Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Live or Die (Francesca)

Sa bawat lalaking gumagamit sa katawan niya, hindi na mabilang ni Francesca kung ilang butil na ba ng luha ang nailabas ng mga mata, kung ilang beses na siyang sumigaw sa pagmamakaawa, kung ilang beses na niyang inilabas ang hinaing na tila walang nakakarinig sa kanya.

Bawat araw na nagdaan, bugbog ang kanyang katawan sa suntok, sampal, hampas at higit sa lahat ang pagkababae niyang tila namanhid na sa pagbabayo ng kung sino-sinong lalaki.

Nakakatawang isipin kung paanong lumiko sa ganito ang tahimik niyang buhay. Dati'y tiga subaybay lamang siya sa lalaking hinahangaan, hanggang sa naging karelasyon niya ito at hindi naglaon ay nauwi sa hiwalayan dahil nakabuntis ito ng iba.

Ngayon nagsisisi si Francesca kung bakit hindi siya nanatili ng kahit na ilang oras lamang sa China, kung pinakinggan niya sana ang mga paliwanag ni Dylan o kaya'y naglaan siya ng oras para linawin nito ang lahat sa kanya, kung hindi siya nagmadaling umuwi at naging matigas ang ulo sa pagpupumilit na lusungin ang sama ng panahon, hindi na sana siya umabot sa ganito. Hindi sana siya nasa kinalalagyan niya ngayon.

“Tapos na ba kayo?” Tulala ang kanyang mga mata at mabigat sa mga namuong luha, pero gising na gising ang diwa ni Francesca. “If you're done, y-you can go...”

Ngumisi lang sa kanya ang dalawang lalaki na kasalukuyang nagbibihis na. Ang gapos sa kanyang kamay ay pahigpit ng pahigpit. Natatakot yata ang mga hayok na terorista na baka makawala ang babaeng tinuring nilang parausan sa Islang ito.

Tanggap na ba ni Francesca ang kapalaran niya?

Hindi.

Kailanman hindi niya tatanggapin ang sinapit niya sa lugar na ito. Kung wala ng paraan para makatakas siya at kung dito man siya mamatay, pwes hindi niya hahayaang manahimik ang mga hayop na bumaboy sa kanya lalong lalo na ang lalaking nagdala sa kanya sa lugar na ito dahil hanggang sa kamatayan niya, hindi niya patatahimikin ang mga lalaking ito.

“Hi!”

Nanlalabo man ang mga mata alam niyang ang boses na iyon ay pagmamay-ari ng babaeng Doctor na tumangging tulungan siya, ang pinsan ng lalaking nagdala sa kanya rito.

“Lilinisan ulit kita kaya kakalagan kita ng tali.”

Ngumisi si Francesca ng mapait kahit na nanghihina. “If you think that the water was divine to clean my heart and soul and also your guilt... Go ahead and c-clean me...”

“I'm not saying that by cleaning you, you can go back to the old you. Hindi ba't sinabi ko na sayo na tanggapin mo na ang kapalaran mo rito dahil wala ng ibang paraan para makatakas ka sa Islang ito kundi kamatayan mo?”

Easy for you to say kasi hindi ikaw ang nasa kalagayan niya ngayon.

Hindi na lamang siya umimik dahil wala na siyang lakas para magbitaw pa ng kahit na ano dahil alam niya sa sarili niya na kahit na anong hinaing ang bitiwan niya, mananatiling bingi ang mga tao sa paligid niya.

“Pakidala na siya sa palikuran ko.”

Napalunok si Francesca, may lalaki na namang hahawak sa kanyang hubad na katawan. Isipin niya pa lang iyon ay nagsisimula na siyang manginig. Sa takot o sa pandidiri?

Pinikit na lamang niya ang kanyang mga mata. She was trying to control herself not to feel the touch of a stranger at sa pagmulat ng kanyang mga mata, nasa loob na nga siya ng palikuran ni Daisy.

Nakababad ang kanyang maduming katawan — no, ang kanyang maduming pagkatao sa malinis na tubig.

Nagpaalam si Daisy sa kanya na kukuha lamang ng kung ano. Hindi niya iyon pinansin because in the first place, she wants to be alone. She wants the peaceful sound of the calm wind, she wants to walk away from this pain.

Napalingon siya sa kanyang gilid, may mesa roon at doon niya nakita ang isang maliit na salamin.

“Kamatayan mo lang tanging paraan para makatakas sa islang ito.”

Wala sa sariling pinukpok niya iyon sa mesa hanggang sa mabasag ng tuluyan. The shards of the mirror is enough to take her own life.

Ipinuwesto niya iyon sa kanyang pulsohan at walang habas na hiniwa ang sariling balat hanggang sa tamaan ang kanyang pinakasensitibong ugat.

It's a pity not seeing her family before she die.

♡♡♡

A/N: Sa mga nag avail ng pre-order ng PDF ng NAKED: Francesca's Torture Oct 20 ng gabi ang distribution pati ang TOUCH (Queen Helena Aisne's Story) eggzoited na kayo? Hihi ♥

With Love,
Torture Empress

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro