19
19
"Lagi kang nandito?" I asked Xion as the waitress slowly putting our order in our table. Pinanood kong ayusin ni Xion ang mangkok naming dalawa habang hinihintay ang sagot niya.
He nodded.
Tumango-tango rin ako. Kinuha ko ang chops stick at inayos ito sa kamay ko. "Hindi na ako magtataka kung bakit mas maraming ramen ang laman ng utak mo."
He smirked, mixing his ramen using his chopstick.
"Gan'yan ba talaga ugali ng tao kapag puro alak ang nasa loob ng katawan?"
Umawang ang labi ko. "Palibhasa hindi ka umiinom kasi bawal sa 'yo."
"At least pwede sa itlog." He used his chopsticks and dramatically ate the half cooked egg with his eyes closed.
Hindi pa talaga ako nadidismaya ni Xion pagdating sa pagkuha ng inis at pagpapakulo ng dugo ko. Halos kapag nakikita at nakakausap ko tuloy siya, para akong takure na kumukulo dahil sa inis.
"How poetic." I said rudely and opened my mouth to begin eating when I realized something.
"Payagan mo akong mag-day off bukas,"
Gusto ko lang h'wag munang pumasok at ipahinga ang mata mula sa araw-araw na pagkababad sa gadgets. Last week, I had already made plans to take Cyren to Ian's condo when she got home from school and to meet Papa at the hospital.
Miss na miss ko na rin kasi si Cyren.
Bahagyang nag-angat ng tingin si Xion sa'kin. "Desisyon ka?"
"Kaya nga nag-papaalam ako sa 'yo 'di ba?" Umirap ako.
"Okay, bukas lang, ha."
Tumango ako at nakangiting sinimulan ang pagkain.
That's what really happened. Hinayaan akong h'wag pumasok ni Xion upang kitain ang mga mahal ko sa buhay na nasa kabilang planeta. Joke, isang oras lang naman ang byahe para mapuntahan sila.
Hindi ko lang talaga magawa dahil mahigpit si Xion sa pagbibigay liban sa'min.
"Mi!" Agad na bumulusok sa tainga ko ang matinis na boses ni Cyren at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. "Hindi ko po alam na susunduin mo ako! Eh 'di sana po nag-tira ako ng cupcake na ni-bake namin ni Tita Ian kanina!"
I smiled at her. "Sayang! I would like to taste your bake pa naman. Pero okay lang... let's just buy some r'yan sa favorite mong sweet treat na shop."
"Wow!" She hugged me even more. "Na-miss ko po ang cupcakes do'n, Mi!"
We went to the sweet treats near Cyren's school.
Nang buksan ko ang salamin na pinto, agad akong napalunok nang makita ang rebulto ni Xion. He was wearing a black apron partnered in a black surgical mask and looked busy taking the customer's order.
Every time he spoke, his mask moved a little.
Hulmang-hulma ang suot niyang mask sa ilong niya. And his eyes... I didn't realize how beautiful it was.
"Bakit ka nandito?"
Muli akong bumalik sa katinuan at napailing nang mag-salita ang lalaki, kinakausap ako.
"Ikaw, bakit nandito ka?" I asked him.
"Nag-tatrabaho ako rito,"
"Side-line?" I laughed. "H'wag ka nang pahumble, narinig ko minsan na sa 'yo 'to."
He smirked, putting his right hand on his apron's pocket. "Alam mo naman pala, tinanong mo pa."
Naramdaman ko ang pag-hila ni Cyren sa laylayan ng damit ko. Ibinaling ko sa kaniya ang atensyon.
"Kilala mo po pala si Kuya pogi, Mi?"
Tumango ako. "Kuya lang, pero hindi pogi. Okay?"
"Parang may demonyong bumubulong sa anak mo," I heard Xion said. Sabay namin siyang nilingon ni Cyren. Cyren smiled at him and waved.
"Hello po! Idol ka po namin ni Tita Ian!"
I rolled my eyes. Handa na akong mag-salita upang birahin ang ngiti sa labi ni Xion nang biglang may lumapit na lalaki sa'min. He looks like in his early twenties.
Not gonna lie, ang lakas ng appeal niya. Ang bango pa, kaya hindi ako magtataka kung bakit napalingon sa kaniya ang isang grupo ng kababaihan na dinaanan niya.
"Xi! Ang tagal mo naman! Naghihintay na roon si Lyn at Zaf!"
Xion looked at him. "Wait lang, Adonis, ha. May costumer pa kasi rito na manghang mangha sa kagwapuhan ko."
"Weh?" The Adonis boy looked at me.
Mabilis na nag-tama ang paningin namin. He frowned and it made me feel nervous. Pinanliitan niya ako ng mga mata at animo'y may iniisip.
"Feeling ko nakita na kita," He was frowning so hard so I frowned too. Ilang segundo siyang umarteng nag-iisip at kinalaunan ay Iminulat niya ang mga mata. He smiled widely. "Nakita na nga kita. Ikaw ang future girlfriend ko!"
Xion cringed. Napansin ni Adonis ang naging reaksyon ni Xion sa sinabi niya sa'kin kaya lumapit siya sa lalaki. May binulong siya But the whisper is loud... and we can clearly hear that.
"Ganda, bro," Adonis whispered in Xion's ear. "Kilala mo ba? Single? Anong name?"
Xion laughed. "Hindi ko kilala."
Nalukot ang noo namin ni Cyren.
"Eh 'di itatanong ko anong name-"
"Kita mo na ngang may kasamang anak, itatanong mo pa name? Ganoon ka ba ka-desperado kaya tanggap mong maging kabet?"
The Adonis boy looked at me with a shock on his face. Sinulyapan niya ako ng tingin at pinasadahan ng tingin si Cyren sa gilid ko.
Napairap ako. Pogi sana, mukha nga lang kakatakas sa mental.
"Hello!" Adonis greeted Cyren with a wave. "Nanay mo 'to?"
Naramdaman ko ang pag-tango ni Cyren sa lalaki.
"Halata nga, parehas kayong maganda," Mula sa mawalak na pagngiti, napalitan ng lungkot ang mukha ni Adonis. "Sayang, hindi ako naging tatay mo-"
"Ano bang order niyo, Miss?" Xion said using cold voice. "The queue is already long... kung hindi kayo bibili, umalis na kayo."
Adonis and I frowned.
"Ang harsh mo naman sa costumer, Xion," Muling lumapit si Adonis sa tainga ni Xion. "Mga gan'yang costumer, dapat tina-trato ng tama."
Hindi siya pinansin ni Xion at hiningi ang order namin.
"Bye, baby!" Adonis waved to Cyren. "Hayaan mo sa next life, ako na tatay mo."
Nahagip ng mata ko ang patagong pag-irap ni Xion dahilan upang matawa ako. I also waved to Adonis who's walking backward just to waved to us. Nang makaalis ang lalaki ay agad akong nag-baling ng tingin sa counter.
I took the plastic bag.
"Oh," Abot ni Xion sa straw matapos akong unahan sa pag-kuha ng straw sa lagayan para sa drinks na binili namin. I just nod my head at pinagkasya ang dalawang dalawang plastic bag at lunch bag ni Cyren sa kamay ko.
"Uuwi ka na?"
Umiling ako, nananatiling inaayos ang mga gamit na bitbit. "Ihahatid ko pa 'to sa bahay."
"Gusto mo bang ihatid ko na kayo?"
Agad akong nag-taas ng tingin. My eyes met his dazzling eyes. "Akala ko ba hindi mo ako kilala? Ano ka? Taxi driver? Bus driver? Grab driver? Pick one, lahat naman accurate kasi 'di ba? Naghahatid ka ng kung sino-sinong hindi kakilala?"
Naramdaman ko ang inis na dumaan sa kaniyang mukha kaya tinawanan ko ang lalaki. Best feeling talaga kapag nakikita ko siyang inis at para bang sasabog na sa galit dahil sa akin.
"Bye, Mr. Taxi boy." I teased him even more.
Inilagay ko ang kamay ni Cyren sa braso ko at kumaway kay Xion nang may malawak na ngiti sa labi bago tuluyang tumalikod.
He rolled his eyes in annoyance. "Whatever, Miss unknown."
Cyren and I just walked until we reached the jeep terminal. Hinatid ko muna ang batang babae sa condo ni Ian bago tuluyang nag-tungo sa Hospital.
I carried the plastic of the fruits with me as I made my way to Cid's Hospital room. Mabigat ang paghinga na ginagawa ko sa bawat hakbang na tinatahak ko.
I know my mood will be ruined again because of Papa. Lagi naman kapag nakikita ko siya dahil sa mga salita at pag-uugaling binabato niya sa'kin.
Huminto ako sa harap ng pinto ng kwarto ni Cid at humugot ng malalim na hininga. Kinuha ko lahat ng tapang at lakas ng loob sa aking loob bago tuluyang buksan ang pinto.
"Good afternoon, Pa," Kaswal kong inilapag ang plastic ng prutas sa ibabaw ng bed-side table.
Umupo ako sa upuan at agad na nahulog ang panga nang makita ang benda na nakapulupot sa binti at braso ni Papa. Mukhang sobrang lala ng nangyari sa kaniya dahil visible ang dugo sa puting benda.
"Anong nangyari?" I asked with full of concern.
"Nasugatan lang,"
Umangat ang kilay ko. "Nasugatan?"
Tumango naman siya kaya lalo akong nag-taka. "Umamin ka nga, Pa-ikaw ba 'yong nanloob sa bahay ni Mr. Fren?"
A little smirk drew on his lip. "Am I too obvious?"
I must admit I was a bit shocked. Inaasahan kong siya ang nanloob sa bahay ni Mr. Fren noong unang marinig ko pa lang ang balita... but my heart still hopes that it's not him.
"Mapapahamak ka sa ginagawa mo," I boldly said. "Bakit hindi mo na lang hayaang makulong si Cid? He deserves it because he fucking killed someone. Hindi mo kailangan i-tolerate-"
"And you're tolerate his crime too,"
Para akong nanigas sa kinauupuan.
"Sa totoo lang, mas mabigat ang kaso mo once na malaman ng lahat ang totoo. But I'm proud because you are doing it right," He stopped. "Malinis at pulido ka nga sa ginagawa mo, habang ako? Almost got caught..."
Inilabas niya ang sobre nang tuluyang hindi ako makapagsalita.
"Ito na 'yong pera na hinihingi mo, I doubled it... magkano na ba ipon mo? Gusto mo bang ako na ang kukumpleto sa kulang para mapa-operahan mo na 'yong anak mong..."
Nagpinting ang dalawang tainga ko. "You better go on with what you're saying, Pa."
"Anak mong... maganda, matalino at mabait."
I heaved a sigh and looked down at the white envelope. Mula sa labas ng papel ay kitang-kita ko ang makapal na nakalagay sa loob. I don't know whether to take it or not... dahil... parang may mali.
Fuck, I need it badly. But it feels wrong.
Mas gugustuhin kong magtrabaho kaysa sa gan'to...
But...
Mariin akong pumikit... bumuntong-hininga at nang makapag-isip isip ay muli kong minulat ang aking mga mata.
I took the white envelope and sleep that night as if I didn't doing the dirtiest crime in the world.
The sunlight streamed through the curtains, casting a golden glow across the room. I sat on the edge of my bed, scrolling through my phone absentmindedly. As I flicked through the news feed, a headline caught my eye, and my heart sank.
"A celestial romance between two rising stars has sparked the tabloids and social media to buzz in the glittering world of fame and stardom, where the spotlight bestows its enchanting glow on the unlikeliest of unions.
A complex dating rumor that has captivated fans' attention across the globe has put Astre, the captain of AGAPE, and Gin, the mysterious beauty with a voice that could melt even the hardest hearts, at the center of attention.
It all began on a night that seemed painted with cosmic hues, as both Astre and Gin were spotted at an exclusive, star-studded industry event.
The duo arrived separately but soon found themselves drawn together by an invisible force that seemed to transcend the bounds of mere friendship. Amidst the glittering crowd, rumors of their undeniable chemistry started to circulate, and astute spectators couldn't help but notice the sly looks and tender touches that the two shared."
My eyes widened in disbelief as I scrolled through the damning article on my phone screen. The shock hit me like a sudden, icy gust of wind, stealing my breath.
He cheated? Astre cheated?!
The words blurred, and my heart pounded with a mix of betrayal and hurt.
Nanginginig ang buong sikmura ko ngunit pinilit ko na tawagan si Ian. I dialed his number and he immediately answered after one ring. Akala ko nga ay hindi niya masasagot ang tawag ko dahil nasa opisina pa siya ng gan'tong oras... pero nasagot niya pa rin ang tawag ko.
"A-Ano 'yong...?" I tried to laugh, but my tone kept shaking. "Nakita mo na ba 'yung article na kaka-post pa lang ng Hyge?"
Hyge is a page where everything is reliable. Lahat ng imposible ay nagiging posible. Wala pa silang nilalabas na balita na hindi totoo... Pero... 'yung nabasa ko... is that true?
Fuck, I fucking need an answer right now.
Hindi tatahimik ang pagkulo ng dugo ko hangga't hindi nasasagot ang sunod-sunod na tanong ko sa isipan ko.
"Kanina pa ako nag-sesearch about sa issue," Ian spoke from the other line. "May sinend akong link... panoorin mo. Kaka-upload lang ng Hybe-six minutes ago."
I looked at the link and immediately watched it.
"Astre, what do you say to the gossip? Is that true?"
Tuluyan akong nanghina nang makita ang malapad na pag-ngiti ni Astre sa harapan ng Camera. My whole world seemed to crumble when he slowly nodded... with that look of betrayal on his face.
It creeps me out.
"Gin and I like to keep things low-key, but since this has been confirmed by Hyge, I'd like to say that what Gin and I do is real." Astre smiled widely.
Betrayal... manipulation... and gaslighting stabbed me directly to my heart.
"Okay ka lang, Akla? Gusto mo puntahan kita riyan?"
Mariin akong napapikit, humuhugot ng malalim na hininga habang sinusubukang pigilan ang mga luha na gustong magsilaglagan.
"How long have you been together?" Muling nag-patuloy ang video na pinapanood ko.
Astre's eyebrow waggled. "We've been friends for almost two years... and in a relationship-the girlfriend-boyfriend thing-is almost one year."
And we've been dating for almost four years now...
Ibigsabihin no'n... ang ilan taon na pakikisama ko sa kaniya ay parang binabad ko ang sarili ko sa kasinungalingan, kataksilan at pangloloko.
Malakas akong tumawa, hindi makapaniwala sa nangyayari.
"May alam ka rito, Ian?"
"Wala! Eh 'di sana matagal ko nang sinabunutan at tinanggal yung anit nung putanginang Gin na 'yon kung alam ko 'di ba?!" The anger in his tone was obvious. "Nanggagalaiti ako-gusto ko siyang sugurin tapos sampal-sampalin."
"Alam mo ba address?" I boldly asked.
"Ayon lang..."
I just sighed. "Sige, matutulog na ako."
"Huh? Okay ka lang ba? Tangina? Hindi mo ako papapuntahin diyan? As in? Baka naman magpakamatay ka ha-"
I rolled my eyes and made him stop what he was saying. "Mandiri ka naman sa pinagsasabi mo, Akla. Cheaters can't make me cry, never."
Masakit... I can't express my feelings even to him... because of my pride.
My eyes dropped on the screen of my cellphone when a head chat popped on my phone screen. Mabilis kong pinalis ang mga luha na naipon sa aking mata at tinitigan ang chat.
Love </3: G'eve... kita tayo harap ng subd? Hihintayin kita sa harap. Okay lang kahit hindi ka pumunta... Good night.
Bahagya akong tumingala sa kisame matapos titigan ng hindi katagalan ang mensahe na ipinadala ni Astre. My ego will be hurt if I go and see him. Alam kong deserve niya ang mabulok sa kakahintay sa'kin doon sa labas.
Pero kapag hindi ko agad tinapos ang namamagitan sa amin... ako ang lalabas na kabet o babae niya. My ego will be hurt more if that happens.
Napabuntong-hininga ako.
I didn't bother to reply to his chat and quickly put on a black hoodie.Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos at lumabas gamit ang matutulog na mukha.
Nilagay ko sa bulsa ko ang kamay at marahan na pinihit ang door knob. Wala ng tao kaya tahimik dahil panigurado akong tulog na silang lahat. Isinoot ko ang itim na tsinelas na makapal at maingat na lumabas ng bahay upang hindi makagawa ng kahit anong ingay.
"Cassee,"
May piyok ang boses ni Astre nang banggitin niya ang pangalan ko. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa, Showing him that I'm disgust with him.
"Sorry,"
Five words with a sincere tone made me swallow in confusion.
Nag-angat ako ng tingin at diretsong tumitig sa kaniyang mga mata. I could clearly see what his eyes said and hear his mind shouts. Galit, lungkot at pagdurusa.
"Cassee," He took hold of my hand, but as soon as I stepped back, he lost interest in holding on to me.
May parte sa'kin na nandidiri.
"Alam mo naman kung anong ayaw ko 'di ba?" I smirked, pinipigilan ang sarili na h'wag ipakita ang tunay na nararamdaman. "Cheaters and liars."
"I'm sorry, Cassee—"
"Puta, sorry nang sorry!" I pushed him away with all of my strength. "Kahit paulanan mo ako ng putanginang sorry mo, wala namang mangyayari! Nag-cheat ka pa rin!"
"Sorry, Cassee..."
Malakas akong humalakhak. "Siguro kahit umiyak ka pa ng dugo, hindi ko tatanggapin 'yang sorry mo. So stop! Nakakarindi!"
"Cassee—"
"Let's break up,"
He looked directly in my eyes. Halata ang pagkahulog ng kan'yang puso dahil sa binitawan kong mga salita. His tears fell quickly one after another. Sinubukan niyang hawakan ako ngunit pilit akong humahakbang patalikod.
"I hate cheaters, Astre. I fucking hate it."
Mariin akong pumikit, kuyom ang kamao at ang isip ay nasa malayo. Pinalis ko ang luha na naglalakbay sa'king pisngi at binalik ang sarili sa wisyo.
I turned around and faced the direction of the seven eleven store.
"Saan ka pupunta?"
Umirap ako sa kawalan. "Wala ka na ro'n."
"Cassee,"
Bahagya akong pumihit upang harapin siya. "Tapos na tayo, Astre. H'wag mo 'kong sundan."
He tried to stop me and follow me but in the end, he just gave up. Mag-isa akong nag-tungo sa convenience store, dinadama ang hangin na yumayakap sa akin. I bought two bottle of soju.
I sat in the side of the road and was about to open the bottle of soju when I hear the curfew alert. Mariin akong napalunok at sinubukang mag-iwas ng tingin sa sasakyan ng mga pulis.
Fuck, late na para tumakbo. They already saw me.
Naramdaman koa ng paghinto ng sasakyan nila sa harapan ko. The two guys got out of the car and immediately approached me.
"Drinking soju at these hours?"
I rolled my eyes.
"Saan, Sir?"
"South prison."
My eyes went round. Mabilis na nag-tama ang mata namin no'ng sundalo. Tiningnan ko ang plate niya at mahinang binasa ito sa isipan.
Second lieutenant Laurent Kyl Sandoval.
Ang malas mo talaga, Cassee.
Hindi nila ako pinilit sumakay sa kotse dahil nag-kusa na ako. Ayaw ko namang kaladkarin pa nila ako para lang masakay sa loob. We only had a short ride to the south prison.
Tahimik akong umupo sa isang sulok. There are quite a few of us inside the prison. Sa pagkakaalam ko ay nahuli rin sila dahil hindi sumusunod sa patakaran. At ang sabi pa nga ng iba, mahigit isang linggo na sila rito dahil ni isa ay walang gustong tumubos.
I waited for someone to come to me. One... two... three hours.
And a voice enveloped my ear, saying my name.
"Sir... nandito ba si Cid Acosta?"
Agad akong nag-angat ng tingin nang marinig ang bagong gising na boses ni Xion. He was on his side because he was facing the police officer and was looking for me. Pinasadahan ko ito ng tingin.
Hinahabol niya ang kaniyang hininga at mukhang galing pa sa kakatakbo. He's wearing a white t-shirt and a black pajama. Nahulog ang tingin ko sa talampakan niya. His feet are dirty because the man is still barefoot.
Parang... sa sobrang pagmamadali niya... hindi na niya inintindi kung may suot ba siyang tsinelas o wala.
"Nandito ako," I weakly said.
Agad na lumipad ang tingin niya sa'kin.
"Okay ka lang ba?" His voice soften, my heart... I badly want to calm this down.
I genuinely value those who inquire about my emotions. psychologically and physically. My heart is warmed by the knowledge that someone values and comprehends how I feel.
Bahagya akong natawa sa isipan. Akala ko pa naman ay mabubulok na ako sa kulungan na 'to.
But I am wrong.
Because he found me... Xion found me in the place where I was lost.
^______________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro