Kabanata 5
"Now that he's gone
Picasso, what machine
would keep order in our dreams?"
🌼🌼🌼
KASAMA ni Celine si Max Jacob sa pag-aalaga kay Maya. Siya ang kasangga nito sa lahat, mula sa paglilihi niya hanggang sa araw na nanganak siya. Dalawang taon na ang lumipas ngunit kahit kailan, walang natanggap si Celine na liham mula kay Pablo. At ni minsan, hindi pa din nito naiisipang bumalik.
Minsan, sumasagi sa isip niya. Paano kung iniwan na siya ni Pablo? Na siya na lang naman ang umaasa na babalikan pa siya nito? Na pagkatapos ng lahat ng sakripisyo niya para sa relasyon nila, napunta lang lahat ng 'yon sa wala?
María de la Concepción ang pinangalan ni Celine sa anak. In short, Maya nalang. Halos si Max Jacob na nga ang tumayong ama sa anak niya. At malaki ang pasasalamat niya dito dahil kung wala ito, hindi niya na alam kung anong gagawin niya.
"Nandito na ako!" Masayang sambit ni Max Jacob, pawis na pawis ito galing sa trabaho. Sinalubong naman siya ni Maya na todo yakap sa kanya. "Papa!"
"Kamusta ang prinsesa ko? Baka pasaway ka kay mama ha!"
"Good girl po ako!"
Binuhat ni Max Jacob si Maya at hinalikan sa pisngi. Pinagmasdan lang naman ni Celine ang dalawa. Hindi niya alam kung masasaktan siya para sa anak niya e. Paano ba naman, tinatawag nito si Max Jacob na papa kahit hindi naman talaga ito ang tunay nitong ama.
Nabaling ang tingin ni Max Jacob kay Celine. Binaba nito si Maya sa upuan at pagkatapos ay niyakap nito si Celine patalikod. Hinalikan ni Max Jacob ang pisngi nito. "Namiss kita."
Saglit namang itinigil ni Celine ang pagsasandok ng ulam upang tumingin kay Max Jacob. Ngumiti ito at niyakap ang lalaki ng mahigpit. "Mahal na mahal kita, Therese." Bulong nito sa tenga niya. Hindi naman tanong ang sinabi ni Max Jacob sa kanya, pero hindi niya kayang sagutin 'yon pabalik. Hindi niya pa sigurado ang nararamdaman niya para dito hangga't hindi niya pa nakikita ulit si Pablo.
Hangga't maari, ayaw niya itong umasa sa kanya. Matagal ng sinabi ni Celine na hindi niya pa kayang umibig ulit, pero handa naman si Max Jacob na maghintay. Malaki ang respeto nito kay Celine, lahat ng bagay ay ginagawa niya para dito. Hindi nawawalan ng pag-asa si Max Jacob na balang araw, masusuklian din ni Celine ang pagmamahal niya.
Kung titignan, para silang isang masayang pamilya. Sabay sabay silang nanalangin at kumain sa mesa. Nang mabusog, diretso tulog naman si Maya sa kwarto. Naiwan naman si Celine at Max Jacob sa pagliligpit ng pinagkainan.
Habang naghuhugas ng pinggan si Celine, panay ang yakap ni Max Jacob sa likuran niya. Naglalakbay na din ang kamay nito patungo sa kanyang dibdib habang hinahalikan ang leeg niya. Sunod sunod naman ang mabibigat na hininga na pinapakawalan ni Celine. Ayaw niyang magkasala kay Pablo, pero napagtanto niya na wala namang masama sa ginagawa nila ni Max Jacob. Dahil kahit kailan naman, hindi siya pinakasalan ni Pablo. Iniwan siya nito at hindi na binalikan pa. Si Max Jacob ang nanatili no'ng mga panahong kailangang kailangan niya si Pablo. Si Max Jacob lang ang tanging umintindi sa kanya. At kay Max Jacob niya lang naramdaman na wala siyang kahati pagdating sa pagmamahal.
Hinarap ni Celine si Max Jacob at pinasadahan ng malalim na halik. Mas lalong hinila ng lalaki si Celine papalapit sa kanya, habang pinaglalaruan ang matambok nitong dibdib. Kinarga ni Max Jacob si Celine sa lababo at do'n hinubaran. Nagpalitan sila ng mapupusok na halik habang tanging ungol lamang ang naisukli ni Celine. Init na init ang dalaga, 'tila nasasabik sa ginagawa nila ni Max Jacob. Pansamantala namang itinigil ng lalaki ang paghalik sa kanya. Tinitigan nito ang kanyang mukha. "Hindi kita pinipilit kung hindi pa talaga ako, Therese."
"Sigurado na ako ngayon, Max Jacob. Nanatili ka sa tabi ko, kung wala ka hindi ko na alam ang mangyayari sa'min ni Maya. Salamat sa lahat. Salamat sa walang sawang pagmamahal sa'kin. At salamat sa paghihintay."
"Sana ako nalang ang una mong nakilala. Hayaan mo, pangako sa'yo. Papakasalan kita, Therese."
Hindi na nakapagpigil pa si Celine at hinalikan na ito. Pinagsaluhan nila ang isa't isa at nang araw na 'yon, naabot nila ang langit na magkasama.
🌼🌼🌼
TINUPAD ni Max Jacob ang pangako nito kay Celine. Ilang araw na lamang, nakatakda na silang ikasal na dalawa. Hawak ngayon ni Celine ang nirentahan niyang white gown para sa kasal nila. Si Max Jacob naman na kasama ni Maya, nauna na sa venue upang kausapin ang mga opisyales na magtatakda sa pag-iisang dibdib nila.
Sa ngayon, papunta na si Celine kung nasa'n ang mag-ama niya. Ngunit napatigil na lamang siya nang makita ang isang pamilyar na lalaki na hindi niya inaakalang makikita niya pa. Mukhang hindi siya nito nakita, tatawagin niya sana ang pangalan nito pero mas pinili niya na lang na sundan si Pablo.
Dumaan ito sa ibang ruta, malayong-malayo sa apartment na tinitirhan niya. Sa hindi kalayuan, tanaw ni Celine si Pablo na may kahalikang babae. Maikli ang buhok nito at hapit na hapit ang kasuotan. Kulang nalang, maghubad na ito dahil sa nipis ng tela.
Nanginginig naman ang mga kamay ni Celine sa galit. Paano 'yon nagawa ni Pablo sa kanya? Sa dalawang taon na 'yon, kung nandito lang pala siya sa France.. bakit hindi man lang ito nagpakita sa kanya? Bakit hindi ito nagpadala ng liham?
Mahigpit na tangan ni Celine ang dala niya. Naglakas loob siyang sumilip sa kinaroroonan ni Pablo. Saktong bukas pa ang bintana kaya kitang-kita niya ang ginagawa nito. Walang saplot ang babae at sa kasalukuyan, pinipinta siya ngayon ni Pablo. Nanikip ang puso ni Celine sa nakita. Parang dati lang, siya ang modelo nito. Masama ang titig niya sa dalawa. Nagbabadya na ring tumulo ang kanyang luha.
Hindi niya alam kung bakit siya nasasaktan. Hindi ba't ikakasal na siya kay Max Jacob ilang araw nalang? Kung gano'n, bakit siya naapektuhan? Ano bang pakialam niya kay Pablo na tinalikuran ang responsibilidad sa kanya, hindi lang bilang asawa kung hindi pati na rin ang pagiging ama kay Maya.
Pinahid niya ang luha niya, aalis na sana siya pero natabig niya ang halamanan. Naglikha 'yon ng malakas na ingay kung kaya't napansin siya ni Pablo. Nagulat naman ang kasama nitong babae at agad tinakpan ang hubad nitong katawan.
Nagmadali sa paglalakad si Celine. Tinatawag ni Pablo ang pangalan niya, pero hindi niya ito balak lingunin. Dahil para saan pa? Para magpaliwanag sa mga kasinungalingan niya? Ayaw niya na ito marinig. Kitang kita na niya ang pagtatraydor sa kanya ni Pablo. No'ng mga panahong nagbubuntis siya at nahihirapan, anong ginawa ni Pablo? Nagpapakasarap sa ibang babae?
Kinasusuklaman niya ang lalaking 'yon. Hindi siya makapaniwala na nagawa niyang mahalin si Pablo at ituon dito ang halos walong taon. Ang dami niyang sinayang na luha, halos mabaliw na siya kakaisip noon kung kamusta na ba ito o kung humihinga pa ba si Pablo.
Pero kahit anong bilis ng pagtakbo ni Celine, naabutan pa din siya ni Pablo. Inabot nito ang braso ni Celine. Marahas naman niya itong inalis. "'Wag mo akong hahawakan! Nakakadiri kang nilalang!"
"Hayaan mo akong magpaliwanag Therese—" Sinampal niya ito. Galit na galit siya kay Pablo. "Hindi na kailangan Pablo. Kitang kita ko na, itatanggi mo pa? Kung hindi pa pala kita nakita, wala ka pang balak magparamdam? Bakit? Dahil nagpapakasarap ka sa babae mo?"
"Bakit, sino ba ang nauna sa'tin Therese? Hindi ba't ikaw ang unang nangaliwa? At talagang sa matalik ko pang kaibigan! Kay Max Jacob pa talaga!" Hindi nakapagsalita si Therese. "Bumalik ako, Therese. Araw araw akong nagpapadala ng liham sa'yo, ngunit kahit isa wala ka man lang sinagot. Kaya napagdesisyunan kong 'wag ka ng guluhin. Mukhang masaya ka naman sa piling ng kaibigan ko."
Napalunok si Celine sa nalaman. Paano nasabi ni Pablo na nagpapadala ito sa kanya ng liham? "Kahit kailan naman wala akong natanggap, Pablo! Oo, umamin si Max Jacob sa'kin na mahal niya ako. Pero hindi ko siya pinatulan, kasi hinihintay kita!"
"Kaya naman pala. Hindi mo ba naisip na tinago lahat ni Max Jacob ang liham ko para sa'yo? Hindi ba't siya ang kasa-kasama mo sa lahat?" Biglang sumagi sa isip ni Celine si Max Jacob. Bakit nga ba hindi niya naisip 'yon? Pero imposible, hindi magagawa ni Max Jacob 'yon sa kanya!
"'Wag mong ibahin ang usapan, Pablo. Kung ano mang meron sa'tin ngayon, labas dito si Max Jacob."
"Paumanhin, nakalimutan ko na ikakasal na nga pala kayo." Nasasaktang sambit ni Pablo. Unti-unti, pumatak na ang luha na kanina niya pa pinipigilan. "Hindi rin naman kita masisisi kung hinanap mo ang pagkukulang ko sa ibang lalaki. Nandiyan ka lagi sa tabi ko no'ng mga panahong nangangarap ako. Lagi mo akong iniintindi Therese, pero kahit kailan hindi ko nasuklian 'yon."
"Nakakapagod ako mahalin, pero hindi ka bumitaw. Sadyang ako lang 'tong duwag dahil hindi kita pinaglaban." Nabitawan ni Celine ang hawak hawak niyang gown. Nahihirapan na siyang huminga, hindi niya na kinakaya ang sakit na binibitawang salita ni Pablo.
"Nararapat lang na sumaya ka, Therese.. hindi nga lang sa piling ko. Hangad ko lagi ang kaligayahan mo. Isipin mo nalang na hindi tayo nagkakilala no'ng gabing 'yon. Kalimutan mo na ako at gano'n din ang gagawin ko."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro