Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

23

23


"Kumukuha sila ng bata para pag-experimentuhan, so that... their products will be perfect,"

"Paano ka naman nakakasigurado?"

It's so hard to trust Jaena because of what happened. Totoo nga ang sinasabi nila, kapag nasira mo na ang tiwala ng isang tao, hindi na ito maibabalik ulit. Or else, it will take time.

Aside from that, kilala ko si Tita Beth. Alam kong hindi niya gagawin 'yon.

"I heard them talking,"

"Kung totoo ang sinasabi mo, Why didn't they just take animals instead of innocent children?"

Can't they just inject animals? O kaya naman... mga sarili na lang nila. Hindi 'yong nang dadamay sila ng mga tao na nananahimik. Dagdag lang sila sa bigat sa bansa, eh.

"Siguro sa isip nila, mas magiging maganda 'yung products kapag sa tao mismo pinag-aralan,"

"Nasaan 'yung warehouse, pupunta ako-"

She cut me off causing me to stopped.

"Hindi pwede, Cassee. Kapag nahuli ka, baka hindi mo na makuha pabalik si Cyren," Her tone became serious. "We need to plan this before taking action, Cassee."

Mariin akong napapikit, ramdam na ang pagod na namamalagi sa katawan.

"Paano naman?"

I will give it a shot. Gusto ko lang talagang makita si Cyren. At kung totoo man ang sinasabi ni Jaena sa'kin, mas maganda. Pero kapag hindi, I will never trust anyone again.

"One of us should go to their Salon and get treatment... tapos sasabihin na nasira 'yung pinaayos at may bad effect sa katawan. Then, pupunta sa warehouse at doon magrereklamo."

Napangiwi ako sa sinabi niya. "Sigurado ka ba talaga sa sinasabi mo?"

"I'm hundred percent sure, Cassee," I heard her sigh. "Gusto ko sanang ako ang gumawa pero bawal ako sa amoy ng gamot... I'm pregnant."

Oo nga pala... pero... should I trust her? The whole world knows how I have second thoughts about what she wants to happen.

"Alam kong mahirap ulit ako pagkatiwalan, Cassee, but... give me one more chance please."

"Copy," I nodded my head. "I'll go to RedvelBeth Salon."

I let the days pass and spent the hours circulating the missing posters. Kung saan-saang lugar ko na ikinalat ang mga posters, kulang na nga lang-bawat dingding ng bahay na madadaanan ko ay lagyan ko na rin.

Pagkauwi naman, I'm forcing myself to live stream even if only for three hours.

"Shit, pagod na ako,"

Cyren has been missing for a week and we still have no news. Maging ang pulisya ay wala man lang kahit kaunti na balita para man lang gumaan sana ang loob ko at makampante.

"Kakatapos ko lang mag-live stream," Anunsyo ko pagkasalpak ng sarili sa malambot na sofa.

Nick rolled his eyes. "Nanonood nga ako tapos nag-i-spam ng comment, hindi mo naman ako pinapansin."

Nick is a fourth-year college student enrolled in an IT course. Ang sabi nila, masiyado raw masikip ang schedule ng mga IT students pero base sa nakikita ko kay Nick, hindi naman ata. Nagagawa niya pa ngang tambayan at tadtarin ng comments ang live ko.

"Hindi ko nga nakikita 'yong comment section, nagloloko ata." But the truth is, I saw all his comments, I just don't want to pay attention to it.

Bumaling ako sa kaniya. "Magpapakulay ako ng buhok, any suggestions?"

He faced me and examined my entire face before touching my hair. Salubong ang kilay niya at para bang iniisip nang mabuti kung anong kulay ang babagay sa buhok ko.

I've never dyed my hair before, so I'm not sure what color is best for me.

Umayos sa pagkakaupo si Nick, nananatiling salubong ang kilay at nakatingin sa buhok ko. I was about to speak when Bulkan, Jethro and Ace entered the room.

"Anong oras ka umuwi, Cid?" Jethro asked me.

"Kanina pa ako nandito, nakapag-live stream na nga ako."

Tumango-tango ang lalaki at bahagyang umusog sa pagkakaupo nang mapansin na uupo si Bulkan sa gitna namin. Bulkan took the pillow and quickly sat down.

Our skin touched. Bahagya akong napalayo nang lumingon siya sa'kin gamit ang gulat na gulat na ekspresyon. He immediately put his palm on my forehead and his jaw tightened.

"Inaapoy ka ng lagnat, Cid,"

Kinapa ko ang sarili kong leeg at napagtantong mataas nga ang temperatura ko. Maybe it's because I'm so tired? Kaya pala grabe ang panlalamig na nararamdaman ko, habang sila naman ay naiinitan sa panahon.

"Gago, para ka ngang nasusunog," Nick said while also checking my temperature.

Punong-puno nang pag-aalala ang mga mukha nila.

"Toka mo ngayon sa paghuhugas 'di ba?" Ace asked and I nodded my head. "Ako na maghuhugas, kaunti lang naman 'yon kasi nag-hugas na si Sage kanina. Magpahinga ka na sa taas."

Lahat kami ay nagitla nang kinotongan ni Bulkan si Ace sa ulo. "Gago, anong magpahinga na sa taas? Pinapatay mo naman agad?!"

"Boi, what I mean is-matulog na siya sa kwarto niya. Mukhang gago 'to."

I laughed a little.

Sa bahay na 'to, hindi sila magkakadugo pero ang turing nila sa isa't isa ay pamilya. Despite numerous arguments during their four-year journey from being unpopular to becoming famous, their relationship is still going strong as of right now.

Ang pagkakarinig ko at ayon sa nakikita ko, si Jes ang tumatayong father of the group dahil siya ang pinakamatanda sa grupo. He is also the manager so he is really in charge of everything.

"Sasabihan ko si Sage na kuhaan ng gamot si Cid,"

Mabilis na kinuha ni Jethro ang cellphone niya at binuksan ang group chat ng TVOT bago nag-tipa. Dumungaw ako sa cellphone niya upang tingnan ang mensahe na tinitipa niya.

Jethro: @Sage, pakikuha nga ako ng gamot diyan pang-lagnat

Sage: Huh? Nasa NBS pa ako, pero pauwi na. sino bang nilalagnat?

"Aral nang aral si Sage ampota. Sa susunod, siya na papalit sa yapak ni Einstein." Biro ni Nick habang nakadungaw din sa screen ng cellphone ni Jethro.

Jethro: Si Cid

Sage: Sige, uwi na ako. Nasaan daw ba si Xion?

Jethro: Papuntang Etivac 'yan, bro, may kikitain ata

Ben: Pauwi na rin ako, guys. Daan lang ako Mercury, bilhan ko coolfever si Cid

Jethro: Walang nagtanong, Ben10

Ben: :) 🔪

"Taas na ako, ha," Suhestiyon ko.

"Kumain ka na ba?"

Kaagad akong tumango bilang sagot sa tanong ni Bulkan at tumayo mula sa pagkakaupo. They even suggested that they take me to my room, but I insisted not to. Kaya ko pa namang umakyat pataas kahit na medyo nagdadalawa na ang paningin ko.

I went to my room and changed into comfortable clothes. Nag-suot din ako ng medyas dahil pakiramdam ko ay nasa ibang bansa ako dahil sa lamig na bumabalot sa katawan ko.

I closed my eyes tightly after staring at the ceiling for a long time.

Nakakapagod din pala. I feel so exhausted and just want to sleep all day.

Pero paano ako makakatulog kung minu-minutong dumadaan sa isip ko si Cyren? I am very worried for her. Kung pwede ko lang talagang halughugin ang buong mundo para makita siya, gagawin ko.

Paano?

Siguro kung kami pa rin ni Astre ngayon, he won't let me get tired like this.

Wala na akong balita sa kaniya... I don't even know what to do when I see him. Galit ako, eh, pero, mahal ko. Humugot ako nang malalim na hininga, nararamdaman ang bara sa lalamunan.

Siguro, it would be better if I never saw him again.

My thoughts were interrupted when I heard the door open and it closed immediately. Agad kong minulat ang mga mata ko at mabilis na nagtama ang mata namin ni Xion.

He's wearing a jacket, white t-shirt paired with a brown pants. Hinahabol niya ang kaniyang hininga at mukhang kakauwi pa lang. I was about to speak when my eyes caught the plastic container he was holding filled with medicines.

Nagkasalubong ang mga kilay ko, hindi mapigilang maramdaman ang mga hayop sa aking tiyan.

"Akala ko ba papunta kang Cavite?"

Napalunok siya, patuloy sa paghabol sa kaniyang kinakapos na hininga. His worried eyes examined me. I couldn't read the contents of his mind, but I knew he was worried.

"Na-cancel 'yong meeting-"

"Na-kansela ba talaga o kinansela mo?"

Bahagyang umuwang ang kaniyang labi. He played with his fingers and looked at me nervously. Hindi ko tuloy maintindihan kung nag-aalala ba siya o nagagalit o kinakabahan dahil sa madilim niyang tingin na pinupukaw sa'kin.

"Parehas lang 'yon." Kaswal niyang sagot.

Ngumiwi ako at nanunuksong tingin ang binaling sa kaniya.

"Kinansela 'yung meeting kasi nalaman na may sakit ako," I nodded my head and looked away. "On the way kang Cavite 'di ba? Bakit ka bumalik dito?"

Hindi siya sumagot at iniba ang usapan. "I bought you medicine. Kumain ka muna bago uminom."

"Kumain na ako," Sagot ko habang malawak pa rin ang ngiti sa labi.

"Feeling ko talaga crush mo ako," I claimed in. "I mean, sige, sabihin nating medyo tagilid 'yang ugali mo pero may pag-asa namang mabago 'yan."

Sarkastiko siyang ngimiwi at tila ba hindi natutuwa sa narinig niyang sinabi ko. Nanliliit ang dalawa niyang mata nang titigan ako. I think he was cursing me in his mind.

He shot up a brow. "Ikaw na nga 'tong inaasikaso, ako pa 'tong tagilid ang ugali?"

Tumango-tango ako gamit ang matamis na ngiti sa labi. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag alam mong nakukuha mo ang inis niya.

His wrinkled face gives me pleasure. Oh, please, don't be my Roman empire.

"Kuhaan mo nga ako ng tubig," Utos ko.

He glared at me. "Nilalagnat ka lang pero hindi ka pilay, okay?"

I glared at him too. Ilang segundo siyang nakipagtitigan sa'kin ngunit ilang segundo ang makalipas nang bumigay din siya at tumalikod. He was about to go to my mini fridge when I spoke causing him to stop.

"Walang tubig diyan,"

Ilang segundo niya akong tinitigan at napabuntong-hininga. He went down without saying a word and came back with a glass of water. Inilapag niya ang baso ng tubig sa maliit na lamesa sa tabi ng kama ko at tinitigan ako ng masama.

I sat up from lying down and smiled at him. Sa tingin ko, base sa naka-igting niyang panga at kamao, gusto niya na akong sapakin.

"H'wag mo nga akong tingnan ng gan'yan. Para kang aso na mananakmal na," I teased him even more and took the glass of water. I opened the medicine and quickly took it. "Masiyadong mainit 'yong tubig, kuhaan mo ako ng maligamgam lang."

Mabilis niya akong nilingon. Disbelief was evident on his face.

"Oh, bakit?" I asked using my curious tone. "May reklamo ka ba?"

Agad siyang umiling dahilan upang matawa ako. I pressed my lips together to suppress the laugh as I watched his face boil in anger.

Handa na siyang tumalikod sa'kin at bumaba nang muli akong mag-salita.

"Pabukas nga 'yong aircon, 'yong medyo mahina lang."

Nilingon niya ako at mariin na pinaglapat ang ngipin habang ang tingin ay masama. Nag-pamaywang ang lalaki sa harapan ko, mukhang tinatansya na lamang ako.

"Ay, ayaw mo ba?"

Umiling siya ulit. "Ito na, hinahanap lang po 'yong remote."

He turned on the air conditioner to medium power before going downstairs.

"Salamat sa tubig," I pouted, slowly shutting my eyes. "Pero hindi na ako nauuhaw. I decided to sleep, inaantok na rin ako."

Nang mabitawan ko ang mga salitang 'yan, bahagya kong minulat ang aking mga mata upang silipin ang reaksyon niya. He was biting his lower lip hard, and his fist was clenched while gazing at me as if he's a puppy who will bite me.

Cute.

"Okay, h'wag ka sanang bangungutin ka sana." Aniya at narinig ko ang malakas na pag-sara ng pinto dahilan upang imulat ko ang aking mga mata.

Did he just leave? Psh. Tanga.

Umirap ako at tinago ang sarili sa kumot. I closed my eyes tightly and felt everything heating up. Sobrang taas siguro ng temperatura ko kaya pakiramdam ko ay nasusunog na ako.

Aish, I hope I get better tomorrow. Magpapa-salon pa ako.

I woke up feeling the warmth of the temperature. Inalis ko ang kumot na nakapulupot sa'kin, kinakapa ang sariling temperatura ngunit napahinto nang makita ang mga gamit sa bed-side table.

Thermometer, basin with wet towel, air conditioning remote, medicines, and Xion's cellphone.

Akala ko ba iniwan niya ako bago ako matulog? Bumalik ba ulit siya?

I got up from lying down and quickly went downstairs. Kaagad na bumungad ang amoy ng putahe na niluluto sa kusina pagkababa ko pa lamang.

"Nasaan si Xion?" Tanong ko nang makita si Ben.

"Umalis na, kanina pang umaga. Bakit?"

"Wala naman,"

"Ay, pinapasabi pala sa 'yo, uminom ka raw ng gamot. Sinulat niya na 'yong time schedule mo, sumunod ka raw doon tapos h'wag ka munang lumabas ng bahay."

Napairap ako. "Mamamatay na ba 'yong Captain mo? Naghahabilin na, eh."

Natawa naman si Ben.

"Gago, nag-aalala lang 'yon sa 'yo," Bahagya niyang hininaan ang apoy ng niluluto at bahagya pang pumikit-pikit. "Hindi sa nanggu-guilt trip ako pero alam mo bang walang tulog 'yon kasi binantayan ka lang mag-damag?"

Napalunok ako. "Hindi ko alam, pero naiwan niya 'yung cellphone niya sa kwarto ko."

"Ay, weh? Eh 'di maganda, hindi niya ako mako-contact-hindi siya makakapag-utos sa'kin."

Natawa ako sa sinabi niya.

Sage entered the kitchen with Jes.

"Okay ka na?" Sage asked me, checking my temperature. Tumango naman ako. "Naubos na namin 'yong huling pina-print ni Xion na posters. Napakalat na namin kung saan-saan. Wala pa rin bang balita?"

Umiling ako bilang sagot sa tanong niya. "Wala pa, magiisang linggo na."

"Saan ka pala pupunta?"

"May appointment ako, papaayos ng buhok."

"Ay, oo nga pala!" Nick pouted. "Ash brown, bagay sa 'yo 'yon, promise."

Ngumiti ako kay Nick at nag-thumbs-up pa.

Pakiramdam ko nga ay bagay sa'kin ang Ash brown. Go na ba ako ro'n? kapag hindi naman bagay, pwede ko namang ibalik ulit sa pagiging itim.

Pero... aish... sige na nga. Ash brown na.

I went to the salon and got my hair dyed right away. Tahimik lamang ako habang pinoproseso ang buhok ko. I just enjoy sitting there while listening to the music. At nang matapos, pakiramdam ko ay nadagdagan ang pagiging gwapo ko.

Pinasadahan ko ang buhok ko at tiningnan ang sarili sa salamin.

Pogi. Ang pogi. Putangina, pogi. Papakasalan.

Malawak ang ngiti nang lumabas ako galing sa Salon. Kaagad kong tinawagan si Jaena at nang sabihin niyang nandoon na siya sa warehouse, kaagad akong tumahak patungo roon.

Fuck, I want to know the truth.

Jaena sent me the address of the warehouse and I immediately went there.

Kaagad akong hinarang nang nagbabantay na guwardiya ngunit agad din akong pinapasok sa tulong ng pangalan ni Jaena. I feel so nervous now and I feel like I'm going to die from the nervousness.

Hinanap ko ang maliit na opisina at nang makita ito ay pumasok sa loob.

"Nandito ba si CEO Beth?" I used a male voice.

Lumapit sa'kin ang staff at pinasadahan ako ng tingin. "Nandito, sino ka?"

Mukha ba akong sinuka? Hello, iniri ako?

I smiled at her and was about to speak when I saw Jaena. Maingat na naglakad ang babae palapit sa direksyon naming dalawa habang hinihimas-himas pa ang kaniyang sinapupunan.

May kalakihan na nga ang tiyan niya. At sa pagkakaalam ko, apat na buwan na ang bata sa tiyan niya.

"Anong kailangan nila?" Jaena asked me with a wide smile.

Ngumiwi naman ako. "Nag-paayos ako ng buhok sa RedvelBeth, tapos bakit ganoon? Namamaga anit ko?"

I can feel my throat getting dry and I swallowed harder when Aunt Beth came out. Bahagya akong yumuko upang itago ang mukha, natatakot na makilala niya ako bilang si Cassee.

Napansin ko ang paglapit niya sa tainga ni Jaena at may binulong.

Siya naman ang pinasadahan ko ng tingin at kinuyom ang kamao.

Kung totoo ang sinasabi ni Jaena, hindi ko papalagpasin ang pagkakataon na 'to para ipakulong siya. She must pay for everything she has done. Sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan.

Pero ngayong wala pang kasiguraduhan, I'll just play it safe until I find out the truth.

"Who's he?"

"Costumer, Tita. May complain ata."

Umangat ang sulok ng kilay ni Tita Beth at mabilis na nagpeke ng ngiti nang lumapit sa'kin. "Paano mo nahanap 'tong lugar na 'to, hijo?"

Puta...

I pointed Jaena. "Sabi niya sa'kin, dito raw ako pumunta."

"Jaena," Tita Beth called Jaena with a fake smile and looked at me. "Excuse us, okay?"

Mabilis akong tumango at bahagya naman silang lumayo sa'kin.

"Ano 'yon? Nagpapapasok ka ng outsider without my permission?"

"Tita, nag-e-eskandalo po kasi siya sa harap ng shop.so I gave her an advice to just come here and complain here."

I saw Jaena's hand behind the wall, signaling for me to leave.

Humugot ako nang malalim na hininga, iniipon ang lahat ng natitirang lakas ng loob. Sa oras na mahuli ako, I could face charges for both trespassing and theft. Sobrang delikado ng ginagawa ko.

Fuck, Cassee. Ano na naman ba 'tong pinasok mo?

I entered the warehouse.

As I tread cautiously through the beauty products warehouse, the nervous flutter intensifies. May mga naglalakihang trucks sa paligid at mga malalaking kahon na paniguradong naglalaman ng mga produkto.

Tahimik at walang katao-tao ang loob. Lahat kasi ng mga trabahador ay nasa mga karinderya para mag-tanghalian.

It was a great shot that we went here at this time.

Suddenly, the door swings open, and a jolt of panic courses through me. Instinctively, I dart behind a stack of boxes, heart pounding.

Putangina, akala ko ba walang mga tao sa loob ng lugar na 'to kapag ganitong oras?!

A man enters the warehouse, and I recognize him instantly - it's my papa.

Pero? Anong ginagawa niya rito? Ni kailaman, hindi niya nakwento sa'kin na may binibisita siyang warehouse. Mekaniko ang trabaho niya... paanong mapupunta siya rito sa pagawaan ng mga kolorete?

Questions race through my mind, each one amplifying my curiosity and unease. Why is he here? What could possibly bring him to this particular place at this moment?

Tila ba malalagutan ako ng hininga nang mamalagi ang tingin niya sa pinagtataguan kong direksyon. Ilang segundong napuno ng sunod sunod na mura ang aking isipan bago tuluyang makahinga ng maluwag nang mag-alis siya ng tingin sa direksyon ko.

Puta? sana maisip niyang namamalik-mata lang siya.

I exhale slowly, thinking I'm in the clear.

But then, as if a cruel twist of fate, his eyes flicker back in my direction. Halos manuyo ang aking lalamunan at ang buong katawan ay pinagpapawisan dahil sa kaba na nararamdaman habang unti-unting umaatras.

Our eyes locked.

A tense silence hangs in the air, and my heart resumes its frantic beat. His expression shifts, and for a moment, I'm uncertain whether he truly saw me or if it's just my imagination playing tricks.

Tangina, tangina, tangina...

Ano na naman ba 'tong pinasok mo, Cassee.

Ilang segundo kong iniwas ang tingin ko, pinipilit hindi mag-tagpo ang mga mata naming muli. At nang tumingin ulit ako sa direksyon niya, malayo na ang tingin niya sa'kin at nagpatuloy ito sa paglalakad.

I release the breath I didn't realize I was holding, but the unease lingers.

Tangina mo, Cassee. Tangina.

Halos manlupapay ako at manglaki ang mga mata nang maramdaman ang palad na unti-unting sumakop sa aking mukha. The rumble in my chest doubled when I felt the heat of the breath of the person behind me.

Pakiramdam ko ay maiihi na ako sa kaba.

Hindi mahigpit ang pagkatakip sa bibig ko kaya marahan kong inangat ang paningin ko. Mabilis akong napabuntong hininga kasabay nang panlalambot ng aking mga tuhod nang magkasalubong ang mga mata namin.

"Shhh, don't make any noise," He whispered using his breath.

^______________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro