
Chapter 14
Chapter 14
MOMENTS
[SWEETIE]
MAAGANG akong bumangon para maglinis ng bahay, kabilaan na rin kasi ang mga alikabok. Sa totoo lang boring na boring na ako rito, pero pangatlong araw ko pa lang pero ang gusto ni Sir Kiel, isang linggo. Pero bakit ganito, tila ang pakiramdam ko mahigit isang buwan na akong nandito sa pamamahay ko. Iba talaga kapag nasanay ka na kumilos at magtrabaho, parang doon na lang umiikot ang mundo mo.
Buong bahay ang lilinisin ko ngayon, masyado na rin kasing maalikabok ang itaas at sa bawat gilid nito, masyado kasi akong abala sa trabaho. Simple lang naman ang bahay ko mayroong itong up and down simpleng light blue lang din ang pinakulay ko sa kabuoan, pagkatapos kasi mawala si mommy at daddy mas pinili ko ibahin ang dekorasyon nito. Ito ang ginawa ko para mabawasan ang lungkot ko, ayoko ng lagyan ng kulay na may kinalaman sa pagkawala nila. Nakakapanghina.
Tinali ko muna ang maganda kong buhok at sinimulan ko na magpunas-punas mula sa mga bintana na mayroon ako hanggang sa mga lamesa at sa mga bagay na inaalikabok. Hanggang sa makita ko muli ang larawan ni mommy at daddy, napangiti ako sa mga oras na iyon.
Hi mom and dad, kumusta po? Alam ninyo po ba miss ko na kayo, malapit na po yung birthday ko mga next month na tapos wala kayo. Sa totoo lang hindi ko alam kung dapat ko pa bang ipagdiwang iyon kasi... ang hirap man pero wala naman na kayo.
Sa mga oras na iyon, tila naging emosyonal na naman ako.
Unti-unti kong naranasan ang bigat ng lkalangitan hanggang sa may bumabagsak na basang likido sa mga mata ko, ang paghinga ko'y kakaiba na rin. Napaupo muna ako sa kama at pinakalma ang sarili ko. Kaya ko 'to! Basta mom and dad paki ingatan po ako ha, and also Lord help me to recover. Amen! Sa oras na iyon, nauwi ang mga alaala ko sa kanila sa isang panalangin.
Ilang saglit pa aya tumahan na rin ako wala akong matatapos kong aalahanin ko, lahat ng sakit ko yung mga pinagdaanan ko magiging dahilan lang ito para bumagal ang paggaling ko. Huminga ako nang malalim at nagsimula na ulit, kahit nararamdaman ko ang kirot sa puso ko pinili kong baliwalain iyon dahil kailangan kong kumilos sa bahay, dahil sino pa ba ang aasahan ko 'diba? Wala ng iba dahil sa ngayon sarili ko lang talaga ang malalapitan ko.
Wala akong pinalampas sa paglilinis, kahit paglalaba ay ginawa ko para bang general cleaning and washing ang ginawa ko ngayong araw. Inabot din ako ng halong apat na oras para matapos ang lahat-lahat. Halos lumapasay akong napaupo sa sofa ko. Nakakapagod!
Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa gutom kaya pinili ko munang tumayo at nagluto muna ng tanghalian ko at baka dumating din si Sir Kiel. Teka... Bakit ko ba siya iniisip? Palagi naman kasi siya nabisita kaya mas okay na magluto na rin ako para kumain na lang siya rito mamaya.
Niluto ko ang paborito kong afritada, saktong-sakto dahil lahat ng kailangan ko ay nandito; patatas, carrots, sibuyas, bawang, manok at pulang sauce na kailangan ko.
Ilang minuto ang nilaan ko rito para matapos hanggang sa humahalimuyak na ang amoy nito. "Ang bango naman!" salita ng kung sino pero familiar ang boses.
"Hi Sweetie! Good afternoon!" Masayang bati nito dahilan upang mapasigaw ako sa gulat.
"S-Sir Kiel!" gulat na wika nito sa pangalan ko na para bang nakakita ako ng gwapong multo.
"Sorry nandito ako agad, naiwan mo kasing bukas yung pinto mo. Palagi mo na lang iniiwan iyan ha? Next time i-double check mo okay?" seryosong paalala nito.
Napatango ako at napangisi ng pilit dahil sa kasalanang ginawa ko, tama nga naman siya mamaya may pumasok na ibang tao tapos ako lang mag isa.
Pinatay ko na ang gasol ko at naluto na ang afritadang niluluto ko at inaya na siyang kumain.
"Mukhang masarap 'yan ha, tamang-tama kakain na rin ako rito," usal nito na para bang pumalagay sa kaniya ang tadhana.
Tinulungan niya akong maghanda pero hindi ako pumayag dahil bisita nga siya. "Ako na po sir, maupo ka na roon. Dali na!" pagpupumilit ko.
"Tulungan na kita!" Pangungulit nito at kinukuha ang mga plato at baso.
Tinitigan ko siya nang masama at mata sa mata. Ngayon makuha ka talaga sa tingin, Sir Kiel. "Sabi mo nga maupo na ako roon sa dining area at hihintayin na lang kita." Binitawan niya ang dala niyang dalawang plato dahil sa ginawa ko at pumunta na sa dining area, gusto kong matawa sa naging reaksyon niya pero ngumiti na lang ako at naghanda.
Napangiti naman ako dahil nakuha talaga siya isang tinginan, kaya ginanahan akong kumuha ng pagkain para paghandaan na rin siya.
Gusti ko sanang magalit dahil biglaan ang pagdating niya pero nawala iyon ng makita ko na naman ang gwapo niyang mukha, at habang naghahanda ako palihim ko siyang tinitingnan. Ang seryoso ng awra nito parang bata na nasermonan.
"Ang aga mo po yata, sir? Anong mayroon?" takang tanong ko at umupo na rin sa tabi niya dahil nailatag ko na sa lamesa lahat ng kailangan namin.
"Maaga kong tinapos lahat ng mga kailangan ko, namiss kita eh." paglalambing nito.
At dahil alam ko kung saan ito mapupunta sinubuan ko na lamang siya. "Kain na po tayo."
Wala siyang nagawa kundi nguyain ang sinubo kong chicken. Natawa ako sa itsura niya dahil sa pagkabigla niya. I thanked God that I have a boss liked him, pero hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na may taong nandito ngayon sa tabi ko.
At habang kumakain siya hindi ko mapigilan ang sarili ko na mabanggit ng mga bagay na magbibigay tanong sa pagkatao ko. "Sir? Iiwan mo rin ba ako?" Nilalaro ko ang chicken at doon lamang ako nakamasid. Pansin kong napahinto siya dahil sa pagtatanong ko. Simple lang naman yung tanong kong iyon pero kahit sino mapapaisip sa posibilidad na sagot. Tumigil ako sa ginagawa ko at tiningnan siya. Nag iba ang awra nito at uminom muna ng tubig bago tuluyan na magsalita.
"Ano ba itong tinatanong mo? Hindi syempre! Hangga't nandito ako, mananatili ako," turan nito sabay hawak sa kamay ko.
"Alam kong nawalan ka ng magulang pati ang lola mo na nag alaga sayo at kahit nobyo mo iniwan ka pa."
Napalunok ako sa paliwanag niya bakit alam niya...
"Pero makinig ka sa akin, aksidente lahat at may rason ang itaas kung bakit nararanasan ang bawat pait sa buhay. Ayokong mangako sayo, pero hangga't nandito ako ko lahat ng mga sinasabi ko sayo." Dagdag niya at sa kalagitnaan ng mga gumugulo sa isipan ko ay binigyan niya ako nang mahigpit na yakap. Sa mga oras na iyon, gumanti ako sa yapos niya. Tinapik niya pa ang likuran ko para pakalmahin ako, "Tama na ang pag iisip, kailangan mo pa gumaling. Stop crying. I am here."
At ilang saglit pa ay naisipan ko na rin na kumawala sa kaniyang pagkakayakap. "Tama na nga! kumain na tayo, pasensiya na sa drama ko. Pero sir, salamat sa pagpapagaan ng loob ko," sambit ko at pinunasan ang bahagya ng aking pisngi na may luha. Mabilis din ang mga pangyayari may kinuha siyang kakaiba sa bulsa niya at isa pala iyong panyo, dahan-dahan iyon dumampi sa magkabilaang pisngi ko.
"Ang ganda mo para umiyak, hindi bagay! Hayaan mong sa oras ng kalungkutan mo maging panyo mo ang palad ko. Pero ngayon, gamitin mo itong panyo ko. Tahan na, Sweetie."
Napangiti ako sa ginawa niya at hinawakan ang kamay niya este ang panyo dahil hindi ko napansin na naroon pala ang kamay niya. "Kain na tayo, mamaya lalabas tayo para mabawasan 'yang mga alahanin mo." Pagyaya nito.
"Sige! Salamat po, sir!"
"KIEL! Kiel na lang," wika nito at sinubo na sa akin ang kanin na may halong ulam.
"Nganga, kainin mo 'to!" Utos nito kasabay ng pagsubo niya ng kutsara sa akin.
Hinawakan ko ang kamay niya na may nakahandang pagkain sa kutsara. Sinubo sa aking bibig at ninguya ito.
Kung hihiling ako, itong lalaki na lang ang gusto kong makasama.
Sa pagkakataong ito, nakita ko ang isa sa nais kong bahagi ng pagkatao niya– ang pagiging malambing at totoo. Nasilayan ko rin ang pambihira niyang ngiti, yung ngiti na kahit sino nanaisin makita pero masisilayan lang kapag dumating ang totoong pagkakataon.
At tumibok nang mabilis ang puso ko. Tibok nang tibok, anong ibig sabihin nito?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro