
26
26
To be honest, I'm an anti-Xion.
I have a ton of fake and dump accounts that I use to attack him and ruin his reputation. Ang toxic pakinggan pero halos ako ang nauuna sa comment section kapag may bago silang post, just tp throw hate at him.
Hindi ko rin alam kung saan nag-simula ang galit ko sa kaniya. Siguro, noong sinabi sa'kin ni Astre na si Xion ang kalaban niya sa industriyang ito.
I'm really devoting time to this matter despite my busy schedule. Suki na nga ako sa bilihan ng SIM cards dahil tatlong account lang ang pwedeng gawin sa isang numero.
And upon hating him, I found out that he was an only child.
Ang pagkakarinig ko pa nga, lumaki siya sa mayaman na pamilya pero wala siyang nakukuhang suporta galing dito. They didn't support him in what he wanted, nor did they watch him play internationally.
Hindi lang ako sigurado kung totoo.
I woke up with a headache from a sleepless night. Halos isang linggo na rin simula nang mawala si Cyren at dahil doon, hindi na rin ako nakakatulog nang maayos kakaisip sa kung anong pwedeng gawin para mahanap ang anak na babae.
Tuwing gabi ay tumatawag sa'kin si Ian para manghingi ng update tungkol kay Cyren. Nasa labas kasi ng bansa ang lalaki ngayon dahil sa kontrata na matagal niya nang pinirmahan. Mabuti na lang at nagagawa niya akong tawagan kahit na sobrang abala niya ro'n.
I sat up on the bed and let the sun beam on my skin as I peered out the window.
Sincerely, there are a lot of unspoken thoughts I have about life. Katulad na lang nang paulit-ulit at tila ba walang katapusan na mga gawain. The pattern continues when you wake up, eat breakfast, clean the house, take a shower, work, eat lunch, work, eat dinner, and then rest for a little while.
Halos gan'yan araw-araw ang ginagawa ko sa buong buhay ko. Wala man lang bago at minsan nga ay nakakasawa na.
Life is miserable. I'm sick. Surviving is awful.
Tumayo ako at inayos ang kama ko. I had just gone to sleep, but I got up early since I had to meet Astre in front of the subdivision. Ngayon lang kasi may libreng oras ang lalaki para makipag-kita sa'kin. At kung hindi ko naman pagbibgyan, baka ako rin ang magsisi sa huli.
I brushed my teeth and changed my clothes before going downstairs to have breakfast. Kumakalam na ang sikmura ko at hindi ko na kayang tiisin pa kahit wala akong gana kumain. Kakain muna ako bago makipag-kita kay Astre.
"Ang aga naman magising ng disney princess,"
Bumusangot ako kay Ben nang mag-salita siya dahilan upang tumigil ang lahat sa kanilang ginagawa at napatingin sa'kin. Si Sage at Xion lang ang kulang sa kanila, 'yong dalawang 'yon lang naman kasi ang seryoso sa buhay nila.
"Good morning, Cid!" Bati ni Jethro at muling bumalik sa ginagawa niyang pag-luluto ng umagahan. Tumango naman ako sa kaniya.
"Morning, Cid, naubos na ulit namin 'yong new copies ng missing papers ni Cyren. Mag-papaprint na lang ulit kami mamaya—"
I cut Nick off and walked towards them.
"May balita na kami kay Cyren, h'wag na muna kayong mag-print ng posters."
Tumango silang lahat sa sinabi ko kahit na alam kong may gusto silang itanong.
"Kaya pala lagi kayong magkasama ni Captain." Ace smiled slightly and wiggled his eyebrows as he looked over my entire face.
Sinamaan ko siya ng tingin kahit totoo ang sinabi niya.
Ace studies IT as well. Halos lahat naman yata sila rito ay IT student, si Sage lang ang naiiba dahil nursing ang isang iyon at si Xion. Hindi ko alam kung ano ang kurso ni Xion, pero sa pagkakaalam ko, hindi na siya nag-aaral.
We are the same age; he is now twenty-three.
"Ano kayang namamagitan sa dalawa?" Jethro asked Nick. Pinanliitan nila ako ng mata at ganoon din ang ginawa ko sa kanila.
"Wala," Mabilis kong sagot.
"Buti naman," Bulkan let out a sigh of relief. "Akala ko pa naman lulubog ang ship kong SaCid."
"SaCid?!" Jethro frowned at Bulkan.
"Sage at Cid kasi, hindi mo ba gets?"
Ben chuckled. "SaCid pala, ha... Kaya pala laging nakatitig si Sage kay Cid... mukhang matatanggal na ang pagiging NGSB sa sikmura niya—"
"Gago, mga bugaw," I laughed.
"Bakit?!" Hinawakan ni Bulkan ang braso ko. "H'wag mo sabihing hindi mo gusto si Sage?! E, ang pogi pogi na nga no'n... Ang talino pa!"
Bumusangot ako at akmang magsasalita nang pumasok si Jes sa kusina bitbit ang mangkok. He put it down on the sink and immediately looked at me.
"Nand'yan si AGAPE Astre sa labas," He announced, confusion evident in his tone. "Kailan pa kayo nagkabalikan?"
Tangina naman, ang aga naman niya masiyado. Sabi ko mag-a-almusal lang ako saglit.
"Kaya pala ayaw kay Sage... nagkabalikan pala sila ng ex niyang cheater." Bulong ni Ace at umiling. Halata sa mukha nilang lahat ang pagkadismaya.
Umiling naman ako para hindi nila paniwalaan ang laman ng isipan nila. "About lang 'to kay Cyren, gago. Hindi na kami magkakabalikan no'n. Hindi ko na tatangkaing bumalik, kadiri."
I made a promise to myself yesterday that I wouldn't give in to Astre's lies again. Mabuti nga na marami akong iniisip para nakakalimutan ko siya.
Nag-paalam ako sa kanila na hindi na muna sasabay sa agahan dahil may importante akong lakad. Ayaw nga nila noong una at pinipilit akong sumabay muna sa kanila kumain pero wala naman silang nagawa dahil nagpumilit ako.
Nasa malayo pa lang ako pero nakita ko na agad si Astre sa loob ng sasakyan niya. He was wearing a simple white t-shirt and jeans. Simple lang 'yon pero aaminin kong ang lakas ng dating niya.
"Cassee," Bahagya siyang ngumiti sa'kin nang pagbuksan ako ng pinto.
We haven't seen each other for a week, but I noticed his weight loss. Siguro ay stress din dahil nalalapit na ang grand finals nila.
I got into his car.
"Totoo ba 'yong sinabi ni Jaena tungkol kay Beth?" Panimula ko, hindi nag-a-abalang tumingin kay Astre. Knowing that he is Beth's son and that he cheated on me makes it impossible for me to look at him.
Patong-patong na ang atraso niya sa'kin. Kung hindi lang ako pinilit at pinakiusapan ni Jaena na makinig muna sa kanilang dalawa, I won't talk to him anymore.
"I apologize on behalf of my mom..."
Nanliit ang mata ko at mariin na napakagat sa loob ng pisngi. Hindi ako makapaniwala na naisip niya pang manghingi ng sorry kahit alam naman niyang hindi na mababago no'n ang lahat. Buti sana kapag nag-sorry siya, mababalik sa'kin si Cyren. Pero hindi naman, wala namang kwenta ang paulit-ulit niyang pag-sorry.
I looked at him and laughed in disbelief.
"I need some strong informations, hindi ang sorry mo,"
Siya naman ang nag-iwas ng tingin at mariin na pinaglapat ang labi niya. We haven't seen each other for just a week but a lot has changed in him. Siguro, dahil nag-iba ang paningin at pananaw ko sa kaniya.
He gives me ick.
"Marami akong alam tungkol sa sinasabi mo. But since I can't prove anything, I know you won't believe me."
Nanggagalaiti akong tumingin sa kaniya. "Pinapunta mo ako rito tapos hindi mo naman pala kayang patunayan 'yang mga nalalaman mo? Paano kita papaniwalaan kung napaniwala mo nga ako noon sa kasinungalingan mo?"
Tangina, It's just a waste of time for me to come here. Mas maganda pa siguro kung nanatili na lang ako sa loob ng camp at sumabay sa TVOT mag-umagahan. Mas gugustuhin ko pang makipag-bardagulan sa kanila kaysa marinig ang boses ni Astre.
"Maniwala ka na lang sa'kin, Cassee. Hindi ko naman sisiraan ang sarili kong nanay lalo na't mali talaga ginagawa niya," Astre's sigh reached my ears. "Totoo 'yong mga sinabi ni Jaena sa 'yo."
Umangat ang kilay ko. "Na nangunguha ng mga inosenteng bata 'yong nanay mo para gumawa ng bagong beauty product?"
"Saka ko lang din nalaman 'yong ginagawa niya. She tried to make me shut up, pero mali na kasi iyong ginagawa niya. I just can't stand it anymore, especially knowing that Cyren is there."
Napamura ako sa isipan ko at sinandal ang sarili sa lingkuranan ng upuan.
"Hindi pa ba sapat 'yong nakukuha niyang atensyon ngayon at talaga namang gusto niya pa ng mas higit pa?!" I shouted. "Bobo, ang pota, hindi marunong makuntento."
"Hindi siya makukunteto hangga't hindi nakukuha 'yong gusto niya. Her goal is to win the world's best product award."
Napasabunot ako sa sarili at inis na tumingin kay Astre. Prente itong nakaupo at mukhang malalim din ang iniisip. Bakas din sa mukha niya ang pag-aalinlangan at pag-kadismaya.
"Kahit naman anong gawin niya, sa Ven's pa rin mapupunta ang award na 'yon."
To the best of my knowledge, Redvelbeth and Ven's are rivals in the beauty products industry. Parehas ayaw mag-palamang kaya naman kapag may nilalabas na bagong produkto ang isa, kinabukasan ay mayroon na ring bago ang isa.
It only gets funnier because no matter what Redvelbeth tries to do, Ven's is still a step up in quality. At talaga namang umabot pa sa punto na pati ang mga bata ay gagamitin niya para sa product experimentation.
"What are we going to do?" My eyes darted when Astre asked.
"Pumayag ka man o hindi, I'm taking Beth to jail."
Dumaan ang pag-kabigla sa mukha niya. Alam ko namang mahihirapan siya sa ideya na ipakulong ang nanay niya lalo na't magkasundo ang dalawa. Kahit nga ako, hirap akong ihulog ang tatay ko sa krimen na nagawa niya.
"Sure," He agreed and I swallowed. "Tutulungan kita sa gusto mo."
Napatingin ako ng diretso sa kaniyang mata. Ang buong akala ko ay tatanggi siya at ipagtatanggol ang magaling niyang nanay sa'kin. Knowing Astre, mommy's boy siya simula pagkabata.
I wonder why... may pagtatalo kaya sila?
"Pumunta tayo ngayon sa warehouse na sinasabi niyo," Suhestiyon ko.
I don't want to waste any more time. Alam kong grabe na ang pag-hihirap ni Cyren sa loob ng putanginang warehouse na 'yon. At kung hindi pa ako kikilos ngayon, baka madatnan kong... argh!
"Delikado ro'n, Cassee..." Gumuhit ang linya sa aking noo dahilan upang mapahinto siya sa sinasabi niya. He took a deep breath and grabbed the steering wheel. "Sumaglit lang tayo ro'n."
I squeezed my eyes shut. "Okay."
Sa totoo lang, ito ang pinaka-rason kung bakit ko nagustuhan si Astre. He's always on my side. Para bang hindi siya nag-i-isip sa isang bagay kapag ako na ang manghihingi ng tulong o magsasabi.
He will just nod his head. Gano'n siya ka-understanding.
Tahimik lamang kami sa byahe at nabasag na lamang ang namumuong katahimikan sa'min nang harangin kami ng guard. We are in a subdivision. High class subdivision. Ngayon ko nga lang din narinig ang tungkol sa lugar na 'to.
It has a beautiful view.
"Girlfriend k-ko... my mom knows about her." Ani Astre na mabilis humatak sa buong atensyon ko. I widened my eyes at him but he only nodded.
Sa daming rason na pwedeng sabihin, talaga namang bilang nobya niya pa ang naisip niya?!
"Sigurado ka po ba, Sir?" Paninigurado ng guwardiya sa lalaki habang sinusuri ang mukha ko.
"Ask her first if you want, mag-hihintay kami rito."
The guard immediately smiled and raised the barrier out in our way. Ngumiti rin naman si Astre sa guwardiya bago muling pinaandar ang sasakyan niya. After he parked his car on the side, we hurriedly got off.
Nagulat na lamang kami ng may humarang sa'min na malaking tao. Mabilis akong pinahinto ni Astre at sinenyasan na hayaan lamang ang lalaki sa gagawin niya.
"Cellphones?"
Kumunot ang noo ko. "Bakit?"
"Kinukuha nila lahat ng cellphone bago pumasok sa loob." Bulong sa'kin ni Astre.
Mabilis akong tumango. "Oo nga pala, nakalimutan ko!"
Searching in my pocket for my phone, halos mag-dalawang isip ako kung ibibigay ko ba ito o hindi. Ito lang kasi ang tanging paraan para makakuha ako ng ebidensya.
Sinamaan ko ng tingin si Astre nang iabot niya ang cellphone niya sa isang lalaki at pinanood siyang kapkapan.
I laughed and did nothing but give them my cellphone. Kinapkapan din nila ako at siniguradong wala akong gamit na dala kapag pumasok sa loob.
Tangina, ganito sila ka-ingat?! Halos lahat din ng cellphones at gamit ng mga trabahador sa loob ay nandito.
I clicked my tongue and just roamed my eyes around.
Mas malaki ang warehouse na ito kaysa sa kahapon na pinuntahan namin.
The warehouse is filled with trucks and cartons, but this particular one seems off. Mula sa hindi mabilang na guwardiya na nagbabantay sa buong lugar, mahahalata mong may kakaiba talaga sa loob ng lugar na 'to.
"Nasa loob daw si Mommy,"
Umirap ako matapos niyang ilahad sa'kin ang mensahe na naglalaman ng impormasyon na kasalukuyang nandito ang nanay niya.
"Ano naman? Pwede mo namang idahilan na isinama mo lang ako saglit dito—just lie to her and tell her na nagkabalikan tayo. Madali lang naman kausap 'yong nanay mo. Hindi naman tayo magtatagal dito."
"Pero—" Aniya at sarili ring pinutol ang sinasabi. "Okay, okay, okay. Let's go inside."
Marahan at maingat kaming pumasok sa loob ng warehouse. Ganoon pa rin ang laman, puro trucks, boxes at package lamang ang makikita sa loob at wala ng iba.
I tried to calm myself down as Astre gave me a dress that looked like an astronaut.
"Para saan 'to?"
Inilahad niya ang puting damit at ang mask. "Masakit sa mata at ilong 'yong amoy ng gamot sa loob."
"Okay," Isinuot ko ang ibinigay niya at muling sumunod sa kaniya sa pag-lalakad. Bahagya kong kinapa ang dibdib ko at nahiwagaan nang maramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko. Halos sumabog na ito sa sobrang bilis.
Huminto si Astre sa paglalakad kaya naman huminto rin ako. We're standing in front of a big door now, and my nervousness is making my hand practically freeze. Puro buga ng hangin ang ginagawa ko upang hindi kapusin ng hininga.
"We will go inside... h'wag kang magpakita ng kahit anong reaksyon... just fake... fake your reaction na para bang masaya ka... okay?"
Tumango na lamang ako at pinanood ang lalaki na itulak ang malaking pinto.
"Sir," Kaagad na bati ng lalaki na nakasuot din ng damit na katulad sa'min. Ang pagkakaiba lang, he was wearing gloves at balot na balot.
Mukhan isa siya sa mga trabahador ng RedvelBeth... pero hindi ko maiwasang itanong ang sarili ko. Paano kaya nila nagagawang manatili at magtagal sa ilegal na trabaho na 'to? Mas matindi pa rito ang pagbebenta ng pinagbabawal na gamot.
Siguro triple ang sahod na nakukuha nila kay Beth.
Mga walang puso! Mga mabubulok sa impyerno!
Napansin kong lumapit ang lalaking trabahador sa tainga ni Astre at may ibinulong. The way the man was talking in Astre's ear and side-eyeing me, I knew it was about me.
Humugot ako nang malalim na hininga at binuka ang bibig. "I sincerely hope that, with the help of their bodies, we can create the perfect outcome and win the international beauty product award."
Napansin ko ang pag-tingin sa'kin ng dalawang lalaki. Bahagya pa ngang lumayo ang trabahador sa tainga ni Astre at nahihiyang tumango sa'kin.
"Girlfriend niyo po pala..." Nanatiling nakayuko ang lalaki sa'kin. "Maiiwan ko muna po kayo."
"Sure," I said with a sigh.
Hinintay namin ang pag-labas nito bago ako tuluyang sumilip sa maliit na bintana. I can hear the children's crying out loud, shouting their parents names. Nang sumakto ang mata ko sa butas ay agad na nanghina ang tuhod ko sa nakita.
All the children are sitting on the floor, and they are like pigs. Marami sila, at kung susuriin ay lahat sila menor de edad.
Nakakapanghinang makita ang kalagayan nila.
"Nasaan si Cyren?" Hindi ko napigilan ang luha na lumandas sa aking pisngi. I looked around, and my anger almost flared up when I saw Cyren.
Nakatali ang kaniyang kamay kaya hindi siya maka-tayo at makalapit sa'kin. Namumula at namamantal ang kaniyang balat. Siguro ay rashes dahil maraming bawal sa kaniya... at hindi ko alam kung ano ang tinuturok sa kaniya.
Our eyes met, and I couldn't help but cry.
"Mi!" Nakita ko ang pag-buka ng kaniyang bibig.
Nanginginig ang labi ko sa galit nang makita ang maga niyang mata. It was so swollen, and her eyeball almost popped out. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa mata niya, agad niya itong tinakpan gamit ang kanan na kamay.
"Miss you po, Mi!"
I was about to open my mouth but immediately closed my mouth when I felt Astre's gaze on me. Mabilis siyang umiling, may pinapahiwatig sa'kin at may kung anong tinuro sa itaas ng lugar.
It was a microphone...
Napalinga ako pabalik kay Astre. It means... Everything that is said inside this place can be heard, but the child's screams are not because of the glass blocking them.
Hayop sila!
I bit my upper lip to stop myself from screaming and turned back to gaze at Cyren. Ibinuka ko ang aking bibig at nag-salita kahit na walang lumalabas na boses sa aking bibig.
I said I missed you and gave her a flying kiss before waving her a goodbye.
Gusto ko siyang yakapin at isama palabas pero hindi ko magawa dahil bawal at nakakandado ang salamin. Nang naglibot naman ako sa buong silid, wala akong nakitang pwedeng gawing ebidensya sa pinaggagagawa nilang kademonyohan.
There's nothing to do here...
"Tara," Anyaya ko kay Astre at nauna nang lumabas.
I can't just stand here and watch them suffer. I know I need to do something for them.
"Bakit gano'n?!" Tanong ko agad kay Astre nang makalabas sa silid na 'yon. "Ano bang klaseng demonyo ang sumapi sa kanila at gano'n ang naisip nilang gawin?!"
Nanginginig ang buong kalamnan ko sa galit, awa at sakit. Gusto kong umiyak... hindi ko yata kayang tingnan lang si Cyren na nahihirapan sa loob.
"Baliw na ba 'yong magulang mo?! Wala 'yon sa tamang pag-iisip, Astre!" Pinilit kong hinaan ang boses ko. "Tangina!"
"Kalma, baka may makarinig sa'yo."
"Wala akong paki—"
Kaagad kong pinutol ang sariling sinasabi nang masilayan ang pamilyar na lalaki. Bahagya ko pang kinusot ang aking mata at nang mapagtantong tama nga ako, mabilis kong hinila si Astre patungo sa likod ng sasakyan upang mag-tago.
I'm sure he's my papa. Hindi na ako namamalikmata. He was with Beth. They had smiles on their faces as they conversed. Parang ang lalim nang pinaguusapan nila.
What is he doing here? Tangina, ang gulo.
"Alam mo ba bakit nandito si Papa?" Mahina ang boses ko nang itanong iyan kay Astre.
Naramdaman ko ang mainit na hininga ni Astre nang bumaling siya sa'kin. We were so close to each other, causing me to back away.
"Hindi mo talaga alam?"
Gumuhit ang linya sa aking noo kasabay nang pag-kalabog ng puso ko.
Tangina, magtatanong ba ako kung alam ko?
"They've been seeing each other for almost three months," Astre's face twisted. "Ang pagkakaalam ko, they were both involved in Polca's death... kaya nga hindi ako masiyadong nagulat no'ng nalaman kong nagpapanggap kang kambal mo."
The color drained out of my face as my jaw almost dropped. Tanging lunok ang nagawa ko habang ang tingin ay nakapako sa mukha ni Astre. It was as if I froze in my seat when I heard Astre's words.
"Sikat na ambassador si Polca ng Ven's dahil kilala na talaga siya mula sa gaming... to be honest, siya ang dahilan kung bakit nakilala ang pangalan ng Ven's—"
"Kaya ba pinatay ng tatay ko si Polca?!" Hindi ko naiwasang hindi mag-salita.
Ayon pala talaga ang totoo. Nabubuhay lang pala ako sa kasinungalingan at pagpapaikot ni Papa sa'kin gamit ang mga salita niyang makatotohanan pakinggan.
I was so dumb... dapat nalaman ko kaagad 'yon!
And all this time, alam pala ni Papa kung nasaan si Cyren. Walang puso!
"Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin?"
"Kahapon ko lang din nalaman," Astre gulped. "Tinakot nga nila ako agad... I was forced to shut my mouth by their usage of your name."
Using my name? Akala ko ba...
I was about to speak when we noticed that their car had left.
"Hop in, bilis." Ani Astre at agad naman akong sumakay sa kotse nito. Sinubukan niya akong kausapin pero hindi na ako sumagot pa, nananatiling pino-proseso ang mga pangyayari.
He started driving and immediately stopped in front of the subdivision to take our things that were there.
Balisa lang ako buong byahe dahil sa sunod-sunod na mga tanong na gumugulo sa isipan ko. Hindi ko nga napansin na naihatid na pala ako pauwi ni Astre. I went straight to the terrace to get some air.
"Oh," Bahagya akong natigilan nang makita si Xion na nakasandal sa harang habang ang tingin ay nasa malayo, mukhang malalim din ang iniisip.
He was wearing a maong short and a gray sweatshirt.
Naramdaman niya siguro ang presensya ko kaya mabilis siyang humarap sa'kin.
"Saan ka nang galing?" His pupils flared. "Kanina pa kita hinahanap, I have an update on Polca's death."
"Talaga?" Mukhang good news ang sasabihin niya dahil sa aura ng kaniyang mukha. Tamad naman akong tumabi sa kaniya at sinandal din ang sarili sa bakal ng terrace. As I waited for XIon to say something more, I was feeling the chilly air touch my skin.
"George Neo ang name no'ng pumatay kay Polca,"
Humugot ako nang malalim na hininga at hulos na tumingin sa kaniya. I rolled my eyes and shot him a disappointed glance before turning my head back to the night sky.
"Ang tanga mo talaga kahit kailan," Ani ko na lamang.
"Bakit naman?"
Napapikit ako sa inis. Hindi ako naiinis sa kaniya, kun'di sa sarili ko. Hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko kay Astre. Even if his parent is involved to the case, he finds it easy to state the truth, whereas me... putangina, hirap na hirap nang pagtakpan 'yong kriminal niyang tatay!
"Mali ka," Ani ko.
I felt Xion faced me and a line appeared between his eyebrows.
"Mali ako?" Tila ba may dumaan na hangin at biglang nag-iba ang kaniyang tono. His soft voice grew cold. "So... it means... you know who killed Polca?"
Tangina. Bakit ba ang hirap sabihin 'yong totoo?! Dahil ba... alam kong magagalit sa'kin si Xion?
Bahagya kong tinawanan ang sarili ko. Does it really matter if he gets mad at you, Cassee?
"Oo..." Hirap na hirap kong ani.
Every lie will be known. Every evil will be unveiled.
"Kilala ko kung sinong pumatay kay Polca," Pag-amin ko.
I have been tricked three times, sawa na ako.
"How?" Madilim ang tingin na pinupukol niya sa'kin. Behind those cold-blooded eyes, I can feel his raging fury.
I laughed. "Kasi... He was the one who raised me..."
^_________________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro