"
Nang maibigay nila sa'kin ang address ay agad akong lumarga. I took a taxi, and when I got there, I sighed relief when I saw Xion's back. Pumasok siya sa isang silid pero dahil bawal ako roon ay hanggang sa pintuan lamang ako.
Mabuti na lamang ay may salamin na pag-sisilipan.
"Oh, it was nice seeing you here," Said the woman who's look like in her early fourties. Matangos ang kaniyang ilong na bumagay sa may kabilugan niyang mata at mahaba niyang buhok. Her red lips stood out even more because she wore a brace.
Maganda ang kaniyang tindig at sa tingin ko, siya ang CEO ng Ven's.
"I won't assume that you are just here because you need help with something, and I'll just assume that you are here because you want to see me." Ngumiti ang babae na ikinadahilan upang makita ang maganda niyang ngipin.
Hindi ko alam na ganito pala kalapit ang dalawa sa isa't isa. All I know is that Xion represents Ven's company well, but I had no idea that they could communicate like close pals.
"Just assume both,"
I cocked my head, observing the ethereal movement of Xion's broad shoulder. Umupo siya sa upuan na tinuro ni Ven at diretsong tumingin sa mata nito.
"What do you want for lunch? Let's eat, may nakita akong restaurant sa Ma-"
"Ma'am," Xion muttered as he interpted what the CEO saying. "Akala ko ba okay na kayo ni Tita Beth?"
The CEO paused for a little while, attempting to convey her level of amazement at Xion's question. Nakita ko ang panliliit ng kaniyang mata at pag-ismid sa lalaking nasa harapan.
A psychopathic smile tugged at her lips, and she slowly looked down at her nails.
"Ilang beses mo na akong tinanggihan," Lumungkot ang mukha niya. "I just want to eat with my only son, but I think he doesn't want to."
Only son? Ibig sabihin... anak si Xion ng CEO ng Ven's?
Nawala ang nasa isip ko nang marinig ang sarkastikong tawa ni Xion. "Busog pa po kasi ako, Ma'am. And don't worry, marami pa namang next time para makasabay mo akong kumain."
Nagkasalubong ang dalawang kilay ko.
Xion seems cold when he speaks to his mother; are they fighting?
Narinig ko noong nakaraan na may kumakalat na balita tungkol kay Ven na anak nito ang sikat na pro-gamer na si Xion, pero mabilis din nawala ang balita na 'yon simula nang mag-painterview si Ven at sabihin na hindi totoo ang balita.
Tinangggi niya ang anak niya? And I know that hurts Xion.
Sa nakikita ko ngayon, pakiramdam ko, totoo rin ang kumakalat na balita na hindi raw maganda ang relasyon ni Xion sa mga magulang nito. Siguro, totoo rin 'yong hindi nila sinu-suportahan ang lalaki?
"Have you heard about the news, Ma'am?"
"Wait, I just want to clear some things," Nilinis ni Ven ang bara sa kaniyang lalamunan at lumunok ng dalawang beses. "Are you calling me mom? as in M O M? Or Ma'am? as in M A A M?"
"Does it really matter to you now?"
Ven laughed. "Sinisigurado ko lang na hindi mo ako tatawagin bilang nanay mo. Just stay being my brand's ambassador, ayo'kong malaman ng iba na anak kita."
Bahagya akong napayuko at nilunok ang sariling laway nang mapagtantong nanunuyo na ang lalamunan ko.
Akala ko ay malala na ang pakikitungo sa'kin ni Papa, pero noon 'yon noong hindi ko pa nalalaman kung paano pakitunguhan si Xion ng nanay niya. Despite his lack of concern for me, my father still views me as his daughter, and I think it is better to a son experiencing rejection from his own mother.
Every time I see kids being rejected and abandoned by their parents, it makes me really feel sad. Dahil una pa lang, hindi naman nila hiniling na ipanganak sila sa mundong ito at makaranas lang nang pagmamalupit galing sa mga magulang nila.
I understand the agony of having a parent abandon you; it can shatter your heart into a million pieces and make you question your worth.
Kaya no'ng inabandona ako ng tatay ko sa isang bahay ampunan, itinatak ko sa isipan ko na kailangan kong mabuhay para sa sarili ko. Hindi para sa kanila at hindi para sa iba.
Namulat na ako, at hindi na pipikit pa.
"By the way, anong tinutukoy mong news?" Sinipat ni Ven ang relo na nasa kaniyang pulsuhan. "May kikitain akong client mamaya lang, I don't have enough time to talk to you kaya bilisan mo lang."
Hindi ko masilayan kung ano ang kasalukuyang reaksyon ni Xion habang naririnig ang sinasabi ng sarili niyang nanay sa kaniya. Nakatalikod kasi siya sa'kin at ang tanging nakikita ko lang ay ang malapad niyang likuran.
"Maraming bata 'yong nawawala ngayon-"
Kusang napatigil si Xion sa kaniyang sinasabi nang sumandal si Ven sa kaniyang upuan at malakas na tumawa habang sinasabayan niya ito nang palakpak. She needed a few seconds to straighten up and sit down again while keeping eye contact with Xion.
"What do you want me to do? Hanapin sila? Ano ba ang tingin mo sa'kin? Superhero?!"
Awtomatikong umikot ang mata ko nang marinig ang sinabi ni Ven. Nakakaloka. Kung ako siguro ang nandoon sa harapan niya, siguro kanina pa ako umuwing nakangiti dahil nasabunutan at nasampal ko naman na ang babae.
My anger can never stand that kind of attitude.
May mga tao talaga na mabait lang kapag may camera at mga nakakakita, pero kapag nakatalikod na at mag-isa, lumalabas ang tunay na baho.
"Wala naman po akong sinabi," Dinig ko sa tono ni Xion ang inis. "Pero pwede mo silang tulungan, alam ko kung nasaan sila."
Pinuntahan ko rito si Xion para pigilan siya sa pagsasampa ng kaso kay Papa. However, he followed my advice and waited for Cyren to return to me before coming up with the next scheme to throw my papa in jail.
Agad na nawala ang aura ni Ven dahil sa narinig. Napalabi siya at kinagat ang loob ng pisngi, mukhang hindi natuwa at makapaniwala sa mga salitang binitawan ni Xion.
"Paano mo nalaman 'yong tungkol doon?"
So.. all this time, alam din pala niya ang ginagawang kademonyohan ni Beth.
"You are the only reason why she did those things, Ma'am," Ani ni Xion sa kaniyang nanay. Ilang beses ko nang nakita na magalit si Xion, pero iba ang galit niya ngayon. Base sa kaniyang tono, para na siyang bulkan na sasabog sa galit.
"She's too greedy to outclass you."
"And she can't outclass me!"
Xion cursed as he closed his eyes.
"They're using prohibited ingredients and experimenting with them with children. Sila ang dahilan kung bakit dumadami ang kaso ng mga nawawalang bata," Xion calmly explained. "You should help them, Ma'am.."
Umangat ang kilay ni Ven kasabay nang pag-kunot ng noo ko. "I'm asking you, Xion. How do you know this?"
"I received her invitation and I went there secretly, without you knowing-"
He didn't mention my name...
"Are you out of your mind?! Hindi mo ba alam na mapapahamak ka sa ginagawa mo?!" Ven shouted, pulang-pula na siya sa galit. "Stop meddling with their problem, Xion! Stop this nonsense and focus on the championship!"
"I won't play in the championship unless you do what I say, Ma'am,"
"Ang tanga mo! Hinahayaan mo na namang pangunahan ka ng emotions mo!" Tumayo ang babae para mapantayan ang anak niya. "You always obey my command, Xion! Kailan ka ba makikinig sa'kin!"
The exchange of their shouts made my teeth grit.
"Sinungaling... I always do whatever you said, Ma'am. Naging putangina nga ang landas ng buhay ko dahil sa kagustuhan mo! Nag-seserve sana ako sa country natin ngayon, pero anong nangyari? I continued to do what you asked, spending the entire day in front of the computer playing a game that my father created.."
Halos mapalunok ako sa narinig.
A game created by his father? Ibig-sabihin... ang tatay niya ang game creator ng MNB?! Tangina, hindi man lang ako nagkaroon ng kahit isang ideya tungkol dito. Masiyado kasing humble at simple si Xion para akalain na anak pala siya ng dalawang sikat at angat sa industriya.
I can't imagine how rich they are. But I can imagine Xion's struggle.
Parang ipinanganak lang pala siya para maging modelo ng mga likha ng mga magulang niya. Knowing that he wants to serve his country and doesn't want to spend his days in front of a computer doing live streaming, I know he's exhausted to go on with his life.
Mabilis na umangat ang mata ko sa kanilang dalawa nang magpanting ang tainga matapos marinig ang malakas na sampal. Ven hand-fully slapped Xion on the face, which made his face tilt.
"Thanks for that slap, Ma'am. Now that I'm aware of reality, I'm pursuing my goals in life. Whether you like it or not.."
Sa isang pikit, nakita ko na lamang si Xion sa harapan ko, kalalabas lamang galing sa tensyonadong pag-uusap sa pagitan nilang mag-ina. Hawak-hawak niya ang namumula niyang pisngi.
Umangat ang tingin ko sa mga mata niya. Naliligo ito sa galit at pagsisisi ngunit napalitan din nang gulat nang magkasalubong ang mga mata namin.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Ah..." Shit, anong sasabihin ko. Baka lalo siyang magalit sa'kin kapag nalaman niyang sinundan ko siya at narinig ko halos ang usapan nilang mag-ina... which led me to learn his secrets.
Handa na sana ulit akong mag-salita nang muli niyang ibuka ang bibig niya.
"Cid,"
"O...?" I was at a loss for words. I didn't know what to say, I just wanted him to feel better. I wanted him to be alright.
My breath seized in my lungs as he stared at me-a sensation that was familiar whenever it came to him. Mariin kong sinara ang aking kamao, halos hindi makatingin nang maayos sa mga mata ni Xion.
He looks so stressed right now. And I feel guilty.
Hindi siya nakapag-salita kaya muli akong nag-salita.
"Dapat hindi ka na pumunta rito, eh... I told you... You should just continue hating me, and I won't mind it from now on." Wala sa wisyo kong ani at mabilis na nag-baba ng tingin. Alam kong ang layo sa usapan nong sinabi ko, kaya hindi na ako magtataka kung bakit nagkasalubong ang kaniyang kilay.
Agad na nagkasalubong ang kilay niya. "Huh?"
"Do you hate me?"
"I never hated you..." He tilts slightly so that his eyes meet mine. "Can you do me a favor?"
His voice was gentle but his eyes looked sullen and tired.
"Ano?" I felt my heart race. Hindi ko rin alam kung bakit ako kinakabahan. I just wasn't used to seeing him so bothered.
"Please, forgive me."
"For... what?"
"This." Halos pigilan ko ang hininga ko nang maramdaman kong bumalot ang kamay niya sa gilid ko. He pulled me closer, pressing my head on his chest as his head hung low next to my ear. I felt his arms wrap around me tighter.
^______________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro