Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

Chapter 18

TEA WITH HER

[SWEETIE]

NAKASIMANGOT na naghihintay si Elena sa labas ng opisina ko. "Ang tagal sis ha?! Nagsugsugan pa ba kayo ni sir?" Lumapit agad ako rito at tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay ko. "Sis naman! Ano ba 'yang iniisip at sinasabi mo?! Hindi noh!" Inis kong sabi habang tinatakpan pa rin ang matalas niyang bibig.

Pinalo niya na ang kamay ko dahilan para maalis niya ang pagkakatakip ko sa bibig niya. "Aray naman sis! Sorry na, baka lang naman. Ang tagal ko na kasi rito, akala ko nga 'di ka na darating. Tara na nagugutom na talaga ako." Hinila niya na ako papuntang canteen.

Habang nakapila kami ay panay ang kwento ng babaeng kasama ko. "Oh my gosh sis, alam mo ba na nagdadate na kami ng future doctor ko? Syempre hindi mo alam, nagpahinga ka ba naman ng isang Linggo. Okay ka na ba talaga?"

"Alam mo sis, kalmahan mo naman pagkukuwento, nakakalito." Pagsusungit ko rito.

"Ang sabi ko mamaya na nga kuha muna tayo ng pagkain natin," saad nito.

Kumuha na kami ng pagkain dahil hindi pwedeng mamaya pa dahil marami rin ang nakapila, kailangan panatilihin din na sumunod dahil parte ito sa kontrata sa kompanya. Bale ang canteen na kakainan namin ay libre dahil ito ay galing sa aming kompanya. Ang ganda 'diba, talagang inaalagaan nila ang mga staffs and employees nila. Nakakuha na kami ng kakainin namin at nagpasya na rin kaming humanap ng pwesto namin.

Paikot-ikot kami ni sis besty dahil marami na rin talagang tao pero sa huli ay nakakita naman kami kaya umupo kami agad para nmakakain at makapag usap na rin.

"So eto na nga ang chika sis... We are now in dating stage." Maharot nitong pagkukuwento. "At alam mo ba sobrang thankful ako kasi napakagentelman niya sis, ang clingy pa sa akin."

Natawa na lang ako habang nagkukuwento siya, hindi ko alam kung anong mayroon sa doctor na 'yon pero talagang patay na patay siya noong una pa lang.

"Basta sis, sobrang bilis ng mga pangyayari." Sabay subo ng kanin na may ulam. Ang ulam namin ngayon sa lunch namin ay adobo at may prutas na kasama at sabaw ng nilagang manok.

"Sis, kalmahan mo lang. Mamaya ay mabilaukan ka kakaisip sa bebe mong doktor." Tawang sabi ko.

"Pero grabe sis ha, isipin mo nagustuhan ka rin 'non? Anong pang aakit ang ginawa mo?" bulong ko rito dahilan para mamula ang pisngi nito at mapapikit pa dahil sa kilig. Bigla akong hinampas nito. "Sis besty naman, shhh ka lang! Basta akin na siya!" Tumawa ito na para bang walang bukas pero pinatigil ko rin dahil nagiging center of attraction na kami dahil sa lakas ng tawa niya.

We'll her laugh brings some impacts, tipong madadala ka rin dahil sa tinis ng pagkakatawa niya. "So ikaw sis besty? Kumusta ka? Kayo?" takang tanong nito.

Sandali akong napaisip pero tipid na sagot lang ang binigay ko. "Okay naman,"

"Ang tipid mo naman magchika sis, wala pa yata 'yan sa katotohanan eh.

"Okay naman puro linis sa bahay." Dagdag ko para manahimik siya, pero talagang mangungulit pa talaga itong babae na 'to.

"Kilala kita sis! Iyang paganyan-gamyan mo, mga simpleng salita pero pak alam na." Pumalakpak pa ito na para bang alam niya ang lahat sa akin.

"Sis naman, umayos ka! Sabog ka masyado, oo na sige na dinadalaw at napunta si sir sa bahay ko," pilit kong paliwanag.

"Nako sis! Alam ko 'yan, si Sir Kiel pa laging nag aalala 'yan sayo na para bang mawawala ka naman agad." Dagdag nito.

Napangiti naman ako nang kaunti dahil sa nabanggit niya, pero syempre kahit na ma-effort siya ayoko pa rin naman na madaliin ang lahat. "Sus sis besty, 'yang mga ngitian mo nako! Kumain na nga tayo, mamaya na 'yang lovelife natin." Kumain na nga kami at tinigil muna ang chismisan, pero sa totoo lang masarap yung ganito pero ang mahirap lang handa na nga ba kaming pumasok sa relasyon at masaktan?

Pagkatapos namin kumain ay  saglitang pag uusap na lang din ang ginawa namin ni Elena, nagpasya na rin kaming bumalik sa trabaho tutal tapos na ang break time namin. Hindi naman namin gawain na late mag in, okay lang sa out wag lang sa in kasi nakakasira ng magandang record ang gano'n.

At dahil bumalik na kami sa office namin. Nagulat ako bakit nakabukas ang pinto ng office ko, dali-dali akong pumasok at hindi ko inasahan ang nakita ko. "Sir K-Kiel?!" Dahil nakatulog ito sa upuan ko. Tinapik ko ang pisngi niya ng dahan-dahan upang magising.

"Uhmmm..."

"Sir, gising na po..."

Hanggang sa tuluyan na siyang nagising at pinagmasdan niya agad ako. "My wife... I miss you," aniya nito.

Napataas ako ng kilay dahil para siyang nananaginip ng hindi ko alam o sadyang ako ang tinatawag niya?

"S-sir, tara na po. Gising na!" Paggising ko rito gamit ang palad ko upang magising nang tuluyan.

At ilang sandali pa ay nagising ko na rin siya, nag unat ito nang bahagya at nang tuluyan akong makita ay niyakap niya ako.

"S-sir okay ka lang po ba?" tanong ko habang hinihimas ang likod niya habang nakayakap pa rin sa akin.

Humarap ito sa akin at sinabing, "Yes wife! Namiss lang kita kaya hinintay na kita rito. Nakakain ka ba nang maayos?" he asked while looking at me seriously.

"Yes naman po! Pero bakit wife agad ang tawag mo sa akin?"

Naghintay ako ng pagtugon niya ngunit kakaibang sagot ang natamasa ko. Tumayo ito at pumantay sa akin, pareho na kaming nakatayo at bigla niya akong pinatong sa lamesa. At dahan-dahan niyang pinaunlakan ang labi ko gamit ang labi niya.

"Hmmmm!"

"I missed it, my wife." Bulong nito sa tainga ko at napakagat labi pa siya.

"S-sir K-kiel..." utal kong tugon.

Pinagnasaan niya muli ang paborito niya– ang labi ko. Malumanay ang bawat bato nito na para bang humahagod sa pagkatao ko.

Hanggang sa pakawalan niya rin ang labi ko, niyakap niya lang ulit ako nang mahigpit. "Mula ngayon, you are my wife. I love you," pangungusap nito. Napangiti ako dahil pakiramdam ko ang kabutihan niya ang nakikita ko kapag ganito ang trato niya sa akin.

Hindi ko na alam ang sasambitin ko dahil sa tensyon na pinaramdam niya kanina lang. At bigla niyang hinalikan ang noo ko, "I need to go, Sweetie. I'm just came here to check you. Work ka na muna ha? Hatid kita mamaya. I love you." Pagkatapo ay tuluyan na ngang umalis na ito at sinarado ang pinto ko.

At iniwan niya akong namumula ang aking pisngi.

I love you too...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro