
Chapter 9
Chapter 9
MONDAY ROUTINE
[SWEETIE]
ABALA ang lahat dahil Lunes na naman. Kahit ako narito sa mismong opisina ko at abala sa mga papeles na nasa harapan ko.
Ang dami pa! Nagugutom na ako. Nag unat na ako at inikot-ikot ang ulo ko sa kadahilanan napapasubok ako sa dami ng gagawin ko ngayong araw. Ang dami rin kasing binigay sa akin ni Sir Kiel. Ang masaklap tinambak niya pa rito. Ang lalaking iyon ang magpapatanda sa akin nang maaga.
"Ms. Sweetie, ito pa raw po sabi ni Sir. Kiel." Biglang pasok at lapag ng iilang mga papeles ni Mr. Gong sa akin. Hindi na nga ito kumatok dahil nakabukas ang pintuan at dahil marami siyang dalahin.
"Kailan daw ang dealine ng mga ito?" takang tanong ko bago niya ako lisanin.
"This week daw lahat ng iyan. Mamaya raw before mag-lunch daan ka muna sa opisina niya. May sasabihin daw siya." Tugon nito at nagpaalam na rin na umalis.
Ganito sa opisina namin kapag Lunes, tipong madalian ang pag uusap 'di bale na lang kapag sobrang importante, maglalaan ng panahon at oras para masabi nang maayos. Pero kapag simple naman madalas gagamitan mo talaga ng common sense.
Wala rin naman kaming choice dahil trabaho ang usapan dito. Hindi naman sila sobrang higpit, ang kagandahan sa kompanyang ito binibigay nila ang nararapat na benepisyo para sa mga empleyado nila ang kaso lang madami lang talagang gawain at mga responsibilidad.
Kaya wala akong sinayang na oras, tinapos ko ang mga kayang tapusin bago sumapit ang lunch break, dahil ang totoo niyan tumutunog na ang sikmura ko, pakiramdam ko nagwawala na ang mga alaga ko sa loob ng tiyan ko.
Sa wakas, natapos na ron. Kaso may iba pa pala, mamaya na lang pagkabalik ko.
Inayos ko na ang sarili ko dahil dadaan pa ako sa opisina ni Sir Kiel. Ano na naman kaya ang ipaguutos 'non? Madalas kasi ang dami pero ang kagandahan naman mabait at sweet siya este hindi, mabait lang pala na gwapo.
Tumayo na nga ako at nagligpit pagkatapos din ay dumiretso na ako sa opisina niya. Hindi naman ito kalayuan kumbaga nasa kabilang palapag lang naman ito. Gumamit na lang ako ng elevator para mas mapabilis pa dahil nagugutom na rin ako.
Ilang minuto lang din at nandito na ako. Kumatok muna ako bago pumasok sa kaniyang opisina. "Hello po Sir! Pinapatawag ninyo po raw ako?" takang tanong ko na kasalukuyan na akong nasa loob.
Nadatnan ko siyang abala sa kaniyang ginagawa. Ang sipag mo naman, Sir!
"Have a set, please. May tatapusin lang ako." Seryosong tugon nito. Wala akong choice kundi sundin siya at maupo na lang muna sa sofa na mayroon doon.
Habang naghihintay inikot-ikot ko muna ang mga mata ko sa paligid. Ang ganda ng opisina ni sir, sobrang organized bukod dito may uniform ang bawat bahagi dahil sa kulay. Black, White and Red lang ang kulay na napapansin ko sa paligid. Hindi naman masakit sa mata kundi nakakaakit ang kabuoang opisina.
"Sweetie, mamaya ka na kumain sabay na tayo." Tuloy pa rin siyang nagtytpe sa laptop niya habang ako naman ay nawindang sa offer niya.
Talaga ba? Siya sasabay sa akin? Bakit?
"Malapit na talaga akong matapos, give me a some minutes more." Pakiusap nito. Hindi ko alam bakit pa siya nakikiusap , kung tutuusin naman wala akong sinasabi at willing naman akong maghintay dahil iyong ang dapat kong gawin at ipakita.
"Take your time po, Sir. Kahit anong oras po talaga, okay lang." Pang aasar ko sa kanya, nais ko lang malaman kung anong i-ire-react niya sa akin.
At bigla niyang sinarado ang laptop niya. "I'm done!" kaya nag-focus na ako sa kanya dahil ang sabi sa akin ni Mr. Gong may sasabihin siya. Hinintay ko muna ito na mapansin din ako.Pero bakit ganito ang nakikita ko masyadong masarap este ang pogi ng boss ko ngayon. Inalis ko iyon sa isip ko dahil hindi maaari.
Nag-unat muna ito atsaka tumayo. Hinayaan ko lang si Sir Kiel pero sa totoo lang panay na ako tingin sa relo ko.
Sir, ano na ba? Gutom na po ako... Tama na pagpapapogi sa harapan ko.
Lumapit ito dahilan para mapatayo ako ng wala sa oras. At dahil sa pagkabigla ng ginawa niya, napaatras ako sa lamesa niya dahilan para mapaupo ako roon. "S-Sir..."
Matalim ang tingin niya na para bang isa akong bagay na gusto niyang tupukin ng taglay niyang init.Sumabay pa ang sunod-sunod na kalabog sa puso ko. Lumapit pa ito dahilan para mas double ang kabang nararandaman ko ngayon. Ngunit niyakap niya lamang ako.
Nahirapan ako sa posisyon ko kaya umayos ako at tumayo para naman mayakap niya ako nang maayos. "I'm tired, Sweetie." Bulong nito dahilan para maramdaman ko ang dinadala niya. Tinapik ko na lamang ang kaniyang likuran para naman mabawasan ang bigat ng dinadala niya.
Ngunit parang may kakaiba, nararamdaman ko ang malilikot niyang kamay sa kung saan. Dahan-dahan niyang dinampi ang labi niya sa mapula kong labi.
Uhmmm...
Wala ako sa sariling napaayon sa ginagawa niya, malumanay ang bawat galaw nito ramdam ko rin ang init ng kaniyang mga labi.
Sinubukan kong magsalita, "Sir Kie—" pero baliwala sa kanya ang pagtawag ko dahil hindi niya ako pinatapos kundi sinunggaban niya ako ng kakaibang paghalik.
Hindi ko na alam ang nangyayari, basta't ang alam ko napapasabunot ako sa ginagawa niya. Madiin ang sumunod niyang halik na para bang puno ng pag aasam.
"I miss you but I want this." Sabay turo niya sa labi ko. Napalunok ako sa ginawa niya, nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa maamo niyang awra.
Akala ko tapos na ang balak niya pero hindi ko inasahan ang sumunod niyang ginawa. At dahil naka-pencil cut na palda lang ako, nararamdaman ko ang kamay niyang pinapasok ito.
"Ugh, Sweetie!"
"S-Sir K-Kiel...U-Ugh!
Akala ko gagawin niyang pagnasaan ito pero inalis niya rin ang palad niya at niyakap ako.
"I will eat you later, I mean, let us lunch first." Bulong nito at tsaka binababa ako mula sa lamesa, pagkatapos ay hinalikan niya ako sa noo.
Tila napipi ako sa eksenang ginawa niya.
Teka, ano raw? He will eat me later?
Ilang segundo rin akong natulala pero kalaunan ay natauhan ng hawakan niya ang kamay ko.
Bumulong ito, "Be ready after our lunch break, because you are mine." Nakagat ko na lamang ang ibaba kong labi at sumunod na lamang sa paglalakad niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro