Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

03

03

Love </3:
Where are you, Cassee?


Pang-ilang text na ni Astre sa akin. Pang-ilang text na hindi ko man lang makuhang sagutin. His text messages started with a good morning and with him saying how much he hates waking up without me by his side. Reading that text sent a massive pain in my chest and I was resigned to the feeling because no matter what I do, I know I won't be able to ease the pain.



When he realized that I have no intention of replying to his texts, he blew my phone with his calls. I tortured myself by listening to it continuously ring. I listened knowing it was him who's calling. I listened until I couldn't take it anymore and turned off my phone.



"Wala ka pang tulog, Cassee. Matulog ka muna kaya?" Bakas ang paga-alala sa tono ni Ian. 



I ignored him and kept brushing my hair while staring in my own reflection. Smooth, healthy, and bouncy. That's the description of my elbow-length hair. I have taken care of it since I was a child. Kaya sa tuwing iisipin ko pa na gugupitin ko ito, ramdam ko na kaagad ang sakit na bumabalot sa aking kalamnan. 





"Para naman akong nakikipag-usap sa hangin dito, Cassee," Dinig kong reklamo ni Ian. "Alam mo bang hindi ko sinipot yung lalaki ko para masamahan kita rito! Tapos hindi mo lang ako kakausapin."





Mabilis na lumipad ang tingin ko sa lalaki nang tumaas ang kaniyang boses. Sinamaan ko siya ng tingin. "H'wag ka ngang maingay, magigising si Cyren."





"Ay, sorry naman hah. Ayaw mo kasi makipag-usap sa'kin,"





"Ano bang paguusapan?" Urat kong tanong sa lalaki habang inaayos ang kumot ni Cyren. 





We are currently in Cyren's room. Mahimbing na natutulog si Cyren. She's fine now, she just needs to rest. Kakapainom ko lang din ng gamot sa kaniya, and thankfully, she listened to me when I said that her mother didn't want her to cry.





"Seryoso ka ba talaga?" Paulit ulit na tanong sa akin ni Ian. Daig niya pa ang sirang plaka dahil minu-minuto niyang inuulit ang tanong na 'yan. As if I would change my mind and wake up to the truth if he repeated that question.





Inirapan ko ang lalaki. "I'm going to the salon. Sasamahan mo ba ako?"




"Puta, parang may choice ako 'no?" 




I smiled at him. 




I had plan out how I'm going to make this work. How I'm going to do this. I had no other choice. Kahit saang anggulo ko tingnan ay eto at eto ang sagot na lumalabas. My decision's firm now. I'm this sure.




I can do this. For Cyren's operation.




Ganoon ang nangyari. Sinamahan ako ni Ian sa pagpunta sa Salon upang magpa-gupit. Ang OA nga ng reaction niya habang unti-unting tinatapyas ang mahaba kong buhok. He seems to be in more pain than me.




"Bakla ako, Cassee, alam mo 'yan. Tapos... ang pogi mo! Tangina, pagkakasyahin." Biro sa akin ni Ian, cherishing my manly hair with his round eyes. 




I gave him the middle finger and stood up to examine myself in the mirror. Panghihinayang at pagsisisi ang dumaloy sa aking kalamnan nang makita ang bagong gupit na buhok. Bagay naman ito sa akin⁠–I look just like my twin Cid.




Mula sa postura hanggang sa hugis ng aking mukha, I couldn't help asking myself if I was Cassee or Cid?




Inabot ko ang bayad sa naggupit ng buhok ko at lumabas ng Salon kasama si Ian. Dumiretso kami sa terminal ng bus patungo sa recording studio ko. May bantay naman si Cyren doon, her aunt is there.




Hindi rin naman ako magtatagal, I'll just pack my things. I've resigned, so my work there is finished. I'm going to gather my belongings and inform my friends who are unaware of my resignation.




"Dami mong errands, Akla. Patingin ng schedule mo,"



Napatingin ako sa lalaki habang patuloy na tinatahak ang daan patungo sa loob ng recording studio.



"Sarado na schedule ko ngayong araw. Pagkatapos kasi nito, pupunta ako sa Hospital kung nasaan naka-coma si Cid. Manghihingi ako ng maliliit na detalye tungkol sa pangyayari nung gabing 'yon. At pagkatapos... Kailangan kong pumunta sa gaming camp ng TVOT at sa libing ni Polca,"




I stopped and pushed the glass door.



"Sa tingin mo ba, magandang ideya ang tumira sa gaming camp ng TVOT?" Pinantaasan ko ng kilay ang lalaki.  "Ayon kasi ang gagawin ko."



"Ano?!"




"H'wag kang mag-alala. Hanggang maka-recover lang naman si Cid mula sa pagka-coma. Tapos kapag okay na s'ya, e 'di wala na rin akong problema."



"Tanga ka ba? All boys camp 'yon, Akla!" Bahagya niyang hinampas ang braso 'ko. "Mabibisto ka kaagad doon! Nako, tegi ka kapag nahuli. Mapapa-'Goodbye, Philippines. Hello, Selda' ka talaga!"



I was stunned for a second when I realized something.



May point naman siya. Knowing TVOT team, they are all smart. But due to my agreement with Papa, I have to live there⁠. Paniguradong magmamasid ang tatay ko sa camp para siguraduhin kung totoong nasa loob ako ng gusali. 




I just have to be careful. Hindi ko kailangan ang pagiging tanga-tanga. 



Ian helped me put my things away in my studio. It took us 2 hours to clean and move. Marami kasi akong gamit dito sa studio ko. Hindi ko naman pwedeng itapon o ikalakal dahil sayang, magagamit ko pa naman ang iba. 



I closed the door and looked at what was posted on it.




Voice actress Cassee Yvonne Acosta. 



Ilang segundo ko itong tinitigan ang tag na naka-sabit sa pintuan ng studio ko bago mapagdesisyonan na tanggalin ito. It was hard for me to give up my seven-year job. Hindi lang naman kasi tungkol sa sahod umiikot ang buhay ko sa trarbaho na ito. It's also about friends and my profession.



Hay, I will miss everything I do here in the studio. Ang pag-tago ng alak sa loob ng studio at makipag-inuman sa mga kaibigan. Ang mga pagalit ng maneger ko. At marami pang iba. Many memories are formed here.



And I know I will make more memories at the TVOT gaming camp.



Hindi ko maintindihan ngunit may parte sa akin na sumasangayon at sabik na tumira sa gaming camp ng grupo na iyon. Maybe because of the thrill?




"Papalipas ako ng oras sa Amang hanggang 3 o'clock. Sama ka?" Tanong ko sa lalaki habang nginunguya ang mani na binili sa tabi-tabi. He said nothing and simply sighed as he followed me to the terminal.



Sumakay kami ng e-jeep patungo sa sinasabing lugar. Fortunately, there was no traffic, and we arrived at the hospital quickly. Pagka-apak pa lamang sa hospital, kaagad kong hinanap ang room kung nasaan naka-salpak ang kambal ko. 



Room 143... 143... 143 means I love you? Nagpapatawa ba 'to? 



Hindi ko sinabi kay Ian kung ano ang room number at nagpatuloy sa paglalakad. GenZ kasi. He will definitely give me a glare when I tell him the room number. Paniguradong pandidirian niya ako. 



In order to give us privacy and because he felt the people in the room weren't too close to him, Ian asked to be left in the waiting area when we first entered the room. Hinayaan ko naman siyang magpa-iwan at mag-isa akong pumasok sa loob. 



I immediately saw Papa when I walked in. He appears to be busy while typing on his cellphone. Ilang segundo bago niya ako maaninag at tinigil ang ginagawa upang ibaling ng buo ang atensyon sa akin.



He took off his eyeglasses and faced me. "Nice, you really look like Cid,"



I just smiled awkwardly at what he said. Close kami ni Papa, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng ilang. Sino ba naman kasing hindi maiilang? E pinagtatakpan niya ang kriminal niyang anak... at ang malala pa roon... ako ang ipapang-takip. 




I was about to speak up when my Papa speak up first. He held out his hand where Cid's SIM card, necklace and wallet were. "Ito yung mga kilalang gamit ni Cid. Keep this, mahalaga sa kaniya ang mga bagay na 'to. Ingatan mo."




I nodded at him and swallowed the blockage in my throat several times. 




Hindi ko maiwasang mag-tampo. Patagal kasi nang patagal, palala nang palala. Gagawa sila ng aksyon nang hindi iniintindi ang nararamdaman ko. They didn't even acknowledge my feelings.




Kahit man lang tanungin kung anong nangyari sa akin sa labas ng bansa. Kung kumusta na ba yung trarbaho ko. Kung nakakakain ba ako ng tatlong beses sa isang araw. At kung ayos lang ba ako...




Pag-pasok ko nga sa silid na 'to, hindi niya man lang ako nginitian at kinamusta. He just goes straight to what he wants to say. Lagi na lang sila. Lagi na lang yung gusto nila. Paano naman ako? Paano naman yung nararamdaman ko?




I smiled. Wala, e. Gan'to na talaga. Dapat na akong masanay. 




Hindi naman kasi ako ang paboritong anak. 




"Okay po," I nodded again, preventing the tears from falling. "Ah... pupunta ako sa libing mamaya. Alam ko pong may mga mag-iinterview sa'kin. I would like to know what happened."





"Halika, maupo ka rito." 




Sinunod ko ang utos niya. I kept trying to hold back tears as he talked about the entire incident while listening to him speak. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Hindi naman kasi tama 'to—ang ibig kong sabihin, I am too weak to cry about these little things.




But... this is no small matter to me.




"Mauuna na ako, P-Pa... hinihintay ako ni Ian sa labas." Malamig kong tugon sa matandang lalaki. 



He just nodded and returned his attention to what he was doing.



Ayon na 'yon? Hindi man lang ako hinatid palabas? Hindi man lang ako sinabihan nang mag-ingat? Hindi man lang ako kinawayan? Hindi man lang... pinakita ang pagiging isang tatay niya...



Padabog akong lumabas ng silid at mabilis akong nakita ni Ian. He stood up and walked over to me after taking out his earbuds.



"Anong nangyari?" Agad niyang tanong. 



"Putanginang pangyayari."



He put his hand in his pocket. "Bakit?"



"Ice cream tayo saglit, Ian..." Nakangiti kong anyaya sa lalaki at umaktong tinitingnan ang oras sa aking relo sa braso upang hindi niya makita ang pag-tulo ng aking luha. 



We went to 7/11. Malapit lang naman ang lugar na 'yon mula dito sa hospital. Mabuti na lamang at wala masiyadong tao kaya mabilis kaming nakabili. We ordered our favorite flavor of ice cream and sat on the bench while eating. 



Matcha Ice cream... my comfort food. Kapag malungkot ako at hindi maganda ang araw, I'll just eat it. Minsan nga ay nakaka-isang gallon ako sa isang upuan. It seems to lessen my sadness and give me comfort.



"Ang lamig lamig ng panahon, Cassee. Tapos aayain mo ako mag-ice cream,"



"Panahon lang yung malamig. Pero yung dugo ko sa 'yo, hindi." 



He laughed sarcastically. "Joke lang naman, beshy ko."



"Tulungan mo ako mag-hanap ng outfit ng panglalaki, ha."



Inismiran ako ng lalaki. "Oo, ako ng bahala sa 'yo."



We decided to sauntered back to my condo. Kahit naiwan ko 'yata ang buong kaluluwa ko sa Hospital. I feel so light weight as if I'm an empty shell. My nails digged in my palms to suppressed the twirling feeling of gloom inside my heart.



Just like Ian told me, he will take care of me. Siya ang nag-desisyon kung ano ang susuotin kong damit at sapatos. He made me wear something simple but classy. Gan'to naman kasi talaga ang style ni Cid sa pananamit. 



it's really good that Ian knows Cid. I won't have any trouble describing Cid's style to him.



"Apply ako lip balm sa 'yo hah?" Ian asking me for permission.



"Saan?" 



Nginiwian ako ng lalaki. "Saan ba ina-apply 'tong lip balm, beshy ko? Baka sa paa?"



"Tanga."



"Ka," He rolled his eyes at kinuha ang lip balm sa loob ng bag niya. "Palibhasa kasi kissable lips mo kaya hindi mo na need ng ganito."




"Mama mo kissable,"



He laughed. "Bukod kay Astre, may iba pa ba, beshy ko?"



Tuluyan akong napalunok at natigilan sa ginagawa. I seem to be frozen in place. 



Fuck! Akala ko makakalimutan ko na ang tungkol sa bagay na iyon! Hanggang ngayon ay kinakain ako ng hiya. I will never forget that I kissed Xion! That was not my intention. Sadyang ayaw ko lang mahuli kaya ko ginawa 'yon.



Nakita kong nanlaki ang mata ni Ian at tiningnan ako ng puno nang panghihinala. "So, meron nga?"



"A-Alis na ako, d-dami mong ebas."



"Huy! Hindi pa tapos!"



"L-Late na ako! Bye!" 



Before leaving the condo, I quickly grabbed the bag Ian had lent me and put Cid's necklace on. I was wearing a black tuxedo and black shoes that I borrowed from Ian. Bagay naman sa 'kin ang damit na 'to, masiyado nga lang malaki sa bandang balikat ko. 



My shoulders are not broad.I feel like I need to work out more to get the broad shoulders that men have. Sobrang stressful! Nahirapan pa akong mamili ng tube para maipit ang dibdib ko. It's great that my chest is just big enough to conceal the bulge and not too big.



I was late. Wala na akong naabutan na tao sa gaming camp. At maging ang bus ng TVOT ay wala na rin. So I decided to go to the cemetery where Polca was buried. 



Bawat hakbang na ginagawa ko ay pabigat nang pabigat ang damdamin ko. I feel guilty.



Parang gusto ko na lamang mag-pakain sa lupa at 'wag nang matuloy. Kung pwede nga, palit na lang kami ni Polca. Siya magiging mid-laner ng TVOT at ako naman, magpapahinga na habang buhay. I don't want this life. Argh!



I looked for Polca's funeral. Buti na lang at mabilis ko itong nakita dahil iyon lamang ang bahagi kung saan nagkakagulo ang mga tao. Well, TVOT is known all over the world. Tanyag masiyado ang pangalan nila kaya paniguradong maraming tao ang nagalit at nalungkot sa pangyayaring ito.




Pumunta ako sa gilid suot suot ang itim na sunglasses. Hindi naman kilala si Cid dahil nagsisimula pa lamang siya sa larangan. I feel like other TVOT members don't know about Cid yet.



Halos ang karamihan ay nagluluksa. Suot suot ang itim nilang damit at hawak hawak ang puting bulaklak na hinuhulog sa hukay kasama ni Polca. There are also many reporters and other pro gamers like them. 



Oh, shit! 



I stopped roaming when my eyes caught Astre with the AGAPE members walking towards my direction. Halos lisanin ng puso ko ang katawan ko sa sobrang bilis nang pagtambol nito. 



Ilang beses akong napalunok at nag-layo ng tingin. I do not know what to do. I'm not ready to face Astre. 



I looked around, looking for a place to hide. Hindi ko alam at hindi inisip ang kamangmangan na mangyayari sa'kin nang makita ang TVOT bus. I guess they know that I am also a TVOT member. So I can go in there! 



Mabilis akong humakbang patahak sa sasakyan. It wasn't closed so I got in right away. 



Sa totoo lang, ngayon ko lang masisilayan ang loob ng TVOT gaming bus. This is what they use every time they go to an event. May kalakihan ang sasakyan na ito kaya mailalagay talaga ang lahat ng gamit. 



Sa paglilibot ko ng mata, hindi ko napansin na may naapakan akong gamit na ikina-dahilan upang mapa-upo ako sa malambot na upuan. Napahawak ako sa aking braso. It was the part where it got hit. Napangiwi ako dahil sa sakit.



Ngunit sunod sunod na napalunok nang makita ang nabangga ko. What should I do?



He turned to me and our eyes quickly met. He removed his earbuds and closed his eyes tightly before opening it again.



"Who are you?" I don't think he knows that I'm Cid, their new mid-laner.



Inangat ko ang kanang kamay at bahagya itong kinaway. "Hey, dude." I said coldly using my manly voice. 



Parang tinambol ang puso ko sa kaba. Natakot ako dahil hindi ko inaasahan na ganito kabilis ang mangyayari.


 

He locked gazes with me before tilting his head. Nakita ko ang bahagya niyang pag-tayo kaya ganoon din ang ginawa ko. Inayos ko ang buhok ko, acting fool sa kabila ng tingin na binibigay niya sa'kin.


 

Anong gagawin ko? Should I introduce myself first? para malaman niya kung sino ako at bakit ako nandito?



I fake a smile."I'm Cid—" 




Mabilis akong napatikom at nanlaki ang mga mata nang hilain niya ang neck tie ko at diniin ako sa salamin ng bus. I can see the anger in his eyes. Tila ba may apoy ang kaniyang mata dahil ito ay nagliyab sa oras na mabanggit ko ang pangalan ng kambal ko.



Because of his firm hold on me, I was unable to breathe properly. At ng unti unti nang kapusin ng hininga, tuluyan kong hinawakan ang malamig at nanginginig niyang kamay dahil sa galit. 




"Fuck you! Pinatay mo si Polca!" He was about to punch me but he stopped and swallowed when my sunglasses fell to the floor. Nakita ko ang pag-daan ng halo halong emosyon galing sa kaniyang mata.



I am not prepared for this kind of situation.


  

Bahagya niyang niluwagan ang pagkakahawak sa neck tie ko at kasabay no'n ang pag-tulo ng luha sa aking mata.





I accept that people will be angry with me because they all know that I killed Polca. At sa katotohanan na hindi ako nakulong kahit na ganoon ang nangyari dahil wala silang matibay na ebidensya. 



Pero... hindi ko inaasahan na sasaktan nila ako gamit ang kamay nila dahil sa galit. 



Napa-angat ako ng tingin nang marinig ang lintanya ni Xion. Xion looked away from me as he let go of my neck tie. "You look like the one who kissed me."




^______________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro