Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Unti-Unti

***

Kaunting distansiya. Pusong palakas nang palakas ang tibok. Mga matang nangungulila sa isang bagay na hindi maintindihan at hindi maipaliwanag.

Hinakbang ko ang mga paa ko papalapit sa kanya. Humulma ng malaking ngiti ang labi ko.

Dahan-dahan.

Unti-unti.

Parang sa isang iglap, biglang huminto ang oras. Na parang tanging pagtibok lang ng puso ko ang naririnig ko at tanging ang mukha lang niya ang nakikita ko sa mga oras na ito.

Ilang agwat na lang ang layo naming dalawa. Sa hindi malamang dahilan, naramdaman ko ang paglandas ng mainit na tubig sa pisngi ko. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong maramdaman ang init ng yakap niya.

Tinaas ko ang mga kamay ko para haplusin ang mukha niya. Kaunti na lang at lalapat na ito pero biglang...

Bigla akong napabangon at madilim na paligid agad ang sumalubong sa akin. Malalim akong napabuntong hininga.

That was the second time that I dreamed of him. Hinaplos ko ang bandang dibdib ko. Malakas ang tibok ng puso ko.

After our second meeting, still, a coincidence meeting, hindi na siya mawala sa isipan ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

May boyfriend ako. Mahal ko siya. Pero simula nang makatagpo ko siya, unti-unti, parang biglang may nagbago sa pagtingin ko sa kanya. I closed my eyes and sighed and just shook my head before heading back to sleep again.

Kinabukasan, nakipagkita ako kay Mark dahil may gusto akong sabihin sa kanya. Ayokong magsinungaling sa kanya at ayoko ring magsinungaling sa sarili ko.

Ayoko siyang ikulong sa kaisipang ang nararamdaman ko ay gaya pa rin ng dati. Kailangan kong tanggpin na may nagbago na.

"Saan ka na?" tanong ko pagkasagot niya sa tawag ko.

"Malapit na. Miss mo na ba talaga ako?" nahimigan ko ang galak sa boses niya pero hindi ko maibalik ang kagalakang nararamdaman niya.

Habang naghihintay, bigla akong may narinig na isang musika na nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.

[Play Unti-Unti by Up Dharma Down]

Unti-unting naglalapit
Ang ating mga mundo
Pag-asa ay ating bitbit
Maligaya't walang takot

Sinundan ko kung saan ito nagmumula hanggang sa mapadpad ako sa kumpol ng tao at nakita kong may bandang tumutogtog.

Ang saya at pagsinta'y
Tila walang kapantay
Inaabangan ang bawat pagtagpo

Ipinikit ko ang mata ko at pinakinggan ang liriko ng kanta.

Walang mintis ang tuwa
Sating dalawa
Hinamak ang lahat

Nang imulat ko ang mga mata ko, biglang tumibok nang malakas ang puso ko nang masilayan ko ang taong naging dahilan ng paghaharumentado nito. Kumurap ako at pinagmasdan siya na nakatitig din sa entablado, seryoso ang mukha na nakikinig.

Unti unting nawawala
Ang iyong mga salita
Dahan dahang naglalaho
Ang lahat ng pangako


"Tsansa ko na 'to, 'di ba?" tanong ko sa sarili ko. Lumunok ako at nagsimulang humakbang pero napatigil ako nang tumunog ang cellphone ko and it was Mark calling. I stared at it at nagdesisyon akong huwag itong sagutin. Nang muli ko siyang tingnan, nagsimula na siyang humakbang papalayo.

Napapansing lumalayo
Ang 'iyong tingin
Di na alam ang dapat kong gawin
Tuluyan ka na bang mawawala sa 'kin


Sinundan ko siya. Hindi ko alam pero sobrang lakas nang tibok ng puso ko.  At ang tanging nasa isip ko ngayon ay ang mayakap at mahaplos siya.

Ang tamis at aruga
Na laganap sa simula
Ngayo'y nabaon na

Hanggang sa huminto siya. Nang mapansin ko ang paligid, natanto kong nasa parke kami ng mall.

Sa puso't isip na mapait
'Di na maibabalik
Sa unang araw.

Umupo siya sa isang bench at kinuha ang kanyang cellphone at nagtipa roon. Ako naman ay unti-unting nilapit ang distansiya naming dalawa.

Ang pait at ang sakit
Na dati'y wala naman
Ngayon ay hindi na mailagan


Ang puso ko ay walang tigil sa pagtibok. Sobrang natutuwa. Hindi mapakali. Hanggang sa mapahinto ako ilang dipa ang layo sa kanya. My tears start to blur my sight.

Ang tanong na walang sagot
Luha ang nadudulot
Sa ating mga mata


"Hi?" bigkas ko. Bigla siyang natigilan sa ginagawa at marahang iniangat ang ulo hanggang sa magtagpo ang mga mata namin. Tuluyan na ngang bumagsak ang luha sa pisngi ko. Hindi ko na maipalawanag pa ang nararamdaman.

Hahanap-hanapin
Ang mga bulong sa gabi
Ulit-ulitin
Ang bawat kwento at sikreto natin


Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Suot ang seryosong mukha hanggang sa unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya.

Hanggang wala na
Ang luha sa puso ko
Hanggang sa muli
Tayo rin magtatagpo

Unti-unti kong itinaas ang kamay ko. Bigla ko namang naalala ang panaginip ko. Bigla akong nakaramdam ng takot. Pero ngayon pa ba ako matatakot kung kailan pagkakataon ko na? Kung kailan pagkakataon ko nang palayain ang sarili ko sa katotohanang...

mahal ko na siya?

My tears can't seem to stop falling.


"Nagkita ulit t—tayo..." nauutal kong sambit.

Kaunti na lang. Lalapat na ang mga kamay ko sa mukha niya.

Pero bago pa man iyon lumapat, may tumawag sa pangalan ko at ganoon na rin sa pangalan niya.

Lumandas ang isang butil ng luha na puno ng sakit sa pisngi ko.

Natigil sa ere ang kamay ko.

Unti-unti...

Unti-unti niyang tinalikod ang kanyang sarili at dahan-dahang naglakad papalayo sa akin. Ginuhitan ng malaking distansiya ang mga puso naming iisa lang ang sinisigaw.

Someone held my hand.

Nakatitig lang din ako sa kanya. Ang ingay ng paligid pero ang pagkabasag lang ng puso ko ang naririnig ko.

Unti-unti.

Unti-unti na siyang naglaho.

Hindi lang sa paningin ko kundi pati na rin sa buhay ko.

"Mahal kita..." bulong ko.

Unti-unti man tayong pinaglapit, unti-unti rin tayong pinaglayo.

Minarkahan ng tadhana.

Na ang unti-unti sa atin ay unti-unti lang talaga.

At mananatiling doon lang.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro