Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

Chapter 28

HANGOUT

[SWEETIE]

I prepared a lot since I and Kiel will have a simple vacation in Baguio. Matagal ko na rin gustong magpahinga o mag-relax lalo na ngayon na unti-unti ko na rin naaalala ang lahat. I am happy to remember all of it na kasama siya.

"Love, are you ready? Let's go! Give me your things so that I can put them in my car," he said sweetly.

Kasalukuyan na nga akong nag-pack up ng mga gamit dahil isang linggo kami doon mabuti na rin sa dorm na nag-i-i-stay ang pinsan ko para atleast alam kong walang maiiwan sa bahay.

"Yes love, patapos na rin 'to!" Sigaw ko mula sa loob ng kwarto dahil si Kiel ay nasa baba at alam kong kanina pa.siya naghihintay.

Sa kalagitnaan ng pag-aasikaso ko ay biglang bumukas ang pinto. "Love?" Naglakad ito papunta sa akin at niyakap ako mula sa likuran. "I miss you," malambing niyang pangungusap. Hinawakan ko naman ang dalawa niyang kamay habang nakayakap siya sa akin. Humarap ako at hinawakan ang pisngi niya. "I miss you more, ganiyan ba ako mamiss ng isang CEO ng Renasyo Incorporation?" ngumiti ito at lumapat ang labi niya sa labi ko.

Hinampas ko ito at sinabing, "Love naman eh, ikaw talaga bigla kang nang-aagaw ng halik." Ngumiti lang siya ng nakaloloko at kinuha na ang dalawang bag na inayos ko.

"Tara na kasi, bibiyahe pa tayo, anong oras na," pagdadahilan nito at kinuha ko na lang ang susi sa lamesang nasa harapan ko at ni-lock ang kwarto. Bumababa na rin kami para i-check kung wala na bang nakabukas na kahit anong appliances dahil mahirap na lalo na isang linggo akong wala sa bahay.

"Let's go, love!" Yaya ko rito dahil okay naman na ang lahat. Ni-lock ko na ang pinto pati ang gate at diretsong sumakay sa kotse niya.

Hawak-hawak niya ang kamay ko habang papunta sa kotse niya, I can't imagine na ganito siya ka-sweet. Sana bumalik na lahat ng alaala ko, sana rin sa pagpunta namin sa Baguio may dumadagdag sa pagkakaalala ko tungkol sa amin. Nilagay niya na sa loob ang gamit namin habang ako ay diretso niyang pinasakay sa left side ng kotse sa bandang unahan kung saan magkatabi kami.

"Are you okay, love? Are you ready?" Malokong pangungusap nito. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hampasin siya sa braso dahil sa pagiging maloko niya na naman. But I liked his bad side, not because of his clingy side but he show the real him.

"Tigilan mo nga ako, love. Sige na magmaneho ka na para makarating tayo sa pupuntahan natin," pagsusungit ko.

Ngunit sa akala kong magsisimula na siya ay bigla siyang lumapit at ninakawan ako ng halik. Napatigil ako sa ginawa niya at halos 10 segundo akong natulala.

Hanggang sinimulan niyang paandarin ang kotse habang nakangisi. Pinili ko na lamang ang manahimik at tumingin sa labas. This man need a punishment!

*****

Kasalukuyan pa rin namin binabaybay ang daanan patungong Baguio, bawat nadadaanan namin ay maraming puno at halos malalaking bahay na rin ang mga nakikita ko.

Mag-earphone na sana ako ng bigla siyang nagsalita. "Galit ka ba sa akin, love?" tanong nito dahilan ng pagtingin ko sa kanya. Halos isang oras ko kasi siyang hindi kinikibo dahil sa pagnanakaw niya ng halik. Nakaiinis naman kasi ang ginawa niya. Aaminin kong mabilis man ang pagkahahalik niya, pero naramdaman ko ang lambot ng kaniyang labi.

"Hindi naman," tipid kong winika.

Napansin ko ang pag-iiba ng awra niya kasabay ng pagliko  ng destinasyon naming dalawa. "Sorry na, hindi ko kasi mapigilan na angkinin ka. Alam kong mabilis ang pangyayari pero alam mong sayo ko lang ginagawa lahat ng 'yon," mahaba niyang paliwanag.

Hanggang sa tumigil na ang sasakyan. "Nandito na tayo, love." Hinawakan niya muna ang kaliwa kong kamay bago pinaliko ang kotse para itabi ito.

Bago kami tuluyang bumababa ay piningot ko muna ang matangos niyang ilong. "Alam mo ikaw, porket bumabalik na lahat ang alaala ko nagiging pasaway ka na. Nako talaga, pasalamat ka mahal kita."

Ngumiti lang ito nang nakaloloko at niyakap ako nang mahigpit. Para akong naging yelo dahil ang yakap niya ngayon ay kakaiba, yakap na may pananabik at purong pagmamahal.

"Hindi naman love, masaya lang ako pagkatapos ng mga nangyari sa pagitan nating dalawa. Miss na miss lang din kita at ngayon sisiguraduhin kong magsasaya tayong dalawa," wika nito dahilan para napangiti ako.

"Tara na nga, Sweetie love! Magpapainit pa tayo," maloko nitong sabi dahilan para mahampas ko ang braso niya. "Love naman," asar kong tugon.

"Joke lang love, hindi naman iyon ang iniisip ko. Pero kung gusto mo, pabor naman ako."

Tinarayan ko na lang siya at bumababa. "Papasok na nga ako sa loob, kunin mo na lang lahat ng gamit natin ha!" Pagsusungit ko. at diretsong naglakad papunta sa room naming dalawa. Minsan talaga 'tong lalaki na 'to umiiral ang mga kalokohan sa isip niya.

"Baka gusto mo lang love, maghahanda talaga ako mamaya." Sigaw nito.

Napatigil ako at napatingin sa kanya nang masama. Tinaasan siya ng kilay. "Mag-isa mo!" inis kong winika at iniwan na lang siya sa kotse. Bahala na nga siya sa buhay niya. Kung ano-ano na naman ang tumatakbo sa isip niya. Habang naglalakad ako, nakaramdam ako ng hilo. Nagdilim ang paningin ko hanggang sa bigla akong napataob.

"Loveeeeee!" Mabilis akong nasalo ni Kiel at inalalayan ako. "Ayos ka lang ba? Tulungan na kita, maya maya ko na lang ipapasok sa loob yung gamit natin kapag alam kong safe ka na." Tumango na lang ako at hinayaan niya akong alalayan papasok sa loob dahil sa totoo lang nakaramdam ako ng kakaiba, tila sumama na lang ang pakiramdam ko.

Diniretso niya na akong paupuin sa sofa kung saan sa ibabang parte lang ng bahay na nirentahan pansamantala ni Kiel para sa bakasyon namin.

"Ano bang nararamdaman mo, love? May masakit ba sayo? Gusto mo ba tumawag na ako ng doctor?"

Imbes na manghina ako natawa na lang ako bigla sa pagtatanong niya. "K-Kalmahan mo nga Kiel, isang basong tubig lang sana. Malamig na tubig." Utos ko sa kanya at dali-dali naman siyang pumuntang kusina. Hindi ko akalain na isang mayaman, kinikilala at CEO ng kompanya ay mapapakuha ko ng isang basong tubig.

"Here love." Mabilis siyang nakarating at inabot na nga sa akin ang malamig na tubig. Inalalayan niya ako sa paghawak nito at dahan-dahan kong ininom.

"If you need more, let me know love okay? Nag-aalala ako sayo eh," mapag-alalang turan niya habang inaayos ang buhok.

"Salamat, love."

"Sige na pahinga ka muna. Hintayin mo na lang ako rito. Kunin ko lang sa kotse yung mga gamit natin." Hinalikan niya ako sa noo at hinawakan ko naman ang kanang kamay niya ng mahigpit. "Nandito lang ako parati para sayo," malambing niyang bulong sa akin. Napangiti naman ako at gumaan na rin ang pakiramdam ko.

"Sige na nga, kunin mo na yung gamit natin para makita na nati yung kwarto sa taas."

"Sure! Alam ko naman na excited ka na eh."

Hinampas ko nga ang balikat nito. "Tigilan mo nga, sige na kunin mo na."

Tumawa na lang ito at tumango. Lumabas na rin siya dahil napansin niyang naiinis ako at ayaw niyang mahilo ako ulit dahil sa mga kalokohan niya.

Nang makalabas na siya ay sumandal muna ako sa sofa at napapikit. Sandaling pinakiramdaman ang kapayapaan. Hanggang sa...

You're the only one, my only wife Sweetie love...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro