15
15
"Talaga?!"
Katamtaman kong nilayo ang cellphone sa aking tainga kasabay nang bahagyang pagpikit ng mga mata dahil sa biglaang pag-sigaw ni Ian mula sa kabilang linya. I tapped my ear twice to shake off the echo of his voice inside.
"So, okay na kayo? Wala ng burning anger behind your eyes?"
Sarkastiko akong tumawa. "Okay? Anong okay doon?! E, pagkatapos niya akong ilibre ng sampung pirasong damit na tigsasampung piso, pinagbuhat naman niya ako ng mga pinamili niya! Lintik 'yong idol mo! Walang puso!"
Nakakainis! If I could only see myself how much I struggled to do those things, I might just laugh at myself.
Kasi naman, hindi naman talaga dapat ako papayag na buhatin ang mabibigat na 'yon. Kaso parang lumalabas na magkakaroon ako ng utang na loob kay Xion dahil sa panlilibre niya sa'kin ng ukay-ukay.
Nag-mukha tuloy akong personal alalay niya kanina!
"Huh? Akala ko ba okay na kayo?" Puno nang pagtataka ang kaniyang tono. "Ang kwento mo pa nga, hinayaan ka niyang mag-suot ng kung anong damit ang gusto mo?"
"Oo nga,"
"Oh, ano namang pinaglalaban mo, akla? Okay na kayo no'n. Mabait 'yon, eh."
Napairap ako sa kawalan. Hindi ko talaga alam kung anong nakain ni Ian at para bang nalason siya dahil kahit anong sabihin kong masama tungkol sa iniidolo niyang si Xion, hindi siya naniniwala at pilit niya pa nga itong ipinagtatanggol.
Kulang na lang ay sambahin niya si Xion.
"Paniwalaan mo 'yang pagiging tanga mo," I roared and he laughed. "Ibababa ko na, mag-aayos pa ako para sa event mamaya."
"Taray ni akla, invited sa big event ng lola mo,"
I was invited tonight to the main event of Red Velbeth. To be honest, I don't really want to go. But I know Tita Beth, Astre's mother and the CEO of Red Velbeth, will get mad at me if she doesn't see me there.
Sa pagkakaalam ko ay may ilalabas silang bagong new set of products. And given how well-liked Tita Beth's beauty product is throughout the world, panigurado ako na mabilis na magkakaubusan ang bawat produkto na mailalabas ngayong gabi.
Hindi ko naman itatanggi na maganda talaga ang quality ng mga produkto ng nanay ni Astre. It feels like my loyalty to her cosmetics is greater than to her son. Natawa ako nang may pumasok sa isipan.
"Ganon kasi talaga kapag parent-in-law 'no?"
Legal ang relasyon namin ni Astre both sides. Simula ng pumayag akong mag-paligaw, ako na raw ang bukambibig ni Astre kay Tita Beth. Kaya kampante ako na walang magtatangkang sumiksik sa relasyon namin.
Ewan ko na lang kung hindi siya kabahan at sumuko kapag nalaman na masiyadong matibay ang relasyon naming dalawa ni Astre.
"Ano 'yan?"
Napahalukipkip si Xion nang bumungad ako sa kaniyang harapan. His face went from animated to a mask of astonishment in the blink of an eye. He scanned my feet all the way up to my eyes.
Napakunot noo naman ako. "Anong ano 'yan?"
He lifted his index finger and closed his eyes. Sinundan ko ang kaniyang hintuturo at agad na napairap nang mapagtanto kung ano ang tinutukoy niya. Ngayon lang ba siya nakakita ng babaeng nakasuot ng pangbabaeng damit?
Para namang ang bigdeal masiyado! Eh, I'm still wearing a black unisex fitted shirt!
I stomp my feet as I shrug my shoulders. "Itong si OA, ang OA. Ngayon ka lang ba nakakita ng babae? At saka, sabi mo isuot ko lahat ng gusto ko dahil wala naman sila! Tapos ngayon magbabago-bago isip mo. Muntanga 'to!"
"Sabi ko, isuot mo lahat ng damit na gusto mo. But I didn't say you shouldn't wear a bra..."
"Huh?!" I curved my body as soon as I lowered my gaze to my breast. Kaagad na bumalot ang hiya sa aking kalamnan kasabay nang pag-iinit ng pisngi ko.
Shit!
Inangat ko ang aking noo at mariin na lumunok, nilulunok ang kahihiyan na nararamdaman. "Ang OA mo naman? Ngayon ka lang ba nakakita ng gan'to?!"
I feel my cheeks heat up from embarrassment. Kurbang kurba na ang pagkakatayo ko para lamang maitago ang sarili.
Tangina kasi, hindi naman ako sanay mag-suot ng bra kapag nasa bahay!
"Paano kapag sinabi kong oo?" He abruptly said as he looked away.
Bahagyang nahulog ang bibig ko ngunit mas pinili kong hatakin ang sarili ko pabalik sa katinuan. Hindi pwedeng hindi ko mababara ang mga sinasabi niya. Mamamatay muna ako bago niya ako mapatahimik.
"As if naman hindi ka nanonood ng porn?"
Nakita ko ang mabilis na paglipad nang nanlilisik niyang tingin sa mata ko. He laughed in disbelief as he clenched his jaw.
"I saw some," Pag-amin niya. "But It's theirs and not yours."
My mouth opened, but I shut it again when nothing came out. Ilang beses akong napalunok at isinabit ang takas na buhok sa likod ng tainga, pinipilit hanapin ang dapat isagot sa sinabi niya.
"Manyakol!" I instantly turned my back on Xion and ran upstairs, hugging myself, as soon as I let go of those words. Halos magpalamon ako sa lupa nang tingnan ang sarili sa salamin. It's not very visible but you can see the dot!
"Anong pinagsasabi mo? Hindi ko naman intensyon na tingnan—" Pahabol ni Xion habang tinatahak ko ang hagdan pataas. Kaagad ko naman siyang pinutol.
"Huwag ka nang magsalita! May pagnanasa ka sa'kin, aminin mo na!"
"What the hell..."
Ano naman?! Big deal ba masiyado 'to? Eh, hindi naman kasi talaga ako sanay mag-suot ng bra tuwing nasa bahay!
I sighed and calmed myself down.
I left the camp with full caution. Baka kasi mahuli ako ng kapit-bahay na nakasuot ng pangbabaeng damit. Mabuti na lang talaga at wala masiyadong tao. At kahit si Xion ay hindi alam na umalis ako.
I am aware that I can leave without saying goodbye to Xion or... getting his permission. Besides, kakatapos ko lang mag-live stream ng mahigit apat na oras. So, tapos na ang trabaho ko ngayon. And I'm free to do whatever I want.
Nang makarating sa venue, agad akong nag-tungo sa restroom. Pakiramdam ko kasi ay haggarad at hulas na ako sa ginawang pag-commute.
I didn't bother asking Astre to come get me because he was too busy.
Minsan, napapaisip ako na baka nagpapasalamat si Astre dahil hindi quality time ang love language ko. Because of our hectic schedules, we most likely won't be able to spend quality time together for nearly three years.
Pero kapag biglaan naman akong nag-aaya kay Astre, He would cancel all his plans just to be with me.
I smiled, realizing how lucky I am to have him.
I adjusted myself and immediately smiled when I saw that the dress was beautiful and suited me well. I had on a black dress that fit me well, black high heels, and a feathered black mask stick.
Malakas ang loob kong mag-suot ng dress dahil may mask stick silang pakana dahil sa tema ng party. It covers my face, only my lips are visible. That's why I wear red lipstick.
I have to admit that when I emerged from the restroom with the mask on, I was astounded by how everything was set up. Nakapatay ang ilaw at tanging ang matingkad na ilaw lamang sa studio ang nagbibigay liwanag sa loob.
All designs are flawless. The venue's interior, the background music, and the people's outfits and dresses.
"Cassee!" Ang mahalimuyak na amoy at ang may pagka-matinis na boses ay bumalot sa aking sikmura. Kaagad akong nagpalinga-linga upang hanapin kung kaninong boses iyon. And I quickly saw Tita Beth.
Abot tainga ang ngiti niya habang humahakbang palapit sa'kin.
"Hello po, Tita!" I greeted her as soon as she reached me. "Best wishes on your latest product release!"
Bahagya siyang lumayo sa'kin matapos makipag-beso. She took my two hands and met my eyes directly, as if she were astonished.
"Ay nako, I already told you not to call me Tita!... call me mom or mama instead,"
I make a face. "Sure, M-Ma,"
Oh, awkward. Or maybe it's just me being awkward? HIndi naman kasi ako sanay tumawag ng ganoon kahit mother-in-law ko pa siya. I can only refer to my biological mother in that way, as I am aware of. And it's not her.
"Good," Pinisil niya ang parehong kamay ko at pinasadahan ako ng tingin mula paa hanggang sa muling mag-tama ang mga mata namin. "Why did you cut your hair?"
I just smiled, not knowing what to say.
"But-nothing's new, huh, you're still so beautiful!"
"I think mana sa'yo, Tita-I mean... M-Ma!"
Pareho kaming natawa.
"So, how's your father?" She asked. "I'm aware of how busy he is, kaya nga halos lahat ng invitations ko, dini-decline niya."
Kusang umangat ang kilay ko nang mabanggit niya ang tatay ko. Nag-u-usap pala sila? Close sila ng tatay ko? I mean, I know they know each other when Astre and I made our relationship official. However, I was unaware that they were conversing and having secret meetings.
Nakakatawa kasi hindi man lang ako nasasabihan ni Papa patungkol dito.
Peke akong ngumiti sa babae. "Gan'to na lang po, Ma, I'll arrange a time and date. Tapos sasama kami ni Astre sa lakad niyo ni Papa."
The line on his lips disappeared slightly but she pulled the curve back on her lips again. "I will wait for that day, hah."
"Mom, hiramin ko muna si Cassee,"
Lumipad ang tingin ko sa bandang kaliwa. Malawak na kurba ang gumuhit sa aking labi nang matanaw si Astre. Nag-tungo si Astre sa likuran ko at hinapit ang aking baywang, nananatiling nakatingin sa kaniyang ina.
"C'mon, Astre, ngayon na nga lang ulit kami nag-kausap ni Cassee!"
We laughed. "Madami na bisita mo. You should be with other CEOs and guests rather than my girlfriend, Mom."
Tita Beth looked at me. "I will be back, hija! Enjoy the party!"
Ngumiti lamang ako at pinanood ang pag-layo ng rebulto ng babae. I turned to Astre as soon as I saw Tita Beth finally talking to another CEO.
"Ang ganda mo," Astre almost praised me.
I gave him a smile. "Sus, miss mo lang ako."
He laughed. "Hindi naman."
"Wow," Bahagya ko siyang tinabig palayo sa akin ngunit mas lalo lang niyang hinigpitan ang braso sa baywang ko. I raised an eyebrow at him. "Isang linggo tayong hindi nag-kita tapos-"
"Kahit hindi ko naman sabihin, halata naman kasi,"
"Na ano?"
"That I always miss you?"
"Really? May question mark? Hindi ka ba sigurado?"
Muli niya akong tinawanan. "Chill, love."
"How come you're here in that black dress?" Bulong niya sa tainga ko nang hindi ako sumagot sa huli niyang sinabi. I closed my eyes because of the electricity running through my muscles.
I shook my head to shut off the electricity in my body and glared at Astre. "Why? Does the dress not suit me?"
"No, I mean... I was just concerned that you might be identified as Cid by someone."
I crinkle my nose and glare at him. "Hindi 'yan. Wala ka bang tiwala sa'kin?"
"You're starting a fight again... I love you," Marahas niya akong hinalikan dahilan upang bahagya ko siyang itulak palayo. Tinawanan naman niya ako sa naging reaksyon ko.
"Nasa public kasi tayo, Astre..." Malapad ang ngiti sa labi ng ilagay ko ang kamay niya sa aking baywang na kanina ay nasa panga ko.
He fiddled with the side of my dress where my body was shaped. "Xion knows about us?"
"Hindi 'ko alam, hindi ko sinabi kasi kapag sinabi ko, sasabihin no'n ay wala siyang paki... pero baka alam niya na. He noticed that we were behaving like lovers do. Imposibleng hindi niya pa malaman 'yon."
He laughed, pinching my cheeks. "Oh, kalma. Nagiging kakulay mo 'yong dress mo."
Sinimangutan ko siya at bahagyang tinagilid ang ulo. "Ikaw, anong ginagawa mo rito? I thought you didn't have time to party?"
"I will sign some contracts later. Gusto mong sumama?"
"Number one supporter mo ako," I give him a thumbs up and smiled sweetly. "Pero pass."
"Ano 'yon? pampagaan-loob?"
I shrugged. "Saks."
We talked about what happened in the days we didn't see each other. Nagkakausap naman kami sa tawag gamit ang cellphone, However, I don't think that's sufficient for knowing what goes on with him on a daily basis.
Nasa iisang subdivision na nga lang kami nakatira, pero para bang ang layo niya sa'kin. Daig ko pa may ka-long distance relationship, e.
"Astre." Our conversation was interrupted when the old afam approached us and immediately called Astre's name.
Nakita kong inayos ni Astre ang suot niyang suit at tumayo mula sa pagkakaupo bago nakipag-kamay sa lalaki. He smiled broadly as he greeted the man. May pinag-usapan sila na hindi ko naintindihan dahil ibang lengguwahe ang gamit nila.
"Love," Bumaling sa'kin si Astre. "Mauuna na ako... hihintayin mo ba ako?"
"Hindi na, uuwi rin ako maya-maya lang... ano nga pa lang kontrata 'yong pipirmahan mo?" Umangat ang kilay ko. "Siguro marriage contract na 'yang pipiramahan mo?"
He nodded his head. "Ikaw 'yong bride."
"Eme mo, ha. Sige na, umalis ka na. Shooo!" Pag-papaalis ko sa lalaki dahil halata naman na naiinip na kakahintay sa kaniya 'yong matandang afam. I could see the hesitation on Astre's face, but for a few seconds, he did nothing and turned away completely.
Mag-isa lamang ako sa table. Mabuti na lang at gumagawa ng paraan si Astre para tingnan tingnan ako. When I eventually grew tired of the party and the view, I grabbed my red sling bag and got to my feet.
"You're going home, hija?" Tita Beth asked me and I just nodded with a smile. "Ipapahatid na kita kay Astre-"
"Okay na ako mag-taxi, Ma... I don't want to bother astre."
Pilit na tumango ang babae. "Sige na nga. Be careful, okay?"
"Opo, Ma! Salamat po!" I pouted. "And... congrats po ulit!"
She accompanied me into the taxi and stayed with me until I found a ride. Tahimik lamang ako sa byahe, tinatanaw ang bawat ilaw ng nagtataasan na building. I went down to the subdivision's 7/11 to buy some soju.
Pakiramdam ko kasi ay masama ako kapag binitin ko ang sarili ko sa alak.
My left hand is holding two bottles of soju, and my right hand is holding my high heels. Malaki ang hakbang ko habang naglalakad patahak sa camp. I didn't want Xion to see me, so I went somewhere in the garden behind the camp.
My eyes were quickly enveloped by the light from the fountain in the garden. Binaba ko ang high heels sa damuhan at umupo sa duyan. I opened the soju while the other bottle was set down on the concrete seat.
Bahagya kong tinulak ang sarili upang gumalaw ang duyan na inuupuan.
I sighed and smiled bitterly as the cool breeze hugged myself. Tumingala ako sa kalangitan, pinapasadahan ang mga bituin.
This is the kind of life I want-not fancy, not simple.
I lit my cigarette. Inihugis bilog ko ang labi at akmang ibubuga ang usok sa kahihipak pa lamang ngunit kalaunan ay binuga ito sa ibaba nang halos mabulunan.
"Kababaeng tao, ang daming bisyo."
I quickly looked behind me and saw Xion. Umupo siya sa sementadong upuan kung saan ko pinatong ang mga gamit ko.
Why does he ruin my life's moments every time?!
"Gusto mo?" Kunot ang noo at malayo ang tingin, hinithit ko ang isang stick ng yosi na nasa pagitan ng dalawa kong daliri. Hindi naman ako ganoon kasama para solohin ang isang kahon na yosi.
Silent enveloped us. Tanging ingay lamang ng mga sasakyan ang tanging maririnig. Napatingin naman ako sa direksyon ni Xion nang tuluyang mangalay ang kamay na nananatiling nasa ere hawak-hawak ang inaalok na yosi.
"Ayaw mo?" Ulit ko pa.
Tinakpan niya ang ilong niya habang ang kaliwang kamay ay binubugaw ang usok palayo sa kaniya.
"May hika ako,"
"Ay," I bruptly laughed. "Sinong mag-a-adjust? Alangan naman ako? Ako ang nauna rito?"
He looked me over until our eyes met. Bahagya niyang binuka ang bibig niya, tila ba may sasabihin. Ngunit ilang minuto ang makalipas, sinara niya rin ang kaniyang bibig at nag-angat na lamang ng tingin sa langit.
I tsked. Humipak muna ako sa stick ng sigarilyo bago tuluyang binaba ito sa lapag at inapakan.
I opened the alcohol bottle with my teeth and placed it in front of Xion. Tiningnan niya lamang ito at may dinukot sa bulsa. He gave me the sampaloc-flavored frutos.
Sampaloc frutos? Gan'yan ba talaga ka-boring buhay niya?
Bahagya akong natawa. "May allergy ako sa Tamarind,"
"Hindi rin ako umiinom," Seryoso niyang usal.
My eyebrows furrowed, and I quickly took it off my forehead. Nagpakawala ako nang malakas na tawa habang sinusuri kung kami lang ba talaga ang tao sa loob ng gusali. And I looked straight up into Xion's eyes as soon as I was certain that we were the only ones around.
"Ang boring ng buhay mo 'no?" Ani ko. "Gaming lang pinagkakaabalahan mo. Madalang ka rin sumama sa mga aya ng teammates mo... you don't even have a girlfriend... kaya hindi na ako magtataka kung bakit ang lungkot ng buhay mo, eh."
Hindi siya nag-salita, malayo ang tingin.
"Cid," Maya maya'y ani niya.
"Oh?"
He grabbed my arm and pulled me. Ramdam ko ang pag-alis ng kaluluwa ko dahil sa pag-hatak na ginawa niya sa'kin. I heard my soju bottle break too, but Xion pulling me delayed my reaction.
Huminto siya sa paghatak sa'kin nang makarating kami sa isang masikip na eskinita.
Binitawan niya ang kamay ko kasabay nang pag-daing ko. I was about to complain but our eyes quickly met and he signaled me not to make any noise.
"Captain!"
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Bulkan. Nag-iwas ako ng tingin kay Xion. We are facing each other. Kaunti lamang ang pagitan naming dalawa kaya nararamdaman ko ang init ng kaniyang hininga.
"Captain! Cid!" Puno ng galak ang tono ni Bulkan. He let out another shout, but it was cut short. "Jethro? tingnan mo? May High heels?!"
Narinig ko ang paglapit ng yapak patungo sa direksyon na pinanggalingan namin. And I knew it was Jethro.
"Hindi kaya may babae si Xion?!" Surprise was evident in his voice. "Kaya ba hindi siya sumasama sa'tin kasi nag-u-uwi siya ng babae rito?!"
I looked at Xion again. "Akala ko ba bukas pa sila uuwi?"
"Aba, malay ko ba,"
Inirapan ko siya. "Dapat alam mo 'yon?"
"H'wag ka ngang mag-salita."
"Nakita ko sila," Ace said and XIon swallowed.
"Saan?"
"Doon yata?"
I felt Xion remove his hoodie as soon as Ace said that. And the last thing I saw before my vision darkened was his white t-shirt.
"Ano ba?!" I shouted. Did he put his hoodie over my head? I'm going to choke on the smell! Ang tapang masiyado!
Mag-sasalita pa sana ako ng naramdaman ko ang kamay ni Xion sa balikat ko. I mentally cursed as he hauled me out of the alley.
"Oh? Nandito na kayo? Ang bilis niyo naman?" Xion cleared his throat.
"Saks lang," Sagot ni Ace.
Mabilis kong narinig ang bulyawan nilang lahat. "Para namang itatapon mo sa ilog 'yang girlfriend mo, Captain?"
"Hiyang-hiya sa'tin, eh. Hindi ka na tutoy, Captain!" Bulkan laughed. "We are proud of you kaya!"
I felt Xion tighten his arm around me. Napalunok naman ako at muling napamura sa isipan nang maramdaman ang presensya ni Jethro na huminto sa harapan ko.
"Jes!" Narinig ko ang boses ni Nick mula sa kalayuan. Mariin akong napalunok, unti-unting nabibigatan sa braso ni Xion na nakapulupot sa balikat ko. He was obviously trying to cover up me.
"The who 'yan?" Dugtong pa ni Nick.
Xion laughed nervously. "Kaibigan ko?"
"Kaibigan?" They shouted in chorus.
"Umh... girlfriend?"
"Girlfriend?!" Mas lalong lumakas ang hiyawan nila.
"Anong girlfriend?" I mumbled. Hindi niya ako pinansin.
"Oh... o... okay lang," Jes said. "Introduce us to her, Xi!"
I felt Xion shake his head. Bahagya niya akong hinatak. Xion was about to say something else, but he stopped when I removed his hoodie from over my eyes and slid to the grass without hesitating.
Pag-daing ang kumawala sa'king bibig.
Mabilis kong tiningnan ang paa ko at halos sunod-sunod na napa-kagat sa ibabang labi nang makita ang bubog na nakalubog sa aking paa. My vein was damaged, and I had a lot of bleeding from my sole.
"Cid?!"
^_______________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro