P6
#SWP6
"Anong mayroon?" Ani ko.
Pagbaba ko palang galing sa aking kwarto'y nakita ko na sila Phoenix Wyatt at Manang na nasa tanggapan at nagtatawanan.
Mukhang hindi nila ako narinig sapagkat patuloy pa rin sila sa pagtatawanan habang nakatingin sa isang libro. Lumapit ako sa kanila at nakisilip din. Naglakihan ang aking mga mata ng makitang hindi iyon libro, kundi notebook ko iyon na naglalaman ng mga tula at prosa. Hindi ako makapaniwala, paano nila iyon nakita.
Saan nila iyon nakuha!?
"Ba't niyo 'yan pinakikialaman!?" Namumula kong sabi sabay kuha sa aking notebook.
"Ang gaganda ng mga gawa mong tula at prosa, hija." Nakangiting sabi ni Manang.
Napasimangot naman ako.
"Maganda pero pinagtatawanan niyo, ginawa niyo namang clown ang aking gawa." Ani ko.
"Sapagkat ginagawang katatawanan ni Phoenix Wyatt ang iyong gawa sa pamamagitan ng pagdugtong ng mga salita sa dulo nito." Tugon agad ni Manang.
Agad kong sinamaan ng tingin si Phoenix Wyatt at sinuntok siya sa braso. "Aww!" Ungol niya sa sakit.
I rolled my eyes. "How dare you, akala ko ba kaibigan kita. Ba't mo pinagtatawanan mga pyesa ko!?"
"Kaya nga, kaibigan mo ako. Dapat lang pagtawanan ko mga gawa mo. . .'cauz you know, I'm proud of you!" Ani niya at biglang tumawa ng malakas.
Paulit-ulit ko siyang sinuntok. Todo harang naman siya ng kaniyang kamay sa aking mga suntok para lang hindi ko siya derektang matamaan.
How dare him laughed at me tapos sasabihing proud siya sa akin. Stupid!
"Oh tama na 'yan, baka mamaya may umiyak na naman." Pigil sa amin ni Manang.
"Nakakainis ka talaga!" Ani ko.
Bago ko siya tinigilan sa pagsuntok. Tawa pa rin siya ng tawa kahit halos maubosan na nang hininga.
Inirapan ko siya at akmang susuntukin siya. Tumawa naman siya't agad sinangga ang aking suntok. Muli ko siyang inirapan bago ako umupo sa tabi niya.
"Ba't ka nandito?" Sabi ko. Kinuha ko ang baso na may lamang juice at inisang inom ito. Pagkababa ko palang ng baso'y agad niya itong kinuha at sinalinan na naman ng juice. Hinayaan ko siya at tiningnan lang ang kaniyang ginagawa.
Nilagyan niya muna ako ng keyk sa plato bago naisipang sagutin ang tanong ko. "Samahan mo ako, may pinapatingin kasi si lolo sa akin na isang bar na bagong gawa. Siya daw ang nagpapagawa nun at ipinangalan sa akin." Tugon niya.
Kinuha ko ang tinidor at inihiwa ito sa keyk para makakuha ng maliit na piraso at agad itong sinubo. Kain lang ako ng kain habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Phoenix Wyatt.
"Nakapunta na ako doon pero nung hindi pa tapos at tanging mga semento palang ang makikita. Ngayon, tapos na. Kaya siguradong maganda na tingnan." Ani niya't sinimulan na rin kainin ang kaniya.
"Nag opening na ba ang bar niyo?" Tanong ko ulit. "Kasi 'di ba, mayroon ganun kapag magbubukas ka ng isang business." Napatawa naman siya sa sinabi ko.
"Oo naman," inilagay niya ang kaniyang kamay sa aking buhok at ginulo ito. "Sa Saturday na ang opening, pwede kitang isama. Resto bar iyon, huwag kang mag-alala."
"Payag ako pero ipaalam mo ako kay Mayor." Maligaya kong sabi.
"Naman, malakas ka sa akin e," Ani niya sabay kindat sa akin. Napatawa naman ako at hindi sadyang pinalo siya sa kaniyang braso na ikinaigik niya. "Aray naman, mapanakit ka talaga kahit kailan!" Ungot niya.
"Pfft, bilisan na nga lang natin!" Ani ko habang pigil ang mga tawa.
Binilisan na nga namin ang aming miryenda kaya nung natapos ay agad na naming nilisan ang aming mansyon sakay ng sasakyan ni Phoenix Wyatt.
Manghang-mangha ako ng tuluyan na naming narating ang bar. Halos mapanganga ako sa gandang taglay nito. Mula sa exterior designs hanggang interior. Sobrang interesting at talagang pang moderno ang mga gamit dito. Sa labas ay may poster na pluma at papel at nakalagay din dito pati sa gitnang bahaging taas ng entrance ay mayroong
'POETRO BAR' na nakalagay.
"Poetro Bar," naibulong ko nalang.
"Oh hmm, Inamin ni Lolo kung bakit ayan ang napili niyang pangalan ng bar. Maliban sa hilig niyang gumawa at magbasa ng mga tula, naisip niya rin ikaw," iginaya niya ako papasok sa bar. Hindi na masyadong amoy ang pintura at ready na ready na ang bar para buksan ito. "Gusto niyang makita kang nasa harapan ng enteblado at binibigkas ang mga piyesa mo."
Hindi ko maiwasang mapaluha dahil sa mga narinig. Close kami ng lolo nila Phoenix Wyatt. Nakilala niya ako nung minsan ko na siyang nakitang naligaw sa daanan. Malakas pa naman ang lolo niya't nakakapaglakad pa naman mag isa kaso nga lang, mahina na ang mentalidad. Madalas niyang makalimutan ang kaniyang mga ginagawa't makalimutan kami.
Kaya't hindi ko maiwasang mapaluha kasi hindi ako makapaniwalang, naalala niya pa ang hilig ko sa pagsusulat.
"Isaulo't Itula ang mga salitang may haplos na dala. . ." Basa ko sa mga salitang nakasulat sa stage. "Bigyang boses ang mga tula."
Basang-basa na ang aking mata sa mga luhang tumutulo. Hinayaan ako ni Phoenix Wyatt na umakyat sa stage at haplusin ang bawat instrumentong nakalagay dito. Huli kong hinawakan ang mic na nasa gitnang bahagi ng stage. Tinanaw ko si Phoenix Wyatt sa baba na tinitingnan lang ang aking mga galaw habang nakapaskil ang malaking ngiti sa kaniyang labi.
Dito, sa entabladong ito, gusto kong ibahagi ang una kong tula. Dito, gusto kong bigyang boses ang mga tulang hindi ko maiboses ng malakas. Gusto kong ibahagi sa iba ang aking piyesa ngunit nawawalan ako ng lakas ng loob.
How I wish I have that confidence to say what I want. . .
"You can use it, Bev." Napatingin ako kay Phoenix Wyatt. "Subukan mong magsalita sa entabladong iyan, at ako ang magsisilbi mong manonood. Ako ang una mong taga suporta." Ani niya habang hindi nilulubayan ang aking tingin.
"Ayoko," agad kong pagtanggi.
Gusto kong suportahan niya ako pero hindi sa paraang ito. Nung huling taong hinayaan kong suportahan ako, iniwan ako. Hinayaan ko siyang marinig lahat ng mga piyesa ko. Hinayaan kong ibigay sa kaniya ang mga tulang ginawa ko para sa kaniya. Dahil ganun siya ka'importante, ginawan ko siya ng mga tulang akala ko magiging masaya siya.
Pero sa huli, malalaman ko nalang na wala siyang interest doon at kahit kailan hindi siya magiging interesado.
Kahit kailan, hindi niya mararamdaman ang mga gawa ko na para sa kaniya.
"Bakit naman?" Tanong niya.
"Kasi ayoko..." Nginitian ko siya ng malapad bago nagpatuloy. Hinawakan ko ang mic at nilapit doon ang aking bibig para mas marinig niya ako.
"Ayokong umasang mananatili ang mga tao sa paligid ko,
Baka kasi isang lingon ko lang ay mawala na ang mga ito,
Ayokong umasa,
Baka sa huli ako'y lumuha,
At ang mga luhang pumatak sa aking mga mata'y walang pupunas.
Ayokong umasa sa wala,
Kasi ayokong maiwan na naman na mag-isa."
Ayokong mabaliwala na naman ang aking mga piyesa at masaktan na naman ako ng walang dahilan. Walang ibang makakaitindi ng aking mga salita kundi ako lang. Dahil walang manunulat ang hindi mambabasa ng sarili nilang akda. Isa ako sa mga manunulat na walang mambabasa kaya't sa huli, nawawalan na ng ganang ipagpatuloy ang aking nasimulan.
Nanginginig kong binitiwan ang mikropono. Masarap sa pakiramdam ang sumubok ng ibang pamamaraan. Kung ipagpapatuloy ko siguro ito'y baka masanay ako at magkaroon ng lakas na humarap sa mga madla.
Poetro Bar will be a home for a poet. This is our home.
"Uwi na tayo?" Sabi ko agad ng makababa na ng entablado.
"Sure, pero hintayin mo muna ako dito. Check ko lang yung bar area and kitchen." Tugon niya.
"Okay,"
Umupo ako sa isang upuan at inilibot ang aking mga mata. Ang ganda dito. Andaming mga salitang nakaukit sa mga kahoy. Mga salitang may halong malalalim na kahulugan. Siguradong kapag nagbukas na ito, talagang magugustuhan ito ng mga tao.
"I'll be working there for a few months." Paninimula ni Phoenix Wyatt.
Kasalukuyan na kaming nakasakay sa kaniyang sasakyan at nagmamaneho papunta sa mansyon ng kaniyang lolo.
"Why?" Tanong ko agad.
Mayroon naman siyang ama na pwedeng mag'manage ng kanilang business, kaya bakit siya pa na estudyante pa siya kahit nasa tamang edad na.
"Papa don't want to work there, masyado daw boring at ayaw din ni Mama na doon siya magtrabaho. Baka daw maraming babae at magkaroon ng kabit si Papa."
Alam kong hindi lang iyon ang dahilan kung bakit magtatrabaho siya. Phoenix and his father are not in good terms. Lalo na ngayon, mukhang alam na ni Tito kung anong gusto niyang kunin pagka college. Phoenix Wyatt wants to become an engineer like Kuya Nate and Kuya Maverick but Tito want him to take Business course. Nag-iisang anak lang si Phoenix sa kanilang lahat, hindi katulad kanila Anton na may mga kapatid siya.
"Just fight for your dream, Phoenix, walang Montecarlos na mahina—"
"At walang Montecarlos na nagpapasindak!" Sabay naming sabi.
Nagsitawanan kaming dalawa dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Ang lolo niya ang naturo sa amin niyan. Sa lahat ng Villanueva, si Phoenix at si Lolo Buenito lamang ang close ko. Ang iba kasi sa kanila lalo na ang mga pinsan ni Phoenix ay ayaw sa akin. Malandi daw ako kasi, kinaibigan ko na nga si Anton pati pa si Phoenix.
Nakarating na kami sa Mansyon nila lolo. Naabutan namin siyang naglalakad at may bitbit na baston habang nakasunod naman sa kaniya ang kaniyang nurse.
Sinalubong niya ako ng yakap, pagkakita niya palang sa akin.
"Magandang hapon po, Lo." Bati ko agad sabay mano sa kaniya.
"Ang magandang Beverly sa balat ng lupa. Mabuti't naisipan mong dalawin ako." Ani niya.
"Naku, lo, ngayon lang ako napadalaw. Alam mo naman busy rin sa school kasi graduating." Sabay kaming natawa dahil sa aming naging usapan.
Ilang saglit pa'y nilapitan na rin kami ni Phoenix Wyatt. Inalalayan namin dalawa si lolo papuntang garden area, hinayaan naman kaming gawin iyon ng kaniyang nurse at dumistansya sa amin ng ilang metro.
Umupo kami sa bench na malapit sa swimming pool. Agad naman kaming binigyan ng meryenda ng isang maid.
"Salamat," pagpapasalamat ko sa maid na naghatid ng meryenda sa amin. Nginitian niya lang ako at umalis na. Dalaga pa ito at mahinhin, may taglay din itong kagandahan na ikinaingit ko ng sobra. Maliban kasi sa mga pimples kong tumutubo, wala ng ikinapanget pa lalo sa akin.
"Maganda po ang Poetro, Lo. Gustong-gusto ko ang mga disenyo!" Singit ko agad sa kanilang dalawa ng buksan nila ang tungkol sa pagdalaw ni Phoenix sa bar.
"So you like it huh, how about the idea of sharing your Poetry there?"
"I would love to, Lo." Napapalakpak na ako sa sobrang tuwa.
"Parang hindi ako yung apo dito ah," kunyaring nagtatampong sabi ni Phoenix.
"Gusto mo palit tayo?" Nagtaas-baba ang aking kilay.
"Ayan ang mas maganda!" Pagsasalo din naman ni lolo sa sinabi ko.
Pigil ko ang aking tawa ng makita kung paanong ang kilay ni Phoenix ay magsalubong habang ang kaniyang hintuturo'y nakaturo sa amin ni lolo, palipat-lipat.
"Pinagtutulungan niyo 'ko!" Pasigaw na untas niya.
Sumabog na nga ang aming pigil na tawa at ang huli'y tanging ginawa lang ay ang tingnan kami na parang gusto na niya kaming dalhin sa mental. Kulang nalang pati lolo niya'y tawagin niyang baliw.
"Kayo, kung nandito lang si Anton—"
Naputol ang kaniyang sinasabi ng sunod-sunod naming marinig ang mga padyak ng kabayo kasabay nun ay ang boses ng pamilyar na lalaki na hindi 'ko makapaniwalang narito.
"Mukhang nagkakasiyahan kayo rito ah, pwede ba kaming sumali?" Ani nito.
Napatayo ako sa gulat at ang aking kamay ay nakatakip sa aking bibig.
Ang kaniyang pananamit ay nagbago na. Ang kaniyang mahabang buhok ay mas bumagay sa kaniya para siyang amerikano na talaga. Lahat nagbago na sa kaniya. Hindi ko na alam kung gusto ko ba ang mga bago sa kaniya o mas gusto ko yung unang araw na nagkakilala kaming dalawa.
Ang gwapo-gwapo niya, walang pinagkaiba pero mas gumwapo siya ngayon sa aking paningin.
"Anton, bumalik ka." Ani ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro