Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

Chapter 25

I KNOW WHO I AM

[SWEETIE]


NAGISING ako ng wala sa oras dahil sa ingay ng alarm clock ko. Dali-dali kong kinuha ito at pinatay. Sabado naman ngayon pero heto, alas sais pa lang nang umaga ay ginising na ako.

Dahan-dahan akong nag-unat ng katawan ko at nakaramdam  ng kaunting pananakit sa magkabilaang binti. Masyado kasi akong nawili sa gala namin ni Sir Kiel. Napahiga ako ulit sa kama at napatingin sa taas ng kisame.

Mahal na mahal kita, Sweetie.

Naalala ko ang sinabi niya bago tuluyan matapos ang pag-ikot ng Ferris Wheel at maghanap na kami ng panibagong rides. Sa totoo lang, gustong-gusto ko na rin talaga maalala ang lahat pero sa kabilang banda, natatakot din ako. Nakaramdam ako ng lungkot ng mga oras na iyon, bakit kasi iniwan na nila ako. Iniwan  ako ni mommy at daddy. Pati ang pinakamamahal kong lola, kinuha na rin sa akin. Ang sakit lang isipin na sa ganitong problema ako lang mag-isa at  kailangan humanap ng solusyon.

Sa kalagitnaan ng kadramahan ko ay biglang tumunog ang selpon ko dahilan para kumilos na nga ako. Napabangon na ako nang tuluyan at hinanap ang selpon ko, tunog ito nang tunog at nakalimutan ko pa kung saan ko nailagay. Nasaan na ba 'yon? Omg! Nasaan na ba?!

Halos mapasigaw pa ako dahil baka importanteng tawag iyon mula sa kompanya o may utos ni Sir Kiel.

Hanggang sa maalala ko nasa loob iyon ng bag ko. Kinuha ko na iyon sa may gilid ng lamesa ko sa kanang bahagi kung saan doon ako rati gumagawa ng nga proposal o proyekto ng kompanya.

Sinagot ko na agad iyon dahil umabot sa limang tawag si Sir Jhake.

"Hello? Where are you? Sir Kiel is waiting for you. We have a meeting  today.  The call time is 8 in the morning." Bungad nito dahilan para mag-isip ako kung may napag-usapan ba kaming meeting for this Saturday morning. Wala naman akong maisip dahil pagkakatanda ko by Tuesday pa ang general meeting namin. Ngunit hindi na ako nagdalawang-isip pa.

Sumagot na lang agad ako. "Yes po sir, nag aasikaso na at papunta na rin."

"Okay, tinawagan na kita dahil kailangan. Bawal kang ma-late. This is important meeting. Bilisan mo Sweetie. Don't be late. See you later. Goodbye!"

Binaba niya na nga ang tawag at napapikit na lang ako sa kalutangan ko ngayong araw. Mayroon man o wala kailangan ko ng mag asikaso. I have 1 hour to prepare. Halos 1 hour pala akong nag-emote kanina. Nasapo ko na lang ang mukha ko gamit ang kanang kamay ko at  tumayo na rin.  Nagmadali akong kumilos. Dumiretso na nga ako sa banyo para maligo. Bahala na kung kaya ko pang magkapag-almusal kung hindi, mabilisang inom na lang ako ng kape.

After of 30 minutes, tapos na akong maligo at nakapag-ayos na rin ako. Halos tipirin ko ang oras ko para lang hindi ma-late. Ayoko talagang tatawagan ako ni Sir Jake para sa meeting. He is so strict sa call time, higit sa lahat masungit pa. Hindi ko nga alam saan ba siya pinaglihi. Sa totoo lang daig niya pa ang babaeng may regla.

Humigop lang ako ng kape at pagkatapos ng ilang minuto ay umalis na ako. Dahil sanay na akong mag-isa sa buhay ko ngayon, ako rin ang magmamaneho ng sasakyan.

Nagmadali na akong umalis at sumakay sa sasakyan ko. Tahimik ang paligid ngayon masarap sanang mag-exercise kahit walking or jogging pero mukhang bukas ko na lang gagawin.

Muntik na nga akong ma-late dahil sa traffic kanina, mabuti na lang 5 minutes ahead nakarating ako sa opisina. Nagulat pa nga sa akin si manong guard dahil bakit daw ang aga ko. Binati ko na lang siya at dumiretso meeting area pero ang nakakapagtaka ako lang ang tao rito. Nasaan sila? Akala ko ba may meeting?

Tumunog ulit ang selpon ko at this time Sir Kiel is calling. Sinagot ko agad ito baka naman kasi walang meeting na magaganap.

"Hello, Sir! Good morning! Nasaan na po kayo?"

"Good morning, love. Wait for me, may inasikaso lang saglit. May meeting tayo. I will be there at 8:20 A.M. See you, love!"

"Okay po sir! Ing—"

Bigla niyang pinatay ang tawag dahilan para mapataas na lang ang kilay ko. Kahit kailan talaga gusto niya siya yung magbaba ng tawag. Pero kahit naiinis ako sa ginawa niyang pagpatay, kinikilig ako tuwing tinatawag niya akong love. Ito yung lagi niyang ginagawa para bumalik yung mga alaala ko. Pero... kahit na gawin namin lahat ng mga ginagawa namin ngayon, wala pa rin.

Halos manlumo ako sa mga naisip ko hanggang sa may pumasok sa loob. "Hi po, ma'am! Dito po ba yung meeting area?" takang tanong ng isang lalaking may nakasuot ng black t-shirt na may hawak na selpon sa kanang kamay nito habang sa kaliwa naman ay mga supot na pakiramdam ko pagkain iyon. Nagugutom na yata ako.

"Yes po! Sino po sila?" takang tanong ko rito. Lumapit ito at nilapag sa lamesa ang mga dala niya.

"Pinapadala po ni Sir Jhake ang mga iyan. Sige po ma'am. Magandang umaga po, bayad na po iyan. Alis na po ako." Pormal na pangungusap nito at umalis na nga. Hindi man lang niya ako hinayaan na magsalita, pakiramdam ko nagmamadali na talaga siya.

Hindi ko maintindihan ang nangyayari ngayon, pero mas iniisip ko kung bakit wala si Sir Jhake. Inaasahan  ko rin talaga na nandito siya dahil siya ang tumawag sa akin.

Habang naghihintay ako sa kanila. Natatakam ako sa pagkain na nasa harapan ko. Naamoy ko kasi ito.Nasa paper bag pa iyon at ng tingnan ko, mula iyon sa MCDO. Wala naman akong balak na galawin iyon dahil baka mamaya para iyon kay Sir Jhake.

Nag-vibrate ang selpon ko at nakatanggap ako ng mensahe mula kay Sir Jhake.

Sir Jhake
+63989756700

Hi, Ms. Sweetie. Kumain ka muna, hindi ako makakapunta. Basta papunta na si Sir Kiel. I am so sorry may emergency lang. Basta i-take note mo lahat ng mapag uusapan ninyo. Take care. Enjoy your food, binilin lahat yan sa akin ni sir.

8:15 A.M, Saturday
Received

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko— saya at inis. Saya kasi makakain na rin ako at inis kasi siya ang tumawag at nagmamadali kanina sabay wala siya sa meeting. Nagreply na lang ako ng pasasalamat sa kaniya dahil kahit na wala siya mahalaga may pagkain. FOOD IS LIFE!

Hindi ko na lang inisip ang mga nangyayari, humanap na lang ako ng magandang puwesto para kumain ng almusal. Tamang-tama gutom na rin ako.

Binuksan ko ang laman ng paper bag at doon bumungad sa akin ang café ng MCDO. Mayroon itong pancake, burger at egg na may kanin. Hindi na ako nakapagpigil at sinunggaban na iyon. Alam na alam talaga ni Sir Kiel ang mga gusto ko.

Habang ngumunguya ako napapikit ako dahil parang kumikirot ulit ang ulo ko. Napatigil ako sa pagkain at napakapit sa lamesa. "A-Aray!"

FLASHBACK

"I will be here for you no matter hat happen. Ilalaban natin 'to Sweetie. Please, maging matatag ka. Kailangan kita."

"Alam mo naman love na lahat kakayanin ko pero anong magagawa ko, ayaw naman sa akin ng daddy mo?"

"But my mom likes you even my grandma and grandpa.  Don't mind my father, hindi ako papayag na makasal at matali sa isang babae na hindi ko mahal. Ikaw ang mahal ko, ikaw ang mas mahalaga sa akin.  Ikaw si  Alexa Sweetie Kehja Tenaryon ang una at huling babae na mamahalin ko hanggang dulo."

Hinalikan niya ako at niyakap nang mahigpit.

END OF FLASHBACK

Ilang minuto akong nakahawak sa ulo ko at may naalala na naman ako. Totoo nga na siya ang boyfriend ko noon. Habang nakahawak pa rin ang kamay ko sa ulo ko ang dami kong mga tanong na hindi ko alam saan kukunin ang mga sagot. Dumagdag pa yung magaganap na meeting ngayon na hanggang ngayon ako lang naman ang nandito.

"Sweetie!" Sigaw ng kung sino at bumukas ang pintuan.

Wala ako sa sarili na humarap dito at dali-daling yumakap sa akin si Sir Kiel. "Are you okay?" I know I am late, I was talking to someone in outside at narinig ko ang sigaw mo. Kahit na kasama ko na ang ibang partnership, I said that I will reschedule it."

"A-ano?!" Gulat man ako sa paliwanag niya ngunit nakahawak pa rin ako sa ulo ko dahil mas lalong kumirot—ang sakit.

"Are you okay? Please, Enough of asking. Anong kailangan mo? Dalhin na kaya kita sa ospital." Inalalayan niya ako sa pagtayo pero naging matigas ako at sinabing mas gusto ko na lang magpahinga sa loob na kasama siya. Nakita kong ngumiti siya dahilan para makaramdam akong ng kakaibang kirot sa puso ko. Pamilyar... Sobrang pamilyar ng totoong ngiti niya ngayon.

Niyakap ko siya nang mahigpit st sinabing, "Love, I remember you! I know who you are in my life. Hindi mo na kailangan dalhin ako sa ospital."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro