02
Sandwich
He's a weirdo, that's for sure.
"Uy Sky, anong sabi?" agad na usyoso ng kapatid niya.
Iyon nga ang hindi ko maintindihan. He said 'sure' and answer my question with a simper. I don't know what's up with him. Matapos ay umalis na ang wirdo.
"Did he confessed?" tanong niya kaya't lalo akong naguluhan.
"Confess?"
"Ay hindi pala," agad niyang bawi at hilaw na tumawa.
"He likes me?" I asked her.
"Eh?" she trailed off. "Did I say that?"
"Then he really likes me, huh," I declared.
Nahagip ko ang problemadong mukha ni Airelle. I think she's really bothered with what his brother said to me. Isinantabi ko na muna ang iniisip at hinila siya paupo sa bench.
I told her his problem about her.
"Hay, I already warned him. Hindi niya kailangan maki-alam dito."
"Maybe he's just concerned," komento ko.
"I know. But mas lalong magagalit sa kanya ang mother ko kapag nadawit siya dito kung sakaling magkagulo."
I sighed and nodded. On different directions, they both have their points. Like a tug of war in reverse, they're both trying to pull a rope, but the catch is, they have to secure the red mark in its place... protecting it not to cross the line.
I spend my weekend racking my brain to help my friend. It's the least thing I can do for her right now.
In my mind I thought that if I can't stop her then maybe I should just make it easy for her. Kaya't nang sumapit ang lunes, I am eager to stop his brother from making things harder for her.
If I need to lock him up with myself just so he cannot bother them, I'd do that. At agad akong nabusog ng mga sinabi ko sa unang araw ng linggo.
"Hindi nga p'wede," may inis na sabi ko sa ikatatlong beses.
Iniharang ko na ang sarili sa pinto ng AVR para hindi siya makapasok ngunit talagang mapilit siya at walang kapaguran.
"May kailangan lang akong kunin," mahinahon niyang tugon.
Saglit akong pumikit, pilit hinahabaan ang kakarampot na pasensya.
"Can't you just get it later?"
Ngumisi siya. "I want it right now."
"Oh, please!" asik ko.
Lalong naningkit ang mga mata ko. We both know that he just want to interrupt her sister's time with her boyfriend.
"May tinatago ka ba loob, Saldua?"
"Wala!" agad kong sagot. That kinda sounds aggressive.
"Then just let me in," mahinahon pa rin siya.
Naghagilap ako ng rason para matigil na siya. Natataranta na ako nang walang makapang excuse.
Should I say there's a ghost there? He won't buy it, I'm sure. Tiningnan ko muli siya habang bahagyang nakataas ang isang kilay, naghihintay ng sagot.
I breathe out the tension at mahinahon siyang hinarap.
"My friend is having a special exam inside and she needs to focus, so please..." itinulak ko siya ng bahagya gamit ang dalawang daliri.
"Do me a favor and just get out of here."
Hindi siya gumalaw, he just stood there, staring at me.
"I don't want to..."
Halos matampal ko na ang noo ko sa harap niya. Oh God, I need more patience.
"But I'll wait, until she's done."
Saglit pa akong nag-isip bago tumango at umupo sa isa sa mga armchair sa may gilid ng pinto. Sumunod siya at umupo sa tabi ko.
Tahimik lang kami habang naghihintay at hindi ko rin maiwasan ang panay na pag-check ng oras. Forty five minutes lang ang breaktime at hindi kami p'wedeng ma-late sa susunod na subject.
Medyo mahaba pa ang oras at maaari pa sana akong sumaglit sa caf pero dahil kay Evangelista ay hindi ko na yon magagawa.
Ipinikit ko na lang ang gutom. Kaya ko naman labanan, h'wag lang akong makaka-amoy o makakakita ng...pagkain.
Ineensayo ko pa lang ang utak ko ay naidilat ko na agad ang mata ko sa pamilyar na aroma. The smell of sandwich na laging baon ni Airelle. Isang sulyap sa tabi ko at agad ko iyong nakumpirma.
I close my eyes again. Ilang segundo lang ay may naramdaman ako sa dulo ng daliri kong nakapatong sa mesa ng bangko.
Agad ko siyang hinarap nang makitang iyong sandwich iyon.
Ngumisi siya, nanliit ng kaunti ang mata. "What?"
"What's this?" I asked him.
Agad siyang tumugon. "A sandwich,"
I groaned and gawk at him.
"You can have it," bawi niya.
"No, thanks." tanggi ko at nag-iwas ng tingin.
"Maraming nagugutom tapos itatapon mo lang ito."
"Edi pakainin mo," bulong ko. "Hindi ko naman itatapon, ah."
Nagkibit-balikat siya. I rolled my eyes and grab the sandwich. Ito ay hindi dahil hindi ko na kaya ang gutom, ito ay dahil hindi dapat nagsasayang dahil marami ang nagugutom.
Tumango-tango ako sa sariling isipin.
I opened it and it was sliced diagonally so I just took one and give him the half. Kinuha din naman niya ito.
"Thanks,"
Habang kumakain ay narinig ko ang halakhak ni Airelle sa loob kaya napangiti ako. Pinakiramdaman ko rin ang katabi ko at wala naman siyang ginawa.
We both stay silent as we finish our slices. Luckily, walang dumadaan dito sa mga oras na 'to dahil hindi tapos na ang breaktime ng juniors. I'll be in trouble if they see us together. You know, girls adore him so much.
Napansin ko na sumusulyap-sulyap siya sa relo ko, tinitingnan ang oras.
"It's ten forty-seven na." tumango siya at tumayo.
"I think I need to go," aniya. Napaahon ako sa kinauupuan. Yes!
I was grinning like an idiot when he turned to me.
"See you sa practice. Wednesday, gymnasium."
"Practice?"
"Yes. Dance practice for the friendship ball."
"Ah...wait. Hindi ako kasali r'on." alma ko.
"Nasa list ka."
What?
"Paano nangyari yon? Hindi ako nagpalista." taranta kong sabi.
That's impossible. Bakit naman ako magpapalista, ni hindi ko nga alam kung a-attend ako.
"That's because I am on the list, and you're my date automatically —"
"What?" I cut him off. "When did I become your date? Oh... so you really like me, huh."
The nerve of this guy to proclaim that I'm going to be his date! Tama nga ako, he really likes me. Napailing na lang ako.
He simpered. "Last friday, sa park. You asked me to be your date, remember?"
Lumaglag ng panga ko sa sinabi niya. Natulala ako at nag-isip. There is no way I'm gonna ask him to be my date.
Hmm...last friday. We really met sa park and talk a bit. I recalled our conversation, we argued until Solace called. I didn't even say anything weird—
"F*ck!" nanlaki ang mata ko sa reyalisasyon. Napahawak ako sa labi ko at napapikit ng mariin.
Ugh, so stupid! That's why he said 'sure', because he thought I asked him to be my date. I can't believe this, really.
I heave a sigh. Sa tingin ko ay namumula na ako sa hiya. I even mentioned about him liking me.
"This is just a misunderstanding, please..."
"Even so, it's already official. Ipinalista ko na." ngisi niya.
Wow! Just wow. Just how...how did things end up like this.
"And don't worry, I won't assume that you like me." asar niya
Hilaw akong ngumiti sa kanya. Sa dinami-dami ng taong p'wede kong gawan ng kahihiyan, bakit s'ya pa?
Hindi ba ako p'wedeng himatayin now, Lord?
•••
iheartyou
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro