04
Study out
"Evangelista, pagod na ako," nakasimangot kong reklamo.
"Not yet." at nakangisi niyang sagot.
He curved his usual smirk as he gently placed his hand on my waist after turning me around.
"Not until we finish this without you stepping on my feet,"
Lalong umarko ang labi ko. I really tried so hard not to step on his feet! We've been practicing for a couple of days and all I must say is I improved respectably. Nakukuha ko na ang mga steps, iyon nga lang, sa tingin ko ay namamaga na rin ang mga paa ni Cloud.
Kinakain ako ng guilt sa tuwing naapakan ko ang paa niya but seeing him determined to teach me really motivates me.
Hindi ko alam kung bakit determinado siyang turuan ako, all I know is our current situation favors my best friend a lot.
After the last twirl and bow, today's practice ended.
"Saang coffee shop ka mag-aaral?" tanong niya habang pareho kaming nag-aayos ng gamit sa bench.
Pinatakan ko siya ng tingin bago isakbit ang bag, "The usual," kibit-balikat ko.
Kinabahan ako ng kaunti sa tanong niya. Dapat ay buong araw kaming magp-practice ngayon but I made up an excuse that I need to study for our three long quizzes tomorrow kaya maaga kaming natapos.
That counts as white lie, I've already studied last night. Bukod sa masakit na rin ang paa ko, kailangan ko rin matulog dahil napuyat ako ng husto sa pagre-review.
I'm so relieved when he nodded enthusiastically.
"May kailangan lang akong kunin sa locker. Ayos lang sa'yong maghintay?" tanong niya.
Agad naningkit ang mga mata ko. "Uh..."
"I'll be right back," he said with his usual alluring wink.
Before I could even give him a word, he sprinted away leaving me perplexed.
Wierd. What was that, Evangelista?
Nevertheless, no matter how confused and sleepy I am, I still wait for him. Walang nasayang na minuto, agad ko siyang natanaw, nakasakay sa isang itim na motor.
Agad kong napansin ang mabibigat niyang paghinga nang makalapit sa akin, siguro ay dala ng pagmamadali. Bumaba ang tingin ko sa helmet niyang hawak at ang isa'y nakasabit pa sa motor.
"Tayo na?"
Automatikong tumaas ang kanang kilay ko.
"Sorry Evangelista, hindi ako easy to get," nanunukso akong ngumiti.
He smirked and slowly walk towards me. I tilted my head a bit. Bahagya pa akong nagulat nang iniabot niya ang helmet na hawak sa akin.
"But I am." bwelta niya.
Napailing na lang ako. Hindi ko talaga matalo-talo ang ang isang 'to. Humalakhak ako.
"But seriously, saan mo naman ako dadalhin?" nakapamewang kong tanong.
His lips curved, "Study out! Samahan kita mag-aral." Hmm...sus.
"No thanks." His smile did not grow less even after I declined his invitation.
There's no problem with studying with him. Genuinely, I've always wanted to have a study buddy, but I don't have any other friends, only Ari, his sister. Ang problema ay hindi naman talaga ako mag-aaral ngayon, babawi lang sana ng tulog dahil sa pag-rereview magdamag.
Bahala na. Iyan ang nasa isip ko habang nakakapit sa jacket niya at binabalanse ang sarili sa motor. Ramdam niyang hindi ako komportable kaya't sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ko siyang mabagal ang pagpapatakbo.
Lalong humigpit ang kapit ko sa kanya nang lumiko kami. Kabado dahil unang beses ko umangkas. Kaya't nang makarating kami sa tinutukoy niyang coffee shop ay nakahinga na ako nang maluwag.
Inilibot ko ang paningin sa lugar habang inaalis ang helmet. Saglit itong naputol nang maagaw ng malaking bulto ni Evangelista ang atensyon ko. My eyes widened in surprise when he leaned towards me.
"Ako na," prisinta niya kaya't hinayaan ko na lang siyang alisin ang helmet at muling binusog ang paningin sa magandang tanawin.
Hindi ko namalayan nakakurba na ang labi ko. This place is a breath of a fresh air. The cafe itself is simple with chairs and tables outside complemented with a nice view of the beach.
"Grabe, sobrang ganda..." I muttered.
He asked me to find a seat so I chose the perfect spot outside where I can enjoy the view better. Hindi naman talaga ako mag-aaral kaya bahala na si Evangelista sa diskarte kung paanong hindi siya madi-disract sa ganito kagandang tanawin.
"You look chill for someone who has three quizzes tomorrow," puna niya habang ipinabalik balik ang tingin sa laptop at sa sinusulat. Mukhang siya ang maraming gagawin ngayon.
Ngumiwi ako, "Deserve ko ng rest, duh!"
"Okay," kibit balikat niyang sagot. Kunyareng napilitan. His lips were even pursed to conceal a smile. Nagpapa-cute na naman. Agad din siyang bumalik sa sinusulat.
"Lagi ka ba rito?" tanong ko habang nakahalumbabang nakatingin sa dagat.
"Hindi. Pero tingin ko mapapadalas na," sagot niya.
"Sobrang ganda kasi..." I smiled habang pumipikit-pikit na dahil sa antok.
"Hmmm.." he hummed.
"I'll bring Ari here next time," bulong ko.
"Isama mo rin ako," aniya. Nilingon ko siya at hinawi na rin ang papel kong blangko.
"Hindi p'wede, baka awayin mo lang sila!"
"Hindi ah!" tanggi agad niya. Ibinaba na ang ballpen para harapin ako.
"Kapag dinala mo sila rito, mag-isa ka,"
"So what?" taas kilay kong tanong
"Hindi bagay sayo'ng maging third wheel" nakangiti nitong banat.
Kumunot ang noo ko para magpigil pero kalaunan ay napangiti rin habang umiiling-iling. Ang landi ng kapatid mo, Airelle!
"Airelle must be so lucky to have a friend like you," aniya habang ibinabalik ang atensyon sa kaninang ginagawa.
"Ako ata ang swerte..." ani ko kasunod ng isang hikab. Marahan akong humilig sa mesa at malamlam ang matang tiningnan siya.
"She's my only friend after all."
When a soft breeze envelops me, and I knew then that it was a sign to take a nap. Bumigay na ako sa antok na kanina pa ako hinihila.
As I'm drifting off, a blurry thought questions me. How did I end up here with him, letting all my guards down?
A part of me insists that it's a little sacrifice for my best friend. Hmm... and perhaps I don't want to get caught lying just to skip a practice.
Or maybe... because it's him.
•••
iheartyou
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro