
Chapter 7
Chapter 7
FIRST DATE
SA hindi inaasahan nagkita sila ulit, naguluhan pa nang kaunti si Alexa dahil anong ginagawa ni Shello sa mismong Kin Chinta Restaurant. Wala ng ligoy-ligoy at nagtanong ito, "A-Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ng dalaga sa nakaupong ginoo.
"Hi Miss Tenaryon! Welcome here." Masiglang bati nito at napayuko pa bilang paggalang.
Natawa naman si Kiel sa ginawa ng kaniyang katiwala dahil naging kwela na naman ito sa harapan nila. "Thank you Jon for waiting us. Okay, you can eat anything, now!" Seryosong saad ng boss nito at napatalon pa nang bahagya ang lalaki at nagpaalam sa kanila.
"Shems! Katiwala mo nga pala si Shello! Ugh! Nawala sa isip ko. Pero teka, naghintay siya kanina pa?"
"Yes my sweetie! Kaya kahit anong gusto niyang kainin pwede." Napatango na lang si Alexa sa pagkamangha dahil talagang galante ang kaniyang boss pero hanggang ngayon hindi niya maintindihan ang gagawin nila ngayon. Hindi niya nanan gustong bigyan ng kahulugan ang mayroon sila ngayon pero para saan nga ba ang paglabas nilang dalawa?
Naglakad na nga sila sa loob para makahanap ng magandang puwesto at sinamahan sila ng isang staff. "Dito na lang po kayo ma'am and sir para mas makita ninyo po ang magandang view mula sa labasan." Presenta ng babaeng staff.
"Sure, much better! Can we order now? Just give us the best food, drinks and desserts. We are totally hungry." Utos nito na siyang sinunod naman ng babaeng staff.
At habang palinga-linga si Alexa dahil sa kanilang paghihintay, sinira niya na agad ang katahimikan. "Sir, ano po bang mayroon bakit nandito tayo?" Inosenteng tanong ng dalaga na ikinatuwa ng kaniyang boss.
"You don't know the date today? Oh my sweetie, napakainosente mo naman ngayon. This day is our first date." Buong galak nitong tugon.
"F-First d-date?" Laking gulat niya kaya't napasigaw siya at napatayo. Ngunit napaupo rin bigla dahil napagtantong pinagtinginan siya ng mga tao roon.
"S-Sorry po..." "Kasalanan mo 'to sir." Bulong nito na siyang ikinatawa ng boss niyang kaharap niya ngayon.
"Silly girl, calm down. Ikaw lang niyaya ko ngayon. Mamaya na tayo mag usap, the food will serve na. Ayan na sila." Turo nito at nilapag na sa kanilamg lamesa ang iba't ibang klase pagkain, inumin at pati ang desserts na nais nila.
Nanlaki ang mga mata ng dalagita sa nakita nito, hindi niya inasahan na sobrang dami ang ihahanda sa kanila. "Atin lahat po ito, sir?" tanong nito.
"Yes, ating lang. Stop calling me sir okay? Just call me Kiel, hindi talaga ako komportable sa pagiging magalang mo."
"Pero po si—"
Pinutol ng boss niya ang sasabihin nito at sinalpakan na lamang ng pagkain sa bibig nito, wala naman nagawa ang dalaga kundi kainin at nguyain ang naisubo sa kanya.
"Kumain na muna tayo at alam kong gutom ka na rin." Nagpasalamat na rin siya sa mga waiters na naghanda sa kanila. At dahil masunurin si Alexa, ginawa niya na lamang ang sinabi ng kaniyang boss na si Kiel, sunod-sunod na pagkuha at pagnguya ang ginawa nito na para bang walang bukas.
"Hey Sweetie, dahan-dahan naman. Alam kong gutom ka pero relax, marami tayo niyan." Pigil ng boss niya pero tila bingi yata ang dalaga at patuloy pa rin sa pagkain nito.
"You never change... A cute mo pa rin kumain at ang takaw mo."
Napahinto ang dalaga sa narinig niya, "T-tubig..." Inabutan agad siya ng maiinom dahil bigla siyang nabilaukan.
"Damn! Are you okay?"
"Y-yes sir! I mean Kiel, nagulat lang ako. Napansin ko kasi lately na may sinasabi ka palagi na tamang-tama sa personality ko? Are you a stalker?" Napatunganga ang boss niya at natawa sa sinabi niya. "No I am not! Later I will explain to you everything, let just eat first."
Tumango na lang ang babae at sumubo ulit ng pagkain. Kahit na maraming tanong ito sa kaniyang isipan, sinunod niya na lamang ang kaniyang boss dahil kahit naman mangulit pa siya alam niya na rin ang isasagot nito. Nakakalito man para sa kaniya ang mga sinasabi at pinaparamdam nito, iniisip niya na lamang na trabaho ang lahat.
Kumain nang kumain si Alexa na para bang hindi nabubusog, kahit na tapos na ang boss niya pero siya kumakain pa rin ng dessert na leche flan.
"Sir este Kiel salamat sa brunch ha? Nabusog ako. Pero may leche flan pa ba? Bitin kasi ang sarap... Mga dalawa pa sana." Hingi nito na siyang ikinangiti ng boss niya.
"This is our breakfast, not brunch. Sure! Tatawag ako ng waiter para mabigyan pa tayo. Wait a minute." Tumawag na nga siya ng waiter at nag order ulit ng request ng dalaga at habang inuubos ng dalaga ang leche flan na natira sa unang kinakain niya hindi niya mapigilan na titigan ang boss niya. Ano bang rason mo para gantuhin ang trato sa akin? Pero para kang leche flan ang sarap este wala ano ba naman self!
"Stop looking at me, I know I am handsome." Pagyayabang ng boss niya dahilan para tumaas ang kilay ng dalagita.
"Asa ka sir este Kiel. Ano ba naman 'yan nakakalito ka!" Inis nitong sabi dahilan para matawa sa kanya ang boss niya at dumating na rin ang lechen flan na order nila. "This is two lechen flan ma'am and sir, anything else that you want?" The waiter asked.
"Nothing bro, just give it to her. Thanks!" Inabot naman ng waiter na lalaki ang dalawang plato ng leche flan sa harap ng dalaga. Sumilay ang magandang ngiti nito at nagpasalamat sa lalaking nagbigay sa kaniya.
"You may go!" Iritableng inis ng boss niya sa waiter na lalaki .
"Sorry po sir!" Umalis na nga ito habang matalim ang tingin sa dalagita.
"Stop being sweet to other men." seryosong sabi nito at inayos ang kaniyang necktie.
"Alam mo Kiel, ang OA mo! Nagpasalamat lang ako, oh ayan kumain ka na lang din." Sinubuan na lang ni Alexa ang nakasimangot niyang boss at kinain naman nito ang binigay niya.
Nagpasubo pa nga. Ang arte rin talaga nito.
"Ito sir oh, use my spoon na. Masarap talaga ako este 'yang leche flan."
"Subuan mo ako... Please?" Pagmamakaawa ng boss niya na para bang bata na humihingi ng candy sa Ina.
"Nako Sir Kiel, may kamay ka po. Gamitin mo 'yan!" Sabay bigay sa kamay nito ang kutsara para kumain na lamang mag isa ang boss niya.
Walang nagawa ang boss niya kundi kumain mag-isa at natawa sa kaniya ang dalaga dahil sa ikinilos nito.
"Stop laughing!" Pag-awat niya sa dalaga na pilit naman pinipigilan ni Alexa. "Ang cute mo po kasi sir este Kiel."
"W-What do you say?"
"Nothing sir." Ang gwapo mo kaso bingi ka. Bulong nito dahilan para pingutin siya sa ilong ng kaniyang boss.
"Alam mo ikaw, bubulong-bulong ka pero rinig ko naman. I know, matagal na." Kindat nito sa dalaga sabay piningot muli ang sarili.
"Aray! Napaka mo talaga Sir Kiel." Hinampas-hampas niya ito sa braso.
Ngunit hinawakan agad ni Kiel ang magkabilaang kamay nito. Tumingin sa maamo niyang mata at sinabing, "Thank you, Sweetie for this day. I am happy to be with you. Thank you for accepting my invitation for dating with me." Malambing nitong boses na siyang ikinabilis ng tibok ng puso ng dalaga. Sa sobrang bilis, nanlamig ang mga kamay niya at hindi agad nakapagsalita.
Hahalikan na sana ng kaniyang boss ang kamay niya pero napagtanto niyang hawak pa rin pala ito, dali-dali niya itong kinuha at umiwas ng tingin.
"It's okay Sir Kiel, este Kiel. Always welcome." Tipid niyang sabi na para bang inaalis sa sistema niyang parte lang lahat iyon ng kaniyang trabaho.
Subalit ngumiti ang ginoo, "I know nakakabigla ang mga ginagawa ko pero soon malalaman at maiitindihan mo rin. I am happy to be with you again, Sweetie. Happy Valentine's Day!" Sabay abot ng bouquet of flowers of gumamela and different types of chocolates na nasa box.
"Para sayo lahat ng 'iyan. At sana naging masaya ang araw mo ngayon."
Ano bang mayroon tayo, Kiel?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro