Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

B.R.C


She was walking at the hallway. Lahat nakatingin sa kanya, lahat may pagtatakang nakaukit sa mukha. She's someone that no one else know, even her friends, maybe even her family. Buong buhay niya pinilit niyang tanggapin ang lahat matapos niyang malaman ang totoo, ang totoo sa buong pagkatao niya, ang totoo sa nakaraan niya.

She wants to laugh sarcastically, alam na niya kung bakit over protective ang mga magulang niya sa kanya. They wants her to just study at home para mas mabantayan siya ng mga magulang niya pero ayaw niya gusto niyang mabuhay ng normal. Iyong walang madilim na nakaraan.

“Belleza! Belleza!”

Lumingon si Belleza nang marinig ang pamilyar na boses ng pinsang si Riz. Humahangos itong lumapit sa kanya at hinila ang braso niya.

“T-teka Riz! May klase pa ako.” Nahuhulaan niya na kasi kung saan siya balak dalhin ng pinsan.

Nakangisi itong lumingon sa kanya. “Cutting muna tayo! May pupuntahan tayo.”

Hinila siya nito hanggang sa makarating sila sa likod ng school at doon umakyat sa puno ng acacia. Madalas nila itong gawin ni Riz kapag nagcu-cutting classes sila. Kaya naman kasi nilang talonan ang kabilang bakod ng school.

“Riz! Baka hanapin na naman tayo ni Fuerte.”

Hinila na siya ni Riz paakayat. “Hindi 'yan saglit lang tayo!”

Marahas na nagbuga si Belleza ng hangin bago sumunod sa pinsan. Wala naman siyang magawa, alam niyang bukod sa kakambal niya si Riz ang nagtyatyaga sa kanya.

Nakatalon sila sa bakod, palabas ng school. Village na ang bandang iyon. Muli siyang hinila ni Riz pero bumitiw siya sa pinsan nang mapansin niya ang sintas ng kanyang rubber shoes bakit ba naman kasi nag PE uniform siya ngayon e!

Hindi naman siya napansin ng pinsan niya at nagtuloy tuloy lang ito sa pag aakalang nakasunod lang siya. Napailing si Belleza at saka lumuhod ng bahagya upang maayos ang sintas ng sapatos niya.

Iniisip niya, siguradong mapapagalitan na naman siya ng Daddy niya kapag nagsumbong si Fuerte na sumama siya kay Riz.

Nakarinig siya ng malakas na pagbusina ng sasakyan. Hindi niya iyon pinansin kaya nang mag angat siya ng tingin laking gulat niya ng makita ang papalapit na sasakyan sa kanya.

“Belleza!!”

Hindi siya nakagalaw. Ang buong akala ni Belleza ay maabutan siya ng sasakyan. Nakahinga lamang siya ng maluwag ng huminto ito, gahibla ang layo sa kanya.

Galit na bumaba ang may ari ng sasakyan. Matangkad na lalaki iyon at maputi, pansin sa chinito nitong mga mata at matangos na ilong na may halo itong lahi.

“You kid! Are you deaf?! Hindi mo ba narinig ang busina ng sasakyan ko!?” He is really mad.

Hindi alam ni Belleza pero bigla na lang siyang nawalan ng malay.

xxBellezaRachellaCostallesxx

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro