P8
#SWP8
Iginaya na ako ni Anton papasok sa isang cabin na inupahan nila. Nilibot ko ang aking paningin, at tulad nung una kong punta dito'y ganun pa rin iyon halos walang pinagbago.
"Magbibihis kaba muna, bago ka maligo o ayan na ang ipangliligo mo?" Aniya at ibinaba ang aking bag sa isang kama. Pinasadahan niya ako ng tingin.
"Ahm, huhubarin ko lang ang tops ko, nakabikini na rin naman ako." Nahihiya kong sabi.
Kumunot ang kaniyang noo. Ang kaniyang makapal na kilay ay konting-konti nalang ay magdidikit.
"You're wearing a bikini?" Tanong niya ulit.
Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang nahihimigan ko ang frustration sa kaniyang boses.
"Oo naman, bawal ba?" Nakagat ko ang aking pangibabang labi.
"But—" bumuntong hininga siya. "Fine, Huwag kang masyadong magtagal dito, kakain pa tayo." Huling sabi niya bago walang tingin-tingin sa akin na lumabas sa cabin.
Napangiti nalang ako at dali-dali nang tinanggal ang aking tops. Pagkatapos kong ayusin ang aking sarili'y lumabas na rin ako. Paglabas ko'y sakto rin na nagsialisan muna sila sa tubig at lumapit sa kubo kung saan nandoon ang lamesang mahaba at pagkain. Sobrang rami ng mga pagkain at halos matakam pa ako.
"Anong gusto mo?" Ani ni Anton ng paglapit ko palang sa lamesa. Ni hindi pa nga niya ako tinitingnan.
Napanguso ako at tinuro ang adobo at sisig. Pang pinoy ang halos sa mga pagkain nakahanda. Mayroon pang letchon kawali sa banda nila kuya Nathan na pinapapak nila.
Nang makita ako ni Anton na nakatingin sa letchon ay kinuhaan niya rin ako nito. Agad ko siyang pinigilan. "Ayaw mo? Kanina kapa nakatingin," nawala ang paningin niya sa akin at nalipat ito kay Kuya Nate at Kuya Nathan. Tinapik niya ang kamay ni Kuya Nate. "Huwag mong kamayin, Nate!" Ani niya.
Tumawa lang ang huli at tumigil na sa pagkuha. "Tayo-tayo lang naman din, ang over mo."
"May tinidor naman kasi bakit kinakamay mo." Iritadong sabi naman ni Kuya Nathan sa kapatid.
Halos magkakaedad lang silang lahat kaya normal lang sa kanilang ganito ang pakikitungo sa isa't-isa.
"Atleast nga 'di ba hindi pinapaa." Sarkastikong sabi ni Kuya Nate.
Hindi ko talaga maiwasang titigan si Kuya Nate habang nagsasalita dahil sa bawat nganga't sarado ng kaniyang bibig ay iyon naman ang paglalim ng kaniyang dalawang biloy. Sobrang gwapo niya at cute din sa aking paningin. Kaya nang mapatingin siya sa akin at mahuli akong nakatingin sa kaniya'y malapad niya akong nginitian at kinindatan.
Hinila na ako ni Anton palayo doon at pinaupo sa isang bench hindi gaano kalayo sa kubo na pinagtatambayan nila. Binigay niya sa akin ang aking plato bago naupo paharap sa akin. Tumagilid din ako para makaharap siya.
"Bukas, may gagawin pa rin kayo?" Tanong ko bago sinubo ang masarap na sisig.
"Ahm," uminom muna siya sa kaniyang tubig bago sumagot. "Nasabi ni Nate kanina na dumalaw kami sa kanilang rancho, baka iyon ang pagkakaabalahan namin bukas."
"Ah ganun ba, siguro nga hindi kita makikita." Sayang wala siya. Gusto ko pa naman ipatikim sa kaniya ang natutunan kong lutoin na ulam. "Hayaan mo na, mayroon pa namang ilang araw."
"Pwede akong pumunta sa inyo pagkatapos." Pino niyang sabi. Muli akong nabuhayan sa narinig.
"Talaga?" Excited kong sabi.
"Oo," pansin niya ang pagkaexcited ko. Kaya nang nginitian niya ako'y hindi ko maiwasang maatitig sa maamo niyang mga mata.
Ilang saglit pa'y humiwalay na rin ako sa paninitig sa kaniya at pinagpatuloy na ang kinakain.
"Ubos na tubig mo," kinuha niya ang baso ko. Nabigla ako doon. "Kukuha lang ako ng tubig." Tumango nalang ako kahit hindi pa rin bumabalik ang sarili mula sa pagkakabigla.
Tapos na kaming dalawa kumain at nililigpit ko nalang ang mga pinagkainan namin ng sabihin niya iyon. Tiningnan ko lang siya ng muli siyang humalo sa mga naglalakihang katawan ng kaniyang mga kaibigan. Lahat sila mukhang amerikano, patok para sa mga babae.
"Andaming gwapo dito!" Impit na sigaw ng mga babae ang aking narinig mula sa aking likod. Paglingon ko'y ganun nalang ang bigla ko nang makita ang aking mga kaklase na kinulang sa mga tela ang suot.
"I told you!"
Hindi pwede 'to!? Ba't sila nandito???! Andaming mga magagandang dagat, falls, o sapa dito sa Isla Amore pero bakit dito pa talaga!?
Akmang iiwas ko na ang aking paningin at umalis nalang para hindi nila ako mapansin ay nakita na nila ako.
"Nakikita mo ba ang nakikita ko, Sofia? The introvert person in our school..." ani ni Karyle.
"Oo naman, hindi ako bulag para hindi makita ang mga dumi sa kapaligiran. Hindi ko nga alam kung bakit nakakapasok ang ganiyan kalaking dumi dito sa Isla. Sobrang dumi na nga, ang panget-panget pa." Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at akmang lalampasan na sila ng higitin ni Karyle ang aking braso. Kaya napabalik ako sa aking kinatatayuan, paharap sa kanila.
"Ayoko ng away, Sofia." Hinigit ko ang aking braso mula sa pagkakahawak ni Karyle.
"Oh e, baka gusto ng kalandian..." singit ng kasama nilang lalaki na nasa likod lang ni Sofia. Napatingin ako dito. Hindi namin siya kaklase kaya hindi ito pamilyar sa akin.
"Ew, your so cheap, Daniel." Nandidiring sabi ni Sofia. Inisang hakbang niya ang pagitan namin dalawa na halos ikaatras ko. Napatawa siya dahil doon. "Scary cat..."
Inangat niya ang kaniyang kamay at kumuha ng ilang hibla ng aking buhok. Pinaikot-ikot niya ito sa kaniyang daliri. Agad kong hinawakan ang kaniyang kamay at pinigilan siya sa ginagawa.
"Ayoko ng gulo, kung gusto niyong maligo. .. maligo kayo. Huwag niyo kong guluhin dahil nananahimik lang yung tao." Malamig kong sabi. Habang titig na titig sa kaniya.
Ayoko ng gulo, hindi dahil sa duwag ako. Kundi, ayoko lang mapahiya sa mga kasama ko at baka magkagulo pa. Kilala ko ang mga Montecarlos at Santibastian, mga takaw sila sa gulo. Katulad na katulad sila ng mga kapatid kong lalaki.
Akmang may sasabihin pa siya ng marinig namin ang boses ni Anton sa likod ko.
"What's happening here?" Ani nito.
Inilisan ko ang aking paningin kay Sofia at nilingon si Anton. Napalunok ako ng makita ang intensidad sa mga mukha nito.
"Anton..." bulong ko. Tiningnan niya ako bago tumingin sa mga tanong nasalikod ko.
"So it's true, the one Antonio Villanueva is back!" Ani nung Daniel at nilapitan si Anton. "Kaklase ka ng kuya ko dati, naalala ko pa nga yung lagi mong pagpunta sa bahay e para mag basketball, Daniel Dela Cruz nga pala." Pakilala niya kay Anton at naglahad ng kamay.
Ilang saglit muna itong tiningnan ni Anton bago tinanggap. "Dale Dela Cruz is your brother, tama ba?" Tumango-tango naman ang huli.
Nawala ang aking paningin sa dalawa ng bigla kong naramdaman ang pagtulak sa akin patabi kasabay nun ay ang pagdaan nila Sofia sa kinatatayuan ko at nilapitan si Anton.
"Sofia Angela Madrigal daughter of Senator Bryan Madrigal." Pabebeng ani ni Sofia at kinuha ang kamay ni Anton. Nakipaglamay siya kay Anton at halos hindi na bitawan kung hindi lang pilit na inagaw ni Anton ang kaniyang kamay.
"Nice meeting you all," lumipat ang kaniyang mga mata sa akin at inisang hakbang ang pagitan namin. "Okay ka lang?" Ani niya.
Napalunok ako sa sobrang lapit naming dalawa. "Oo," tumango-tango siya at minsan pang pinadaan ang paningin sa aking mukha bago nilagay ang kaniyang kamay sa aking balikat.
"Mauuna na kami." Malamig niyang sabi kanila Sofia. Sunod-sunod naman na tumango ang magbabarkada.
"Sige—" hindi na pinatapos ni Anton ang sasabihin ni Sofia. Kusa na niya akong hinila palayo doon. Lumipat kami ng pwesto, sa pagkakataong iyon ay sa harapan na ng kubo kami umupo.
"Inom ka muna." Inabot ko ang inaabot niya na tubig na nasa tumbler.
Agad ko naman itong binuksan at ininom. Ngayon ko lang naramdaman ang pagkauhaw dahil sa nangyari kanina. Ngayon lang din ako nakaramdam nang ginhawa.
"Salamat..." ani ko ng matapos, halos maubos ko pa ito.
Kinuha niya ito at nilagay sa upuang kinauupuan ko. Titig na titig siya sa akin at mas naramdamang ko pa ang intensidad nito lalo na ng pantayan niya ang tangkad naming dalawa at mas pakatitigan ako.
Gusto ko nalang kainin ng lupa. Ngayon niya lang ako tinitigan ng ganito at sobrang lapit na niya. Hindi ko tuloy maiwasan mapatitig sa kaniyang labi na pulang-pula.
"Tell me, sila ba umaaway sayo?" Biglang sabi niya. Hindi pa rin hinihiwalay ang paningin sa akin.
Napakurap-kurap ako. "H-ha, hindi..."
"Really? Pero sabi ni Phoenix kanina, sila daw iyon. Sila yung palaging umaaway sayo since grade school."
"Matagal na iyon, okay na ako ngayon." Agad kong tugon.
"Okay kana ba talaga? E huling away nga nila sayo nung Monday lang. Kung hindi pa sinabi ni Phoenix ang nangyari kanina hindi ko pa malalaman na may nang-aaway na pala sayo."
"Kaya ko rin naman sarili ko at saka ako naman talaga ang may kasalanan e." Napayuko ako at tiningnan ang aking mga daliri na kinukurot na ang aking kamay. Ganito ako kapag kinakabahan.
"Iba ang may kasalanan sa binubully kana. Huwag mong aakuin ang kasalanang hindi mo naman ginawa,"
Hindi ko naman gustong akuin ang kasalanang iyon, ayoko lang talagang lumaki pa ang gulo. Sa ginawa ngayon ni Anton. Hindi ko alam kung talagang titigil na sila Sofia. Kilala ko na sila, babalik at babalik talaga sila sa taong may atraso sa kanila.
"Next time I heard them bullied you again, ako mismo ang pupunta sa school niyo. . .kung hindi sila takot kay mayor pwes sa akin matakot sila."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro