21
21
"Wala po ba kayong nakitang batang babae na maputi, medyo matangkad, hanggang balikat ang buhok tapos may malaking red ribbon 'yung ulo?"
Pinangkunutan niya lang ako ng noo.
"May eye cancer na batang babae... may hawak na tablet... may pink na ribbon sa ulo tapos nakasuot ng red t-shirt at black maong short?" I described to Cyren, expecting her to nod and say she saw my baby.
Ngunit nang umiling ang matandang babae na hinarang ko ay mariin na lamang akong napapikit at wala ng nagawa pa. This is my twentieth attempt to find Cyren among the people passing by.
Nakakainis... bakit ni isa sa kanila, walang nakakita kay Cyren?
I inhaled deeply before turning to face the next woman I blocked on her walk.
"May nakita po ba kayong batang babae... may hawak na tablet... may pink na ribbon sa ulo tapos nakasuot ng red t-shirt at black maong short?"
With a bewildered shake of his head, the man just kept moving forward.
Tangina naman.
Halos mapahalukipkip ako dahil sa lamig ng simoy ng hangin na yumayakap sa'kin. With a sigh, I kept getting in the way of people going by so I could ask them if they saw Cyren.
Pero... iling at hindi pag-tango ang nakukuha kong sagot nila sa tanong ko.
Aaminin kong pagod na ako. Pero alam kong walang mangyayari sa buhay ko kapag tumigil ako para mag-pahinga kahit saglit.
Ian knows how greedy I am to find Cyren.
"Akla, tama na muna. Bumili muna tayo ng kape ro'n,"
I turned around and faced Ian. Alas-sinco na ng umaga ngayon at kasalukuyan kaming nandito ni Ian sa xerox and print area para mag-print ng missing posters ni Cyren.
We already printed a wrap of short bondpaper and I decided to give a reward to whoever finds Cyren. Ganoon naman kasi lahat ng tao rito... hindi sila kikilos hangga't walang kapalit na iaalok.
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag hindi ko na ulit nakita si Cyren, Ian,"
Sa mundong kinatatayuan ko... si Cyren ang mundo ko. My world revolved around her. She is the only reason why I continue to live in this chaotic and incomprehensible world.
I can't feel anything but the heartbreaks and the feeling of losing a loved one.
Ang bigat sa pakiramdam... I lost Astre and couldn't find Cyren...
Bakit naman sumabay pa... hindi ko naman kaya 'yung isa, eh. Hindi naman ako malakas.
"Ipapasundo na lang muna kita kay Xion,"
Mabilis akong umiling. "Hahanapin ko muna si Cyren bago ako bumalik sa Camp, Ian."
"Baka sila naman iyong mag-alala sa 'yo, Cassee,"
Bahagya akong natawa. "Wala akong paki, Ian. Hahanapin ko si Cyren."
Every time Ian tried to send me home because he said I needed to rest, my mouth sounded like that.
Dalawang araw akong hindi umuwi sa Camp at nagpatuloy sa paghahanap kay Cyren. We have reported to the police and they are helping us find Cyren... but... it's been a few days... still no news.
Halos lahat yata ng poste na malapit sa lugar ay pinuno ko ng missing poster ni Cyren.
Halos wala na akong paki kung mangitim ako kakalakad sa kalsada na tirik na tirik na araw. Kung may makakita sa'kin na kakilala at sabihan akong gusgusin dahil hindi ko na naasikaso ang sarili ko.
Bawat oras, pinipilit ako ni Ian na kumain. Gustuhin ko man... pero wala akong gana.
I just want to search and search for Cyren until I find her.
Holding a plastic of missing poster and a bottle of water, I stopped on walking and sit on the gather side. Sinalampak ko ang sarili ko sa poste at pagod na pinikit ang mga mata.
I'm very tired and I just want to rest... pero pakiramdam ko ay wala akong karapatan.
Dalawang araw nang nawawala si Cyren... Dalawang araw na akong hindi makuntento sa kinauupuan... Dalawang araw na akong hindi tinantanan ng kaba at magulong kaisipan... at Dalawang araw na rin na wala akong balita kung ano at kamusta na si Cyren...
Argh! I hate it and I just want to see my Cyren.
Napadaing ako at bahagyang niligay sa ere ang kamay upang takpan ang sinag ng araw na tumatama sa'kin. The sunlight was hitting my skin and I was about to fall asleep when suddenly my cellphone rang.
Halos magtatatalon ang puso ko sa tuwa nang makitang unknown number ang nakasulat sa screen ng cellphone ko. It is possible that someone has seen Cyren.
"Hello?"
"Hello," Binalot ng baritonong boses ang buong tainga ko.
"Ano pong kailangan nila?" Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at ayan na agad ang sinabi. Gusto kong malaman agad kung nakita niya ba si Cyren—nang walang ibang sabi-sabi.
"Wala naman..."
Umangat ang kilay ko kasabay nang pag-init ng aking dugo. Umayos ako sa pagkakaupo at mariin na hinawakan ang cellphone.
"Kuya, kung mang-ttrip ka lang naman, please, h'wag ako. Kita mong seryoso 'yung tao na naghahanap ng bata rito tapos manggago ka?" My voice trembled as I felt my eyes water.
Pagod na pagod na ako tapos may manggagago pa sa'kin? Tangina naman.
"S-Sorry..." Napalunok ako nang marinig ang senseridad sa kaniyang tono. "All I wanted to do was ask you to eat at the shop right in front of you, pero mukhang nasagabal kita..."
Shop? in front of me?
I slowly looked up in front of me and almost bit my lip when I saw the shop the caller was referring to. Dumagundong ang puso ko at halos kapusin ng hininga.
Sweet treats.
Silence surrounded the call as I turned to the counter and saw Xion, as usual, wearing an apron and simple clothes. Hawak niya ang cellphone na nakatutok sa tainga habang ang mata ay puno ng emosyon at seryosong nakatitig sa'kin.
"Hindi ko nahanap ang hinahanap mo pero... nahanap naman kita,"
I squeezed my eyes shut to fight my tears back as I looked away from him.
"Hindi ka umuwi... dalawang araw na," His voice became softer and I know that It touched my heart. "I... I-we are worried about you."
I tried to speak but the big block in my throat prevailed. Ni isang salita ay walang lumabas sa labi ko. It was as if I am mute and stiffened in my seat. Tanging pag-lamutak lamang sa aking mga mata ang nagawa nang tuluyang nalaglag ang mga luha sa aking pisngi.
"Binilhan kita ng pagkain, Cid. Eat here... please."
My eyes completely welled up. Ni ang ilang takas na hikbi sa bibig ko ay hindi ko napigilan sa pagkawala. Sinubukan kong punasan ang mga luha na naglalakbay sa pisngi ko pero binigo ako ng sarili ko.
Lahat ng emosyon mula sa hinanakit ko sa buhay ay bumuhos na para bang ulan.
"Diyan ka lang, Cid, ha... pupuntahan kita riyan-don't hang up the call."
Hindi ko siya sinagot at hindi inintindi ang sinasabi niya. I tried to hold back my tears. Ayo'kong umiyak sa harap ng mga tao. Ayo'kong makita nila na mahina ako... ayo'kong...
As fast as lightning, I just saw Xion's car stop in front of me. His car window lowered and our eyes quickly met.
"Sumakay ka na," Sumulyap siya sa likuran. "Nagkakaroon na ng traffic dahil sa'tin."
We are still on the call even though we are facing each other.
Luminga ako sa likod nang marinig ang sunod-sunod na busina ng mga kotse na nasa likuran ni Xion. His sudden stop in front of me created a traffic bottleneck. Halos lahat ng nasa likuran niyang sasakyan ay bumubusina ang mga nagmamaneho.
Napatingin tuloy ako kay Xion na tila ba walang pakialam sa nangyayari sa likuran niya.
I closed my eyes and sighed before deciding to pick up all the missing papers and the water bottle on the ground. Tumayo ako at mabilis na sumakay sa kotse ni Xion nang walang salita na lumabas sa labi.
"Two days nang nawawala 'yong anak mo?"
Bigla na lamang tanong ni Xion mula sa mahabang katahimikan na bumabalot sa'min. I nodded and said no more. Alam kong gusto akong kausapin ni Xion pero hinid niya nagawa dahil halata namang wala ako sa sarili para makipag-usap.
I mean, siguro nahihiya lang siya kasi 'di ba... crush niya ako?
Xion and I went to a park I had never been to before. Medyo malapit lang ito sa school ni Cyren, pero hindi ako pamilyar. Hindi naman kasi ako gumagala sa lugar na 'to dahil madalas akong tambay sa Sta. Isabella.
Malalaki ang puno at maraming upuan sa ilalim nito.
It was a perfect place to unwind.
"Oh," Inabot sa'kin ni Xion ang timpladong fried noodles na may walong siomai sa ibabaw. He put down a glass of gulaman by my side and also gave me the disposable spoon and fork.
Kinuha ko naman agad ang inabot niyang pagkain sa'kin at hindi na nag-inarte pa.
I know I'm upset with myself because Xion saw me cry earlier when he shouldn't have. Mali ko rin naman kasi 'yon. I let my feelings won and shed tears even in front of him.
"Marami pa 'yan?" Xion asked, pointing the missing posters by my side.
Tiningnan ko ang mga posters at muling binalik ang tingin kay Xion kasabay nang sarkastikong pagguhit ng tingin sa aking labi. "Hindi ba halata?"
"Ang init na naman ng ulo mo. Parang kanina lang, umiiyak ka pa."
Umangat ang kilay ko. "Iyak? What? Sinong umiyak?"
I asked as my throat started to get clogged again.
Fuck. Fuck you, Cassee. Why do you feel weak every time you are with him?
"Akin na 'yan," I thought he was asking for permission but suddenly he took the posters that were on my side and stood up. "Tutulungan na kita mag-bigay nito... kumain ka muna riyan."
Tumango naman ako agad.
Bakit pa ako tatanggi? Less pagod 'yon.
"Tig-isang piraso lang kada isang grupo, o kaya depende sa dami. H'wag tig-i-isa, ang mahal kasi."
Iritado niya akong nilingon. "Oo na, don't mind me and just eat well."
Pinanood ko ang pag-layo ni Xion at nang umpisahan niya ang pagharang sa mga taong dumadaan sa parke ay tsaka ko lamang sinimulan ang pagkain ko. Halos kumalam ang sikmura ko nang maamoy ang amoy ng pagkain.
Kumakain ako kapag nasa condo ni Ian, pero kaunti lang kasi hindi talaga ako mapakali.
Para bang may bulate ako sa pwet dahil hindi ako mapakali.
"Huy? Si Xion ba 'yon?!"
"Oh my god, ang pogi!"
Kusang umikot ang mga mata ko nang marinig ang impit na tili ng mga estudyanteng tila ba iniipit ang mga singit nang makita si Xion. I saw them come up to Xion and ask for permission to snap a photo.
Tumango naman si Xion dahilan upang magsitalon ang mga babae. Sandaling natahimik ang mga singit nila nang kumuha ng litrato at saka nag-patuloy ang tilian nang mawala ang camera.
Parang mga gago naman.
Napansin ko ang pag-harap ni Xion sa kanila dahilan upang mangisay sa kilig ang mga babae. Xion gaves them a wide smile and handed them a two posters.
"Kapag may nakita kayong bata na nasa poster, paki-dial agad 'yung number." He said in a very serious tone.
Pinasadahan naman ng tingin ng isang estudyante ang poster at tila ba lumungkot.
"Anak niyo po ba?"
They went wild when the girl asked Xion. Disappointment and shock were visible in their faces. Xion glanced at me and I didn't see what he answered because a group of young people passed by. Pinagpatuloy ko na lang ang pag-kain ko at hindi na umimik pa.
Nang maubos ang pag-kain, agad akong nakaramdam ng antok. I closed my eyes and leaned back on the chair, feeling the wind hitting my skin.
Hindi ko namalayang nakatulog ako at nagising na lamang nang marinig ang ring ng cellphone.
"Hello?" Sagot ni Xion sa tawag.
Nakatalikod siya sa'kin kaya naman kitang-kita ko ang malapad niyang katawan. He was standing formally, not moving at all. Ginawa niyang takip ang sarili niya para takpan ang sinag ng araw na tatama sa direksyon ko.
Inilagay ko sa likod ng tainga ko ang takas na buhok at nag-kibit balikat.
"I'll wait for Cid to wake up before I go there."
Umangat ang kilay ko kasabay nang paghila ng sarili patayo nang marinig ang pangalan ko.
"Gising na ako. Umalis ka na,"
Nakita ko ang pag-daan ng gulat sa mukha ni Xion. He examined my face first before looking away and sighing. May sinabi siya sa call ngunit hindi ko naintindihan at saka binaba niya ang tawag.
"Gusto mong sumama?"
"Saan? Bakit?"
"Totoo na 'to... may copy na kami sa footage."
Dumagundong ang puso ko at kusa na lamang napa-tango.
I just found myself in the gaming camp, watching the clip with the other members.
Lahat kami ay seryosong nakatitig sa screen ng computer, halos hindi na kumurap at pigil ang hininga.
Totoo nga ang sinabi ni Xion, that is the full copy of the footage.
I stared at the screen and watched what happened.
They're talking and laughing but a minute later, the smile on their faces dropped and replaced by anger. Halatang halata sa bawat buka ng bibig nilang tatlo ang pag-tatalo.
Polca punched Ben at his face. Agad na bumulagta ang lalaki at tila ba nawalan ng malay.
"Tangina, sinapak pala ako ni Polca..." Kusang napahawak si Ben sa kaniyang panga at tila ba natamaan ito ng suntok.
"Bakit ka sinapak?"
Ben, who's massaging his jaw looked at Ace and laughed. "Mali ko rin naman... akala ko kasi nagbibiruan lang kami, kaso bigla na lang tinopak si Polca tapos nung napuno, nanuntok na lang bigla."
Napatingin ako sa gilid ko at mabilis na nasaksihan ang matinding pagkakunot ng noo ni Jethro at Bulkan na nakatayo sa likuran ko, ang mga mata ay nasa screen ng laptop.
"Bihirang magalit si Polca. Ang bait-bait kaya ng bata na 'yan." Jes stated.
I looked in front of me again and saw Xion fast forward the video.
"Sino 'yan?!"
Halos takpan ko ang tainga ko nang mapasigaw ang lahat. Mabilis ko tuloy itinuon ang atensyon ko sa harap at halos dumagundong ang puso sa kaba nang makita ang lalaking pumasok sa bar at mabilis na hinampas ng bat si Polca sa ulo.
Red blood quickly drew on the floor where Polca was knocked down.
Puta.
Halos mapahawak sa bibig si Cid nang makita ang pangyayari... but as soon as he turned to his side, at kahit hindi ko masiyadong nakikita ang emosyon niya, alam kong nanlalaki ang kaniyang mata nang makita kung sino ang humampas kay Polca.
Hinawakan ni Cid ang braso ng lalaking may hawak na baseball bat. Kitang kita sa kilos niya ang pagdadalawang isip ngunit halos mapahawak ako sa mata ko nang makitang hinampas ng lalaking may hawak na baseball bat ang kapatid na si Cid.
The footage ended there...
Sage looked at me. "Kilala mo 'yon?"
Tiningnan ko siya, matagal bago umiling bilang sagot sa kaniyang tanong. Lahat kami ay naiwang hulog ang panga at hindi makapaniwala sa nakikita.
Cid didn't kill Polca... But my Dad did.
^______________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro