
Chapter 4
Chapter 4
I MISS YOU
LUMIPAS na ang taon ngunit naalala niya pa rin ang mukha ng dalaga. Pakiramdam niya mas lalong gumanda ang dalaga at mas nabuhayan pa ito ng tanggapin ang alok niya bilang ka-date nito ngayong gabi. Iba't ibang pakiramdam ang mayroon siya ngayon pero mas nangingibabaw ang saya sa kanyang mga mata.
Higit sa lahat sumilay ang matamis nitong ngiti.
Tila nawala pa siya sa kan'yang sarili ng masilayan niya ang tunay nitong kagandahan nang malapitan. Kasalukuyan na silang nasa Jesyui Palacio, kung saan magaganap ang grand party. Hindi niya akalain na makikita niya ang babaeng minahal niya ng halos dalawang taon at ngayon na kasama niya na ito, lahat ay gagawin niya upang magbalik ang lahat at mabawi ang para sa kanya.
Habang naglilibot sila sa loob ng Jesyui Palacio, wala siyang ibang makita na bukod tangi kundi si Alexa. Nais niya sanang manatili sa tabi nito ngunit dumating na rin ang mga iba't ibang panauhin na kailangan niya rin asikasuhin. Ayaw niya sanang humiwalay sa dalagita ngunit kailangan niya pa rin i-balanse ang kaniyang oras kahit nasa party sila.
Babalik ako mahal kong Sweetie. Sorry aalis muna ako, mag enjoy ka muna riyan.
Tuluyan na nga siyang umalis na hindi man lang napansin ni Alexa dahil dagsaan na rin ang mga tao rito. Ginawa na rin ni Kiel ang mga kailangan niyang gawin, marami rin kasi itong kakausapin. Hiling niya rin na sana hindi umalis si Alexa kung nasaan man ito, dahil ayaw niyang mapunta ang dalaga kahit kaninong lalaki.
"Hi Kiel! Nandito ka pala, ang gwapo mo naman." Mapang-akit na turan ng isang magandang babae na ka-trabaho niya sa kanilang kompanya. Ito ang kanyang kinaiinisan dahil hindi niya gusto na palaging umaaligid. Parang linta kasi ito kapag nagkikita silang dalawa. Siya kasi ang gustong mapangasawa ng kaniyang Ama ngunit ayaw nito.Kasalukuyan na ngang nakayakap ang dalaga na para bang sabik sa nobyo.
"Lubayan mo nga ako, Sarah! Hindi ikaw ang pinuntahan ko rito kundi ang mga panauhin na may kinalaman sa pakikipagkaisa sa Jeysui Incorporation. Kaya p'wede ba, lubayan mo'ko!" Iritableng sagot nito at inalis ang braso ni Sarah mula sa pagkakapulupot sa kaniyang bisig at tuluyan na siyang umalis.
Nakakainis talaga yung babae na iyon. Bakit ba siya imbitado ni Daddy. Hindi na ko natutuwa! Mamaya ko na nga lang kakausapin ang mga bisita. Hahanapin ko muna si Sweetie. Nasaan na kaya siya.
Sumimangot ang babae ng lisanin siya ni Kiel, pero kahit ipagtabuyan ito ng binata ng maraming beses ay wala siyang pakialam. Sapagkat para sa kanya kailangan niya si Kiel para maisakatuparan ang mga plano at hiling niya.
Paikot-ikot na si Kiel at hinahanap si Sweetie. Sunod-sunod na pagsinghal ang pinakawalan nitonsa ere dahil sa inis. Subalit napawi rin ang nga ito nang makita niya ang dalagita. Nakita niya ang pagiging inosente ng dalaga ng marinig niya ang mga bulong nito. Kaya dahan-dahan siyang lumapit sa dalaga, pinakinggan at pinagmasdan muna ito.
Narinig niya ang pagkairita ng dalaga sa dalawang magkasintahan na nasa harapan nila. Napapangiti tuloy ito dahil ramdam niya ang inis nito. Dahil ang kabuoang daing ni Alexa ay ang kawalan ng respeto ng dalawang magkasintahan na kasalukuyan nagiging asukal sa kaniyang paningin ngayon.
Hinayaan niya lamang ito dahil ngayon niya na lamang ulit nakita ang reaksyon ng dalaga. Subalit kasabay ng musika ang siyang pagkilos niya. Kusang gumalaw ang mga kamay niya para dalhin siya sa gitna at isayaw. Wala naman nagawa si Alexa kundi sumabay sa galaw nito.
Hindi niya maintindihan ang nararamdaman, tila nag uumapaw ang pakiramdam niya lalo ng makita niya ng harapan ang kagandahan ng iniirog niyang si Alexa. Habang sinasayaw niya ang dalagita, nakaramdam siya ng kirot dahil sa paglipas ng tatlong taon kasabay ng relasyon nila
ay nagbago talaga ang lahat. Hindi na siya maalala ng dalaga.
Nais niyang isigaw ang bawat kataga na maaaring nagpaalala ng kanilang masasayang alaala, ngunit pinili niyang ibahin ang daloy. Alam niyang hindi pa handa si Alexa bukod dito wala talaga siyang maalala.
"Sir, bakit ba ako ang napili mong ka-date?" Biglang pagtatanong nito. Hindi alam ni Kiel ang isasagot halos mapipi muna siya ng sampung segundo bago tuluyan makapagsalita.
"Wala lang. Gusto ko na ikaw ang maging ka-date ko." Pormal nitong tugon na para bang hindi naman talaga siya sigurado sa kaniyang sinasabi.
Nag-iba tuloy ang itsura ni Alexa dahil parang hindi naman talaga siya sigurado, ngunit sa mga sumunod na pangyayari hindi inasahan ni Kiel ang mga nabanggit niya.
"You're so beautiful, my sweetie. Hindi ako magsasawang pagmasdan ka."
Nakagat niya tuloy ang sariling labi dahil sa pagkabila pero pinagmasdan niya lamang ang dalaga, nakita niya namula ang pisngi nito. Mas bumagay dahil sa blush on nito kahit kita sa mga mata ng kasayaw niya ngayon ang pagtataka at lagkagulat. Hindi naman siya nagsisisi sa mga pinakawalan niyang mga salita.
"A-Ano?" para bang nabingi si Alexa dahil sa binaggit niya pero imbes na ipaliwanag pa ang una niyang sinabi ay dinagdagan niya pa ito.
"You are so precious to me, My sweetie." malambing niyang turan sa dalaga habang dinadamdam ang liriko ng kanta.
Alam niyang mas nadagdagan ang pagkalito nito, ngunit hindi niya mapigilan ang sarili na magbitiw ng mga matamis ba pangungusap lalo na kung ito naman ay nakagawian niyang sabihin para sa dalaga.
At kahit kita sa mga mata ni Alexa ang pagkalito, hinayaan niya na lamang ito at tinuloy na lamang na isayaw ang dalaga.
Sorry my Alexa Sweetie. Hindi pa ito ang panahon para ipaliwanag ang lahat. Hindi rin ako handa para malaman mo kung sino ba ako sa buhay mo. Kapag handa na ako, hindi ko hahayaan na maguluhan ka pa at mawala ka ulit sa buhay ko.
Tanging pag ngiti na lang muna ang binigay ni Kiel pagkatapos niyang banggitin ang mga pangungusap na tila naging pananong para sa dalaga. Hindi niya na lamang pinansin ang mga sumunod nitong tanong kundi pinaramdam niya na lang ang nararamdaman niya ngayon, pagkasabik.
Miss na miss na ni Kiel ang babaeng kasayaw niya ngayon, pero wala pa siyang sapat na oras at pagkakataon para sabihin ang lahat. Alam niyang magkakaroon ng gulo naging padalos-dalos naman siya sa mga desisyon at pati sa hakbang niya. Kaya kahit sa mga simpleng kakayahan na pwede niyang gagawin, wala siyang palalampasin pa kundi mas mabuting ipakita na lamang ito kay Alexa Sweetie.
Natapos na nga ang pagsasayaw, at hinila palapit ni Kiel si Alexa at binigyan ito nang mahigpit na yakap. At sa mga oras na iyon, umikot ang mundo niya sa kanilang dalawa inabot rin ito ng mahigit kumulang sampung segundo habang unti-unting umaalis ang nga couple na kasabay nila na kasayawan.
"S-Sir Kiel? Este Kiel, p'wede na bang kumawala sa mga yakap mo?" takang tanong ni Alexa para magising sa katotohanan si Kiel na dapat niya ng itigil ang kaniyang mahigpit napagkakayakap.
"I-I'm so sorry... Let's go, thank you." Tipid na sagot ni Kiel sa dalaga hindi niya namalayan na tumagal kaunti ang pagkakayakap niya, at naiwan na lamang sila sa gitna. Subalit hindi matatawaran ang saya na naratamdaman niya, batid niyang ang bilis ng mga naging pangyayari pero para sa kan'ya nais niya na rin talaga na mahagkan ang dalaga.
Inalalayan niya pa rin si Alexa dahil maya-maya magsisimula na rin ang tunay na magaganap para sa Grand Party nila. Ngunit may babaeng nakangiti sa gilid na inaabangan silang dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro