10
10
Acting dumb won't make anything go away or stop.
Kung mag-tatanga-tangahan ako at mag-bubulag-bulagan ako sa mga detalye na nalalaman, malaki ang tsanya na ako rin ang mapahamak sa ginagawa ko.
Of course I don't just live in the TVOT group and keep pretending to be my twin. May mga aksyon din ako na ginagawa kahit mabagal ang proseso. Pero kahit ganoon, paunti-unti, nakakakuha ako ng mga detalye.
And every detail I got made me think harder.
Hindi ko mapag-dugtong dugtong ang mga nalalaman ko kahit na alam kong magkakarugtong lamang ang mga ito.
I know Cid was not the killer.
Pero sino?
"Ang baho ng upuan," Reklamo ko kahit na wala naman talaga akong naamoy sa upuan na hindi kaaya-aya sa pang-amoy ko. "Kailan pa huling nilinis 'tong bus? Ang unhygienic naman."
I urgently need to know when this bus was last cleaned. Kailangan kong malaman kung kailan pa nandito ang keychain ni Astre... at kung bakit ito nandito.
"Ang sangsang ng amoy, ang sakit sa ilong—"
I noticed that Xion opened his eyes so I looked at him. Awe transformed his face as his lips drew back in a snarl.
"Gusto ko lang i-remind ka na malapit ang ilong natin sa bunganga,"
Natawa ako sa sinabi niya. I cleared my throat first before pulling out my deep man's voice. "Oh... kaya proud ako sa 'yo, e. Imagine, almost two decades of your existence, wala kang ginawa kun'di ang mag-suffer kasi malapit lang ang ilong natin sa bunganga."
His jaw dropped.
But he was not amazed or something that will make his jaw drop.
"Pinagsasabi mo?"
Curiosity overtook his face. He stared at me with his eyebrows furrowed. Bahagya niya pang tinagilid ang kaniyang mukha na nagpalunok sa'kin ng dalawang beses.
Ano bang sinabi ko? Huh?!
It should be a statement that would make his veins shoot out with anger! Pero bakit ganoon ang reaksyon na binigay niya sa'kin?!
I gnashed my teeth as I slowly looked away from him.
Fuck, he glared at me... those glare... his glare... I don't want that to land on me. It making me feel that I'm a vile.
I massaged my temples gently as my gaze strayed around the window. Hindi na ako nagkaroon pa ng lakas ng loob mag-salita at barahin ang huling sinabi ni Xion.
The bus came to a stop in front of the hotel a short while later, signaling that we had arrived.
"Ayos mukha at tindig, guys! This is it! Baka andito na ang future natin," Bulkan announced to us as a joke. Bahagya niya pang tinapik si Ace na nakatulog sa byahe at inayos ang kaniyang neck tie.
"Ang swerte ng mga fan girls ko, makikita na naman nila ako—"
"Oo na, be, bumaba ka na. Tangina, e. Daming dama." Ani Ben at tinulak sa tabi ang kaibigan na nakaharang sa daanan. He fixed his hair and necktie before opening the bus door.
The grand entrance of the hotel, lined with towering palm trees whose fronds gently sway in the breeze, creates a sense of exclusivity and tropical elegance, while a red carpet stretches out before you, guiding your steps towards the opulent lobby where the event is taking place.
Hindi pa ako nakakapunta sa mga event na ganito kalaki. So, it's my first time.
As I stepped down from the bus, a cascade of camera flashes illuminated my face, transforming the arrival into a dazzling spectacle of paparazzi brilliance.
Patago kong tinago ang keychain sa bulsa ng suit ko.
Hindi ko alam pero hindi ko maiwasang hindi kabahan habang tinatanaw ang dagat ng tao. They were all shouting, eager for a picture and interview with us.
"Hey, Xion! Quick one for you. Excited about the upcoming GLD finals?"
Naagaw ang atensyon ko sa malakas na boses ng babae. She screamed so loudly that Xion noticed her. Humarap si Xion sa babae kasabay nang pagguhit ng ngiti sa kaniyang labi at kumaway sa camera.
"Hmm,"
"Any special preparation for the big event?"
"Lots of practice, studying opponents, and maintaining a healthy mindset."
Napaismid ako nang marinig ang sagot niya. Healthy mindset pala ang tawag niya sa mindset niya? What the hell. Mas pipiliin ko na lang magkaroon ng unhealthy mindset kaysa sa sinasabi niyan healthy mindset.
"What's your strategy going into the games?"
Xion offered her a partial smile. He appears to be losing patience as the girl keeps asking him questions.
"Can't spill all the secrets, but teamwork and adaptability are key." He answers the question with his hand in his suit pocket and looks so seductive doing it. Idagdag pa ang ngisi na halos hindi matanggal sa labi niya.
Everyone is screaming because of his appearance.
But I'm annoyed. Just annoyed by his presence.
Nang tuluyang makapasok ay agad akong nagpasalamat sa panginoon dahil nalusutan ko lahat ng tanong sa'kin ng mga tao. They all ask if I'll participate in the GLD finals game.
Well, yeah, I will play and will break a leg out there.
Simula pa naman noong nakilala ko ang online games, may isang beses na pinangarap ko rin maging isang pro-gamer. And I didn't know that in an instant, I would become one of the pro-gamers.
Nang tuluyang makapasok sa loob ay hindi ko maiwasang matuwa sa nakikita.
The event space itself is nothing short of spectacular. Expansive ballrooms with high ceilings are decorated with luxurious drapes and elegant floral arrangements. The tables are set with fine china, crystal glassware, and polished silverware. Each detail is meticulously attended to, creating a feast for the eyes.
Lahat ng mga tao na nasa loob ng lugar na ito ay nakasuot ng mamahaling mga kasuotan. They were all busy socializing with each other. Maging ang mga kasama ko nga ay nawala sa paningin ko dahil sa mga kakilala nila na kailangan kausapin.
While I, as usual, was looking for Astre among the people,
"Dumating na ba ang AGAPE?" Bulong ko kay Sage na kanina pa hindi umaalis sa tabi ko. We are sitting at this white round table, drinking wine.
Kami lamang dalawa ang nasa bilog na lamesa na ito dahil may kaniya-kaniyang kinakausap ang ibang miyembro.
Sage shrugged. "Hindi ako sigurado, pero nakita ko na si Alas, e... bakit?"
Alas is a member of AGAPE. Siya ang mid-laner ng grupo nila kaya siya ang makakalaban ko sa susunod na laban namin. He is good at using mage. Pero sa oras na makabisado ko ang kilos niya, It'll be easy to break his bone.
"Wala naman," Nilingon ko siya at binaba ang hawak na wine glass. "Yosi lang ako saglit."
"Ohh... do you smoke?" Kuryos niyang tanong.
I just nodded
"Okay, balik ka kaagad, hah."
I nodded again and leave him alone.
Hindi naman ako nag-yoyosi. Wala akong ibang bisyo maliban sa pag-i-inom. At sa pag-i-inom naman, hindi ako gaano karunong. Two shots, and I'll end up sleeping wherever my body wants to lay down.
Nag-tungo ako sa smoking area.
I roam around to look for Astre. Siya ang naninigarilyo sa aming dalawa. Kaya kapag hindi ko siya nakita sa loob, paniguradong nasa smoking area ang lalaki.
"Cassee?"
Napalunok ako at mabilis na hinanap ang boses mula sa aking likuran.
I roamed my eyes around and saw Jaena, Astre's cousin. She was holding her vape, wearing a black fitted dress paired with black simple high heels.
Lumapit siya sa'kin at mabilis na bumeso.
Though Jaena is attractive, her features were gentle. She appears to be a lamb lost in a tiger den. She's probably taller than me, petite, and fair.
"Hindi ako sanay sa bago mong buhok,"
I was confused and amazed at the same time. I'm close with Jaena, but I never mentioned to them the pretending I was doing.
Did Astre tell her about it?
"Ohh, nakita ko kayong nagkita ni Astre nung Friday... Kaya ko nalaman. Don't worry, I will not tell anyone. I'll just keep it myself."
Ngumiwi ako. "Alam ni Astre?"
"Umhh," She shook her head. "Sabi ko naman sa 'yo, e, nakita ko lang kayo. Hindi ko rin sinabi sa kaniya na nakita ko kayo, sa 'yo lang talaga."
"By any chance... do you know what's the reasons behind?"
Tila ba tinambol ang puso ko nang tanungin siya. I don't care if she is aware of what I'm doing; besides, I trust her.
Ang hindi ko lang masisikmura kapag alam niya ang reasons kung bakit.
She gritted her teeth. "I won't mind if you don't want to tell me what the real reasons are... But, no. Hindi ko alam. I'm also confused and curious, but I don't want to invade your privacy. So I just assumed that it's because you've dreamt to be a pro-gamer since then."
This is the first reason why I trust her so much. She's so understanding and validates every emotion that I feel. Halos lahat pa ng sinasabi ko sa kaniya patungkol sa akin ay tinatandaan niya.
She's also a good secret keeper.
"Nag-yoyosi ka pala?" Iniba niya ang topic at mabilis naman akong umiling bilang pag-tanggi sa kaniyang sinabi. "Anong gawa mo rito?"
"Hinahanap ko si Astre,"
Jaena smile widely. "Hindi makaka-attend 'yon kasi inaapoy ng lagnat. He wants to go here, but Tita Beth didn't let him go. Hindi ka ba niya sinabihan?"
Napatigil ako at mabilis na umiling.
"Hindi pa siya nag-chachat sa'kin simula kaninang umaga," I pouted. "Nasaan siya? Okay lang ba siya? Nakainom na ba 'yon ng gamot?"
"Chill,"
We both laughed when we realized I sounded paranoid.
"Nasa tamang edad at pag-iisip na 'yong pinsan ko, Cassee. You don't need to overact. Everything is alright naman, he's just sick. Normal lang 'din mag-kasakit 'yon dahil hindi naman siya natutulog nang maayos at kumakain sa tamang oras. Matigas kasi ulo."
I raised both hands in the air in surrender because of her non-stop talk. Natawa tuloy kaming dalawa.
"I-chat mo na lang,"
"Okay," I smiled at her. "Ikaw? Sino pa lang kasama mo?"
Umangat-angat ang kilay niya. She also pressed her lips but the wide smile suprass her lips. "Hinihintay ko si Jordan, boyfriend ko."
"Ahh, 'yong nakilala mo sa Norway?"
"Yes,"
I nodded my head thrice. "Papasok na ako sa loob, Jaena. Hinihintay ako ni Sage roon,"
"Wait,"
"Huh?"
"Magulo tie mo! I'll help you!" Aniya at walang permisong hinawakan ang neck tie ko.
I didn't do anything and I didn't even get out. I also need someone to help me fix the neck tie. Nandiyan naman ang TVOT team pero naiilang ako mag-paayos sa kanila ng tie ko kaya nanood pa tuloy ako ng tutorial sa youtube para maayos ito.
"Kamukhang-kamukha mo si Cid. Naiinggit tuloy ako,"
Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?"
"Ang pogi mo kasi."
I proudly raised my forehead while remaining steady as she adjusted my tie.
"Jaena?" Nangibabaw sa tainga namin ang malaki at matigas na boses ng isang lalaki na tinatawag ang pangalan ng babaeng nasa harapan ko. "Jaena?!"
Binitawan ni Jaena ang neck tie ko at bumaling sa kan'yang likuran. She smiled widely and immediately ran towards the tall foreigner dressed in a black suit, waving her right hand.
"Hon!"
Nagkibit-balikat ako at napabuntong-hininga.
Oh, ayon pala yung tinutukoy niyang nobyo na nakilala niya sa ibang bansa. He is good looking and so tall. He was probably six feet tall. I won't even ponder the reason, may lahi kasi, eh.
"You, cheater!" Inalis niya ang kamay ni Jaena na dapat ay pupulupot sa kaniyang braso.
Tinanggal ko ang pagkakakibit balikat, ang mukha ay punong-puno nang pagtataka. I looked at Jaena; she's also confused and curious about what his boyfriend did.
"Huh? What do you mean by cheater?" Jaena asked and tried to calm her boyfriend down. Muling tinabig ng malaking lalaki ang babae na puno nang pagtataka ang nananalatay sa sikmura.
I cleared my throat, taking time to insert myself into the conversation between the two. It looks like they are in a big fight. Ayo'ko naman mangialam pero nasaktan ang kaibigan ko sa ginawa n'yang pagtabig.
"Excuse me-"
My vision blurred in an instant.
Ang suntok na 'yon ay nagpadalawa sa paningin ko.I was dozing off because of the alcohol, which added to the dizziness caused by the man's strong punch on my face.
Bahagya kong tinukod ang siko ko sa lapag na pinagtumbahan ko.
Despite my blurry vision, I can see Jaena and hear her yelling at the man to stop punching me in the face.
"What are you doing, hon? He's just a friend of mine! You have nothing to be jealous of!"
"Don't block my fucking way!" Nakita ko ang bahagyang pagtulak ng lalaki kay Jaena. He untied his tie and swiftly seized my necktie.
Fuck!
When his fist struck my cheek once more, I quickly closed my eyes. Nothing is visible or audible to me anymore. He punched me too hard, and I had no choice but to stand by and let it happen.
"Hon, she's a she!" Nagulantang na lamang ako sa sinabi ni Jaena. Minulat ko ang mga mata ko mula sa pagkakapikit upang tingnan ang nasa paligid.
I sighed in relief when I realized there was only the three of us here, having previously grumbled.
"Don't fucking block my way. Cheaters deserve a beat!"
Every time that his fist touching my face, I feel like I'm going to pass out. Ramdam at lasa ko ang dugo sa aking mukha. At naiinis ako dahil wala man lang akong magawang paraan para pigilan siya.
"Putangina, Jordan. She is a girl, so you have no reason to feel jealous!" I gave her a shake of the head and looked at the hesitation in her words. "She is..."
I can't hear anything. My vision is blurry but I can see Jaena trying to stop her boyfriend.
"Sir," Nag-laro sa isipan ko ang kalmadong boses na bigla na lamang nangibabaw sa tahimik at tagong lugar. "Can you calm down and stop?"
Lumipad ang tingin ko sa gilid at mabilis na nakita si Xion. He was walking towards us, calm but confused. Hindi ko alam kung ano ang sinabi niya sa lalaki ngunit kitang kita ko ang paggalaw ng kaniyang labi.
My hands clenched, my nails digging into my palms.
Kalmadong napaamo na tila ba tuta ni Xion ang lalaking kanina'y halos galit na tigre. Umalis mula sa pagkakapatong sa'kin ang nobyo ni Jaena at mabilis akong nilapitan ni Jaena. She's still in panick, not knowing what to do and what to say.
"Okay ka lang?" She asked worriedly.
Gago amputa? Pag katapos ako pagsusuntukin? Tatanungin ako kung ayos lang ba ako?
"Anong problema no'n?" Inis kong tanong sa kaniya.
Napalunok ako nang maramdaman ang likido na rumaragasang sa'king ilong. Pinunasan ko ito gamit ang kamay ko at tuluyang napapikit nang maramdaman ang labis na pagkahilo.
Pero hindi ako papayag na hindi ako makakaganti.
"Pinagselosan ka yata?"
I laughed and pull myself to stand straight. May iilan nang humihinto sa kanilang paglalakad dahil sa nakikitang pang-yayari. Pero hindi ako nito natigil. Maging ang paghila sa'kin ni Jaena ay hindi ko pinansin dahil sa pagkasabik kong makaganti sa lalaki.
I walked towards Xion and that Jordan.
"Bro," I mentally laughed, kinukuha ang atensyon nung Jordan. "Are you out of min-"
Xion grabbed my wrist. Bahagya akong napalayo nang ilapit niya ang kaniyang bibig sa tainga ko, nananatiling hawak ang aking pulso.
"Pumasok na tayo," Malamig na sabi ni Xion sa tainga ko.
I shook my head. "Ikaw na lang-"
"Go," His jaw clenched. "Let's talk."
Parang hinatak ang dila ko at naputulan ako ng karapatan na magsalita. I can only blink the tears away. Wala akong nagawa kun'di ang sumunod kay Xion dahil hindi naman siya titigil hangga't hindi niya ako napapasunod.
We entered the hotel room without speaking.
"Maiwan ka muna rito. May kukuhanin lang ako sa kusina,"
Hindi ako kumibo dahil naiinis pa rin ako. Hindi ko man lang nasigawan o nasaktan pang-bawi sa ginawa nung hayop na Jordan na 'yon sa'kin. Wala naman siyang karapatan para saktan ako lalo na't wala siyang ebidensya sa pinaparatang niya sa'kin.
Me and Jaena? Cheating to him? Argh. The guts.
Napasapo ako sa noo nang maalala ang sinisigaw ni Jaena kanina para maawat ang kasintahan niya. Sinubukan niya lahat gawin, maging ang pag-sabi na babae ako para lang tumigil ang nobyo niya sa pagbugbog sa'kin.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Should I be thankful dahil hindi naniwala ang lalaki sa katotohanan sinasabi ni Jaena?
Napabuntong hininga na lamang ako nang maramdaman ang pagbukas ng pinto ng kwarto at pumasok si Xion.
"Oh," Inabot niya sa'kin ang ice bag. "Anong pumasok sa utak mo para makipag-away?"
I looked at him and raised an eyebrow. Mariin kong pinaglapat ang labi ko, pinipigilan ang sarili sa gustong pamimisikal na gawin. Hindi ko kinuha ang ice bag na inaalok sa'kin ni Xion at inis na nag-layo ng tingin.
Ako pa talaga ang lumalabas na mali? E, malinaw na malinaw na ako ang kawawa kanina at hindi man lang nakaganti sa ginawa nung hayop na Jordan na 'yon!
"Take it. 'Wag kang maarte,"
Umirap ako at walang nagawa kun'di sundin ang sinasabi niya. Kinuha ko ang ice bag na hawak niya at nilagay ito sa pasa ko.
I groaned.
Xion cleared his throat, not looking at me and busy looking for something inside the hotel room cabinet.
"Are you really a guy?"
Mabilis akong napalingon kay Xion at bahagyang nilagyan ng distansya ang ice bag sa balat ko.
"Narinig ko galing sa pinsan ni Astre," His voice was laced with poisonous rage. His tone was bad serious, hindi ko tuloy maiwasang kabahan.
"Babae ka. My two ears heard it."
^_______________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro