12
12
If I'm told to leave, I will go.
He kicked me out of the group, not knowing why I was pretending.
Mabuti na lang talaga at hindi niya tinanong ang mga rason kung bakit ko ginawa 'yon. paniguradong maba-blanko ako at hindi ko siya masasagot kakaisip na pwedeng ipalusot.
He is the only person I know who is aware that I am a girl, aside from those I trust. and it appears that he has no intention of revealing my true gender to anybody.
Sana lang.
But there's a possibility that he will unveil me as a reason why he kicked me out—baka nga idagdag niya pa ang ebidensya na 'to para mapatunayan na ako ang pumatay sa kabigan niyang si Polca.
Malalim akong humugot ng hininga.
Ah basta, ayaw ko na. I'm done with them. Hindi naman nalantad ang ibang impormasyon tungkol sa'kin. Xion still doesn't know my real name. Ang alam niya lang, babae ako at wala ng hihigit pa.
So, I shouldn't worry about it anymore.
Ang dapat ko na lang isipin ay kung paano ako makakahanap ng trabaho. I should earn money for Cyren's eye surgery. Ayaw ko rin naman maging palamunin ni Ian.
Nang umagang iyon, ginawa ko ang sinabi ni Xion. I did that with a smile.
Of course I was happy. Bukod sa makakasama ko na si Cyren araw-araw, mabubuhay na rin ako ng hindi tinatagao ang totoong boses ko, ang totoong kasarian ko, ang totoong pangalan ko, at ang totoong ako.
As soon as I set up my belongings, I headed straight to Ian's unit. Ni hindi ako nag-paalam sa iba pang miyembro dahil ayaw ko nang makwestiyon pa.
"So, anong nangyari?" He placed a bowl of popcorn with cheese flavor on top of the table. Umupo siya sa tabi ko at inalog-alog ako, pilit na pinagsasalita para sagutin ko ang tanong niya.
I took two pieces of popcorn from the bowl he set on the table in front of us and rolled my eyes. Tinabig ko ang kamay niya sa balikat ko at umayos sa pagkakaupo.
I hate it when someone asks for context. Ayaw kong tinatanong ako at ayaw ko rin sa lahat ang nagpapaliwanag. I find it particularly annoying because all I want to do is close my mouth and be silent.
"Dali na, Cassee," Ian pouted. He shook me again to get my attention. "Hindi ka naman babalik dito agad-agad without reasons 'no!"
"E... nalaman kasi ni Xion na babae ako,"
"Weh?! Paano?!" His mouth fell open. Nakita ko ang pagdukot niya sa bowl ng popcorn habang ang tingin ay nananatiling nasa akin.
"Magsasampa raw kasi ng kaso 'yong putanginang Jordan na 'yon. E, ito namang pinsan ni Astre, natakot siguro na makulong, kaya ayon, sinabi na babae ako,"
Ian rolled his eyes. Nakita ko ang pagdaan ng matinding inis at galit sa mukha ni Ian. Padabog niyang sinubo ang iilang popcorn na naiwan sa kaniyang kamay at tila ba anumang oras ay manunugod na.
"Kaya pala hindi mo sinasagot tawag ni Jaena," Ian nodded aggressively. "Alam na ni Astre?"
I nod my head. "Oo, kakasabi ko pa lang kanina,"
"Mag-kwento ka pa," aniya.
Umiling ako at tumayo. "Gaga, susunduin ko pa si Cyren. Uwian na no'n."
"Sige na nga, ingat kayo, hah!" He waved his hand.
Kinuha ko ang payong bago tuluyang lumabas ng bahay. Sumakay ako ng trycicle dahil kapag nag-jeep ako, ang hirap sumakay dahil nakikipag-siksilan ang mga studiyante na papasok pa lang.
Saglit lang akong naghintay sa gate ng school ni Cyren bago tuluyang lumabas ang bata. Alam naman na ni Cyren na susunduin ko siya dahil ako rin kanina ang nag-hatid sa kaniya patungo sa kaniyang eskwelahan.
I was the one who kept up with the tuition for her private school. Undoubtedly, it was worthwhile to pay Cyren's fees dahil nakikita ko naman ang panunukli niya sa lahat ng hirap na ginagawa ko makabayad lamang ng tuition niya.
She has excelled academically since preschool. Kanino pa ba magmamana? E 'di sa'kin.
"Mi," Mabilis akong sinalubong ni Cyren. "I'm hungry na po, Mi."
"Hmmn, anong gusto ng baby ko?"
She pouted cutely. She even did the puppy eyes. Kinabahan tuloy ako. Alam ko kasi ang mukha na 'yan, she's using that para mapapayag ako sa gusto niyang gawin, kainin o bilhin na bawal naman sa kaniya.
"I want sweets po, Mi!"
Bumusangot ako. "Hindi ka naman mabubusog sa matamis, Cy,"
"But last week ko pa po want bumili ng sweets, Mi," Mas lalong humaba ang dulo ng kaniyang labi. "Sige na po, Mi. Perfect naman po ako sa exam ko kanina, eh. Please."
I sighed, unable to take the girl's cuteness anymore. Tumango ako bilang tanda na pumapayag na kaya naman mabilis kong nakita ang malawak niyang ngiti at maliit na mga talon.
"I know some shop na masarap po ang cakes!" She tapped her chin five times, using her index finger as if she were thinking. "Sa sweet treats po, Mi! Near lang po 'yon dito sa school namin!"
Umarko ang kilay ko. "How'd you know about that shop? Gumagala ka ba?"
"Hindi po, Mi. Kumakain po kami roon minsan ni Tita Ian. She says that..." Tumingkayad siya para ilapit ang bibig sa aking tainga. "Pogi po ang tindero roon!"
Nahulog ang panga ko. Ito talagang mga kagaguhan na tinuturo ni Ian sa anak ko!
"Don't listen to your Tita Ian, baby, hah," I gritted my teeth. "All guys for his eyes are handsome. Walang pangit na lalaki para kay Ian—"
"Mi, I already saw the guy that she is telling me!" She scrunched her nose. "He's really pogi po, Mi... and..."
Umarko ang kilay ko at nag-kibitbalikat. "And?"
"I think... I have a crush on him."
Kusang dumapo ang kamay ko sa aking noo. Given that she lives with Ian, the things that Cyren has been saying lately have come as a huge surprise. Minsan ay hindi ko na ma-predict ang utak ng batang 'to dahil laging kasama ni Ian, nahahawa.
I glared at Cyren.
"You are too young for that crush thingy, Cyren, hah," Pagalit ko sa bata at tinawanan niya lamang ako. "You should study first and secure your future before finding a man. Okay?"
She pouted. "I was just joking po, Mi. I just heard those words from Tita Ian po, e."
Ginulo ko na lamang ang buhok niya upang matapos na ang usapan namin tungkol sa bagay na 'yon. Since the sweet treats that Cyren was referring to are close to the shop, we decided to just walk there.
And it didn't take us five minutes to get to the sweet treats.
Pagkabukas ng pinto ay kaagad kaming sinalubong ng hangin ng aircon. Nakita ko ang pag-yakap ni Cyren sa kaniyang sarili kaya kaagad kong hinubad ang maong na jacket ko para ipasuot ito kay Cyren.
I simply wore black low waist pants with a white Strapless Sleeveless Tube Top with a side slit. Additionally, I simply wore a jeans jacket to keep my outfit from being too skimpy.
Bago kasi ako mag-sundo kay Cyren sa school niya ay naghanap muna ako ng trabaho. And I think I found some. Pagpipilian ko na lamang kung saan ako mas mag-bebenefit.
"What do you want?" I asked Cyren as soon as we lined up at the counter.
Kaunti pa lang ang tao sa loob ng shop. Mukha kasing kakabukas pa lamang dahil inaayos pa nila ang iilang lamesa sa loob mula labas. The vibe of the shop is quite pleasant. It seems like a good idea to have a photo shoot here and share the images on Instagram.
"Am I allowed to eat Ice cream po ba?"
Umiling ako, nananatiling nakatingin sa kaniya. "You can't eat ice cream, Cy. Inuubo ka na nga at sinisipon, e."
"Okay po, Mi..." Aniya kasabay nang paghulog ng kaniyang balikat. Nakonsensya tuloy ako.
I was about to speak and give her a permession to eat ice cream when a manly voice came from my back.
"Miss, o-order ba kayo?..."
Napatayo ako nang tuwid at bumaling sa menu na nasa itaas. Naririnig kong may binubulong sa'kin si Cyren ngunit hindi ko siya pinapansin kaya kinakalabit niya na lamang ako.
"May napili ka na ba?" I asked Cyren and take a peak on our back. May dalawa nang nakapila at mukhang bibili. "Bilisan mo... kanina pa tayo rito."
Hinila ako payuko ni Cyren at inilapit ang bibig niya sa tainga ko.
"Mi, he's the pogi that I've talking earlier," Ani ni Cyren sa tainga ko at tinuro ang nasa counter. Mabilis akong napalingon sa harapan.
At tila ba nakakita ng multo dahil sa panlalaki ng aking mata.
I immidietly sat infront of Cyren para tumalikod sa counter. "Sa kabilang store na lang tayo, Cy..."
Cyren shook her head. "Nakapili na po ako, Mi, eh. Red Velvet po, Mi, want ko."
"May alam akong bilihan ng red velvet sa kabilang store, sobrang sarap no—"
"Please move to the side first if you are not placing an order or are still deciding what to buy, Miss. Humahaba ang pila dahil sa inyo."
It was a pleasing voice to hear. Pero dahil kilala ko kung kaninong boses iyon, para bang gusto ko na lang tanggalin ang tainga ko para hindi marinig ang boses na 'yon.
Mariin kong pinaglapat ang aking bibig, humuhugot ng lakas ng loob. I don't know how to deal with the man at the counter. Para bang ang laki ng atraso ko sa kaniya kaya hindi ko siya kayang harapin.
But I'd be a loser if I switched stores just because of him.
Yumuko ako at pumihit patalikod.
"What's your order, Miss?"
I looked at the man in front. Bahagyang nagtama ang mga mata namin ngunit mabilis ko ring binawi ang tingin ko at inangat sa menu screen.
Gosh? What is he doing here? Hindi ba dapat nasa Camp siya dahil may training?!
He was wearing a casual black t-shirt and a gray apron. May nakapaskil na pekeng ngiti sa kaniyang labi at kitang-kita ang pagkakayumanggi ng kaniyang mata dahil nasisinagan ito ng araw.
Napalunok naman ako. Even after staring at the menu screen, I can't get Xion's statue out of my head. Para bang makapigil hininga ang makita siyang nasa harapan ko ngayon.
I mean, I vowed to never show up in front of him again! And right now? We met again just a day after I made that promise!
Nakakainis!
"Miss?" From the corner of my eye, I caught him tilting his head, staring right into my face and appearing to be losing patience. And he was about to speak again when I finally had the courage to speak.
"Red Velvet,"
Umarko ang kilay niya kaya napatingin ako sa kaniyang mukha.
Our eyes immediately met. "Ice cream? Cake? Or Cookies?" He asked.
"Huh?"
He smirked. "Miss—"
"I mean, cake. Two orders of red velvet cake." Ani ko at binaba na agad ang bayad sa harapan niya. Mabilis kong hinila si Cyren patungo sa lamesa upang mag-hintay, nananatiling kabado.
I'm not sure kung nakilala niya ba ako o hindi.
My clothes were girlish. Hindi rin naman madaling makilala
Mula sa malayo, naagaw ang atensyon ko ng babae nang lumapit siya kay Xion. Hinahabol niya ang kaniyang hininga at tila ba pagod na pagod.
"Sorry po, Sir, na-late dahil sa traffic," She apologized to Xion. "By the way, hinahanap po kayo nila Adonis sa labas."
Xion just nodded. "Okay, don't be late next time, hah?"
"Yes po."
Hinubad ni Xion ang apron niya bago tuluyang lumabas. I breathed a sigh of relief and looked at Cyren who looked excited to eat her cake.
Muli akong luminga sa likuran namin. When Xion eventually vanished inside the store, I quickly placed an order for drinks for Cyren and myself. And I'm appreciative of the quiet dinner we had. Xion never returned within.
But I wonder why the staff calls him sir?
Sa kaniya ba 'tong shop? Ito ba yung tinutukoy nila Bulkan na hinahandle ni Xion?
Cyren and I left right away after the food was done. I quickly changed into a nightgown and headed upstairs after taking a shower. Kinuha ko ang cellphone ko. And As I opened my social media, I immediately saw numerous numbers on my notification.
Bahagya akong kinabahan dahil hindi naman 'to ganito dati sa tuwing binubuksan ko. Kung magkakaroon man ako ng notification, aabot lang ng singkwenta pababa.
Did something happened?
Humugot ako nang malalim na hininga, humuhugot ng lakas ng loob, bago tuluyang pinindot ang notification button.
Benjamin Yap, Ace Marcelo and others commented on a post that you're tagged in.
Mountain Santos mentioned you in a comment.
Jethro vince reacted to a post that you're tagged in.
Napauwang ang labi ko dahil sila agad ang nangunguna sa notipikasyon ko. Mas lalo tuloy tinambol ang dibdib ko dahil related sa kanila ang post.
I cursed in my mind as I scroll up to my notification.
I nervously bit the nail on my left hand and quickly looked up Xion's name in my notification box. Sinabi ko sa sarili ko na sa oras na makita ko ang pangalan ni Xion sa notipikasyon ko ay hindi ko na titingnan ang post na naka-tag sa'kin.
I don't want to think too much about that. Ako lang kasi ang mahihirapan sa oras na problema at panibagong isipin na naman ang abot ko tungkol sa bagay na 'yon.
Overthinking is like self-sabotage.
Tapos na ako sa pag-sabotahe sa sarili ko. I want to rest without thinking about problems. I want to sleep peacefully at night. Hindi yung binabagabag ako ng mga isipin kahit na sa pag-tulog ko.
Xion Achilles Sanders replied to a comment that you're tagged in.
The earlier pounding in my heart immediately doubled.
Pinikit ko nang mariin ang aking mga mata, pinipigilan ang sarili na h'wag pindutin ang notification na 'yon. Although I'm afraid of what's in there, there's a part of me that craves to click on the post and read the content that tagged me.
"Mi," Naagaw ang atensyon ko nang tawagin ako ni Cyren. Pinanood ko siyang umupo sa paahan ko at tumalikod sa'kin, inaangat ang buhok niya na naka-trintas. "Pa-help nga po, Mi... tanggalin mo po braid ng hair ko."
I turned off my cellphone and immediately smiled to help her. "May assignment ka ba?"
Naramdaman ko naman ang pag-tango niya. "Tapos na po, Mi. Nag-pahelp po ako kay Tita Ian."
I was about to speak when my cellphone rang. Lumipad ang tingin ko sa ibabaw ng maliit na lamesa kung nasaan nandoon nakapatong ang cellphone ko. And my smile gradually faded when I saw the caller's name.
"Mi, Tito daddy is calling you po. Answer him, Mi," Cyren stated. "May kukuhanin lang po ako sa baba, Mi."
I looked at Cyren. "Ingat ka sa pagbaba sa hagdan hah. Don't run, Cyren, baka madulas ka."
"I know po!"
Pinanood ko ang mahigpit na pag-hawak ni Cyren sa hawakan ng hagdan at nang tuluyang mawala siya sa paningin ko ay binalingan ko ang cellphhone ko na kanina pa nagri-ring.
It was my Papa, calling.
Pero bakit? Anong dahilan nang pagtawag niya? Hindi ko tuloy maiwasang kabahan. Knowing Papa, tatawagan niya lamang ako kapag paguusapan ang importanteng bagay.
He will only call me everytime that he needs me.
Pinagpag ko ang kamay ko dahil may iilang hibla ng buhok ni Cyren na sumama rito. Kinuha ko ang cellphone at nag-tungo sa maliit na terace bago tuluyang sagutin ang tawag ni Papa.
"Ano na, Cassee?! Nasaan ka?! Hindi mo ba talaga aaksyunan 'yong post na 'yon?! Hindi mo ba naisip na kapag may nurse na nakakita sa post na 'yon, baka ituro niya si Cid na nasa Hospital?!" Bahagya kong nilayo ang cellphone ko sa tainga.
Kumunot naman ang noo ko.
"Ano po ba 'yon?"
"H'wag kang mangmang, Cassee!" He shouted. "Iyong post ni Mountain, Cassee. Dapat ipa-delete mo 'yon dahil kapag may nurse na nakakakilala sa kambal mo, lintik, lagot tayo!"
Napabuntong-hininga ako at napatingin sa kalangitan.
Tama nga ako, tatawagan niya lang ako kapag kailangan.
"Ano? Nandiyan ka pa ba?"
Pinalis ko ang luha na nahulog sa aking pisngi. "Opo, Pa. Ipapa-delete ko,"
"Nasaan ka ba? Bakit ka hinahanap ng mga 'yon? Isang araw ka na raw hindi umuuwi sa Camp?"
"Binisita ko lang po si Cyren, Pa... babalik din ako."
Hindi ko kayang sabihin ang totoo. Na nalaman na ni Xion na babae ako. At kaya isang araw na akong hindi umuuwi sa Camp ay dahil pinaalis na ako ni Xion sa TVOT group.
"Puro ka na naman Cyren, Cassee! Dapat iniintindi mo muna 'yang pinapagawa ko sa 'yo!" Narinig ko ang pagbukas ng pinto mula sa kabilang linya kasabay nang pagkalma ni Papa. "Bumalik ka ngayon 'din sa Camp at ipadelete yung post. Okay?"
And the call ended.
Mariin kong pinikit ang mga mata ko, unti-unting inaalis ang cellphone sa tainga.
Pinangako ko pa naman kay Cyren na hindi na ako aalis ulit.
I exited the messenger app and opened the Facebook app. Walang pag-aalinlangan kong binuksan ang post na naka-tag sa akin.
Mountain Santos
1hour ago
Missing: Cid Acosta. (Guys pa help naman. 1 day, 3 hours, 9 minutes 2 seconds na siyang nawawala 😭😭)
I tapped the back button and scroll down on my notifications. Mabilis na hinanap ng mga mata ko sa pinaka-dulo ng notifications ang reply ni Xion sa isang comment na nakita ko kanina.
"Nasaan 'yon? I saw it kanina, hah? Bakit nawala? Binura niya ba?"
To make sure I hadn't missed it, I scrolled up once more. Bahagya kong binagalan ang pag-scroll ngunit nakarating na ako sa ibang araw na natanggap kong notification, wala pa rin.
Nag-tungo ako sa mismong post at sinubukan hanapin ang comment. However, it appears to have already been removed... Pero ano 'yon?
Argh?! I need to know what the deleted comment is!
I sighed and was about to look up when my cellphone snoozed. Mabilis na naglaro sa mga mata ko ang bagong mensahe ni Papa.
Papa:
Bilisan mo na
It seems like I was a puppet beeing controlled by its owner. Para bang minsan ay hindi ko maiwasang masakal sa mga utos na kailangan kong sundin.
I slowly want to hate being controlled... but I don't have a choice.
Tanging pagtitig lamang ang ginawa ko sa mensahe dahil hindi ako nag-abalang replyan iyon.
As time passes, I feel suffocated.
Akala ko ay matitigil na ako sa ginagawa ko. However, I didn't know that I needed to go back there and try hard to hide myself just to fit in again.
^_________________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro