Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1

"This poem is for Picasso,
who didn't have hair and looked
like cheese."

🌼🌼🌼

IGINALA ni Celine ang mata niya sa paligid. 'Tila hindi nito maintindihan kung sa'n siya napadpad. Ang lugar na kinatatayuan niya ngayon ay napakalayo sa panahong nakagisnan niya, para siyang dinala sa unang panahon. Hindi naman siya nakabaro't saya kaya tiyak niyang wala siya sa Pilipinas.

"Bonjour, Madam Therese."

May sumulpot sa likuran niyang lalaki at agad siyang pinayungan. Nakasunod pa dito ang isa pang lalaki na ani mo'y parang mga bodyguards niya kung umasta. "Sino ka? Bakit mo 'ko tinatawag na Therese? Celine ang pangalan ko."

"Pardon?" Sagot lamang nito sa kanya. Bakas sa mukha nito na hindi siya naiintindihan. E pa'no pa kaya si Celine na walang kaalam-alam sa mga pangyayari?

"Atsaka, bakit pala ako nakakakita? As far as I know, I'm blind." Patuloy na pagsasalita ni Celine. Napakamot naman ang mga ito sa kanya, napapaisip kung bakit may kakaiba sa kinikilos ng kanilang amo.

"Madame, you're not blind. You're just hungry. I think you should eat your lunch." Natatawang suggest nito sa kanya. Niyaya na siya nitong umalis na, kaya naman walang nagawa si Celine kung hindi sumunod sa dalawa. "What's your name?"

"I'm Ivan." Pagpapakilala ng lalaking pinapayungan siya. "Elijah," sambit naman ng isa pang lalaking nakasunod lang sa kanya.

Do'n niya na lamang napagtanto na hindi pala ito nakakaintindi ng tagalog. Mukhang mababait naman ang mga ito sa kanya at talagang pinagbuksan pa siya ng pintuan ng kotse. Kung ituring nga siya ng dalawang lalaki, para siyang isang prinsesa na hindi dapat padapuan ng lamok.

Hindi maiwasan ni Celine na mapatingin sa bintana ng kotse. Napapaisip siya, bakit siya napunta sa kabilang dako ng mundo? Patay na ba siya, o sadyang nasisiraan lang siya ng ulo? Hindi lang 'yon, parang nagkaroon ng himala dahil nakakakita na siya! Para siyang nasa isang panaginip, ngunit napakalabong mangyari dahil masyadong totoo ang mga nakikita niya ngayon.

"Paris?" Sambit niya na lamang sa sarili nang makita ang Eiffel Tower. Kung gano'n, nasa France siya? Kaya naman pala ang ganda ng suot niya e. Isa 'yong off shoulder vintage dress na kulay asul na may ribbon sa gilid ng baywang niya. Nakapusod din ang mahaba niyang buhok ng french braid.

Ang pagkakaalam niya, hindi lumalampas ng hanggang braso 'yong buhok niya e. Pero sa kinalalagyan niya ngayon? Parang lahat ng imposible na mangyari sa buhay niya, nagiging totoo sa kung nasa'n siya ngayon.

"We're here." Natigil lamang si Celine sa pagmumuni-muni nang tumigil ang kotse. Kagaya kanina, pinagbuksan siya ni Elijah para makababa. Inalalayan naman siya ni Ivan at pinayungan.

Hindi niya na halos mabilang kung ilang beses na siyang namangha. Napakalaki ng mansion sa tapat niya. Kulay puti ito na may touch of brown. Sobrang pamilyar ng bahay na 'yon sa kanya, hindi niya nga lang matandaan kung kailan o saan niya ito nakita.

Kinakabahan man, inihakbang na ni Celine ang paa niya papasok sa loob. Napapayuko naman ang mga tao na nakakasalubong niya, marahil tanda siguro ng pagrespeto sa kanya. Ang totoo niyan, wala talagang ideya si Celine kung saan siya papunta. Buti na nga lamang, may sumalubong sa kanya. Isang babae na may katandaan na, pero hindi naman maitatanggi ang kagandahan nito. Hinalikan siya nito sa pisngi at binati. "Ang paborito kong apo, Marie Therese Walter."

Hindi alam ni Celine ang isasagot sa kanya. Nagulat kasi siya na marunong ito magtagalog. Nagtataka siya kasi nasa France sila, tapos hindi french language. Unti-unti na talagang nagiging weird para kay Celine ang mga pangyayari.

"Apo, may problema ba? Napatahimik ka yata?" Pag-aalala nito. Isang ngiti lang naman ang isinukli ni Celine.

"Nasa'n po sina mama at papa?" Tanong ni Celine, naisip niya lang bigla na itanong out of curiousity. Nagsalubong naman ang kilay ng matanda na parang may mali sa sinabi niya.

"Matagal na silang patay, Therese. Sigurado ka bang ayos ka lang? Magpahinga ka muna kaya, baka masyado mong pinapagod ang sarili mo sa pag-iisip ng 'yong mapapangasawa."

"A-Asawa ho?" Hindi makapaniwalang sagot ni Celine.

"Nakalimutan mo na ba? May salu-salong magaganap para sa'yo bukas. Dadalo ang iba't ibang mga kalalakihan galing sa mayayamang pamilya para makipagkilala sa'yo. Suhestyon mo pa nga 'yon sa'kin, Therese." Pagpapaliwanag sa kanya ng lola niya.

"Pero, bata pa po ako."

"Nangako ka sa'kin, Maria Therese. Bibigyan mo ako ng apo hangga't may natitira pa akong araw sa mundong 'to." Mariin na pahayag nito sa kanya. Sa tono ng pananalita ng matanda ngayon, mababakas ang kalungkutan. Bigla tuloy nakonsensya si Celine at labag sa loob nitong pumayag sa kagustuhan ng kanyang lola kuno.

Walang ibang ginawa si Celine kung hindi tumambay sa kwarto niya. Mabilis lumipas ang araw, ngayon na magaganap ang salo-salong hinihintay ng lahat. Mula sa bintana ng kwarto niya, tanaw niya ang iba't ibang tao na pumapasok sa loob ng kanilang bahay. Sa kasuotan pa lamang nila, mahahalata na nanggaling ang mga ito sa isang mayamang pamilya.

Sa kabilang dako naman, may inupahan naman ang kanyang lola para may mag-ayos kay Celine. Kung anu-anong kolorete ang nilagay sa mukha niya. Nakalugay ang kulot nitong buhok ngayon na bumagay naman sa suot nitong yellow cocktail dress. Ilang oras pa ng paghihintay, nagsimula na din ang salo-salo.

Kagaya ng normal na kasiyahan, ipinakilala siya ng lola niya sa harap ng maraming tao. Halos mangawit na nga ang panga niya kakangiti sa mga bisita e. Buti na lang, nagawa niyang makalusot sa salo-salo na 'yon. Ewan niya ba, masyado siyang naiingayan dahil sa dami ng tao. Wala din naman siya sa mood para makipagkilala sa mga 'yon. Bahala silang magdiwang diyan, basta ako dito lang, saad ni Celine sa kanyang sarili.

"Anong ginagawa mo dito?" Napahawak si Celine sa dibdib dahil sa kaba. Gigil itong napatingin sa lalaking biglang sumulpot sa tabi niya. "Ano bang pakialam mo?"

"Ang sungit mo naman, nakikipagkilala lang naman ako."

Napabuntong hininga na lamang si Celine. Matapos niyang magmaldita dito, saka siya tinablan ng konsensya. Minsan, gusto niya ng kutusan ang sarili niya e. Ang gulo ng utak niya minsan. "Ah gano'n ba? Sorry ha, wala lang ako sa mood."

Bahagya itong tumawa sa inasal niya. Nagtaka naman si Celine. "Luh, may tama ka ba?"

"Wala naman. Pero, Pablo nga pala. Pablo Picasso." Naglahad ito ng kamay sa kanya. Halos magulat pa nga siya sa narinig e. "Pablo Picasso?! Painter ka 'di ba?"

"Oo, ikaw ba?" Ngumiti ito sa kanya. Medyo naalibadbaran si Celine sa mga ngiti nito, hindi man lang ba ito nangangawit kakangiti?

Pero siyempre, pinalampas na lang 'yon ni Celine. Gwapo kasi si Pablo at hindi lang 'yon, ang bango pa! Nakakahumaling ding tignan ang lalaki dahil sa suot nitong black hat.

"Yep, painter din ako. Alam mo bang idol kita? Manghang mangha ako sa painting mo! Lalo na 'yong obra mong The Old Guitarist." Napatakip naman bigla ng bibig si Celine. Masyado na yata siyang nagiging madaldal.

"Paano mo naman 'yan nalaman? Tanging kaibigan ko lang ang nakakaalam sa painting ko na 'yon." Hindi makaimik si Celine, ano na lang ang sasabihin niya dito? Na galing siya sa future at nandito siya ngayon sa France?

"Instinct lang siguro. Teka, ba't ka pala nandito? Gusto mo siguro akong mapangasawa," pag-iiba ni Celine. Natawa na naman tuloy si Pablo sa kanya.

"May asawa na ako. Sinamahan ko lang ang kaibigan kong si Max Jacob kaya ako nandito," Natatawa pang paliwanag ni Pablo sa kanya. Agad namang namula ang pisngi ni Celine. Sobrang nakakahiya!

"Oh, natahimik ka yata? 'Wag ka na mahiya sa'kin. Ano bang pangalan mo ulit?" tanong ni Pablo sa kanya.

"Celine, este Marie Therese Walter pala. Pero tawagin mo nalang akong Therese." Muntik pang mabuking si Celine.

"Kung gano'n, Therese. Maari ka bang ma-isayaw?" Sa pangalawang pagkakataon, naglahad ulit ng kamay si Pablo sa kanya. Agad namang tinanggap ni Celine 'yon at ngumiti.

"Oo naman, ginoo."

Mula sa hardin na kinatatayuan nila, rinig na rinig ang mabagal na musika na nanggagaling sa mansyon. Dahan dahang hinawakan ni Pablo ang baywang ni Celine, hindi naman makatingin ang dalaga sa kanya. Tila nahihiya dahil sa sobrang lapit ng mga katawan nila.

Maingat naman siyang isinayaw ni Pablo, kasabay ng romantikong ritmo nito. "Bakit hindi ka makatingin sa'kin, Therese?" Bulong ni Pablo sa tainga niya. Sa hindi malamang dahilan, kumabog ang puso ni Celine. Ramdam na ramdam nito ang hininga niya sa kanyang leeg. Natahimik tuloy siya.

"Interesado ako sa'yo. Kung pagbibigyan mo, nais kong lubusan kang makilala."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro