Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

25

25

"Huh?!"

He was about to turn away when I spoke causing him to look at me again. Nagkasalubong ang dalawa niyang makapal na kilay at napuno ng pagtataka nang tumingin ng diretso sa aking mata.

"Paano mo nalaman?"

Pinaglapat niya ang kaniyang labi. "Gazing into your eyes, I know you so well."

As his words reached my ears, a delicate sensation of fluttering warmth slowly enveloped my stomach. I was petrified in the same spot. I couldn't move even a finger because I'm still trying to digest in my head what I heard.

Simple lang naman 'yong mga salita na binitawan niya, pero bakit gano'n? Bakit gano'n 'yong epekto sa'kin? Bakit natigalgal na lang ako at hindi nakaimik kahit marami akong gustong sabihin?

Fuck, this guy always drives me crazy... everyday... in different ways.

Umiling ako, binabalik sa reyalidad ang sarili. "Know me so well? Talaga lang, ha? eh, kahit nga pangalan ko, hindi mo alam-"

"Okay, then, Cid Acosta?"

Natigilan ako. The weight of his statement settled heavily on my chest, and a bittersweet smile slowly drew to my lips.

He knows me as Cid Acosta. But in reality... I'm Cassee Acosta.

Wala siyang alam na detalye kahit isa sa'kin... And even if I disappear suddenly, he won't be able to find me because he only knew Cid.

Nakakainis, bakit ba ako nalungkot nang maisip ang mga bagay na 'yan?

"At saka, paanong hindi kita kiala? Eh, ang bilis mo ngang matandaan," His eyes lit up a bit as his Adam's apple moved like a wave. "Bawal sa tamarind at itlog pero paborito ang lasa ng alak at amoy ng sigarilyo."

Tanging lunok ang nagawa ko habang pinanonood ang paggalaw ng kaniyang labi.

It was like music when those words played in my ears. Naramdaman ko ang bahagyang pag-gaan ng loob ko at ang marahan na pagtanggal ng bara sa'king lalamunan.

Awtomatikong gumuhit ang maliit na ngiti sa aking labi. Hindi ko alam kung bakit napalitan ang lungkot sa aking puso. All of the negative feelings I had earlier vanished because of how he comforted me. It was so satisfying to hear.

"Ayon lang?" Mukhang gago pakinggan pero I want to hear more from him. I want to satisfy myself more.

Bumaba ang tingin niya sa mga mata ko at marahan na nag-salubong ang dalawang kilay. He pursed his lips and tilted his head, arms crossed comfortably. Matagal niyang pinasadahan ang mukha ko kaya pinilit kong ihulog ang ngiti sa aking labi.

"Ano 'yon?" Takang tanong ko.

"Did you just smile?"

"Huh?!"

"Ngayon lang kita nakitang ngumiti," Inosente niyang usal.

Dumagundong naman ang dibdib ko kasabay nang pagiinit ng aking pisngi kaya mabilis kong inilagay ang takas kong buhok sa likod ng aking tainga nang maramdaman ang pagkaila na bumalot sa sikmura ko. I swallowed the nervousness that gathered in my throat and looked at him again.

"Masama bang ngumiti?" Pag-susungit ko.

Umiling naman siya agad. "Sanay lang ako na bubusangutan mo o kaya naman kokontrahin ako kapag sinasabihan kang gano'ng mga bagay."

Napatigalgal ako nang mapagtanto ang sinabi niya.

Sure, he's right. Ayaw ko namang pekein ang sarili ko sa mga bagay na 'to at aaminin kong maski ako ay nagtataka. Previously, being in his presence would shadow my sight and stir my anger, but now, it's as if the atmosphere turns brighter whenever he's around.

Hinahanap ko nga 'yong galit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya, pero wala.

Siguro kasi, mas napalapit siya sa'kin nitong mga nakaraan.

"Ewan ko sa 'yo, tara na nga!" Suhestiyon ko at tumango naman s'ya.

Tahimik lamang ako habang komportableng nakaupo sa sasakyan niya. Sitting in the shotgun seat, I must confess that I couldn't shake the feeling that he was aware of some secret little facts about me.

Nakakainis naman kasi. Bakit ba grabe ang nagiging epekto sa'kin kapag natatandaan ng isang tao ang ilang mga maliliit na bagay tungkol sa'kin? and my ego will be crushed if they forget the small fact about myself that I shared with them.

Ang sarap lang talaga sa pakiramdam kapag may isang tao na alam ang tungkol sa 'yo.

My eyes deviated to the front as my deep thoughts suddenly dropped. Agad na nag-salubong ang dalawang kilay ko nang mapagtantong ibang daan ang kasalukuyan naming dinadaanan. You'll reach the camp by taking this road.

"Akala ko ba pupunta tayo sa Warehouse?" Taka kong tanong.

"Saka na lang,"

Umarko ang kilay ko. Mabuti na lang at nag kulay pula ang traffic light dahilan upang magkaroon ako ng tyansa na mag-salita pa ulit.

"Anong saka na lang? Akala ko ba ngayon tayo pupunta?"

Xion frowned at me and sighed. Napapikit siya ng mga mata saka tumingin ulit sa'kin. "Hindi ka pa magaling, you should rest first."

Again... with those words... That feeling crept inside of my heart again pero hindi ko 'yon hinayaan manaig.

"Magaling na ako," I rolled my eyes and stared at him. "Hindi ba inalagaan mo nga ako kagabi?"

Nananatili siyang matigas at hindi ako na ako nilingon pang muli. But I know that he's listening. Akala ko pa naman ay ngayon na agad kami pupunta sa Warehouse, nagkakamali lang pala ako.

Annoyed, I took his hand and placed it on my neck to prove that I was feeling fine.

"Wala na akong lagnat, hindi na nga ako mainit!" Asik ko.

He slowly looked at me in shock and gulping. Agad niyang binawi ang kamay niya nang makitang nag-berde na ang traffic light at nilagay ulit ito sa manibela.

"K-Kahit na." Aniya at lumunok-lunok pa.

"Anong kahit na?"

Hinintay ko ang pagbuka ng bibig niya ngunit hindi na ulit siya nag-salita kaya naman wala akong nagawa kundi ang itikom na lang ang bibig ko at hindi na nagsalita pa.

Nasa kalagitnaan na kami ng byahe at kitang-kita ko ang paglubog ng araw. It was so tantalizing to see, para bang nasa imahinasyon lamang ako sa tuwing makikita ko ang bawat paglubog ng araw.

Ang ganda... ang gaan sa pakiramdam. Nakakawala ng pagod.

I leaned my head on the seat when a yawn escaped my mouth, and I was about to close my eyes to sleep, but my eyebrows immediately met when I saw the familiar car.

Pink lamborghini with a sticker that says redbeth.

Kaagad akong napabalingkwas sa pagkakaupo at mabilis na sinipat ang kotse, sinisigurado kung tama ba talaga ang nakikita ko.

It was the car of the CEO of redvelBeth.

Siguro ay pupuntahan niya si Astre sa gaming camp nito.

Lumingon ako kay Xion. "Punta tayong warehouse ngayon... Beth wasn't there."

"Huh?"

Tinitigan ko ang lalaki diretso sa kaniyang mata. "Kapag 'di mo ako pinag-drive papunta ro'n, bababa na lang ako."

"Silly you," He whispered as he clicked his tongue in annoyance.

Gumaan na lang ang loob ko nang mag-u-turn siya, tanda nang pag-sunod sa'kin. Akala ko hindi siya matitinag sa sasabihin ko.

Pero kung hindi naman niya ako susundin na pumunta kami ro'n ngayon, ayos lang din sa'kin. Tinakot ko lang talaga siya na bababa ako at pupunta sa warehouse mag-isa.

Nang makarating sa destinasyon, agad na hinarang ang kotse ni Xion sa guardhouse. Pinanood kong ilabas ni Xion ang wallet niya ng walang kahit anong sinasabi at may kung anong ipinakita na nagpayuko sa guwardiya at agad na tinanggal ang harang.

Xion parked his car in front of the warehouse.

"Papasok lang tayo?"

Tumango ang lalaki. "Ikaw lang sa loob. Magpapanggap akong naghahanap sa office nila."

"Paano kapag hindi ako pinapasok ng staffs do'n?"

Paniguradong magtataka ang mga trabahador na tahimik na nagtatrabaho sa loob sa oras na makita nila akong nasa loob lalo na't hindi naman sila nasabihan na pupunta kami rito. I might also face trespassing charges.

"Just say my name to them,"

Lintanya niya dahilan upang mapairap ako. "Yabang ampota."

Pangalan niya raw ang babanggitin sa oras na kuwestuyinin ako sa loob. Bakit? Gano'n ba sila ka-close ni Beth?

"Papasok na ako,"

Xion raised his hand in the air. "Ingat, baka may magpakitang dinosaur sa 'yo riyan pagkapasok mo."

Pinangkunutan ko na lamang ng noo ang lalaki. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang lakas ng loob na mag-biro. Habang ako, kulang na lang ay mahimatay na sa kaba na nararamdaman.

I let Xion watch me go inside before he left and headed to RedVelbeth's office.

Pangalawang beses ko nang malalapat ang paa ko sa lugar na 'to. But I'm still nervous and feel like I just got here for the very first time. Kung nakakamatay nga lang ang sobrang pag-dagundong ng dibdib, siguro kanina pa ako pinaglalamayan.

This place is driving me insane.

Tanginang kaba 'to, walang katumbas.

Humugot ako nang malalim na hininga at nilibot ang mata sa paligid. There are lots of rooms and alleyways in this huge warehouse. Hindi magiging madali ang paghahanap na gagawin ko sa malawak na lugar na 'to.

I'm sure it will take some time.

Muli akong napabuntong-hininga.

Bahala na.

Inumpisahan ko ang paghahanap sa unang silid na nadaanan ko. It's just full of machines, products, and boxes. Ganoon din ang mga sumunod na kwarto na napasukan ko, walang pagkakaiba ang laman ng lahat ng eskenita at mga kwarto.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi pagdudahan ang mga sinabi ni Jaena.

Pakiramdam ko ay naisahan niya lang ako at nauto sa mga salita niya. But she spoke in a really genuine tone during the call, hindi mo malalaman kung niloloko ka na lang ba o hindi.

My thoughts scattered like startled birds as a sudden scream pierced through the tranquility, interrupting the quiet contemplation.

"Ano 'yon?" Bulong ko sa hangin, ang noo ay kunot na kunot. Sigurado akong may narinig akong tili ng bata mula sa kung saan.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar at halos mapatalon na lang sa gulat nang bumalandra sa harapan ko si Tita Beth. She has a sly smile on her lips as she holds her coffee cup, causing me to swallow twice.

"How's the tour around?"

Tangina, kagulat 'yong mukha. Bahagya akong natawa sa isipan.

"Looks like you're enjoying yourself here," Inilibot niya ang mata niya sa buong lugar bago muling tumingin sa'kin. "By the way... I've heard about your break-up-Hope you heal well as fast as you deserve."

Pinanliitan ko ng mata ang babae at pinilit ipaskil ang malawak na ngiti sa labi. Halata naman ang ka-plastik-an sa mukha ng babae. At saka, ang kapal naman ng mukha niyang humarap sa'kin matapos malaman na niloko lang ako ng anak niya?

I'm sure that she is aware of Astre's cheating issue. Siguro nagbubulag-bulagan lang ang babae para sa pangalan niya.

"Ay, nako, Tita! Hindi ko na po kailangan ng healing process-someone has already healed me." Pagsisinungaling ko.

"Oh, you mean a man?"

I chuckled. "Hindi naman po ako naapektuhan ng kahit kaunti sa break-up namin ni Astre, Actually, for me, it was a sigh of relief to let him go-"

"So, you're not here for my son," Humkbang siya palapit sa'kin dahilan upang mapaatras ako at tanging lunok ng laway ang nagawa. "Are you a spy or something?"

Fuck.

I titled my head and smiled. Muli akong lumunok habang pinapanood ang nanggagalaiti niyang tingin na dumapo sa'king mukha. Humugot ako ng malalim na hininga at binuka ang aking bibig.

"I'm with Xion," I used the Him card. Baka sakaling gumana.

"Xion?" Tanong niya at tumawa. "Don't use his name, honey. I know your relationship are not good-oh... and I bet he also doesn't know that you're faking your identity?"

Mas lalong tumaas ang kilay ko. I didn't know there was such a side to Beth, nasa loob pala ang sama.

I laughed and clapped my hand, mocking her, and I think it works.

"Inom ka kasi nang inom ng kape, Tita... you're late tuloy sa balita," I scrunched my nose. "He already knows my identity."

"Really?" She smiled sweetly. "Should I ask him myself?"

Ngumiwi ako at akmang magsasalita na nang maramdaman ko ang presensya ni Xion na nanggaling mula sa likuran ko. He stepped closer to Beth and placed me slightly behind him.

"I'm with her,"

Her... Her... Her... Kailan niya pa ako tinanggap bilang babae?

"Her?" Naputol ang isipan ko nang malakas na tumawa si Beth pero halata sa mukha niya ang pagkadismaya. "I think I really enjoyed drinking coffee too much. I'm late for the news."

Kusang umikot ang mga mata ko.

Ang plastik ampota, sarap isako.

"Ah, Tita... I apologize for coming back here without your consent. Naiwan ko po 'yong cellphone ko rito."

Xion gritted his teeth, acting like he was telling the truth.

Galing, may potential maging stand in actor.

"Oh... You can search around if you want, pwede ka rin mag-paassist sa mga workers dito," Ngumiti si Tita Beth at bahagyang sumimsim sa kaniyang kape. "Or... Why not just make it ring? Para hindi na kayo mahirapan mag-hanap."

Tila ba nag-iba ang ihip ng hangin. Her tone had softened and turned from previous irritation.

Xion let out a sigh and grinned down. "Sinubukan na rin namin, Tita, kaso naaalala kong muted at do not disturb 'yong cellphone ko."

"Oh... okay.. but I have an urgent meeting, hindi ko kayo matutulungan sa paghahanap,"

Lumiwanag ang mukha namin ni Xion. It was like winning the lottery when we heard those words.

"Okay lang po, we will just ask for help if we need to."

"Sure, I will get going." Aniya at hindi ko man lang nahanap ang kahit kaunting pag-aalinlangan doon.

Her tone doesn't show any nervousness .Para bang wala lang sa kaniya kung pasukin namin ang factory ng products niya.

Isn't it weird? She doesn't even act like guilty people should act?

"Okay ka lang?" Xion asked me as soon as Beth walked away, and I nodded. "Takot na takot ka, para kang nakakita ng dinosaur."

Tumawa naman ako. "Ayon, 'yong kausap mo kanina, mukhang dinosaur."

Pareho kaming natawa.

"Ay... alam niya na nagpapanggap kang lalaki?"

Kinagat ko ang loob ng labi ko. "Oo, pati si Astre rin."

Tumango na lamang siya kahit nakikita ko sa mukha niya na may gusto pa siyang itanong. But I'm not going to make him ask me what's on his mind.

"Let's check every room and alley."

I gave him a thumbsup and started looking in each room.

Habang naghahanap sa bawat silid ay punong-puno ng tanong ang isip ko. It's not obvious that Beth is hiding anything else, and she's not suspicious either. Iniwan niya pa nga at hinayaan pa kaming mag-libot sa loob ng warehouse nang hindi nagdadalawang isip.

She wasn't nervous either.

I continued looked for rooms and alleys and all I can see is machines, boxes, products and trucks. Nahihiya na nga ako dahil pakiramdam ko ay nagagambala ko na ang mga trabahador na kasalukuyang nagtatrabaho sa loob.

Fuck.

"Last room na 'to, wala pa rin,"

I hopelessly looked at Xion who's currently holding the door knob. Ito na ang kwarto na nakapwesto sa pinaka-dulo ng warehouse at ito na lamang ang hindi pa namin naiinspect.

Binigyan niya ako ng signal at kasabay nang pag-pihit niya sa door knob ay nag-ring ang cellphone ko. I took it out of my pocket and quickly saw the dialer name. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Should I get upset? Argh!... Whatever, even though I knew what Jaena was telling me wasn't real, I told myself that I would still give it a go. I tried, at least.

I gave Xion a "search the room" look and answered Jaena's call.

"Hello?" Ani ko agad.

"Cassee-"

"Cid," I corrected her.

Sa kabila ng kaalaman ni Xion sa pagiging babae ko, may parte pa rin sa'kin na hindi kayang sabihin kung ano talaga ang pangalan ko. And I know I should. Dahil sa oras na malaman nila ang totoo, mas lalaki ang gulo.

"Nasa east warehouse 'yong mga bata, I had just laid eyes on them."

Those words immediately made me tighten my grip on the cellphone. "East warehouse?!"

"Oo, C-Cid... I also saw... Cyren there."

Tangina. "Ayos lang ba siya?" I could feel my blood boiling inside.

"Hindi, Cid, naaapektuhan yata 'yong mata niya sa gamot na tinuturok sa kaniya..."

Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. Pakiramdam ko tuloy ay malala na masiyado ang kalagayan ng mata ni Cyren. I am aware that she is also anxious and terrified, so it's not only the medication that's being put into her.

I tightly closed my eyes.

Fuck. Mga hayop sila!

"Nasaan ka ngayon? Nandiyan ka pa ba? Pupunta ako riyan ngayo-"

"Calm down first... okay?" Hindi ko maintindihan ang tono niya, It was a mixture of resentment, worry, and sorrow. "Nakausap ko si Astre, I asked for his help. Pumayag naman siya agad."

"Astre?" Kusa akong natawa. "Sigurado ka ba? Si Astre? Hindi ba anak 'yan ni..."

"Mag-tiwala ka na lang sa'min kung gusto mong malabas si Cyren, Cass-Cid," She gulped. "We will not betray you... at saka... sana pakinggan mo paliwanag ni Astre-"

I dropped the call.

Paliwanag? Putangina, anong paliwanag?! Tapos na 'yong usapan, nag-cheat siya sa'kin! Sana h'wag na niyang dagdagan 'yong sakit ng ulo ko!

"Wala, Cid," Lumabas sa silid si Xion na may dismayado na nakapaskil sa kaniyang mukha. Hindi na ako nagulat sa sinabi niya, because I already know where Cyren and the other innocent children are.

"Umuwi na muna tayo," I suggested and didn't say anything.

Siguro... susundin ko na lang muna iyong sinasabi ni Jaena na mag-tiwala sa kaniya, kasi kung hindi, baka kung ano pang gawin ng mga demonyo kay Cyren. I'll just keep it cool.

Nang makarating sa bahay ay agad akong nag-tungo sa sala.

"Umh..." Sinipat ko si Xion. Should I thank him? Eh, wala namang nangyaring maganda, para saan pa 'yong thank you, 'di ba?

Okay, Cassee.

"Magla-live stream ako ngayon para hindi unfair sa kanila."

Pumihit ako patalikod at sinukbit ang takas na buhok sa likod ng aking tainga. I was about to step forward when I felt Xion's hand on my arm, making me look at him again.

Pinantaasan ko siya ng kilay habang ang puso ko ay hindi na maipinta sa kung anong nararamdaman nang magkasalubong ang mga mata namin.

There were purplish shadows underneath his eyes as he boredly glanced at me. Hindi ko alam bakit nagtahip ang dibdib ko sa kaba. I never imagined that my own body would turn against him.

Ang sungit niya pala talagang tingnan.

Halatang walang tulog si Xion dahil sa namumungay na mga mata. Kanina pa kami magkasama pero ngayon ko lang talaga nakita nang malinaw ang mukha niya. I think the sleepless night caused him to have this air that makes me feel guilty.

Hindi ko naman kasi kasalanan 'to dahil unang una, hindi ko naman siya pinilit alagaan at bantayan ako kagabi habang natutulog. At... siya pa nga ang nag-kusa na gawin ang bagay na 'yon.

"Bakit-"

"Hindi mo naman kailangan mag-stream pa, I'll take the rest of your work."

I desired to inquire of him... Why did his snotty demeanor gradually soften into kindness?

Umiling ako. "Ayo'ko nga, ang unfair no'n para sa iba."

"Just rest and don't do anything." His husky voice enveloped my ears. Paos siguro dahil sa pagod o kung ano.

Umiling ulit ako at pilit nag-matigas. "Mawawalan ako ng sahod kapag nabawan ang stream hours ng TVOT management. Kailangan ko pa naman mag-ipon para sa operasyon ni Cyren..."

Unti-unting humina ang boses ko nang mapagtanto ang madilim na tingin na binibigay sa'kin ni Xion. He is simply listening to my excuses for self-defense in silence, yet it caused me to pause and gulp for no apparent reason.

Para kasing ang lalim ng iniisip niya...

"Are you done talking?" Xion merely shrugged off and I slowly nodded. "H'wag ka nang mag-stream ngayon, I extended my stream hours by three hours, and I am now considering those to be your stream hours."

Apat na oras ang capacity ng live stream namin. At kung totoong inako ni Xion ang stream hours ko... that means he was focused on the computer for six hours, just doing live stream.

Tangina, dalawang oras pa nga lang akong babad sa gadget, ang sakit na agad ng likod ko at ng mata ko.

"Bakit mo naman ginawa 'yon?!" Pinilit kong itaas ang boses ko. "Trabaho ko 'yon, hindi iyo-"

"Bagay sa 'yo 'yong buhok mo," He gulped as his Adam's apple moved like a wave.

My heart pounded against my chest. How can he be so expressive like this? Naninibago ako. Was he always like this?

"Huh?! How rude of-"

"A-Ang ganda mo..."

Luh, si kuya naman. Parang tanga naman ampota.

I swallowed the bile on my throat.

Naramdaman ko ang marahan na pag-alis ng kaniyang kamay sa braso ko kaya naman tumalikod na ako, hindi na sinagot pa ang huli niyang sinabi. The feeling inside my stomach is crawling again and as soon as I stepped in the stair, I couldn't help but smile widely.

Shit! Required ba talaga na sundin ang three months rule after break-up kahit na nag-cheat ang partner ko sa'kin?!

Napa-iling ako sa kawalan.

Down bad, Cassee.

^_____________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro