06
06
"May sinasabi ka ba?"
Umangat ang tingin ko sa kaniya. "Bakit? Interesado ka ba?"
"Interesado rin ako sa 'yo," He mouthed.
May kung anong kumibot sa sikmura ko dahilan upang mapangiwi ako.I didn't know that he was interested in me. Pero sa tingin ko, kaya siya umaarte na galit sa'kin ay para lamang mapansin ko.
So, he just wants my attention, huh.
I smirked widely. "Hindi ko alam na intere—"
"I'm interested as to why you killed him."
Something seemed to hit me when he cut me off.
Habang tumatagal ay gusto ko na lamang sanayin ang sarili ko sa ugali ni Xion. Dahil kahit anong gawin kong pagpapaliwanag, wala namang nagbabago. It was me, and the never-ending saga of Xion accusing me of killing his friend.
"Nakakaawa ka 'no?" Untag ko at nagkibit-balikat naman ang lalaki. "Para kang tanga na inaakasuhan ako sa krimen na hindi ko naman ginawa. Nakakaawa ka."
I saw his jaw clenched. "Kahit naman magmukha akong tanga, mas mukha ka pa ring nakakaawa. Because look at you, pagkatapos mong patayin si Polca, sinisiksik mo ang sarili mo rito."
Hindi ako nakasagot. I feel as though I'm forcing myself here despite their hatred.
My ego has been bruised.
Sa inis, tumayo ako at ibubuka na sana ang bibig nang magsalita siya.
"Oops... I guess I just hit the post button." He said with a slight smirk on his face.
I was alarmed by the sneer on his lips. Iba ang pakiramdam ko sa ngisi niya dahil sa nagtatambol na dibdib ko. Kinakabahan at naiinis, bumalik ako sa pagkakaupo upang tingnan ang post ng lalaki.
Tahimik kong binasa ang iniwan niyang artikulo sa media.
This is the actual CCTV video that Cid Acosta, TVOT's new mid-laner released. And it is clear from this that I would hit him—yes, he is right—because I got swept up in my anger at some misunderstanding. But it's also clear that I let him go right away. However, I won't apologise.
- Captain of TVOT
Ang kapal talaga ng mukha niya!
Bumaba ang tingin ko sa ibang retweet and it piqued my curiosity even more.
I think balak sirain ni Cid ang image ni Captain Xion ksksks. He even cut the footage para lang masiraan si Captain! Siguro naiinggit siya hahaha kahit naman anong gawin niya, hindi niya masisira ang image ni Xion!
#Cid_Tanggalin_Sa_TVOT
They even used the hashtag 'Cid_tanggalin_sa_Tvot_' At popular na kaagad ang hashtag na 'yon!
Luminga ako kay Xion, kagat-kagat ang labi ko sa inis at akmang papaulanan na siya ng mura nang bumukas ang pintuan. Agad na niluwal nito si Jes na animo'y galit na galit.
"Xion!" He shouted. "Binibigyan mo talaga ako ng kahihiyan! Magagalit sa'kin nito si Mama mo!"
Xion just sighed and rolled his eyes.
"Delete that! Habang kaunti pa lang ang nakakakita!" Pagalit niya kay Xion bago bumaling sa 'kin. "Ikaw din, Cid! Humingi ka ng pasensya sa media at hindi na ulit 'yon mauulit!"
Jes looks very stressed. Normal lang siguro na maging reaksyon niya 'yan. Dahil siya ang manager at sa oras na masira ang reputasyon ng bata niya, paniguradong mawawala rin siya ng kapit.
Hindi ako umimik, nananatiling malayo ang tingin upang takasan ang kagustuhan ni Jes.
Ayo'ko nga mag-sorry sa media! Kahit na kay Cid ang pangalan na gamit ko, hindi ko pa rin kaya na mag-sorry sa kaniya sa harap ng maraming tao! Mas pipiliin ko na lang sigurong ma-bash at mabatuhan ng mga pangit na salita kaysa sa humingi ng tawad.
"Hindi ba talaga kayo susunod?!" Jes growled but we didn't answer and kept quiet. "Kung ayaw niyo, mag-linis kayo ng buong camp!"
Xion groaned and after a few minutes, he stood up.
Ang tigas din talaga ng mukha niya 'no? Mas pinili niyang mag-linis kaysa burahin ang pinost niyang bagay-bagay sa media?
Mag-linis o mag-sorry?
Maybe it would be easier if I just cleaned up.
Nag-tungo ako sa kusina, hindi pinapakinggan ang sinasabing pagalit ni Jes at agad na nakita ang kaunting hugasin. I smiled because there were only a few things to wash. Hindi nga siguro ako aabot ng sampung minuto rito.
"Ako na po ang maghuhugas," Pahayag ko kay Jes gamit ang malalim na boses.
"Delete that and apologize first! Hindi ba talaga kayo makikinig sa'kin?! Kapag ako ang nag-delete niyan, hindi kayo pareho makakatungtong sa entablado sa six!"
Hindi ko na siya pinansin pa at sinimulan ang paghuhugas. Tahimik kong inuna ang mga babasagin na baso at sinunod ang mga puting pinggan. Mabuti na lang talaga at tumahimik na si Jes, mas nae-enjoy ko kasi ang paggawa ng gawaing bahay kapag tahimik ang kapaligiran.
I lick my lower lip as a playful smile draws on my lips.
Dalawang mangkok na lang at tapos na! Grabe, best feeling talaga kapag nakita mong dalawa na lang ang natitirang huhugasan mo sa lababo! Buti nga, walang tupperware dahil ayaw ko sa masebo.
"Tabi,"
I glanced swiftly behind me, and Xion and I locked eyes. Mabilis kong binaba ang tingin ko sa hawak niyang mga hugasin na marahan na nilalagay sa lababo. That's a lot and... a big pot.
Inis ko siyang hinarap. "Kahit yata anong klase ng detergent liquid ang ipang-linis sa budhi mo, hindi puputi, e."
Umarko ang kilay ni Xion. "You racist."
"Gago, anong racist 'don? Bobo neto, hindi alam meaning ng racist. E, wala nga akong sasakyan."
He clenched his fist. "Can you please shut the fuck up?"
"Clean my name first. Sabihin mo, we're just doing some bardagulan like what friends do—"
"I don't do friends with a murderer,"
Sunod-sunod akong napalunok, pinipigilan ang sarili sa gustong gawin na pananakit sa lalaki.
"Just clear my name, then okay na ang lahat! Ginagawa mo kasing bigdeal ang lahat! Wala ka ngang ebidensya pero inakusahan mo ako na murderer. Alam mo bang pwede kitang kasuhan ng paninirang puri?"
He faced me with his death glare. Tinitigan niya ako habang ang kamao ay nagke-clench dahilan upang matutop ako. Ilang segundo niya akong tinitigan gamit ang nakakatakot niyang titig bago tuluyang tumalikod at nag-lakad palayo.
"Mag-linis ka mag-isa mo. Tutal mukha ka namang janitor fish." Inis niyang saad.
Kumibot ang labi ko at walang pag-aalinlangan na kinuha ang sponge na may mga bula pa. Binato ko 'yon at agad na napatakip ng bibig nang makita kong tumama iyon sa likod ni Xion. Pinanood ko ang pag-dulas ng bula sa puti niyang damit at marahan na pumihit paharap sa'kin.
He was about to speak when we heard Jes' footsteps heading in our direction.
Pinasadahan kami ni Jes ng tingin at napabuntong-hininga nang makita si Xion. Umabot kasi roon ang bula.
"Ano ba 'yan, Xion?!" Pagalit niya sa lalaki.
Bumaling ako kay Jes, may matamis na ngiti sa labi. "Don't worry about us, Jes. Matatapos namin 'to. Knowing Xion, ang sipag niya. Ang sabi niya nga, kulang daw sa kaniya yung gawain na binigay mo sa'min, and so, look at him. Pinaabot niya hanggang doon yung kalat para linisin niya."
Kung inis siya sa'kin, mainis pa siya lalo.
I love seeing him dying of irritation.
"Sipag mo naman pala, Capt!" Komento ni Bulkan na kabababa lang din galing sa itaas. Dala-dala niya ang itim na sumbrero at mukhang paalis na. Bumaling siya sa'kin, "Tapos ka na sa gagawin mo?"
I glanced at Xion. Nakita ko ang mapanusok niyang tingin na nagpakulo lalo sa dugo ko.
"Sama ka na, pupunta ulit ako roon,"
"Hindi siya pwede. Siya ang maglilinis nito kasi siya ang nagkalat." Sinubukan ni Xion na pag-bawalan ako pero hindi ko siya pinansin.
I smirked and looked at Mountain, ignoring Xion. "Hindi na, I'll watch Xion cleaning. Kayo na lang muna."
"Okay, aalis na ako, hah." Paalam ni Bulkan. Umalis siya at ilang minuto nang magpa-alam na rin si Jes sa'min dahil may errands pa raw ito. Nakatango lamang akong kumakaway sa lalaki at nang mawala sa paningin, agad kong binalingan si Xion.
"Clean well, Xion," I smiled, ito na yata ang pinaka-malawak na ngiti na nagawa ko sa buong buhay ko. Narinig ko ang mga mura niya sa'kin pero hindi ko na ito pinansin pa.
Umakyat ako at agad na nakita ang message ni Papa na nag-pop up sa cellphone ko. Kahit ayaw kong buksan ang bagay na 'yon, binuksan pa rin dahil ako ang mapapahamak kapag importante 'yon tapos hindi ko nakita.
Papa ko:
Cassee
if no one is there, pumunta ka sa room ng captain ng tvot
hanapin mo yung usb. for sure nasa mga cabinet lang 'yan
evidence 'yan pero hindi naman masiyadong mabigat, but, you still need to see that
pls, kuhanin mo. sunugin mo, o sirain mo kapag nakita mo
we need that asap
I turned off my cellphone and went to tvot gaming camp's favorite spot, the terrace. Ang payapa kasi talaga kapag nandito ka sa tuktok, isama mo pa ang simoy ng hangin. At bawat hampas ng hangin, tila ba nadadala nito ang mga isipin ko sa buhay.
I opened the coca can and quickly gulped it down.
It's kinda sad to see my family so desperate.
Masiyado silang desperado na ipamalas ang kasinungalian sa buong pangyayari. Desperado na pagtakpan ang anak niya sa krimen na ginawa nito. Desperado na baliktarin ang pangyayari at paniwalain ang sambayanan sa kasinungalingan.
They're so selfish.
"Ni kamusta, wala? Ni piranggot na pag-aalala, wala?" Para lang ba talaga sa sarili nila ang iniisip nila? Paano naman ako? Hindi ba nila naisip ang kapahamakan ko? Ipapasok nila ako sa krimen na 'to ng walang suporta na binibigay... at ni hindi man lang nag-alala para sa kalagayan ko.
I sighed and decded to call Ian. Agad na nasagot ang tawag. "Ano? Miss mo na ba ako, bakla?"
"Tanga ka ba, feeling mo naman... ibigay mo nga kay Cyren,"
"Bakit?"
"Bilisan mo lang, hihingi lang ako goodluck." Ani ko.
"Huh? Para saan?"
"Interview ba 'to? Sana hindi na lang kita tinawagan, Boy Ian, 'di ba?" Inis kong usal. "Ibigay mo na lang kay Cyren 'yong cellphone mo, para may pakinabang ka. Miss ko na yung bata, oh."
I heard him sighed. "Alam mo, bakla. Kung hindi mo kaya riyan, umuwi ka rito. Kaya ko naman saluhin mga gastusin ni Cyren."
"Ano ka ba?! Sabi ko, ibigay mo na!" Pilit ko.
"Oo na, kwento mo sa'kin 'yan mamaya, hah." Tumango ako kahit alam kong hindi niya iyon makikita.
Ilang minuto siyang nawala sa linya bago ko narinig ang hagikgik ni Cyren. "Hello po, I miss you po!"
Fuck, what a soothing voice.
"I miss you too, Bibi!" Mabilis na nanubig ang mata ko. "Okay ka na ba? Magaling ka na? Hindi na ulit masakit mata mo?"
"Opo... nasaan ka po? Gusto po kita makita hihi?"
Napalunok naman ako.
Kahit anong kagustuhan ko na kitain ang batang babae, hindi ko magawa. T'saka na siguro ako makikipag-kita sa kaniya kapag nalinis ko na ang pangalan ng kambal kong si Cid. Para sa oras na makita ko si Cyren, wala na akong iniindang problema.
"Nasa job po, e," Sagot ko. "Can you give me goodluck, bibi?"
I heard her giggle. "Goodluck po, Mi... you're doing great po. I love you and I can't wait to see you po!"
I smiled.
And that goodluck gave me the strength to enter Xion's room. Madilim ang buong paligid sa pasilyo patungo sa kwarto ni Xion at ang alam ko lang na nagbibigay ng liwanag ay ang ilaw sa ibaba.
Panigurado akong walang naiwang tao dahil lahat sila ay umalis upang kumain sa labas. Mabuti nga at hindi nila ako pinilit na sumama nang idahilan kong masakit ang ulo ko gawa ng paglilinis kanina.
Ang bawat hakbang na ginagawa ko ay marahan lamang, wala ni isang makakarinig kahit pa alam kong ako lang ang mag-isa sa bahay na ito. Kinakabahan, binuksan ko ang pintuan ng kwarto ni Xion at bago pumasok, tumingin ako sa kaliwa at kanan.
Para akong magnanakaw na papasok sa silid ng pagnanakawan.
Sa tingin ko ay normal lang kabahan ng ganito dahil sa buong buhay ko, ngayon pa lang ako papasok sa silid at kukuha ng gamit na alam kong pwede kong ikapahamak.
As I entered the room of Xion, hindi ko nagawang pasadahan ng tingin ang mga bagay sa kaniyang kwarto dahil pumunta agad ako sa mga cabinets. Kinalkal ko lahat ng mga cabinets at napalunok nang mabuksan ang isang cabinet na punong-puno ng USB.
Fuck! May collection si Xion ng USB? Para saan? Hibang na ba talaga siya? Pinahirapan niya lang ako sa paghahanap! Wala talagang tulong yung lalaking 'yon! I fucking hate him!
"Captain!" Kaagad akong napadausdos sa sulok ng cabinet nang marinig ang boses ni Ben mula sa labas.
Puta!
Kinagat ko ang daliri, pakiramdam ko ay naiihi na ako sa kaba. Akala ko ba tulog na silang lahat? It's already one in the morning! Pero bakit mulat na mulat pa rin ang mga mata nila?!
I pucker my lips when I remembered that they are gamers. Paniguradong sanay sila sa puyatan dahil batak sa paglalaro.
"Oh?" I heard the door opened.
"May wings diyan sa baba, nag-take out ako," Ani Ben. "Tatawagin ko lang si Cid—"
"H'wag na, ayaw ko siyang makita."
Kumibot ang labi ko kasabay nang pag-guhit ng mapanlarong ngisi sa labi ko.
He doesn't want to see me? Ano bang akala niya sa nararamdaman ko kapag nakikita ko siya? Sa tingin niya ba para akong nanalo sa lotto sa tuwing nakikita ko siya? Kasi kung maka-asta siya parang gusto ko ring makita!
Honestly, I don't want to see him.
Gusto ko ngang takpan ang mga mata ko sa tuwing nasa iisang lugar kami. Takpan ang tainga ko sa tuwing maririnig ko ang boses niya. O sa madaling salita, ayaw ko sa kaniya! I hate everything about him! Fuck off!
"Bakit?"
"Ayo'ko lang. Walang explanation."
I tsked.
"Okay." Kasabay no'n ay narinig ko ang yapak pababa.
Ilang minuto akong nag-tago sa kinauupuan ko at nang masiguradong wala ng tao ay saka ako naka-hinga ng maluwag at saglit na pinahinga ang sarili mula sa tensyon na nararamdaman kanina.
Sa tingin ko ay wala naman na.
Nagpalinga-linga ako sa kanan patungo sa kaliwang bahagi. Tatlong beses pa akong napalunok, iniisip kung anong pwedeng mangyari sa oras na mahuli nila akong nasa silid ni Xion.
The consequences may not be bad. Baka palayasin lang naman nila ako rito at sampahan ng kaso nang pagnanakaw.
A few minutes after being sure, I went out and immediately looked for the CCTV footage.
Maingat. Tahimik. Mapanuri. Hinanap ko ang bagay na pinapahanap sa'kin ni Papa sa dagat ng mga USB. That was a lot, but fortunately I could recall the USB the bus driver had given me.
Nakita ko na ang USB. Kaso fuckshit, hindi ko alam kung paano ako lalabas sa kwarto! Baka makasalubong ko bigla yung bugwit na Xion na 'yon! Nakakainis!
Putangina, Cassee, ngayon ka pa ba kakabahan? You're already inside and going to leave; can't you do that, you moron?
I heaved a sigh, all my muscles were nervous and shaking because of the tension surrounding me.
Kinuha ko ang lahat ng natitirang lakas ng loob sa buong pagkatao ko at muling humugot ng malalim na hininga. I tried to calm myself down because I can't go out even more when I'm nervous.
Ilang minuto ang makalipas nang dumungaw ako sa labas. When I realized that nobody was around after looking to my right and left, I silently ran into my room while holding the USB.
I just breathed a sigh of relief and laid my body down on the soft bed.
Pucha, may future ako sa pagiging magnanakaw.
I chuckled.
Ilang minuto akong tumitig sa kisame hanggang sa tuluyang kainin ng kuryosidad tungkol sa nilalaman ng bagay. And I just found myself opening the laptop and plugging the USB into it.
I am greedy and curios what really happened.
Pinanood ko iyon at agad na napalunok nang makita ang katotohanan. The only color in the footage is black and white, yet... Due to their handful punch in one another, I can see the crimson blood on their bodies.
Habang pinanonood ang footage, nananatiling may uwang ang bibig ko dahil sa labis na pagkagulat.
I think it began as a result of a misunderstanding and their drunkenness. Ayos naman sila bago mag-simula ang pagtatalo. Nagtatawanan pa nga ang tatlo pero kalahating oras ang makalipas, nagsasakitan na ang mga ito.
There is a sound, but it is buried by the noise coming from the neighboring house across the street, which is undergoing renovations.
Hindi na open area ang pinagpuntahan nila at sa pagkakaalam ko mula sa balita, there was just one CCTV in the the area, therefore none of the others were recorded.
Pero wala rin namang kwenta ang footage na ito dahil wala ring sound.
I was about to close my laptop when I noticed a human foot. Sa totoo lang, hindi naman bigdeal ang bagay na ito pero... kilala ko kung kanino ang paa at ang tsinelas na nahagip sa gilid ng footage...
"Imposibleng kapareho lang... because those slippers are customized...."
I zoomed in and paused the footage to make sure I wasn't wrong in my suspicions.
Pakiramdam ko lang, pero hindi ako sigurado.
Something is fishy...
^___________________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro