Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Lima

Mataas na ang sikat ng araw nang magmulat ng mata si Aleesha, pero kahit tanghali na siya nagising ay may ngiti pa rin sa kanyang mga labi. Hindi maalis sa isip ang nangyari sa kanila ni Dylan kagabi na siyang nagpapagaan sa pakiramdam niya. Pansamantala niyang nakalimutan ang asawa. No, she intended to forget about him, atleast for a while, when Dylan was on the island and her husband was away. Nagbibigay iyon ng excitement sa kanya.

She's not sure if Dylan will save her. She only knows that happiness is not easy to come by, so she will take and treasure every moment with him. If having an illicit affair with the one she loves is forbidden, she will risk it to claim happiness that she has never experienced for the past nine years.

Nag-inat muna si Aleesha bago inalis ng tuluyan ang comforter na nakabalot sa katawan at walang saplot na tumayo mula sa kama. Nananakit ang katawan niya dahil sa walang tigil na pag-araro sa kanya ni Dylan kagabi pero ni katiting ay wala siyang pinagsisihan sa nangyari. She enjoyed every minute with Dylan last night.

"My loves, you missed me that much, huh? Masiyado mo akong pinagod eh," she chuckled as her subconscious talked. "I missed you too, so damn much!"

Umiikot siya sa kabilang panig ng kama papunta sa mesita kung saan nakapatong ang container na pinaglalagyan niya ng bubod ng alaga niyang koi fish. Her usual morning routine, she doesn't want to miss feeding her fishes— her babies.

Aleesha pressed a button on the glass table. It's a monogram that controls all the switches on the second floor. The floor where her bed was split into half and her bed slowly dropped downwards, at the same time, her aquarium slid from the side. Ngayon ang malapad niyang aquarium ang nakikita at hindi ang kanyang kama.

Napangiti siya nang makita ang makukulay na koi fish na paikot-ikot na lumalangoy sa malapad na aquarium. Lalong gumaan ang pakiramdam niya at excited siyang umpisahan ang araw na ito.

Matapos pakainin ang isda ay tumayo siya saka muling nag-inat ng katawan. Sa pagtayo niya ay nahagip ng kanyang mata ang note na nakaipit sa ilalim ng lampshade.

Kunot ang noo ay naglakad si Aleesha patungo sa table saka wala sa sariling ipinatong ang container ng bubod at hinugot ang note bago binasa.

My loves,

When you read this, I'm already on my way out, but no worries, I'm sure I'll be back. I just had work to do. Na-miss kita kaya babalik-balikan kita. And I left my phone in your bathroom. Use it to contact me. It's a safe line, just don't let your husband know about it—mahaba na ito. Just see you later. I love you, my loves!

D.

Matamis na ngumiti si Aleesha sa nabasa. Kinilig ang puso niya at nanabik na muling makita ang binata.

Matapos punitin ang note ng pagka-liit liit ay itinapon niya iyon sa dustbin-for safety purposes-at sinulyapan ang oras sa bedside clock.

The clock reads twelve-thirty in the afternoon, and it's too late for her breakfast. She left the open-space bedroom and went to the toilet, and looked for Dylan's phone. She found it on top of the sink and quickly grabbed it.

Her fingers ran through the small flatscreen, inspecting every part of it. She has never held a phone for nine years, and she's not sure if she still knows how to use it.

Bahagya siyang napaigtad nang bigla iyong nag-ilaw at may lumabas na bagong mensahe. Walang password ang cellphone kaya nang ini-slide niya iyon ay kaagad iyong na-unlock.

The new message appeared from Dylan's secretary based on the name saved on it. She doesn't want to pry at Dylan's work thingy, so Alesha leaves the messaging app and scrolls to the phone's gallery.

Sa kanyang pagtataka ay halos mga larawan niya ang naroon sa gallery nito. Mga larawan niya mula nang naging sila, siyam na taon na ang nakalipas. Nanikip ang dibdib ni Aleesha sa Nakita dahil biglang bumalik sa balintataw niya kung ano ang nakaraan nila ni Dylan.

He kept me all this time.

Aleesha wanted to scroll more on Dylan's phone but her stomach started to grumble so she didn't have a choice but to prepare her lunch. Bago siya lumabas ng banyo ay nagsuot siya ng bathrobe at hawak ang cellphone ay humakbang siya palabas ng banyo. Ngunit bago siya tuluyang makalabas ay muling may nag-message sa hawak niyang cellphone.

Nag-alinlangan siya kung babasahin o hindi pero pinili niya ang una.

It was from an unknown sender.

Leave the phone in the toilet for safety purposes. The bathroom is the only place in your home that CCTV does not control.

Nagulat siya sa nabasa pero sinunod pa rin niya ang nag-message. Binalik niya sa pinagkuhanan ang cellphone. Tama ang nagmensahe, toilet niya lang ang walang cctv. Kung kailangan niya ng kontak kay Dylan, kailangan niyang sundin ang protocol nito.

Matapos ipatong sa sink ang cellphone ay tuluyang lumabas ng banyo si Aleesha at dumiretso sa baba ng kanyang unit. Nilampasan niya ang magarang sofa na halos hindi nauupuan dahil lagi siyang nasa taas sa kanyang kuwarto. This sofa just reminded her of her husband. Dito laging nakapuwesto ang asawa niya sa tuwing nasa penthouse niya, pero kahit kailan ay hindi niya ito pinapaakyat sa kwarto niya at sinang-ayunan nito na kahit papaano ay ikinatuwa niya.

May sarili silang penthouse sa central ng island kung saan siya nananatili kapag nasa isla ang asawa. Doon ay kontrolado lahat ng asawa.

Dumiretso siya sa kusina upang maghanda ng makakain. Clubhouse sandwich, one of the fastest and easiest foods to prepare. Hindi na niya kaya ang gutom kung magluluto pa siya.

Habang naghahanda ng sandwich ay sumagi sa isip niya ang tunay na katauhan ni Dylan. Kung bakit ito nasa isla. Kung kasapi nga ba ito ng RDS, ang organisasyon ng asawa. Pero matapos ang mahabang sandali ay walang nakuhang sagot si Aleesha. Ang mabuti pa ay aalamin niya mismo sa lalaki dahil ang pagkakaalam niya ay legal ang restaurant at bars na pag-aari ng pamilya nito.

Matapos maihanda ang sandwich ay muli siyang pumanhik sa taas dala-dala ang tray na naglalaman ng sandwich saka wine glass at isang bote ng champagne.

She wanted to celebrate her happiness because of seeing Dylan again. Aalisin niya sa isip ang anumang isipin tungkol sa asawa at papalitan iyon ng masayang alaala nila ni Dylan habang nandito pa ito sa isla.

Alee rested on the recliner while facing the endless horizon up north. Nasa resting area siya ng penthouse at nakababad ang paa niya sa jacuzzi.

Nakakailang baso na rin siya ng champagne ng makaramdam siya ng antok kaya isinandal niya ang katawan sa recliner at pansamantalang pumikit.

Hindi niya namalayang nakatulog siya. Nagising na lang siya ng masagi niya ang basong ginamit at nabasag iyon at nagkandapira-piraso.

Aleesha sighed. Tuluyan ng nagising ang diwa niya.

Patamad na nilinis niya ang bubog pagkatapos ay pumasok sa banyo, 'di kalayuan sa kinaroroonan niya. Naabutan niyang nagri-ring ang cellphone ni Dylan.

Bigla siyang na-excite baka ang binata ang tumatawag.

Mabilis niyang itinapon ang dalang bubog sa basurahan saka tiningnan kung sino ang tumatawag.

Vickers? Magkasalubong ang kilay na bulong niya bago sinagot ang nag-iingay na cellphone. Siguradong kakilala ito ni Dylan dahil naka-save ang caller id ng tumatawag.

"H-hello...?" she stammers as her heart beats erratically.

"Hey, my loves, it's me..."

"Dylan?" Bumangon ang tuwa sa puso niya nang marinig ang boses ng binata.

Tuwang-tuwa siya dahil muling narinig ang boses ni Dylan at hindi nga siya nananaginip lang. Kaya't nang sinabi nitong magkikita silang muli mamaya ay labis na pananabik ang naramdaman niya. Hindi siya makapaghintay.

Nakangiti niyang pinatay ang tawag saka mabilis na naligo. Excited siyang makitang muli si Dylan. Ang isang gabi nilang magkasama kagabi ay hindi sapat sa kanya upang punan ang siyam na taong pagkakahiwalay nila.

She knows. She knows that cheating is bad. Mostly, when she already has a husband, but the one that gives her happiness is not her husband. It was Dylan. Kaya kung kasalanan ang makisama sa hindi asawa, wala na siyang pakialam. Si Dylan pa rin ang mahal niya, wala ng iba.

Pagkatapos maligo ay dumiretso siya ng dressing room at nagbihis ng lampas tuhod na floral sundress na kulay maroon. It's backless and exposing most of her back. Hindi siya nag-abalang mag-suot ng bra. Walang silbi iyon sa isla dahil halos lahat naman ng kababaihan dito ay topless.

Her dressing room is the only room that has a wall, except for the bathroom. Umupo siya sa kanyang vanity mirror saka inumpisahang i-blow dry ang buhok pero hindi masiyadong tuyo. Enough to look fresher.

Pagkatapos ay kaagad na siyang bumaba at matapos kunin ang key card na nakasukbit sa likod ng pinto at mai-tap sa pinto ay tuluyan na siyang lumabas ng unit.

Naabutan niya ang dalawang guard na siyang bantay pa kagabi na papungas-pungas habang paalapit sa kanya.

Nagtataka siyang lumapit sa mga ito at tinanong kung anong nangyari sa mga ito.

"Anong nangyari? Bakit kayo pa rin ang mga naka-duty? 'Di ba dapat kanina pa kayong umaga nakaalis?"

Nakakaintindi ang mga ito ng tagalog dahil tinuruan ito ng asawa kaya sa tagalog ito kinausap ni Aleesha.

Every night and day ang shift ng bodyguards niya at dapat ay kagabi pa ang mga ito nakabalik sa PIH.

"Sorry, Miss Anika," sagot ng guard na may mas malaking katawan saka bahagya itong tumungo upang humingi ng tawad.

Hindi niya pinakita sa mga ito na alam niya kung ano ang nangyari kagabi. Nagkunwari siyang walang alam habang naglakad papalapit sa mga ito saka ang mga ito tinanong.

"What happened?"

"May isang lalaki pong pilit na pumasok dito kagabi. Okay lang po ba kayo? Hindi ba kayo pinasok?" tanong ng isa sa mga ito. Matigas ang tagalog ng mga ito pero diretso kung magsalita.

OO, pinasok ako. Kakaibang pasok! Pilyang hiyaw ng isip niya.

Ngunit iba ang salitang bumulalas sa bibig niya.

"Anong ibig niyong sabihin?" gulat na bulalas ni Aleesha. "May pumasok dito sa floor ko, at hindi niyo man lang nadepensahan? Paano nangyari 'yon? The access on this floor is only for us!" mataas ang boses na sigaw niya upang pangatawanan ang pagkukunwari.

Natahimik ang mga ito dahil sa pagsigaw niya.

"Do you have any idea what my husband will do if he knows about this? Bakit hinayaan niyo siyang makapasok sa floor ko? Dalawa kayo at nag-iisa lang siya. Alam niyo ba kung anong mangyayari sa inyo kung makakarating 'to sa asawa ko?" Nakapamaywang na pagpapatuloy ni Aleesha. Kung may dapat mang i-reward sap ag-acting ay deserve niya 'yon dahil sa pagkukunwari niyang mukhang makatotohanan.

Napayuko ang dalawang tauhan at hindi makatingin sa kanya. Lihim siyang napangiti. If Dylan were trying to sneak in, then she'd help him.

"Please, ma'am. Huwag niyo pong sasabihin sa asawa niyo—"

"Inuutusan mo akong magsinungaling sa asawa ko?" matalim na putol niya sa sasabihin ng isa sa mga ito.

Sabay na namutla ang dalawang tauhan dahil sa sinabi niya.

"Patawad, ma'am. Hindi po iyon ang ibig kong sabihin. Papatayin po kami ng asawa niyo ma'am kung malalaman niyang may nakapasok na lalaki rito," natatakot na sagot ng isang tauhan sa kanya na siyang nagbigay ng suhestiyon.

Lihim na nagbubunyi ang kalooban niya. Her plan is working. Well, ayaw na niya itong patagalin pa.

Marahas siyang bumuntong-hininga saka hinarap ang mga ito.

"Fine! I will spare you two this time. Pero ayaw ko ng maulit 'to! Is that clear?" nakapameywang pa rin na wika niya.

"Yes, ma'am!" sabay na wika ng mga ito na namumutla na sa takot.

"I'm going down to the resort. You two can come with me. I'll take care of the CCTV footage so that my husband won't see it."

Tinalikuran niya ang mga ito at naunang pumasok sa elevator na nakabukas na. They were using the private elevator this time. Napangiti siya nang may naisip.

I should give Dylan access to this elevator.

Tanging siya at ang asawa niya at tauhan nito ang nakakaalam sa secret elevator dahil naka-coumoflage ito sa glass wall ng building.

Nang makarating sa resort ay kaagad niyang tinungo ang favorite spot niya at ginawa ang usual routine niya.

Watching the sunset and its glow makes her feel even better. Filling the beach were couples that were busy making out, the usual routine of the island. But Aleesha could see a lot of new faces, fresh and young.

Nagtagis ang kanyang bagang. She knows too well that all of those girls are victims of kidnapping or human trafficking.

Parami yata ng parami ang nagiging biktima nila! This should stop! Nagtagis ang bagang na hiyaw niya. If only she can help save all those women, but how can she save others if she can't free herself?

Dahil sa nasaksihan ay nawalan siya ng ganang manood ng sunset kaya napagpasyahan niyang bumalik sa penthouse. Nagpalipas pa siya ng ilang minuto bago patamad na tumayo sa recliner.

Nasasabik na rin siyang makita muli si Dylan. Hindi niya pinansin ang nagtatakang mukha ng tauhan na tahimik na nakasunod sa kanya.

Mabibilis ang hakbang niya habang papasok ng elevator paakyat sa penthouse. Ang dibdib niya ay kina-kalabog ng kaba at excitement pero ang mukha niya ay walang emosyon baka mahalata siya ng tauhan ng asawa.

Katakot-takot na bilin ang sinabi niya sa tauhan ng makarating sila sa 18th floor at makalabas ng elevator.

"Magbantay kayong maigi. Ayaw ko ng maulit kung ano man ang nangyari kagabi, maliwanag?" mahigpit na utos niya saka tinalikuran ang mga ito at pumasok sa unit niya habang ang puso ay dumadagundong sa excitement na makita si Dylan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro