Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

03

Dance


"Don't be overly tense, ate, it's free to loosen up a bit you know," medyo may diin na sa pananalita ng kapatid ko.


I can't blame her though, paulit-ulit na kami at halos mangalat ang paa ko sa simpleng sayaw. And the heels make it even harder.


We both groaned when I stepped into her foot for the nth time.


"I really can't believe na nakasali ka sa contillions ate," mukha na rin siyang problemado sa sitwasyon ko.


"Me too." sabi ko at nagfocus sa galaw ng paa ko.


Ginabi na kami sa pagpractice dahil hindi ko agad makuha. I want to curse at Evangelista for this hardship pero naalala ko na kasalanan ko rin kung bakit ako nalagay dito. And I'm dragging Solace here because she's the root of this. Kung hindi s'ya tumawag ay wala kami pareho sa sitwasyong ito.


Araw-araw ay dumodoble ang problema ko nang wala man lang nabibigyan ng solusyon kahit isa.


At hindi ako makapaniwalang kahit ito ay sasali pa. You can let me do my own research paper, solve hundreds of mathematical problems or even write reflections and essays...just not dancing. I'm a terrible dancer.


"Naaawa ako sa kapareha mo-ouch!" halos mamilipit siya nang maapakan ko siya ulit. She cried out curses and I shrugged it off.


"Itigil na natin 'to bago pa yan lumala." ani ko at ibinagsak ang sarili sa sofa.


"Fina-fcking-ly!" she mumbled and threw herself on the couch.


Binato ko siya ng nahagilap na throw pillow at binalaan sa salita nito. Humalakhak lang siya.


"Hmm, I wonder who's your lucky date, 'te. At nag-abala ka pa magpractice ng sayaw in advance," tumataas-taas pa ang kilay niya.


Nasa kalagitnaan pa lang siya ng sasabihin ay umikot na ang mata ko.


"It's not for him. I won't embarrass myself for not knowing the basics."


And well, kung mapapahiya ako, ay huwag naman sana sa harap ni Evangelista.


"Okay! Pero sino nga ate?"


I sighed, hindi ako titigilan nito.


"Kapatid ni Airelle," sagot ko.


"What?" nanlaki ang mga mata niya sa gulat. "Ate Hangin has a brother?"


Natapik ko na lang ang noo ko. I forgot that she didn't know about the complicated siblings.


"Yup, Evangelista. Do you know him?"


"No ef way!" tinakpan niya ang bibig at lumapit sa akin.


"As in Cloud Evangelista na tumalo sa'yo sa pagiging SSG secretary because he's just 'famous and handsome'?"


She even quoted the word famous and handsome using her fingers. Tumango na lang ako at umirap.


I'm still bitter about that until now because I know I'm more capable and deserving of that position.


Naghugis bilog ang labi niya. "Paano ate? Did he confess or what?"


Umiling ako at ngumiwi, "No?"


"So niyaya mo s'ya," agad niyang konklusyon, nanunukso.


"Yes, but—"


"Like for real?!" napangiwi ako sa pagtaas ng boses niya.


"Stop overreacting, it's your fault."


Nalilito niya akong tiningnan, "Kasalanan ko?"


Detalyado kong ipinaliwanag sa kanya ang mga nangyari at tanging halakhak lang ang nakuha ko mula sa kanya.


"P'wede ko na palitan si kupido," biro niya at hindi matigil sa kakatawa.


Tumingin ako sa relo ko nang mapansing matingkad na ang dilim sa labas.


"Sleep na, Lacey. Araw-araw ka raw late," nakataas ang kilay ko habang hilaw naman siyang ngumiti.


Of course, she's guilty!


Hindi na siya umalma, tumango na lang siya at dumiretso sa kanyang silid.


Nang mapag-isa ay naramdaman ko muli kung gaano kalaki ang aming tirahan para sa dalawang tao. Well, tatlo sana. 'Yon nga lang ay hindi rin ramdam ang presensya ni mommy. We rarely see her in this house. Or does she even go home? Maybe? Trice a month is almost impossible for us to see her around.


I miss my mom so much, but I'm also thankful of our set-up nonetheless. Because regardless of what she has become, I still don't want to hate her. She's my mother afterall.


Kinabukasan, I gather enough courage and confidence to attend the practice.


"Again! Hindi na naman kayo sabay-sabay!" hiyaw ng dance instructor namin at kanya-kanyang kamot sa ulo ang mga kasama ko.


Kanina pa natapos ang parteng lalaki sa practice nila dahil basics steps lang naman ang mga iyon. Dahil doon ay malayang nakikita ni Evangelista ang bawat pagkakamali ko.


I almost arrive at the conclusion that he's the reason why I keep on messing up. Na marahil ay distracted lang ako sa titig niya. Well, I remember swearing that I wouldn't embarrass myself, at least not on his watch.


But how will I ever feel uncomfortable with those gentle gazes?


It's the lack of skills talaga. Tanggap ko na wala akong ibang masisisi kung hindi iyon.


Hilaw na lang akong ngumiti nang magkamali muli sa pagikot. Muntik pa akong mawalan ng balanse nang tila magbuhol ang mga paa ko sa simpleng pagikot.


"Miss Saldua, come here!" sigaw ng instructor namin.


Gumapang ang kaunting kaba sa dibdib ko habang humahakbang. Mula sa nanlalaki niyang mata at namumulang mukha na parang bombang naghihintay na lamang sumabog.


Nanatili akong nakayuko nang makarating sa harap niya. Dumiretso ang tingin ko sa dulo ng stick na hawak niya bilang pang command. Nagsimulang manginig ang katawan ko.


"Miss Saldua!..."


When I hear that, I automatically close my eyes tightly. Mahigpit kong pinaghawak ang mga kamay ko. Matatapos din ito, it will take only a few hurtful words and curses. And that stick won't hurt, you're stronger than that. I keep on assuring myself, chanting it like a prayer.


"Those are the basic steps yet you keep on messing up! If you're doing it on purpose then you better —"


"Sir Jazz!" napamulat ako sa sigaw ni Evangelista.


Hindi na ako nag-abalang lumingon dahil ilang saglit lang ay naramdaman ko rin ang mainit niyang palad sa nanlalamig kong likod. Nag-iwan ito ng dawang marahang tapik bago ako lampasan at lapitan ang instructor namin.


Habang pinapanood siyang kausapin ang instructor ay unti-unti na ring kumalma ang sistema ko. His eyes too...never left mine as he speaks. Ni wala na akong maintindihan sa nangyarari.


The only thing I know is he stood up for me, those words he's saying now are for me, those empathetic gestures... were only for me.


Natapos ang kanilang pag-uusap sa isang tango ni Sir Jazz. Lumapit siya sa akin at marahan akong iginiya sa gamit ko.


"Go home and rest. I'll help you tomorrow."


Iniabot niya sakin ang bag ko ngunit nanatili lang akong nakatingin sa kaniya.


"What's wrong?" he asked softly. As if cutting an onion, those words causes my eyes to tear up on its own. Umiling ako.


I blink twice and smile.


"Thank you..."


He has certainly lived up to his second name.


"Halo."


•••


iheartyou

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro