Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

13

13


Sinikap kong patulugin muna si Cyren sa kwarto niya at nang makasigurado na mahimbing na itong natutulog, t'saka ko inayos pabalik ang gamit ko na kakalabas ko lamang sa maleta. 


I took off my silk pajamas and changed into jeans and a black t-shirt. Tinanggal ko rin ang mga accessories sa aking katawan na kasusuot ko pa lamang kanina at sinigurado na wala akong naiwan na kahit isa. 


Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa repleksyon ng salamin. I made sure I looked like a man again before finally pulling the suitcase down.


Sa totoo lang, binigo ko na naman ang sarili ko. Thinking that I had made a self-promise to myself that I would never again allow my father use me as a puppet. But look at me now, my every move is under control again.


Inaantok kong binaba ang maleta sa harapan ni Ian. It's already twelve o'clock in the morning today. Binalot na ng dilim ang buong kalawakan, at hindi man lang pinagpabukas ni Papa ang pag-utos na papuntahin ako sa camp. 


"Ano namang ganap mo, bakla? Bakit may maleta ka na namang dala?" He frowned as he looked from my eyes to my feet. "At bakit nakapang-lalaki ka na naman, hah?!"


I rolled my eyes. I don't have a choice.


"Ano pa nga ba?" Pagod kong tanong.



"Nag-paalam ka naman ba kay Cyren?" Tanong niya at mabilis akong umiling. "Gaga ka, bakla. Hahanapin ka na naman sa'kin no'n tapos mahihirapan na naman akong mag-hagilap ng pwedeng idahilan—"


"Oo na, ako na magsasabi na pinatawag ulit ako ng boss ko kasi may hindi natapos na gawain. Ako nang bahala. Ikaw na lang bahala ulit kay Cyren, Ian,"


I looked at my wristwatch. Bahagya akong napabuntong-hininga. "Aalis na ako, tatakasan ko lang 'yong curfew."


"Huy, teka!"


"Bye!"


I stood in line for a taxi for ten minutes. Luckily, there was no traffic, so we got to the subdivision fast. Mabuti na lang at alas dos na, paniguradong maging ang nagbabantay para sa curfew ay nakatulog narin. 


As soon as I entered the gate, I immediately frowned when I heard the noise coming from inside. Napatingin agad ako sa orasan at nakita kong alas dos na ng madaling araw.


But they're still awake and loud inside.


I mean, sanay naman ako na gan'tong oras ay gising pa rin sila. Pero hindi gan'to kaingay. Kasi kung matutulog man sila ng alas-tres o alas-quatro ng gabi, nasa kani-kanila na silang kwarto. At mukhang nagkakasaya pa sila sa sala.


I went inside dragging my luggage.


In a moment, I spotted them spread throughout the living room, with ten glasses of various liquids in the center of them. Nakakalat din sa gitna nila ang mga baraha. Their boisterous laughter gives the impression that they are having fun.


Hindi sila umiinom ng alak... pero ano ang iniinom nila?


"Shit, itagay mo na 'yan, insan!" Bulkan shouted, hyping Jethro, who's hesitating to drink the liquid in the mug glass.


Kulay kayumanggi ang tubig at mukhang pinag-tripan lamang nila.


Jethro closed his eyes, putting down the glass, and shook his head as he put his two hands in the air.


 "Tangina, kadiri, ayo'ko nito!"


"Okay, mabilis naman kaming kausap..." Nick booed Jethro. "Drop secret!" 


Jethro fell silent as I frowned. Ano naman kayang nilalaro nila? 


"Magsasabi ka o ibubunyag ko 'tong secret mo na nalaman ko?" Ace uses Jethro as a pawn. Jethro shook his head and started talking without pausing.


"Nakipag-one night stand ako sa hindi ko kakilala."


My mouth fell open.


Narinig ko ang pag-hiyawan nila Bulkan, at ang iba ay pinapaulanan ng tanong si Jethro. Ngunit agad din silang natahimik nang mapansin ako na nakatayo sa bandang pintuan.


"Uy, si Cid!" Ben pointed me.


Bumaling si Xion sa direksyon ko at mabilis na nag-tama ang mga mata namin. Ang mga mata niya ay hindi ko maintindihan at mabasa.Although I can see the irritation and rage in his eyes, something tells me that there's more going on here. 


Something is in his eyes that I'm not sure what it is.


Nilapitan ako ni Bulkan at hinila patungo sa tabi ni Sage ng walang ano-anong sabi-sabi.


Sage looked at me. "Saan ka nag-punta?"


Hindi ko siya pinansin. Wala ako sa wisyo para makipag-usap sa kung sino man. I just wanted to sleep. Pero paano ako makakatulog kung hindi ko pa nagagawang ipadelete kay Bulkan ang facebook post?!

"Bakit ka may dalang malet—"

"Sumali ka rin, Cid," Nick interrupted what Sage was saying. Binaba niya ang dalawang pirasong card sa harapan ko at binigyan din sa Sage. "Lucky nine with twist nga lang."

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

"Kapag iyo ang pinaka-mababang number, iinom ka sa mga minekus-mekus na 'yan... or else... you'll tell us your big secret—"

"Tapos kapag hindi ka naman nag-sabi, yong naka-nine ang magsasabi ng secrets mo na alam niya," Singit ni Bulkan. "Ihabol ko na rin pala na kapag hindi satisfied ang naka-nine, pwede niyang dagdagan yung secret."

Kumunot ang noo ko sa paliwanag niya. "Doesn't it invade someone's privacy?"

"Hindi ah," Umiling si Nick. "Ang tawag dito ay boy's talk. Knowing each other more lang, gano'n."

Narinig ko ang mahinang pag-tawa ni Xion.

I rolled my eyes at him. Siguro sa bandang boy's talk siya natawa dahil alam niyang hindi ako lalaki.

"Iinom lang niyan?" Tanong ko pa at tumango naman sila. "Sigurado ba kayo na puro sauce lang 'yan? Like soy, ketchup, at iba pa? Walang kamay o something?"

Bulkan laughed. "Oo, malilinis naman kami. Ano ba sa tingin mo?"

Umiling na lamang ako para hindi na humaba ang usapan.

The game started.

I slowly opened the two cards that Nick give to me. Nakapikit pa kalahati ang isa kong mata at aminado akong hindi ko maiwasang kabahan.

"Lucky nine!" As soon as I saw the two cards with the numbers five and four, I let out a loud shout.


Binuklat ni Ace ang kaniya at napangiwi siya nang makita ang otso. Sumunod naman ang iba ngunit napatingin ako kay Sage, tig-isang alas ang card niya. Kapag binuo ay dos lamang.

I gave an enthusiastic laugh. "Dos lang si Sage!"


Bumusangot naman ang lalaki sa'kin. Mukhang diring-diri ang kaniyang mukha sa mga likido na nasa baso at para bang gusto niya na lamang mag-back out sa laro.


"Dos lang akin," He sighed as he announced.

Bumulwak ng tawa si Ben. "Inom, Sage! Inom!"

Sage clicked his tongue. Napabuntong hininga pa ang lalaki at tila ba pinagiisipan ang desisyon niya sa kaniyang buhay. Pumili siya ng baso na may laman na mukhang malinis tingnan.

"Shot, shot, shot—"

"Hoy, wait lang!" With a raised hand, Bulkan broke the yelling among them. Nang mabaling ang lahat ng atensyon namin sa kaniya ay dali-dali niyang dinakot ang dalawang card na hawak ni Xion.


He dropped it in front of us. Nakita ko ang pag-liwanag ng mukha ni Sage kasabay nang pagdaan nang pagkadismaya at pandidiri sa mukha ni Xion.


I looked at the card. It was King and an Alas. Kapag binilang, uno lamang iyon.


I laughed a little but managed to suppress the smile on my lips. 


He deserves to drink those dirty drinks. Sana ay masira niya ang toilet bowl niya kakatae mamaya.


"Shot! Shot! Shot!" They shouted in chorus.


Nakita kong binalik ni Sage ang kinuha niya kaninang baso sa gitna at agad na binaling ang buong atensyon kay Xion.


"Pili na isa, captain!" Jethro laughed.


Xion secretly rolled his eyes and shook his head. "There's this customer from earlier who caught my attention."


Naagaw ang atensyon ko ni Ace na umarteng pinupunasan ang invisible niyang luha. He approached Xion and opened his arms to hug the guy.


"Sobrang proud kami sa 'yo, Captain! Sa wakas at may nagustuhan ka na rin! Kasi nakakailang ex na kami rito, ikaw NGSB pa rin!" Ace dramatically said. Hihigpit pa sana ang yakap niya sa lalaki nang tuluyan siyang tinabig nito palayo. 


Napairap naman ako. Kung ganoon, he's NGSB? wala bang pumapatol sa kaniya?

"Tanginang secret 'yan!" Pagkadismaya ang bumalot sa mukha ni Ben. "We want more! More detail I mean—kinausap mo ba? Nakuha mo number? Magka-flings na ba kayo? Ano?"

Xion chuckled. "May anak, gago."

Lahat sila ay natawa maliban sa'kin. Pakiramdam ko tuloy ay out of place ako dahil tama nga sila, boy's talk ito at hindi naman ako lalaki para mabilang sa usapan na 'to.

"Satisfied na ba ang lucky nine?" Tanong sa'kin ni Nick.

Paano kapag hindi? I'm not that satisfied and I want more?

I wanted to shake my head but everyone seemed satisfied so I just nodded.


"Secret dropped," Bulkan said proudly. Sinenyasan niya si Nick. "Ikot ulit!"

Muli kaming binigyan ni Nick ng dalawang baraha.

Aaminin kong kinakabahan ako kasi mukhang seryoso sila sa pagsasabi ng sekretoSince I could make up a secret and lie, it wasn't even a big deal to me. Still... Telling the truth seems like more fun.


But the only secret I have is holding my life...


Hindi ko pwedeng sabihin.


"Nine." Xion dropped his two cards in front of us. Mukhang proud pa siya dahil saktong nine ang nakuha niya.


I slowly opened a card. And it turned out to be eight. Kinabahan tuloy ako at habang binubuksan ang isa pang card ay paulit-ulit kong binubulong na sana ay alas ang makuha ko.

I closed my eyes as I slowly lifted up the card.


"Four, Cid," Narinig ko ang bulong sa'kin ni Sage.


I opened my eyes and sit up straight. Mabilis akong napalunok nang makita na four nga ang laman ng isa kong baraha.


Puta... four plus eight?! Four plus eight?! Equals... Twelve.

"Dos lang si Cid!" Bulkan laughed.

Tangina... si Xion pa ang lucky nine! Ang malas!

"Drop secret o shot?" Bulkan laughed. Inirapan ko ang lalaki. Palibhasa naka-tres siya kaya grabe ang ngiti niya. Isa lang naman ang lamang sa'kin.

"Umh," Ani ko at binalot kami ng katahimikan. Puta... wala akong maisip. Pero baka pwede naman yung hindi masiyadong malala dahil ganoon lang din ang kay Xion.

I smiled and cleared my throat. "When I was in grade 5th,  periodical exam namin at hindi ako nag-review. Pero dahil ayaw kong bagsak, habang pinapasa yung papel, kinuha ko yung papel ng matalino naming kaklase tapos pinalitan ang pangalan niya ng pangalan ko. Kaya iyon, noong nag-check, She only got twenty over fifty while me, I only got five mistakes."

Sabay-sabay kaming natawa.

"Totoo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sage sa'kin.

Tumango ako. Totoo 'yon, hindi ako nagsisinungaling o gumagawa ng pekeng sikreto. "Ayon ang reason bakit ako nagkaroon ng first record sa guidance kasi nalaman nung matalino na kinuhaan ko ng paper."

"Ang lala mo, Cid!" Iling iling na ani Jethro. "Ginawa ko rin 'yan, e, pero hindi ako nahuli."

Nag-apir kami habang parehas na natatawa.

"I'm not satisfied,"

Lahat kami ay napabaling sa direksyon ni Xion. He's playing with his fingers and seems serious. Ang tingin na pinupukaw niya sa'kin ay tila ba may kakaibang pahiwatig.

The lucky nine is not satisfied... kung ganoon... he'll add more secrets of mine?!

Puta!

Just as Xion opened his mouth to speak, I abruptly reached over and took a glass. Ang pinakamalapit ang nakuha ko ngunit hindi ko pinansin kung ano 'yon. Tinakpan ko ang ilong ko at pinikit ang mga mata bago  mabilis na ininom ang laman ng baso.

With a look of wonder on their faces, they were all staring at me. Para ba silang hindi makapaniwala sa ginawa ko.

A few seconds later I heard Bulkan's slow clap followed by Nick.


"Alam mo bang wala pang umiinom sa'min kahit isa dahil puro secrets lang ang dina-drop namin kasi nga kadiri? Tapos ikaw?" Ace blinked twice.

Napatingin ako sa mga baso na siyam na lamang ang may laman. Napahawak ako sa aking bibig nang mapagtanto na kaya pala saktong sampu ang baso na nasa gitna dahil wala pang nagtangkang uminom nito. At ako pa lamang...

"Round of applause, guys!" Jethro laughed as he clapped his hands. "Secret dropped at nakapag-shot din..."

"Next na, Nick," Utos ni Bulkan kay Nick at agad na binigyan kami muli ng tig-dalawang baraha.

The next few rounds my cards weren't bad and sometimes I was the lucky nine. I really enjoyed the game... Just a bit... Pakiramdam ko kasi ay may matang nakamasid sa'kin kaya hindi ako masiyadong makalaya.

Nang mag-alas tres ay binalot na kami ng antok dahil patagal nang patagal ay nauubos ang mga tinatago nilang secrets kaya nagiging boring na rin ang laro.


Naiwan kaming dalawa ni Bulkan sa sala kaya napabura ko ang post sa kaniya. Fortunately, he didn't get stubborn anymore and didn't ask me why I made him delete that trending post.


"Tulungan na kita, Cid!" Sigaw ni Nick nang makita akong nahihirapan sa pag-akyat ng maleta ko sa hagdan. Tumakbo siya palapit sa'kin at agad na napahinto nang makita ang mukha ko.

Napakunot naman ang noo ko. "Ano 'yon?"

"Gago," Napasapo siya sa kaniyang noo. "Magang-maga mukha mo... Namumula pa... Inaallergy ka ata!"

Hinawakan ko ang mukha ko. "Totoo ba?"

"Oo nga, gago," He plucked his lips.


Imposible naman 'yong sinasabi niya. Hindi ako pwedeng allergyhin dahil iwas ako sa mga pagkain na bawal sa'kin. 


Napaisip naman ako.  


"Sinong gumawa nung nasa baso kanina?" I asked. 


As soon as he realized the answer to my query, he looked away and then back at me. "Si Captain ang nakita ko na gumawa no'n."


"Ano-anong nilagay?"

He pouted. "Yung tira na alamang—'wag kang mag-alala, hindi 'yon panis. Tapos... Itlog na hindi luto... tubig at suka."

Shit... May allergy ako sa dalawa!

"May gamot ka ba?" Bakas ang pag-aalala sa kaniyang tono.

Napaisip ako at inalala kung mayroon ba akong nilagay na gamot sa maleta. "Wala eh."

"Utusan ko na lang si Captain na bumili—"

I furrowed my brow. "Bakit siya?"

"Captains lang ng group ang pwedeng lumabas ng gan'tong oras," He explained. "Mamaya pang ala-sais bago kami payagan lumabas... baka lumala 'yang allergy mo."

"H'wag na—"

He rolled his eyes. "Bahala ka sa buhay mo, Cid. Papabili ako ng gamot! Bye!"


Tumakbo siya nang mabilis at tuluyang nawaglit sa paningin ko.


Fuck! Ano na naman ba 'to, Cassee?! 


Kinamot ko ang aking pisngi upang maibsan ang kati at dumiretso sa kwarto upang ibaba ang maleta. I noticed right away that I was swollen and reddened from eating food that I was not supposed to be eating when I went to the bathroom.


Hindi ko maiwasang hindi kabahan nang makita ang naging epekto sa'kin nang nakain ko.


Shit... malapit pa naman na ang finals... Hindi pwedeng gan'to ang itsura ko!


Hinalungkat ko ang cellphone ko sa maleta upang tawagan si Ian. I dialed his number twice but he didn't answer. Sa palagay ko ay natutulog na ang lalaki. 


"Cid," 


Halos magulantang ako nang marinig ang boses ni Xion mula sa pintuan. I looked at him and our eyes quickly met. Katulad nang nakasanayan, malamig ang kaniyang presensya at maging ang pinupukol niyang tingin ay madilim.


But... I noticed... that...


Naputol ang mga boses sa utak ko ng tahimik n'ya na pabagsak na binaba ang gamot sa ibabaw ng lamesa ng kwarto ko. That is cetirizine for allergies. Mukhang labag sa kalooban niya ang bilhan ako ng gamot.


Umirap naman ako. 


"Talaga namang pinagsama mo pa 'yong alamang sa itlog, ano? Gusto mo ba talaga akong patayin?"


Nakakainis! Ilang araw pa naman bago mawala ang kati at ang pamamaga sa katawan ko!


"It's not my fault you chose that drink," He said in a manly tone. "Malay ko bang allergic ka roon, e 'di sana dinamihan ko pa."


Pahina nang pahina ang boses niya ngunit narinig ko pa rin 'yon. 


I clicked my tongue. "Nandito ako, Xion, naririnig ko 'yang sinasabi mo."


"Hindi ko naman sinabi na wala ka rito?"


I clenched my fist and was about to talk again but he rudely closed the door and left me standing in my room. Napabuntong hininga na lamang ako. I went to the mini kitchen of my room and sighed when I saw that there was no water there. 


Wala akong choice kun'di sa baba uminom ng gamot.


"Kuya," Binalot ng matinis at bibong boses ang tainga ko nang makababa. "I want ice cream nga!"


"Zia, 'wag ka ngang makulit. Walang ice cream na mabibili na gan'tong oras," Ang tono ni Jethro ay para bang nauubusan na ng pasensya. "Pag-balik na lang namin, bibilhan kita maraming ice cream—"


"E, gusto ko nga po ngayon!"


Dumungaw ako sa sala at nakita ang batang babae na halos kasing laki lamang ni Cyren. Nakabusangot siya habang nakaharap kay Jethro. 


"Zia, hindi pa nga kami umaalis umaate ka na," Pagalit niya sa bata. "Kay Xion kita iiwan, dalawang araw lang naman kami sa Cavite. 'Wag kang makulit, okay?"


Napatango ako nang malaman kung sino ang bata. It was Zia, Jethro's younger sister. Nabanggit sa'kin ni Sage na rito raw muna mananatili si Zia ng dalawang araw hanggang sa maka-uwi ang TVOT team dito sa camp. May pupuntahan ang ibang TVOT member para sa endorsement.


Habang ako, maiiwan dito. I am not an endorser. Kaya less hassle. Less trabaho. Ang kaso, less kita.


Bumalik ako sa kwarto at payapang pinahinga ang buong katawan sa malambot na kutson. I didn't do anything today but I feel so tired. Wala akong ginawang iba maliban sa pag-hatid at sundo kay Cyren sa paaralan niya, pero pakiramdam ko ay deserve ko ng mga bagong damit. 


For a few minutes I found myself lying on the bed, just closing my eyes but staying awake and deep in thought. Hindi pa rin ako pinapatulog nang epekto ng itlog at ng alamang sa katawan ko. 


I feel like I'm scratching.


Mabuti na lang talaga at nahanap ko ang perfect spot ko sa kama na hinihigaan. Drowsiness enveloped me completely and I was about to fall asleep but I quickly opened my eyes when I heard a scream from the next room.


Bumalot ang kadiliman sa buong paningin ko. Maging ang fan na ginagamit ko ay namatay.


Is it brownout?


Kinapa ko ang cellphone ko sa bed side table at mabilis na binuksan ang flashlight. I went to Jethro and Sage's room where I heard Zia's scream. Mabilis na sumalubong sa'kin ang bata na nakatakip ang buong katawan ng kumot. 


"Zia," I called her name using my fake voice. "Nasaan sila?"


Tinanggal niya ang naka-ikot na kumot sa kaniyang katawan. Ngumuso ang batang babae kasabay nang pagkalma niya nang makita ako. "Umalis na sila, Kuya, eh..."


"Ikaw lang naiwan dito?" Tanong ko pa. "H'wag kang matakot, magkaka-kuryente rin mamaya."


Umiling naman ang batang babae. I see her in Cyren. Soft girl lang si Cyren, habang si Zia ay may pagkapareho sa ugali ko. Zia doesn't even know how to use "po" and "opo" with the adults she talks to. Kaya sa tingin ko ay malayo talaga ang ugali ng dalawang bata. 


"Natakot po ako kasi narinig ko 'yong ingay sa kabilang room. Akala ko mumu, eh."


Kumunot ang noo ko at napaisip. I've also heard that sound. At sa tingin ko... sa kwarto ni Xion nanggaling ang ingay na 'yon.


"Saan ka pupunta, Kuya?" Tanong ni Zia sa'kin nang akmang pipihit ako patalikod sa kaniya. 


"Sa kabila lang—"


"Sama ako!"


Wala akong nagawa. We went to Xion's room. Nasa tabi ko lamang si Zia, mahigpit itong nakahawak sa gilid ng damit ko at mahahalata mo ang takot sa kaniyang mukha. 


I quickly pointed the flashlight inside Xion's room after opening the door and scowled at what I saw. Nakatumba ang book shelf at nakakalat ang mga papel sa buong kwarto. 


Sa pagkakaalam ko, nawalan lamang ng kuryente. Pero bakit parang nasalanta ng bagyo ang buong kwarto ni Xion? 


From the messy floor, I turned the light on Xion's bed and saw his messy bed sheet. Magulo ito at ang ibang mga unan ay nasa lapag. Para bang pinasok ng sampung garapal na magnanakaw ang kwarto ni Xion dahil sa sobrang gulo nito.


Nang makaramdam nang ngalay sa kamay ay binaba ko ang flashlight na nakatutok sa magulong kama ni Xion. However, when the flashlight light hit him, it was as if the screw tightening my heart had come loose.


Bahagyang natigilan ako.


He was sitting on the ground, covering his face with both arms as his sweat dripped down his skin. He was also tapping his feet on the ground as he tried to catch his breath. 


"Kuya Xion," Zia called his name.


Umangat ang tingin niya sa direksyon namin nang marinig niya ang pagtawag sa kaniya ni Zia. Nagkatitigan kami ni Xion at sa unang pagkakataon ay naramdaman ko na rin na kahit papaano ay may kinakatakutan pa rin ang lalaki.


He was obviously afraid of the sudden power outage.


He instantly blushes and remove his eyes from me. Napangiwi naman ako.

 
"Natatakot ka ba, Xion?" Alam ko namang itatanggi niya na natatakot siya pero tinanong ko pa rin.

 
All people do not want to show and let their weakness known to other people. Takot sila na mahusgahan at madismaya ang mga mapanghusgang tao dahil hindi nila naabot ang inaasahang lakas para sa kanila. 


They are afraid of showing their weakness for a variety of other reasons, including pride in themselves, fear of being pitied, and the need to maintain their self-worth.



Although it's normal to want to show the world your best self, it's also critical to understand that everyone has flaws, and that facing up to them can actually be a strength.



Nakakatawa dahil nabibilang ako sa mga tao na ayaw ipaalam ang kahinaan nila sa ibang tao. I don't want judgement and I have a desire to appear strong and capable. Kahit na alam kong mahina ako sa isang bagay... pipilitin kong ipakita sa kanila na malakas ako at kaya ko 'yon... kahit na... hindi ko talaga kaya.



I heard Xion sighed. "Hindi..."



Sabi na, itatanggi niya na takot siya kahit na halata ang takot sa kaniyang mga mata.



With a quizzical smile, I tilted my chin slightly, a playful expression that suggested I was gearing up for some light-hearted teasing or banter.


 
"Sigurado ka?" Ngumuso ako, nananatiling nakatapat sa kaniya ang ilaw na nagmumula sa cellphone ko. Alam ko namang kahit ulit-ulitin kong itanong sa kaniya ang tanong na 'yan, iisa lamang ang isasagot niya. Wala lang, gusto ko lang talaga siyang bwisitin.



I waited for a few seconds but he didn't answer neither nod. Napabuntong hininga naman ako at inalis ang ilaw sa kaniya na ikinadahilan upang dumilim. "Okay, mukha namang kaya mo na mag-isa rito. Matutulog na—"


"Cid,"


Muli kaming pumihit paharap ni Zia sa direksyon ni Xion. "Ano?"



Hindi siya nakaimik at tila ba hirap na hirap hugutin ang mga salitang nasa dulo ng kaniyang lalamunan.


"Ano nga? Inaantok na kami ni Zia..." Asik ko gamit ang tonong nauubusan ng pasensya. Minabuti kong hintayin ang sinasabi niya ngunit nang tuluyang mainip ay hinila ko na palabas si Zia. "Bahala ka nga sa buhay mo."


Inuubos niya lang ang oras ko. Imbis na makabuo pa ako ng apat na oras na tulog ay mababawasan pa iyon dahil sa kaniya. Well, my bedtime is more important than his. Sino ba siya?


"Cid,"


Tangina.


Mariin akong napapikit nang marinig ko na naman ang pagtawag niya sa hindi ko pangalan. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago tuluyang bumaling sa kaniya, handa nang paulanan siya nang sunod-sunod at walang hinto na salita. 


But he interrupted what I was going to say.


"I'm afraid of the dark..."


Nang marinig ang mga salitang iyon, tila ba tumalon ang puso ko sa tuwa. He seems defeated because he admits his weakness. Gusto kong tawanan siya ngunit natutop nang magkatitigan kami.


"Stay here, please."


^_______________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro