Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

14

14

That's exactly what happened.

We spent twenty minutes debating who would sleep on the bed and on the tiny sofa that was next to it. Pero sa huli, napagdesisyonan naming pumwesto sa kung saan kami komportable. 

Xion has a large bed that serves the three of us. 

Nasa mag-kabilang dulo kami ni Xion habang si Zia ay nasa pagitan namin. It's five in the morning but the sun still hasn't risen and my phone is out of battery. Ayon sa balita, mahaba raw ang gabi. So I suppose the sun will rise at six thirty or six something?

Napahalukipkip ako at mariin na ipinikit ang mga mata. 

Nakakainis. Hindi ako makatulog. Tulog na si Zia at si Xion. Habang ako? Argh! Ano ba?!

The only sound I could hear in the silent room was the rapid pounding of my heart. Hindi ako makatulog dahil sa ingay... nang pagtambol ng puso ko sa hindi malaman na dahilan. 

Why I feel so nervous? 

I also have a headache from not getting enough sleep. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog kahit na nanalatay na ang matinding antok sa kalamnan ko. I don't know what the reason is...

Siguro, naiihi ako. 

Marahan kong inalis ang malambot na kumot na nakapalibot sa katawan ko at agad na nakita ang rebulto ni Zia na mahimbing na natutulog sa tabi ko. I was about to fix her blanket when I noticed Xion wasn't on the bed.

Nasaan naman kaya 'yon? Hindi ko siya naramdaman na umalis... At saka... umaarte lang ba siya kanina na takot sa dilim? Kaya naman pala niyang humarap sa dilim, ang arte niya lang. 

I rolled my eyes and continued to fix Zia's blanket. Inayos ko rin ang buhok ng batang babae na nakaharang sa kaniyang mukha at nakangiting napatitig sa batang babae. 

Wala akong plano sa pag-aanak kahit na mahilig ako sa bata. I don't want to have children but I love children. 

Siguro isa ito sa epekto nang paglaki ko sa bahay ampunan? 

I was raised in an orphanage from the time I was born, but fortunately, Papa had plans to bring me back to him when I turned thirteen, since he could already afford to feed me. At oo, ako lang ang iniwan niya sa bahay ampunan. Mag-isa. Hindi kasama ang kambal ko. 

Sabay kaming sinilang mula sa sinapupunan ng nanay namin. They said that I have a lot in common with my twin Cid. Nakakatawa nga sa tuwing naririnig ko ang katagang iyan. Dahil unang-una sa lahat, mali. Pangalawa, mali. At pangatlo, maling mali. 

Mag-kaiba kami. 

Lumaki si Cid na may tumatayong tatay, lahat ng gusto niyang gawin, nagagawa niya. Habang ako? I grew up with grumpy nuns and kids. Na kaunting kilos ay may matang nakamasid. 

Ni hindi nga ako nakakabili ng paborito kong hair clip sa tindahan na lagi kong dinadaanan sa tuwing tumutulong ako sa mga nag-donate ng pagkain at kung anu-ano pa sa akin.

But I can say that I am happy living there. Kahit na mahirap mabuhay mag-isa sa murang edad, I have friends there to help me enjoy my youth. Mga kabataan na gusgusin... kaya... I love children.

"Saan ka pupunta?"

Napahinto ako sa pagpihit ng door knob nang marinig ang baritonong boses ni Xion mula sa likuran ko. My eyes quickly searched for Xion and saw him on a couch. Magulo ang kaniyang buhok at ang mata ay sumisigaw ang pag-kapagod.

I raised an eyebrow at him.

"Rest room, bakit?"

Umiling siya.

"Bakit? H'wag mo sabihing natatakot ka na naman?" Bumaba ang tingin ko sa mga nakakalat na bagay sa kaniyang kwarto. "Tingnan mo, para kang binagyo, e saglit lang naman nawalan ng kuryente?!"

His brows knitted. Naramdaman ko ang pag-titig niya sa'kin. A cold shiver ran down my spine as his unyielding stare held me in place. Pinasadahan niya ang kaniyang buhok habang patuloy na nakatingin sa'kin, naghihintay mapakinggan ang susunod kong sasabihin.

Tangina... gan'yan 'yan siya eh. Parang gago amputa.

Humigpit ang hawak ko sa dulo ng damit ko nang ilayo niya ang tingin niya sa'kin at umaayos sa pag-kakaupo. His face crumpled and gave me his blood-boiling expression again. "Tapos mo na ba akong pagalitan?"

Nag-kibit balikat ako at bumwelo sa pamamagitan nang paghugot ng hininga bago tuluyang binuka ang bibig. I tilt my head and widened my eyes at him.

"Mukha ba akong nanay mo para sabihan mong pinapagalitan kita?" I stopped, arching my brows.

Mag-sasalita pa sana ako nang tumango siya. "Bungangera ka kasi."

"Excuse me?" Hindi makapaniwalang tanong ko. 

"Hindi naman ako nakaharang sa dadaaanan mo... so, what do you mean?"

I laughed in disbelief at what he was saying. Kinuyom ko ang aking kamao at hindi pinansin ang pag-guhit ng maliit na ngiwi sa kaniyang labi. Mas lalo tuloy akong nainis. Kanina kasi halos umiyak na siya sa takot at ngayon? tatawanan niya ako?

"Alam mo, sabihin mo kung ginagago mo ako para maggaguhan na lang tayo rito. At saka alam mo bang halos mamatay ka na kanina sa takot, at kung wala ako, baka nangisay ka na riyan. Tapos tatawanan mo lang ako?—"

His little grin suddenly disappeared. "I have a trauma in the dark..."

Napatuwid ako sa pagkakatayo. 

"Kalimutan mo na lang 'yong nangyari kanina." Malamig niyang tugon. 

Ayan na naman siya, inuutusan na naman niya ako. I don't want to be ordered by other people! Sarili ko lang ang makakapag-utos sa sarili ko. And the rest, wala na. Wala silang karapatan para utos-utusan ako. 

Napangiwi ako sa inis. But the smirk was replaced by a wide smile. Nakita ko ang paniningkit ng mga mata ni Xion nang mapansin ang biglang pag-lawak ng ngiti sa aking labi. I also gave him puppy eyes.

"Deal. Kakalimutan ko 'yon," My smile grew and my nose wrinkled. "Ah, ah, but, ah, ah... pretend you didn't find out my true gender, too."

Ngumiti siya na nagpangiti sa'kin ng mas malawak. Akala ko ay na-uto ko na ang lalaki. But when his smile fell on his lips, I clenched my teeth.

 "Lugi." 

Ang maliwanag kong mukha ay napalitan ng inis at pag-tataka. Tangina talaga! Bakit hindi na lang ba siya pumayag? Bakit ba lagi na lang niyang pinaglalaban kagustuhan niya? Parang gago, e, ang hirap kausap!

"Huy, anong lugi ro'n?" I mouthed. "Hindi ka lugi kasi less kahihiyan at dumi sa pangalan kapag hindi ko pinakalat sa media na ang masungit na captain ng TVOT ay umiyak dahil nag-brown out—"

"Okay lang naman..."

Nahulog ang panga ko. "Hindi okay 'yon, 'no?" 

Please, bakit ba hindi siya ma-manipulate? Tangina, eh. Nanlalaban.

"Hindi naman kasalanan ng isang tao na pinanganak siya na may takot o may kahinaan sa isang bagay... accept it or not... laugh it off or embrace it... Everyone has a weakness that everyone needs to accept."

I gritted my teeth. Bakit ba parang alon ang emosyon ng isang 'to? Magagalit siya tapos maya maya ay ngingiti sa'kin. Parang nakakagago, e.

Akmang mag-sasalita ako nang maunahan niya ako sa linya. 

"Samahan mo ako mamaya sa grocery. Mamimili ako ng stock ng mga pagkain para sa ref." Sinubukan niyang tapusin ang pag-uusap naming dalawa. Ni hindi ko pa nga nare-rebut-an ang pinagsasabi niya. 

Muling umarko ang kilay ko. "Hoy, Xion, hindi ko sagot 'yang pag-sama sa 'yo sa pag-grocery. At saka anong sinasabi mo na lug—"

"Sasama ka ba o I will tell your pretty dirty lies?"

Fuck you. Fuck you. Fuck you, Xion. 

Peke akong ngumiti. "Sasama ako. Hindi ka naman mabiro... anong oras ba?"

"Pagkahatid natin kay Zia sa terminal ng bus..."


Kumunot ang noo ko. "Huh, bakit?" Akala ko ba mananatili rito si Zia ng dalawang araw hanggang makauwi sila Jethro? 


"Gusto raw kasing makita ng lola n'ya, e malapit lang naman sila rito sa Manila."


I just nodded and gave him a wide fake smile before finally leaving his room. Hulog ang balikat at nakasimangot akong nagpunta sa kwarto ko. Padabog kong binagsak ang pinto ng kwarto at binagsak ang sarili sa malambot na kama.

Kuhang-kuha talaga niya ang inis ko. Hmp!

Lumipas ang oras at kinailangan na naming ihatid si Zia sa terminal ng bus. Mabuti na lang at nandoon na ang lola ni Zia nang makarating kami sa Terminal. Kaya naman nakaalis din kami agad ni Xion sa terminal nang maihatid si Zia.

Xion and I kept our mouths shut during the ride. 

Sa totoo lang, gusto kong mag-salita at awayin ang lalaki. Pero baka kasi mabadtrip na naman ang isang 'to at hindi mag-dalawang isip na ibunyag ang totoong pagkatao 'ko. 

"Xion... the plan wrecker." I whispered to myself. Maging ako nga ay hindi makapaniwala sa binibitawan ng bunganga ko. It was so unpredictable.

"I can hear you," Bulong niya rin sa kaniyang sarili. Katamtaman lamang ang lakas no'n pero nasisigurado ni Xion na maririnig ko ang katagang binitawan niya para sa sarili.

"Ah ayon? Sabi ko, saan ka ba pupunta? Ang tagal na ng byahe natin. Siguro nililigaw mo na ako?" Bahagyang nanlaki ang mga mata ko kasabay nang pagbilog ng aking bibig. "Siguro ipupunta mo ako sa gubat para pagnasaan?!"


Nanlaki ang kan'yang mga mata nang marinig ang mga salitang lumabas sa bibig ko. He laughed a little and looked away from me. "Gagawa na nga lang ako ng krimen, ikaw pa ang pagtatangkaan ko? No fucking way."

I ruffled my hair and removed the hood of the hoodie from my head. I made myself comfortable from my seat and cleared my throat. Siguro naman ay wala ng kwenta ang pag-i-iba ko ng boses dahil alam na rin naman niya ang totoo?

Okay. 

I tsked and in a lone tone, I said using my girl tone. "Arte mo." 

"Ulitin mo nga," Agad niyang lintanya.

"Huh? 'Yong alin? Itong babae kong boses?" Napakunot ang noo ko. "Grabe? Manghang-mangha ka sa boses ko? Maganda ba? O boses kargardor?"

Umiling siya, wala sa sagot na pinapapili ko sa dalawa kaya pinaningkitan ko ng mata ang lalaki. Umayos ako sa pagkakaupo upang harapin siya. And I quickly saw his adams apple move when he swallowed. 

Malagkit akong ngumiti. "Siguro na-love at first listen ka sa boses ko 'no? Maganda ba? pero unahan na kita. Sorry, hah, taken na kasi ako. Hindi na pwede. As in reserved na. At saka, hindi kita papatulan kahit single ako. Mas pipiliin ko pang maging matandang dalaga." 

I said that with a full of self-confidence. 

Totoo naman ang sinasabi ko. Hindi naman ako kumakain ng mga sinasabi sa huli. Kapag sinabi ko, sinabi ko. Na kahit pa siya na lang ang lalaki sa mundo, hindi ko siya papatulan. At kahit pa hatulan ako ng kamatayan, uunahan ko pa ang petsa ng paghatol sa'kin sa pagkitil ng buhay ko. 

Ayo'ko sa kaniya. I hate him. My heart and mind are angry. Kaya itataga ko sa bato 'yon, 'no. 

"Okay." Umangat ang kilay niya habang pinipilit na hindi mawaglit ang pokus sa daan dahil siya ay nagmamaneho. 

Gago? Ang dami kong sinabi tapos ayan lang isasagot niya sa'kin? Nanggagago ba siya?


I took a deep breath, clenching my fist in annoyance. 


I sat down properly and just turned my eyes to the road, didn't say anything. Hindi nag-tagal ay huminto ang kotse sa S&R, but my attention was caught by this small store next door. Ukay-ukay iyon at mukhang magaganda ang mga damit.


Shit, my liking for ukay clothes suddenly sprouted in my stomach.


Nang makababa ay agad akong nagpaalam kay Xion upang mag-restroom, In actuality, though, I visited a small shop. Tila ba tumatalon ang puso ko sa tuwa nang makita ang maliit na presyo ng magagandang mga damit. 


For other girls, makeup and books are their ideal worlds. And thrifty clothes are heaven to me.



"Gusto mong tumingin?"


Halos magulantang ako nang marinig ang boses ni Xion mula sa likuran ko. My thoughts were interrupted and I quickly let go of the hem of the hanging clothe I was holding. Hinarap ko siya at napagtantong kanina niya pa ako pinanonood na tingnan ang ukay-ukay.


Mabilis akong umiling "Gusto ko sana... Ang tagal ko na rin hindi nakapag-ukay... Kaso wala akong pera."


I am telling the truth. And I'm not scared to admit that I'm poor because I know that my beauty is unaffected by my financial situation.



"Just choose what you want," 


Suminghap ako upang hindi niya mahalata ang bahagyang pagkagulat na bumulusong sa'king mukha. I faked a smile for a few seconds and cut the smile off my lips as well.


"Thanks, pero wala akong pera—"


"I'll take care of the payment."


"Huh?" What he said was so unexpected.


Bakit naman niya sasaluhin ang bayad na mga bibilhin kong damit? Hindi naman ako tanga para pumayag basta-basta dahil alam kong may kapalit ang mga bagay na 'yan! Kaya hindi niya ako mauuto.


"Next time na lang," I paused as I turned my back at him. "Hindi ko rin naman masusuot 'yang mga 'yan kasi hindi ako pwedeng mag-suot ng pang-babae... at saka baka maliit na 'yan sa'kin kapag susuotin ko na. Kaya 'wag na lang."


I looked away as a sad laugh escape in my mouth. Ang sakit talaga sa puso tanggihan ang grasya. 


"One week silang wala sa gaming camp. You can wear whatever y-you want." I stopped walking because of what he said. Muli akong pumihit paharap sa kaniya upang suriin ang kaniyang emosyon.


And he look serious as for real.


Xion is the type of guy who can joke around all day and at the same time can be serious all day when he's not in the mood. Yung pag-kagago niya ay sakto lang. Hindi sobra, at hindi kulang. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit inis na inis ako sa kaniya. 



"Weh?" Mahaba 'yon, naninigurado. "Baka may kapalit naman 'yan?"


Bumusangot ang lalaki at tila ba naubusan na ng pasensya. "Bahala ka nga sa buhay mo. Ikaw na nga 'tong ililibre, ako pa 'tong pipilit sa 'yo. Kapal mo naman."


I stepped forward on his way to stop him from walking. "Ooppps!" 


"Ano?" He furrowed his eyebrows and I laughed it off.
"Joke lang naman, Xion!" My head tipped toward him, lips meeting in a thin line. "Hihintayin mo ba ako? O mag-g-grocery ka na?"


Natigalgal siya roon. He tried to compose himself by averting his gaze. Pansin ko rin ang pagpupumiglas ng ngisi sa kaniyang labi, but he didn't let it go and stopped it. 


"Pumili ka na. I'll just wait here."


I noticed... that... his dark aura brightened a bit.


I smiled widely and slowly turned away to him.


^_________________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro