Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

08

08


My brain was filled with what ifs, questions that I don't know if there is an answer. And my curiosity was piqued.



Alam ko na ang totoo. I am confident that Cid did not kill Polca. At alam kong ang tanging nararapat ko lamang gawin ay magpanggap na si Cid, but I can't stop myself from being curious about the small details of the incident and end up investigating.



I think... it was him. 


Ilang minuto akong nanatili sa itaas matapos makipag-argumento kay Xion hanggang sa tawagin niya kaming lahat upang gawin ang pag-u-unat ng mga buto namin. 


"Ang aga naman, Captain! Antok na antok pa ako, eh!" Bulaslas ni Bulkan.


Xion looked at him and grinned. "Mukhang puyat na puyat ka nga. You should sleep more. Kaya sige, h'wag ka munang sumama sa'min ngayon."


"Legit ba?!" Nanlalaki ang mata n'ya sa gulat at tila ba hindi makapaniwala.


I heard Ben groaned. "Unfair naman!"


Ace agreed with Ben. Nakita ko ang mabilis na pag-labas ng brace niya nang ngumiti siya. Hindi ko ipagkakait na pogi si Ace. To be really honest, I only watch Ace when Ian makes me watch TVOT's game.


Siya lang kasi ang mukhang mapagkakatiwalaan dahil tahimik siya at mahiyain. Hindi katulad ng Captain nila na si Xion, makapal ang mukha. 


"It was fair. Kasi magi-stretch siya ng mag-isa mamayang gabi hanggang madaling araw."


Umismid ako, gustong mag-salita ngunit hindi makasingit kaya nag-kibit balikat na lamang. 


I heard Bulkan's sarcastic laugh. "Joke lang. Nakatulog na ako, hindi ko na kailangan matulog. Sapat na sa'kin yung two hours of sleep, hehe. 'Di mabiro 'to si Captain, eh!"


"Sige na, matulog ka na, Mount. Papanoorin ka na lang namin mamaya mag-exercise." Ace joked. 


Mabilis na nilingon ni Bulkan si Ace at sinamaan ng tingin. "Gago ka ba? Sinong tanga ang mag-e-exercise ng gabi?"


"Ikaw." Singit naman ni Ben kaya nag-tawanan silang tatlo nang mapansin ang inis na mukha ni Bulkan.


"Let's just wait for them. Malapit na rin naman sila." Usal ni Xion habang nagtitipa sa kaniyang cellphone.




Kumunot ang noo ni Ace. "Them? Who's them?"




"Sina Sage." Hindi man lang nilingon ni Xion ang kagrupo na kinakausap siya dahil abala ito pagtitipa sa kaniyang cellphone. 




"Tapos na training nila?!" Takang tanong ni Ben sa lalaki.




"Oo nga." 




I rolled my eyes when I heard Xion's irritated voice while answering his male friends. Talaga lang, hah? Tinatawag niyang captain ang sarili niya na may gan'yang kaikling pasensya? Ni hindi man lang marunong makisama. 




Mabuti na lang at mukhang mabait at maunawain ang ka-grupo niya para pakisamahan siya. Pero ibahin niya ako sa kanila. Because if his patience is short, my patience is even shorter. 




Paiksian na lamang kami ng pasensya.  




Irritated, I picked up my cellphone and was immediately filled with excitement when I saw my notification. Tila ba nag-laho ang lahat ng inis na kasalukuyan kong nararamdaman nang makita ang pangalan ni Astre sa notification bar ng cellphone ko.




Without hesitation, I opened our conversation even though his message was only three minutes ago. Tahimik kong binasa ang mensahe niya, hindi maiwasang kabahan dahil alam kong hindi naging maganda ang nangyari noong huli naming pagkikita.




Love </3:

Fuck, I missed you

I thought you really abandoned me

Let's catch up mamayang seven

Are you free ba?

Wala akong gagawin mamaya. 

Susunduin kita sa unit mo, pwede? 




Mabilis na dinaga ang dibdib ko at agad ding nag-tipa ng reply. Nag-tipa ako ng pwedeng isagot sa iniwan niyang mensahe ngunit agad din iyong binuro at humugot ng malalim na hininga nang maalalang marami pala akong bawal gawin ngayon. 




He can't know that I am no longer staying in my unit. Hindi niya rin pwedeng sunduin ako rito sa Gaming camp dahil wala siyang ka-ideya ideya sa nangyayari sa buhay ko. And lastly, I'm grounded and can't leave the gaming camp. 




But I can't loose this chance!




Knowing Astre, my boy, once a week lang nagiging maluwag ang schedule niya! At panigurado akong pagkatapos ng gabi na 'to, hindi ko na ulit siya pwedeng makita dahil sa sikip ng schedule nila.




Argh! C'mon, Cassee, think. Kailangan mong mag-isip ng palusot para payagan kang palabasin mamaya ni Xion. What if I say there is an emergency at home? Pero baka hindi ako paniwalaan! 




Hindi naman pwedeng akyatin ko ang matataas na bakod ng bahay na 'to dahil bukod sa delikado, baka mahuli rin nila ako!




Ano ba naman?! Wala pa sa kalahati ang araw na 'to, but I'm already exhausted!


I grunted as I leaned my back against the sofa. Mula sa screen ng cellphone ko, agad na lumipad ang tingin ko sa pintuan nang marinig ang hiyawan na nagmumula roon. I Immediately saw Jes with three tall men.


May bitbit-bitbit silang computer set at gaming chair.  At sa palagay ko ay ayon na ang computer set ko.


"Sage!" Sigaw ni Ben sa lalaking naka-suot ng black t-shirt. Matangkad ang lalaking 'yon at aaminin kong ang lakas ng appeal ng presensya niya. He stopped walking and caught his breath as he carelessly put down the gaming chair. 


"Sup, Bro?!" Sigaw nung Sage kay Ben. 


Sage and Ben did a fist-bump. Magsasalita pa sana yung Sage nang mahagip ng mga mata niya ang mga mata kong kasalukuyang nakatingin sa kaniya. I immediately looked away and pretended to be typing on my cellphone.


"Hindi ka ba naturuan ng pamilya mo ng mabuting asal?" 


Narinig kong nag-salita si Xion gamit ang malamig niyang tono. Napa-angat naman ako ng tingin sa kaniya at mabilis na gumuhit ang lukot sa aking noo nang mapagtanto na ako ang kinakausap niya. 


"Tulungan mo sila sa pagbubuhat. Sa 'yo naman 'yon." Utos niya pa. 


I didn't answer and ignored him, but my eyes remained on him.


Gusto ko sanang tanungin kung ganoon ba ang pinamulat sa kaniya ng mga magulang niya. Na kapag ba hindi ko tinulungan ang isang tao sa kaya naman nilang gawin, wala na agad akong asal? 


But I don't want to argue with him now. Pinapaganda ko nga ang imahe ko para payagan n'ya akong palabasin sa impyernong gaming camp na 'to. 


Ilang minuto akong nakipagtitigan nang masama kay Xion at nang maurat sa pagmumukha niya ay tumayo ako mula sa presentableng pagkakaupo. I approached them and even though I didn't want to, I helped them carry the things. 


"Hello?" Bati sa'kin ng lalaking matangkad na medyo may katabaan. He's wearing a yellow shirt and a simple black short. Pero mas napansin ko ang maganda niyang ilong at ang salamin niyang hugis bilog.


I suddenly missed Amirah because of him. Ganoon din kasi ang kababata kong kaibigan na si Amirah. Matangos ang ilong, may katabaan ngunit sakto lang ang timbang, may bilog na salamin dahil sa malabong paningin, at sa pagiging morena. 


But I don't know where she is now because I was separated from my friends when my real parents took me again, even though they abandoned me in the orphanage.


Oh god, I miss them so much. I miss Zvezda, Callie, Sai, Czeyane, Amirah, and Zendaya so much! When I was a kid, they were my closest friends. My favorite childhood circle of friends.


"Ah, by the way, he is Cid. Yung mid-laner." Pakilala sa'kin ni Jes.


I waved a bit since they could think that the behavior I showed when we first met was awful and unpleasant. Tanggap ko namang masama ang ugali ko. Pero may parte pa rin naman sa'kin na gustong bumase sa opinyon ng iba.




"Cid, si Sage. Ito naman, si Jethro," Tinuro niya si Sage at ang lalaking naka-dilaw na t-shirt na sinabi kong kamukha ni Amirah. He even point the last guy wearing a polo shirt and a pants. "At saka si Nick."


Tumango-tango ako. "Hello,"


"Ang liit mo pala." Tawa nung Nick at halatang iniinsulto ang katangkaran na ipinagkaloob sa'kin ng panginoon. 


Gago pala 'to, eh?


"Ang pangit mo pala." Wala sa sarili kong untag at inirapan ang lalaki. While quietly rolling my eyes at him, I disrespectfully took the gaming chair in front of him and moved it over to the camp's gaming area.


Wala na ba talagang matino na tao na makikilala ko na parte ng buhay ni Xion? Halos lahat kasi ay katulad niyang may saltik at pakiramdam ay malapit sila sa'kin kaya kung makapag-biro ay wagas. 


"I-cancel na lang muna natin yung stretching. Bukas na lang. Ang tagal kasi ng mga ugok na 'to dumating." Hindi nakangiti, ngunit hindi seryosong biro ni Xion habang ang mga tingin ay nasa mga kaibigan na lalaki.


Napaismid naman ako. 


"Ito na yung CPU," Pinatong pansamantala ni Sage ang CPU sa tabi ko. I quickly looked at him when his sweet smell played in my nose. "Saan ko 'to ilalagay?"


I didn't say a word and watched as Jes approached us, looking like he was thinking about the place where my computer set could be set up. Huminto siya sa tabi ni Sage at hirap na hirap na umakbay sa lalaki.


Ang tanga naman kasi niya. Kita niyang ang tangkad ni Sage, pinilit niya pang umakbay.


I rolled my eyes and sighed. Hindi ko na kinakaya ang mga katangahan ng mga tao na nakatira rito. Partida, wala pa akong isang linggo na nananatili rito.


"Dito, sa tabi ng kay Captain," 


My nose wrinkled as my mouth snapped shut. "Ayo'ko, Jes. Sa tabi na lang ako ni Bulkan at ni Ace."


"Para hindi mahirapan si Captain Xion i-train ka," Pagpupumilit pa ng lalaki. "Kahit hanggang sa matuto ka lang—"


"Marunong naman ako, ah?" Depensa ko sa sarili. 


Ngumiti naman si Jes kahit walang nakakatawa sa sinabi ko. "Natalo ka nga ni Xion."


"Ano naman? Pinagbigyan ko lang 'yan kasi kawawa naman kung sa unang one on one namin, talo agad siya, 'di ba?" Mayabang kong tugon habang pinagku-krus ang braso. 



I was about to continue when I caught Sage smiling at me from the corner of my eyes. Bahagya niya pa akong tinawanan ngunit mabilis din nag-iwas ng tingin nang mapagtanto na nakatingin ako sa kaniya.

Mukhang gwapong-gwapo naman sa'kin ang isang 'to at kanina pa nakatingin sa'kin.

"Ano? Hindi ko narinig." 



Umalingawngaw sa buong malaking silid ang tunog ng pinto na binagsak. Napunta ang atensyon naming tatlo nila Sage at Jes patungo kay Xion na kakapasok pa lamang sa loob ng gaming area na ito. 

We observed him as he examined each part of the computer setup. Maging ang gaming chair ay sinuri niya pa bago tuluyang bumaling sa'kin. Sinandal niya ang sarili sa puting lamesa, pinagku-krus ang braso habang ang tingin sa'kin ay puno nang panggagalaiti.



"Narinig ko yung sinabi mo—"



Kusa niyang tinikom ang bibig at hindi na tinuloy pa ang sasabihin nang malakas akong humugot ng hininga, sakto lang para lahat sila ay mapahinto sa ginagawa nila at balingan ako. 



"Pero kanina pinapaulit niya kasi hindi niya narinig. Baliw amputa." I repress the want to roll my eyes since I don't want them to ask why my movements are so feminine. Baka kasi mapaghinalaan nila ako na babae ako. 



"H'wag ka nga sabing mag-mura," Pagalit sa'kin ni Xion.



"Akala ko ba okay na sila? Bakit mukhang hindi pa?" Narinig kong bulong ni Sage kay Jes sa gilid kaya naman agad ko itong sinamaan ng tingin. 



The guts of him to say impossible things.



Alam ko sa sarili ko na hinding-hindi ako makikipag-ayos kay Xion. I swear by that.



"Sige, Show me you are worthy of the position of mid-laner—talunin mo ako."



Marahan na gumuhit ang mapanlarong ngisi sa'king labi.



And he really wants to have a one on one with me again, huh? 





The heck. Ano bang klase ng lalaki 'to? Bakit ba hindi niya na lang ako bigyan nang kapayapaan. All I want is peace and to be away from him. Sa totoo lang, kapayapaan na ang kaisipan na lalayo siya sa'kin. 





But look at him, siya pa ang gumagawa ng dahilan kung bakit hindi ko nakukuha ang kapayapaan na kinikimkim ko habang naninirahan dito sa gaming camp.




"Open ka na." Utos niya. 




Hindi naman ako nakasagot. Honestly, I wanted to shake my head because I didn't like the idea he was talking about. Pero kung papayagan niya akong lumabas ngayong gabi kapag nanalo ako, game ako.



Umupo ako sa gaming chair ko at tumango. "G. Pero kapag nanalo ako, lalabas ako mamaya."




"Okay. But another week of suspension if you lose, huh?"




My upper lip curls slightly, and my nose wrinkles as if I've caught a whiff of something unpleasant. Paano kapag natalo ako? Hindi na naman ako pwedeng makalabas hanggang sa mag-isang linggo ulit?! 





I'm just going to rot in this place because of Xion's more and more suspensions! Dinaig niya pa ang strikto kong tatay at kapatid sa pag-set ng limitasyon para sa'kin, eh!




"Ako na ref," Untag ni Jes sa tabi ko. 




Nakita ko naman ang pag-kibot ng labi ni Sage. "Gago, hindi ka ref lang, Jes. H'wag mo sabihin 'yan kasi tao ka. You are not a refrigerator. Malapad ka pero—"




"Referee kasi, Sage. Tigilan mo nga ako." Jes and Sage laughed. 




I ignored them and focused my attention on the computer screen. Ilang beses pa akong nag-unat bago pasadahin ang kamay sa computer mouse. 




Nag-simula ang laro kasabay ng malakas na hiyawan ng mga lalaking kaibigan ni Xion mula sa likuran. Pinapanood nila kami at mukhang galak na galak sa kung anong magiging kalabasan ng laro. 




"Ang ingay kasi," Pabagsak na binitawan ni Xion ang mouse niya nang mapabagsak ko ang base niya. 




My face lights up with a radiant smile, my eyes crinkle at the corners, and my cheeks lift, revealing a sense of pure happiness that spreads warmth throughout my entire being.




Puta, panalo ako!




Xion looks at me. "Ah, ah, too early to celebrate. May two next game pa." His chin lifts slightly, and a subtle grin plays at the corners of his mouth. His gaze becomes focused and confident, indicating a sense of accomplishment or self-assuredness.



"Go, captain!" Sigaw ni Bulkan kaya mabilis ko itong sinamaan ng tingin.




"Taksil ka, Bulkan."




He immediately shook his head. "I mean, go, Cid!"




Bahagya ko lang na tinawanan si Bulkan at binalik ang atensyon sa screen ng computer. Our second game began. Tanging singhal lamang ang nagagawa ko sa tuwing namamatay ang karakter na gamit.




Within the first three minutes, I had to accept that Xion was going to win straight away. At tama ako, sa kaniya ang panalo sa pagkakataong ito. 




I caught a glimpse of him when he knocked out my base. Tiningnan ko ang reaksyon niya ngunit wala manlang ni piranggot na bakas nang pagdiriwang doon. Para bang sanay na sanay na siya na manalo at naiinis ako roon!




"Last game na 'yan?" Bumalik si Sage sa loob kung nasaan kami. 




Tumango naman si Ben bilang sagot sa tanong ng lalaki. 




"Anong score?"




"Tie, pre. Ang angas pareho. Parehong mabangis!" Pagmamalaki ni Nick sa kaibigan.




Hindi ko na sila napakinggan pa nang simulan ni Xion ang laro ng hindi man lang ako nakakahanda. Our last game began with massive tension. Singhal, pagkamangha, at pagbuga ng hangin ang naririnig ko sa buong lugar dahil sa tensyon na bumabalot sa'ming lahat.




Kasisimula pa lang ng laro pero dalawang beses na niya akong napatay. Maging ang iilan sa tore na mayroon ako ay nagiba narin. 




I can feel my shoulders rising slightly, almost hunching instinctively. 




"Kabisaduhin mo moves ni Xion. At saka, palitan mo ang build mo. I suggest this, pang-kontra sa build na mayroon si Xion. And the rest, you should trust yourself." 




Halos manigas ako sa kinauupuan nang maramdaman ko ang mainit na hininga ni Sage sa likod ng aking tainga. It's as if my body is in a heightened state of alertness. Pero mula sa pagkagulat, minabuti kong iayos ang postura upang hindi ipahalata ang naging reaksyon sa ginawa niyang pagbulong sa'kin. 




I did what Sage said. 





Buong laro ay nanatili siya sa tabi ko, palihim na tinataksil si Xion dahil sa palihim na pag-bulong sa'kin ng mga dapat gawin. He also told me about Xion's movements and his weakness. 




"Galing!" Ace, Ben, Bulkan and Jethro clapped their hands. 



Pinanood ko ang ginawa nilang maliit na selebrasyon sa pamamagitan ng maliliit nilang pag-talon na may hiyawan bago tinanggal ang headphone sa aking ulo at pinihit ang gaming chair paharap kay Xion. 



He extended his neck, fingers included, and lowered his headphones. 




"Paano ba 'yan, panalo ako?" Mayabang kong tugon sa kaniya. "Aalis ako, at wala kang magagawa."




He just tsked, secretly rolling his eyes. "So annoying."




"Mamatay ka sana sa inis," Ani ko sa kaniya at muling tumingin kay Sage. "Salamat, pre. Makakalabas na rin ako sa impyernong 'to."



We did a high-five.

 

Umangat ang kilay niya. "Aalis ka?"




"Yep. May kikitaing babae." Pagmamayabang 'ko. Malalagot kasi ako kapag sinabi kong may kikitain akong lalaki. 



"Sure kang babae?" Sage raised the corner of his mouth as he gave me a look that said he didn't trust me and had strong suspicions about me.




Oh, did he just...?




Mariin akong lumunok matapos matigilan ng ilang segundo. "Malamang, pre. Gusto mo, bigyan pa kita ng chix. Ilan ba ang gusto mo?"





"No, thanks." Aniya.




Ngumiti na lamang ako sa kaniya at tumungo sa itaas. Ayaw ko na kasing manatili roon dahil pakiramdam ko, nakukutuban ako ni Sage. 




Wait... Do I need to work on my moves more? Well, the masculine voice I have is already fine. O baka may kulang? Masiyado bang halata ang kilos ko? Argh1



I gaslighted myself that Sage could have been joking in order to save myself the burden of thinking about it. Mabuti at hindi na ako tinawag pa sa ibaba kaya hindi na ako bumaba pa nang matapos ang laro.



I decided to leave at six thirty. Suot-suot ang itim na t-shirt at pantalon, tahimik akong lumabas ng gaming camp at nagpasalamat sa ama nang walang ni isa man nakapansin sa paglabas ko. 



Sa restroom ng Robinson ako nag-tungo upang mag-palit ng damit. I can't go out to gaming camp wearing women's clothes. At kapag nagpakita naman ako kay Astre suot-suot ang panlalaking damit, paniguradong magtataka iyon ng lubos.



Astre wasn't there yet since I left the gaming camp early, and it was still ten minutes before seven, so I only stayed there for a little while.




Love </3:

Dito na ako

Ingat ka, ily



It's like a flurry of butterflies has taken residence in my stomach, causing a gentle, nervous tremor. My lips quiver with a mixture of excitement and anxiety, a telltale sign of the whirlwind of emotions within.



Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. 



Wrapped in the warmth of my yellow dress, I feel a vibrant charisma emanating from within. The boy cut adds a touch of boldness to my look, complementing the energy that radiates from my every move.



Ngumiti ako bago hugutin ang natitirang lakas na naipon sa sarili. I came out of the mall and immediately saw Astre's back. Ang pogi pa rin talaga kahit nakatalikod. 




"Love," Tawag ko kay Astre na nagpalingon sa kaniya. Agad ko siyang sinalubong ng yakap habang ang labi ay naka-nguso. "I miss you... sorry, love."



His brows raise slightly, and his mouth falls open as a mixture of surprise and disbelief washes over his features. Ilang segundo niyang tinitigan ang mukha ko bago tuluyang gumuhit ang ngiti sa labi niya.



"What made you cut your long hair?" Tanong niya at akmang sasagot ako nang mag-salita ulit siya. "Ang ganda mo pa rin. Bagay sa 'yo."



I breathed a sigh of relief. Akala ko talaga ay galit siya sa'kin dahil sa nangyari sa huli naming pagkikita. It turned out, though, that he is not angry with me.



Tuluyan naman akong napayuko. 



Hindi ko alam pero gusto nang sumabog ng emosyon ko kanina pa nang makita siya. Siguro dahil miss ko siya masiyado? And given that I'm also accountable for not responding to him because I was preoccupied with avoiding reality and taking care of other matters.



I sighed. Fuck, I just badly want a peace with him.



"Pinuntahan kita sa unit mo noong lunes... pero wala ka ro'n. I also asked the janitress there pero sabi nila, mag-i-isang linggo ka na raw hindi nagpapakita roon," He looked down at me. "Saan ka?"



Napalunok naman ako, hindi alam ang isasagot. My heart feels like it's sprinting a marathon, and my face wears a tight, tense expression. It's as if every muscle is coiled and ready for action.



"Sa... Sa bahay ni Ian." Pagsisinungaling ko. 



"Sure?"



Tumango-tango ako pero ilang segundo nang umiling siya.



"One, four, three," 



I smiled. Kinabahan pa ako, gusto n'ya lang naman pa lang marinig na mahal ko siya. 



"I love you too." Sagot ko naman. 



Humugot siya nang malalim na hininga, nilalayo ang tingin sa'kin at binaling ito sa kalawakan. "That's the room number of your twin, right?"



"Paano mo nalaman?!"



My lips might be pressed together in a tight line, betraying the unease I'm feeling. It's like my facial muscles are contorting involuntarily.



Nakita kong nahulog ang balikat niya. "I know everything about you, Cassee. So, please, don't lie to me again."



Dumagundong ang puso ko. 



Paano naman niya nalaman 'yon? I mean, kaming tatlo lang ni Ian at ni papa ang nakakaalam sa tungkol doon. At sigurado ako na hindi kayang sabihin ni Ian sa iba ang sikreto ko kapag sinabi ko sa kaniya na s'ya lang ang nakakaalam no'n.



Mapagkakatiwalaan ko si Ian. At alam kong wala s'yang kinalaman sa pagkaalan ni Astre.



"You're pretending to be your twin... because of Polca's case, right?"



Tumawa ako, hindi makapaniwala sa naririnig. 



"Hindi mo ba alam na delikado ginagawa mo? Para mong pinasok ang sarili mo sa patibong."



I just sighed.



Tama naman siya. Sobrang delikado ng ginagawa ko. Pero para sa'kin, mas delikado kung hindi ko mao-operahan kaagad si Cyren. 



"Hindi ka... galit sa'kin?" I pouted.



He peeked at me. "A little bit. Siguro dahil sa pagsisinungaling mo sa'kin at hindi pagpapaliwanag agad. Pero tungkol doon sa nakita ko... aaminin kong nasaktan ako. But when I found out what is the reason behind it, I just... woah."




"Do you plan to tell others about this?"




Mabilis siyang umiling kasabay nang pag-guhit nang matamis na ngiti sa kaniyang labi. "Tolerating isn't my thing pero... nirerespeto kita, Love. I won't tell everyone about this. Pero as much as you can, tigilan mo na... baka mapahamak ka."




"Hanggang sa gumaling lang si Cid tapos okay na. Gusto ko na rin naman umalis doon lalo na't hindi ako okay sa mga tao sa gaming camp-"




He cut me off. "Bakit? Sinasaktan ka nila? Hindi sila mabait sa 'yo?"




Laughing, I messed up his hair. It's cute seeing his face worried about me.




"Hindi naman. All goods naman kami. Kaya h'wag kang mag-o-overthink na magiging kabet ko ang isa sa kanila. Kasi una pa lang, walang-wala sila sa talampakan mo. You're the one I want, love."




The corners of his mouth turned up. "I trust you. And... trust me also. I won't unveil you." 




I smiled at him and buried myself in his broad shoulder. 




I trust Astre more than I trust myself. But this time... parang ang hirap gawin. 




^___________________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro