
Chapter 15
Chapter 15
STAY WITH ME
[SWEEETIE]
PANIBAGONG araw na naman at heto pa rin ako sa bahay halos linisin ko na lahat. Kasalukuyan akong narito sa sala, nag lilinis ng mga gamit ko rito. Naalala ko pa rin talaga ang mga pangyayari kahapon, napahawak ako sa dibdib ko. Heart naman, kalmahan mo. Huwag kang mabilis. At para bang lumilipad ang mga puso sa paligid ko at sumasayaw ang mga ito hanggang sa mabitawan ko ang hawak kong basahan.
Ay kabute!
Nagulat ako sa malakas na busina na iyon, inayos ko ang sarili ko baka kasi si Sir Kiel iyon pagkatapos ganito ang ayos ko. Mukha akong gusgusing bata. Dahan-dahan akong lumabas upang silipin iyon at naaninag ko ang kotse ng lalaking kakabanggit ko lang ng pangalan niya.
S-si—
Nag-door bell na nga ito at bago ko iyon pansinin ay nahmadali akong mag ayos at nang makita ko ang sarili ko nagmadali akong kumuha muna ng towel dahil wala akong suot na bra.
Sumilip lang ako sa gate dahil hindi ko kayang humarap sa kaniya na ganito ang itsura ko. Bakit naman kasi ang aga niya ngayon?
"Hi sir! Magandang umaga po. Anong mayroon po? takang tanong ko pero nakasilip pa rin.
"Hi sweetie! Just open it, bakit ka ba nasilip lang?" At pilit niyang binubuksan ang pinto dahil sa ginawa kong pagtatago.
"Wala sir, ano kas—" napatigil ako sa pagsasalita kasi nabuksan niya na ito at pumasok na at pinaunlakan agad ako nang mahigpit na yakap.
Nagulat ako sa ginawa niya pero naramdaman kong sabik siya na makasama ako dahil sa pagkakayakap niya. "Namiss kita nang sobra, miss na miss." Hindi ko alam bakit ganito ito magsalita na para bang palagi na lang niya akong hinahanap-hanap, nakakapanibago.
Kumawala ako at binaliwala ang sinabi niya, "Sir, wala pa kasi akong ligo." Pagdadahilan ko. "Pasok ka na lang po muna sa loob, mag aayos lang ako." Pag iiba ko sa usapan at sinamahan siya sa loob.
Pinaghintay ko muna siya sa sala at dumiretso na ako sa itaas para maligo dahil ayoko talagang ganito ang awra ko. Nakakahiya na makita niyang ang dugyot ko. Kaya dumiretso na ako sa banyo at naligo. Hindi rin ako nagtagal pero sinigurado kong maayos naman ang pagligo ko, ano kayang gagawin niya ngayon, bakit ang aga niya? Hindi ba siya nagsasawa sa ginagawa niya? Gusto niya na ba talaga ako o concern lang talaga siya?
At habang nag aayos na'ko ay kung ano-ano na rin ang mga naiisip ko. Hindi naman sa umaasa ako na baka may something na siya sa akin pero iyon na ang pinapakita niya. Pero ayoko pa rin ang umasa dahil alam kong malabo rin talaga at ayoko pang pumasok ulit sa relasyon. Minadali ko na ang pag aasikaso sa'king sarili dahil baka naghihintay siya sa ibaba. Simpleng dress lang ang sinuot ko yung madalas na suot ko sa bahay para komportable ako.
Sa huling pag aasikaso ko sa'king sarili na kasalukuyan na nga akong nagpapatuyo ng buhok ay may kumatok sa pintuan. "Teka lang!" Sigaw ko pero biglang bumukas ito at iniluwa ang lalaking kanina lang laman ng isip ko.
"Ang tagal mo naman! I miss you, already." Paglalambing nito at lumapit sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap mula sa likuran ko.
Humarap ako at sinabing, "Sabi ko hintayin mo ak—" pinutol niya ang pagsasalita ko at pinaunlakan ng matamis na halik. Naramdaman ko muli ang matamis niyang labi na halos ikawala ng paghinga ko dahil sa ginagawa niya.
Dahil sa tensyon na namamagitan sa aming dalawa para bang dinadala ako sa langit ng mainit niyang paghalik at kinagat niya ng marahan ang ibabang labi ko.
"U-ugh!"
Tumigil na ito at niyakap akong muli. "S-sorry, namiss lang kita. Namiss na kita nang sobra. I want to stay with you, always. Pero marami pa akong aayusin at hihintayin ko na magbalik ka."
Halos maguluhan ako sa mga sinasabi niya kaya bahagya ko siyang natulak dahil sa pagtataka. "A-ano bang sinasabi mo?" pagtatanong ko.
Nakangiti lamang ito at lumapit muli sa akin. Hinawakan ang mukha ko at hinalikan ang noo ko. Tumaas ang dalawang kilay ko dahil sa mga ginagawa niya. "Sir!" Galit kong tawag sa kanya. Pinahihirapan niya ako palagi dahil bawat aksyon niya may sikreto pero ang nakakainis naman sa sarili ko may parte sa akin ang umaayon sa mga paglalambing na ginagawa niya. Ang masakit pa, hinahayaan ko lang na angkinin niya ako sa oras na nagparamdam siya ng mga bagay na hindi ko inaasahan na gagawin niya.
"Sweetie, kumalma ka muna pakiusap. Bawal kang magalit o ma-stress." Inalalayan niya ako at umupo kami sa kama ko. At ako naman 'tong parang bata na sumusunod sa utos ng kaniyang ama.
Kasalukuyan tuloy akong Nakanguso ako ngayon dahil ginugulo niya na naman ang isipan ko. Tila para akong isang bata na hindi nabilhan ng gusto niyang laruan. Nakakainis!
"Stop acting like that, ang cute mo!" usal nito sabay kagat sa ibabang labi niya.
Napalunok ako ng wala sa oras dahil sa ginawa niya pero nag-focus na lamang ako sa itatanong ko sa kaniya. "Ano ba talagang mayroon tayo? Bakit ganito na lang ang mga trato sa akin, sir?"
Kusang nagsalita ang bibig ko at pinakawalan ang ganoong klaseng mga katanungan. Sana sa oras na ito bigyan niya ako ng totoong sagot.
Tumingin ito sa mga mata ko at hinawakan ang mga palad ko. Ilang segundo siyang nakipagtitigan at ganoon din ako.
Hintay ko ang tugon niya ngunit pakiramdam ko malabo siyang sumagot sa simpleng mga tanong ko. Kakawala na sana ako sa kaniya hanggang sa magsimula na nga siyang magpaliwanag. "I know I am so fast to do this but please give me time to show my love for you, Sweetie. At dahil alam kong naguguluhan ka na, hindi na kita hahayaan na mag isip nang mag isip. Alexa Sweetie Kenhja Tenaryon, can I court you?"
Halos mabingi ako sa sinabi niya at mapipi kaya kumalas ako sa pagkakahawak niya sa mga kamay ko at tumayo. Tumalikod ako dahil halo-halo na ang nararamdaman ko. "S-sir, a-ang b-bilis naman po," utal kong sabi.
Sumunod ito at habang nakatalikod ako ay naramdaman ko ang pagyakap niya. "It's okay if you're not ready to answer me, but please huwag kang lumayo. I want to see you, I want to hug and kiss you."
Kumawala ako sa yakap niya mula sa likuran ko. Ang possessive mo naman!
"Opo sir hindi pa nga ako handa pero give me some respect in my own house naman sana." Pakiusap ko at pilit na pinapalakas ang loob ko sa harapan niya. Ayokong hayaan muli siya sa gagawin niya.
"Sige na sir, I understand now. Sa baba na tayo mag usap. Bumababa ka na po muna." Seryosong tugon ko sa kaniya. At biglang lumamlam ang mga mata niya at umukit naman sa labi niya ang kalungkutan. "I am so sorry, Sweetie. Sige hihintayin kita sa labas," malungkot niyang pangungusap at lumabas na rin agad sa kwarto ko. Sinarado niya ang pinto at narinig ko na ngang bumababa na siya nang tuluyan dahil sa kaniyang mga yapak.
Napaupo ulit ako sa kama ko at para bang mababaliw ako sa mga nanagyayari ngayon. Ngunit napahawak ako sa dibdib ko dahil para naman itong tinutusok-tusok dahil sa awra na pinakita niya. Sobrang neutral niyang tao, pero malaking palaisipan sa akin ang lahat ng mga ginagawa niya at syempre sa pinaparamdam niya.
Bakit naman kasi ako ang gusto niyang ligawan. Normal na empleyado lang ako sa kompanya nila at ayoko talagang magkaroon ng issue. Pero sa totoo lang ang mas mabigat sa akin ay yung magmahal ulit, halos mahigit isang taon akong nagdamdam ng sakit ng lokohin ako ni Jino. Jino is my ex-boyfriend.
Imbes na alahanin ko ang lahat-lahat tumingin muna ako sa salamin na malapit sa lamesa ko. Nagdampi na lamang ako ng kaunting foundation at kaunting lipstick sa labi ko at napatigil ako roon. Ang labi niya...
Pero pumikit ako sandali at pilit binura iyon sa isipan ko. Inayos ko na ang sarili ko at bumababa sa kaniya. At sana tumupad siya sa pakiusap ko kanina. At sana rin makaiwas ako sa mga paglalambing niya na nagbibigay panghihina sa akin sa tuwing nararamdaman ko ang mga iyon.
Bumababa na nga ako at dumiretso sa sala. Nakatalikod ito at naghihintay lamang. At nang marinig niya ang mga yapak ko, tumingin ito sa akin. Ang gwapo niya. Ito ba ang hulog ng langit sa akin?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro