Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

18

18

"Hello po, Mi! Si babi Cyren mo po ito!"


Nang masagot ko ang tawag sa cellphone, ang malakas na boses ni Cyren ang bumalot sa tainga ko. Kinusot ko ang aking mga mata at umayos sa pagkakahiga.


I just woke up because of my cell phone ringing one after another. Akala ko nga ay masisira ang araw ko sa tumawag sa'kin dahil masiyado pang maaga, but it eased my heavy heart, hearing Cyren's voice.


"Miss you, baby ko... Ang aga mo gumising, hah," I smiled widely. "Mag-i-school ka na po ba?"


I heard her chuckle causing me to laugh too. Hindi ko nakikita ang mukha ni Cyren pero masasabi kong naka-nguso ang isang 'to at suot-suot ang malaking ribbon sa ulo.


"Miss ka na rin po ni Cyren, mi,"


Akmang magsasalita ako nang bigla na lamang naputol ang tawag. I tried calling twice but no one answered. Sigurado akong pumasok na 'yon sa eskwelahan... o kaya naman ay nawalan ng signal.


Bumuntong-hininga ako at napatahip nang makita ang message ni Xion sa group chat ng TVOT.


Xion: @Everyone, sama kayo? Rage room near Banawe


I just watched the TVOT team's profile drop as I looked at his chat, indicating that they had already seen it. Hinayaan kong hintayin ang irereply ng iba pang miyembro sa mensahe ng kaibigan nila.


Mount: Inaneto talaga ni Captain, mag-aaya kung kailan busy ako

Ace: Hard pass. Saka na kapag may nagpapangiti nang iba sa nagpapangiti sa'kin para sulit yung rage room
(😥👎🤝2)

Ben: Ang corny pero sige (2)

Nick: (3)

Sage: Enjoy na lang kayo
(😆😘🐸1)

Jethro: (4)

Xion: Ang yayabang niyo. Mag-break na sana kayo, mga ulul
(😒😡3)

Xion: Ikaw? @Jes?

Jes: Hindi ako makakapunta. Magb-beauty rest ako

Jethro: Bakit ka ba naghahanap ng kasama, Captain? Hindi mo ba mahahampas yung mga bote ng wala kami?
(😆5)


Bahagya akong natawa nang mabasa ang sunod-sunod nilang palitan ng reply-an. This is our daily routine; despite living in the same home, our GC is quite active because they talk here.


Xion: Hindi naman

Xion: Ang akin lang kasi baka ma-miss niyo agad ako kaya isasama ko na lang kayo
(🤡🤐😓5)

Nick: Gising na ba si Cid?

Ben: Ata?

Mount: Oo, nagsi-seen na

Jes: Sakto, @Cid, ikaw na lang ang mag-live stream ngayon tapos kami sasama kay Capt hehe

Xion: Hindi pwede si Cid, aalis kami.
(😱😳3)

My forehead wrinkled slightly when I saw Xion's chat. Kinagat ko ang daliri ko at nag-isip ng pwedeng i-reply. But I couldn't think of anything so I only sent two question marks.

Cid: ??

Mount: Ay, ganern

Sage: hahhahha

Ace: baka kayo ang maghampasan ng bat sa rage room hah hahahha
(😆5)

Jethro: shet talaga kapag umuwi sila pareho na puro bangas
(😆5)

Tahimik kong binasa ang mga reply ng mga kaibigan niya gamit ang aking mata. And I couldn't help but wince. Umupo ako mula sa pagkakahiga at muling nag-tipa.

Cid: um-oo ba ako?
(😆5)

Totoo naman kasing hindi ako pumayag sa sinasabi ni Xion. I didn't even know he was going to the rage room with me. Wait-was he referring to the rage room last night when he left me on the terrace?

Xion: Kailangan pa ba 'yon?
(😆5)

"Ang tanga naman ng tanong nito?" Inis kong buong sa sarili.

Cid: Malamang?

Xion: Pumayag ka na lang

Cid: Bakit mo ba kasi ako isasama riyan?

Xion: Mukha kasing puno ka na ng sama ng loob
(😆5)

Nick: Guys, baka nakakalimutan niyong GC natin 'to, hindi rage room... mamaya na kayo maglabas ng galit sa isa't isa
(😆5)

Mount: guys tayo na ang mag-adjust, mag-leave tayong lahat. nakakahiya naman kasi hahaha wala pa sila sa rage room pero ramdam ko na galit nila sa isa't isa
(😆6)

Ben: Now playing; Mad by Ne-yo
(😆❓4)


I rolled my eyes and clicked on the exit app. Binuksan ko ang facebook ko at sandaling pinasadahan ang mga myday ng mga facebook friends ni Cid bago tuluyang tiningnan ang sabog na notipikasyon.


Tagged posts, comments, like posts and more can be seen in his notifications. Nakakatawa nga dahil bawat reload ko ay may pa-lima-limang dumadagdag.


I used Cid's facebook because I pretended to be him. Halos lahat ng social media niya ay gamit ko... bihira ko na nga lang mabuksan ang totoo kong account.


Clouds quickly filled my mind as I gradually reloaded the notification center. Pinaglapat ko nang mariin ang dalawang labi habang ang dibdib ay tuluyang tinambol nang malalakas.


Xion Achilles Sanders sent you a friend request.


Nagtatahip ang puso ko sa kaba nang makita 'yon. I double checked it and what I see is true. Sinuri ko rin ang account at hindi iyon poser o fan account. There is also a subsequent verification in his name.


Why would he send me a friend request anyway?


Umirap ako at hindi nagdalawang isip pindutin ang screen ng cellphone. I confidently deleted his friend request. Wala namang rason para kailanganin naming maging mutuals sa facebook, we can communicate in group chat even though we are not friends on fb.


"What the..."


Suddenly the chat head popped up on my screen. Hindi visible ang profile kaya hindi ko makita kung sino ang nag-chat. but when I saw the name, my heart skipped a beat for some unknown reason.


Xion: Hello, te


Ilang beses akong napamura sa isipan, ang noo ay kunot habang kagat-kagat ang hinlalaking daliri. Hindi ko pinindot ang chat head hanggang sa tumagal ng tatlong minuto at saka nag-tipa nang irereply


Cid: ohh

Xion: Sungit haha

Cid: ??

Xion: Itatanong ko lang anong fave part mo sa manok

Xion: ako kasi, pwet


Bahagya akong natawa. I didn't expect him to say that. I've seen this Xion's side a few times but I can't help but be amazed.

Muli siyang nag-tipa.


Xion: joke, accept my fr or accept my fr


Bumusangot ako. Xion is also really annoying.


Cid: I alr deleted it

Xion: ??

Cid: ??

I just imitated his chat. Wala naman akong maisip na pwedeng i-reply. It took a long time before he replied.

Xion: Nvm. Sumama ka sa'kin

Cid: Kulit mo rin eh no? Ayoko nga sabi, ulit-ulit ampota

Napairap naman ako. I don't understand why I have to follow everything he says. Kuha ko namang siya ang captain ng group pero... ang sumama sa kaniya sa rage room? I don't think it makes sense.

Xion: Okay, hindi ka sana maglalive stream ng limang oras kapag sumama ka sa'kin. But it looks like you've made up your mind.

Xion: Sige, 'wag ka sanang ma-lose streak ka sana

My eyes widened when I saw his last reply. Nilagamutok ko ang mga daliri at mabilis na nagtipa ng reply.

Cid: Joke, sasama ako eueu

Xion: Akala ko ba ayaw mo?

Cid: people change

Hindi siya nag-reply kaya muli akong nag-tipa ng mensahe.

Cid: Bilisan mo, naka-sapatos na ako :>
(👍)


After I ate breakfast, I immediately changed my clothes into a white oversized shirt paired with maong tokong pants and white shoes.


"Wow, couple kayo?"


Iyan ang bungad sa'kin ni Bulkan na agad na nagpakunot sa aking noo. I was about to speak and ask him what he meant, but I stopped when I saw Xion.


Halos mapamura ako sa aking isipan nang pasadahan ang kabuuhan niya. I don't know what to feel... Parehas na parehas kami ng suot. He is dressed in maong tokong pants, white shoes, and an oversized white shirt.


Mariin akong lumunok, inililipat ang tingin pabalik kay Bulkan.


"May boyfriend ako, gago,"


Bulkan's jaw dropped. "Weh?! Seryoso ba? Sorry ha... hindi ko kasi alam..."


"Taken na si Cid?" With the spachula in hand, Sage appeared from the kitchen, dressed in a black apron. Tinanguan siya ni Bulkan dahilan upang lalong mapakunot ang noo niya. "Sino?"


Xion shook his head when I glanced at him, telling me not to tell them who my boyfriend is.


I smiled at them. "Secret."


"Magpapalit muna ako ng damit," Xion suddenly said.


Tumango na lamang ako at pinanood itong umakyat sa hagdan patungo sa kaniyang kwarto.


"Ang damot, ha!" Sage and Bulkan tsked and I just laughed at them.


Siguro, ayaw ipaalam ni Xion ang tungkol sa'min ni Astre dahil alam naman ng buong mundo ang away na namamagitan sa grupo ng TVOT at AGAPE. They might get mad at me when they find out that I'm dating the captain of AGAPE.


I don't even know the reason why TVOT is so angry with AGAPE.


Oo, ang TVOT group ang nagsisimula lagi ng away... that's why I hate them so much. At hanggang ngayon, wala pa rin akong idea kung bakit malupit ang galit nila sa AGAPE-Astre didn't tell me either.


Hindi naman pwedeng insecure ang TVOT sa AGAPE dahil kung susuriing mabuti, mas kilala ang TVOT wordlwide at mas malawak ang fandom kaysa sa AGAPE. Mas marami nga silang ini-endorse na products kaysa sa kabilang grupo. At kung sa mga trophy naman ang pag-uusapan, laging panalo ang TVOT. Bihira lang silang matalo...


Since TVOT and AGAPE are frequently compared, I'll just assume that.


"Saan tayo?"


"Near Banawe, rage room," He answered.


"Weh?"


Tumango naman siya kasabay nang pagkunot ko ng noo.


"Bakit mo ba ako kailangan isama rito?"


His eyes met mine, a smirk playing on his lips. "I don't even know."


His sarcasm grated on my nerves, but I decided to play along. "Anong hindi mo alam?! Siguro may balak kang pukpukin ako ng bat sa ulo 'no?"


"Kapal mo naman," He mumbled. "Kung magpapakulong ako, mas pipiliin kong iba 'yong rason kung bakit ako nakulong."


Umirap ako. "Nice, ang galing... pumunta tayo rito para sa wala?"


Xion merely shrugged. "May kikitain ako rito,"


"Lakas naman ng apog nito para makipag-kita rito sa rage room? Eh ang dami namang lugar? Baliw ka na ba?"


Umiling naman siya at nagpakawala ng buntong-hininga. "He run this shop,"


"Eh bakit mo pa ako sinama?"


"Why not? Para naman kapag scam 'yong kikitain ko at may masamang pakay, pwede kitang gawing panangga tapos I will run away."


Nandilim ang paningin ko na mabilis niyang tinawanan.


I scowled, ready to give him a piece of my mind, but before I could unleash my pent-up frustration, he spoke again, this time with an unexpected seriousness that caught me off guard.


"Unleash every ounce of your frustration; I could see the fire in your eyes. You're seething with anger, and that's precisely why I brought you to this place."


I blinked, momentarily stunned by the blunt honesty. "What the hell are you talking about?"


Xion pointedly gestured to the chaos around us. "You hate my guts, and I thought, why not give you an outlet for all that hostility? This is your chance to break things, scream, and blame it all on me. Consider it a gift."


Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. It's the first time for me. The first people I met didn't disregard my emotions... and the first to notice my real emotions and feelings...


I sneered, refusing to accept his purported generosity. "A gift? More like a trap."


He grinned, a hint of mischief in his eyes. "Bahala ka sa buhay mo."


I watched from behind the observation window as he stepped into the rage room, his silhouette tense against the dimly lit chaos within. Balot na balot ang katawan niya ng damit upang hindi masugatan sa mga basag na gamit.


As he swung at a stack of old furniture, the room seemed to pulse with the energy of suppressed emotions. I saw it in the way his shoulders tightened, in the determined set of his jaw.


I bit my lip, wrestling with the decision to enter the room or stay behind the safety of the glass.


Fuck, just go, Cassee.


I inhaled deeply as I pushed open the heavy door and entered the rage room, where the sound of destruction was getting louder by the moment. I had exchanged my regular clothes for safety gear, a clear indication of the mayhem that lay ahead of me. I moved to join him, feeling at once liberated and oppressed by the room.


He turned, surprise flickering in his eyes as I entered, clad in the same protective armor he wore. The air was charged with unspoken tension as we stood face to face, armed with the tools of catharsis.


"Dami pa kasing arte," Aniya at hindi ko ito pinansin.


I synchronized swings with a discarded baseball bat, creating a tumultuous symphony of emotions and causing a rhythmic chaos, causing the world outside to fade away.


Isang oras lamang ay mayroon kami para ilabas lahat ng galit sa loob ng silid na ito. I notice every minute Xion looks at his cellphone and looks like he's waiting for someone. Sa tingin ko ay totoo nga ang sinasabi niyang may kikitain siya.


Tumigil ako sa ginagawa nang mapansin ang pag-labas ni Xion sa silid nang walang sabi-sabi. I ignored him and continued to vent my anger until he returned again.


Bagsak ang kaniyang balikat at mukhang nawala na naman sa linya ang buhay niya.


"Ano 'yon?"


Hindi siya nakasagot kaya muli kong inulit ang tanong ko.


"Nilooban yung bahay nung kikitain ko," He stopped. "Walang pera na nawala... pati mga gamit, wala. Pero 'yong USB na dapat ibibigay niya sakin, nawala."


Kumunot ang noo ko, bahagyang ibinaba ang bat na hawak kasabay nang pag-tambol ng aking puso.


"USB?"


Tumango siya. "Nakuha sa CCTV lahat ng pangyayari no'ng gabing pinatay si Polca... It was the only hope to get the justice that Polca deserves..."


Sa pagkakatanda ko, iyon ang USB na gustong ipawala at ipasira sa'kin ni Papa. Because that footage will unveil the vile...


"Wala ng other copy?"


He shook his head and I looked away from him. I don't know why I feel so guilty about what I heard... wala naman akong ginawa... pero sigurado akong kadugo ko ang may kagagawan kung bakit nawala ang USB...


Just to clear his name... our names.


"Gusto mo irent ulit natin ng 1hour 'tong room? Patapos na rin kasi rent time nati-"


"Mag-ramen house na lang tayo."


Hindi ko alam kung paano niya ako napapayag sumama sa kaniya na kumain sa labas. We went to a ramen house.


Sa halos tatlong taon kong pagiging basher at hater ng TVOT group, ang iilan na bagay patungkol sa mga miyembro nila ay alam ko na. Katulad na lang nito, I heard in their documentary that Xion goes to the ramen house whenever he feels bad.


"Ano iyo?" Xion asked me, still gazing the menu.


Napanguso ako at pinasadahan ang buhok ko bago tuluyang iangat ang tingin mula sa menu. "Anong bang best seller nila rito?"


"'Yung classic tonkotsu..."


Tumango ako. "Ano ba iyo?"


"Shoyu Ramen-"


"Kung ano na lang 'yong iyo, ayon na lang din sa'kin."


"Okay," Tumango-tango siya at agad na hinarap ang waiter. "Two order of Shoyu Ramen... 'wag mo nang samahan ng itlog 'yung isa. Tapos sa drinks, red tea lang."


"Ayon lang po?"


Xion only nodded his head and gazed me. Handa na siyang ibuka ang bibig niya at mag-salita upang kausapin ako ngunit sa huli ay tinikom niya ito nang maunahan ko siyang mag-salita.


"Inimbistigahan na kung sinong nanloob?"


I was curious... and it's killing me. Maging ako kasi ay hindi ko alam kung sino-pero sigurado ako na ang tatay ko ang may pakana ng mga nangyaring 'yon.


"Wala namang nangyari," He stopped. "Kahit isang ebidensya para matukoy kung sinong nanloob sa bahay niya, walang nakita. Malinis 'yong ginawang panloloob, halatang sanay na sanay sa krimen."


My brows knitted. "Sino sa tingin mo may gawa no'n?"


He looked heavenward. Sinubukan kong basahin ang laman ng isip niya pero hindi ko ito mahalungkat at malaman. Even with his reaction I was clueless...


"Either kasabwat niya 'yong pumatay kay Polca... o siya rin ang pumatay kay Polca."


Tumango na lamang ako, tinatapos na ang usapan. I was ready to shut my mouth when I remembered something.


"Hindi ba may sasabihin ka kanina?" Umangat ang kilay niya. "Ano 'yon?"


"Kayo ni Astre?"


I didn't hesitate to nod my head. Totoo naman na kami ni Astre at anong rason para itanggi ko ang isang 'yon? Our thing is real. And I love him.


"Bakit?"


"Wala naman." He ventured and our eyes locked.


His eyes is telling me something... Pero hindi ko alam kung paano at anong salita ang ilalagay sa nababasa ko sa kaniyang isipan.


"By the way..."


Mula sa nilalarong piraso na tissue, mabilis akong nag-angat ng tingin kay Xion.


"I know I have nothing to do to ease your anger," Patuloy niyang nilalaro ang chopstick na hawak niya. "Pero... kapag kailangan mo ng kasama sa rage room... just call me."


A smile caved into my lips, a warm feeling settling in my stomach.



^_____________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro