P31
#SWP31
"I'm going to meet my Mother," Natigil sa pagsubo ng sandwich si Phoenix ng marinig iyon sa akin, "I mean, alam kong mahirap para sa akin 'to pero nagdesisyon na akong tumuloy sa Manila at harapin ng tuluyan si Mommy."
Hinawakan niya ang aking kamay. "Kaya mo ba? Gusto mong samahan kita?"
"Actually no, but I need to do this. Nang mag-isa. Ayokong magpatalo sa ina ko, ayokong maliitin na naman niya ako."
"I'm proud of you. Alam ko naman na kaya mo 'yan, andito lang ako palagi sa tabi mo. Kung may ginawa siya sayo, tawagan mo lang agad ako. Kahit alas-dose pa 'yan ng madaling araw. Kahit saan pa 'yan!"
Napangiti ako, "Ang corny mo!"
Tumawa siya at pinisil ang aking pinsngi. "Kailan alis mo?"
"Bukas."
"Bukas?" Nawala ang ngiti niya at napatingin sa kawalan.
"Oo, bakit may problema ba?"
Umiling siya at ngumiti ulit, "Wala naman, kain na, love."
Sinubuan niya ako ng kinakain niya. Agad ko naman itong nginuya bago siya naman ang aking sinubuan.
Napatingin ako sa malaking bahay namin nang pumarada na sa harapan nito ang sinasakyan namin ni Phoneix. As usual, tahimik ang bahay namin at walang kabuhay-buhay, kung hindi lang nila ako nakikitang lumalabas ng aking bahay at baka pag chismisan pa ng mga kapitbahay na may multo nang naninirahan dito.
"Siguro kapag ikakasal na tayo, ipaparenovate ko itong mansyon ko para naman kapag tumira kana dito kasama ko hindi ka mababagot. Okay lang 'di ba, hal?" Kumunot ang aking noo ng walang sumabat sa akin. "Hal!"
Nilingon ko siya at nakitang busy siya sa kaniyang cell phone. "Hey, hindi ka naman nakikinig sa akin e, may problema ba!?"
Nagulat siya sa biglaang pagtataas ko ng boses, "I'm sorry, love. May emergency kasi e,"
"Emergency? Bakit ano nangyari?" kinakabahan kong sabi.
"No, no, no..." hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito. "May emergency meeting lang kasi sa opisina, kailangan kong umalis ngayon pero hindi kita mahahatid bukas at baka sa mga susunod pa."
"Ha, ganun ba? Kailan balik mo?"
"Hindi ko pa alam pero babalitaan nalang kita. Okay?"
Malungkot akong ngumiti. Sayang naman hindi niya ako makikitang umalis bukas.
"Ingat sa byahe," ani ko pagkababa ng sasakyan. Isang beses lang siyang bumisina bago pinaharurot naman ito ng mabilis. Naiwan sa ere ang aking kamay habang unti-unti siyang nawawala sa aking paningin.
Kinabukasan, maaga akong nagising para makapagready na.
Ako:
Good morning, mahal! Nasa office ka ba? Alam kong busy ka ngayon kaya hindi na muna kita guguluhin. Update ka later ha! I love you, hal."
Tinapos ko muna ang mga dapat kong gawin sa loob ng kwarto bago bumaba na para makapangumagahan. Ipinapababa na ni Manang ang mga gamit ko habang inaasikaso naman niya ako. Napangiti ako ng maramdam ang kaniyang haplos.
"Magiingat ka doon anak ha."
"Oo naman po," tugon ko.
Maamo niya ang nginitian, "Kung may problema ka, sabihin mo agad sa akin. Huwag mo nang patagalin sa puso at isip mo. Dapat kung may problema ka, ilabas mo lang, andito lang ako."
"Huwag niyo po akong iiwan, Manang."
"Hinding-hindi kita iiwan."
Bumuga ako ng malalim na hininga ng malanghap ko na ng tuluyan ang hangin. Kakababa ko lang ng eroplano galing Isla Amore hanggang Manila. Mas domoble lang ang kaba ko habang iniisip ang mga dapat kong gawin ngayon at bukas. May book fair kami bukas at naisip kong pagkatapos nalang ng book fair ko pupuntahan si Mommy. Iniisip ko na ang mga dapat kong sabihin sa kaniya. Sa ilang taon naming hindi pagkikita ni Mommy, hindi ko na alam ang pakiramdam na may ina. Parang pakiramdam ko, hindi lang simpleng paghihiwalay lang ang nangyari sa pagitan nila ni Daddy. Parang namatay na siya sa akin—sa isip ko, wala na siya.
Sumakay ako sa taxi na nagaabang sa labas ng airport pagkatapos ay sinabi ang hotel na pagsta-stayan ko. I also captured some raw videos for my reels. Bagsak na ako sa kama ng matapos na akong linisin ang sarili ko. Bukas pa naman ang book fair kaya magpapahinga nalang muna ako dito.
Ala sais na ng gabi nang magising ako mula sa malalim na tulog. Bumangon ako at naginat-inat bago dumeretso sa cr para maghilamos at mag toothbrush. Nang matapos sa cr ay lumabas naman ako para magbihis ng damit.
Ako:
Good evening, my loves!
Ako:
Busy ka ba? Hindi ka man lang tumawag ☹
Lumabas na ako ng kwarto ko at ni lock ito bago umalis. Nakatingin pa ako sa cellphone ko habang naglalakad papasok sa elevator.
"Jasmine Garcia? Wow, hindi ko inaasahan ganiyan kabait ang mga magulang niya. Especially her Mother, nasa dugo nga nila ang matulungin."
"Oo nga, hindi na kataka-taka kung bakit mas nagiging matunog ang pangalan nila."
Tiningnan ko ang mga nag-uusap.
"Look oh, dumayo pa talaga sila sa Mindoro para lang tumulong sa mga batang iniwan ng mga magulang."
"Oh, that orphanage. Ang swerte naman ng kapatid ni Jasmine kapag nangyaring mayroon siya."
Nawala ang aking ngiti at napakagat nalang sa labi. Ang sakit palang marinig mismo sa ibang tao ang tungkol sa pamilya mo. Tungkol sa mga kasinungalingan ng pamilya mo. Swerte? Hindi ko alam saan banda nila nakikita ang swerte doon. Kung alam lang siguro nilang nageexsist ang tulad ko, siguro malalaman din nila na hindi swerte ang maging ka myembro ng pamilyang Garcia.
I used to be that girl who says 'Swerte', pero habang tumatagal narerealized ko na kabaliktaran pala lahat 'Malas'. Sobrang malas ko dahil isa akong Garcia. Na anak ako ni Mommy at kapatid ko si Ate.
Lumabas ako ng elevator at tumungo na sa restaurant ng hotel na tinutuluyan ko. Nagorder na ako ng makakain ko ng tuluyan ng makaupo. I used to be in some of fine dining in Manila also with my Tito and some partners pero hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na makipagsabayan sa kanila. Nakikita ko palang ang mga masisilaw nilang porselas ay parang mahihilo na ako. Ilang minuto lang din ay agad naman dumating ang order ko. Pinicturan ko ito at sinend kay Phoenix.
Ako:
I miss you love, kumain kana ba? Huwag kang magpapalipas ng gutom ha!
Nabuhayan ako ng wala pang ilang segundo akong nagsend ng mag ring ang cell phone ko. Nanginginig pa ako sa sobrang excited ng sinagot ko ito.
"Hal!" sigaw ko pero agad din nahiya ng makitang madaming nakatingin.
Narinig ko ang malambing niyang tawa. Napangiti ako.
"Here's your order, Ma'am."
Parang tumigil ang mundo ko ng marinig ko ang tinig niya hindi lang sa selpon ko pati narin sa mismong gilid ko. Sa taong nakatayo ngayon sa gilid ko. Tumayo ako at agad siyang sinugod ng isang yakap.
"Hindi mo ako sinasagot, wala ka rin reply maghapon!" ani ko sa nagtatampong tinig.
"Sorry na, hindi kita matiis e." bulong niya.
Inalalayan niya akong maupo pabalik sa kinakaupuan ko bago siya naupo sa upuan na nasa harapan ko. Umawang ang aking bibig ng pagkaupo palang niya'y may naglapag agad ng mga pagkain at wine sa harapan niya.
"Wow ha, mukhang kanina kapa dito pero hindi mo lang sinasabi."
"Hindi naman, actually, sabay tayong bumaba kanina hindi mo lang ako nakita kasi busy ka sa cell phone."
"Really?!"
"Oo," hinawakan niya ang kamay ko, "Kain na, wala kang kain kaninang tanghali?"
Umiling ako, "Wala. Sa sobrang pagod ko sa byahe, natulog ako pagdating ko."
"Kumain ka ng marami ngayon ha, 'di ba sinabi kong ayaw kong nagpapalipas ka ng gutom!?" sermon niya.
"Paano na kung mataba na ako? Hindi mo na ako mamahalin niyan?"
"Ako mismo ang magpapataba sayo at araw-araw din kitang bubusugin ng pagmamahal ko."
Hindi ko mawari na magiging sa akin siya. Minsan ko nang sinisi ang bathala kung bakit sa dinami-daming tao ang kailangang masaktan, bakit ako pa? Pero nung mahawakan ko ang mga pangarap ko, doon ko lang naitindihan ang lahat. Hindi man sumangayon nung una, pero ngayon parang pangmatagalan na.
Kahit perahas na pagod sa byahe, sinulit pa rin namin ang oras namin dito sa manila. Gabi na pero andito pa rin kami sa dalampasigan at sumasayaw kasabay ng tugtog na maririnig hindi kalayuan sa aming kinakatayuan.
"Ako nalang ka bi," sabay niya sa kanta.
"Imo naman ko daan."
Bumitaw siya sa pagkakahawak sa aking bewang at napatabon sa kaniyang bibig, "O wow mama mia, you know how to speak bisaya!"
Tumawa ako at mahinhin siyang hinampas sa braso, "Not really, naririnig ko lang si Manang na sinasabi 'yan kay Manong Dong."
"I think, hindi lang anak meron siya ngayon, asawa na rin. Naku, baka ninang kana bukas ha!" sinapak ko siya.
"Loko ka! Susumbong kita kay Manang."
"Joke lang, love, but I'm happy for her."
"Same," inayos ko ang hapin namin sa buhangin at umupo doon. Sumunod din naman siya at agad akong hinila pasandig sa katawan niya. "Wala naman limitasyon ang pagmamahal. Kahit matanda na siya, kahit malabo na ang mga mata niya at kahit natuto na siyang kalimutan ang lahat. May karapatan pa rin siyang magmahal. Hindi dahil may problema siya, wala na siyang karapatan magmahal, hindi tayo panginoon para husgahan ang pag-ibig ng isang tao. We are also human being, kung nagkakamali ang isang tao, sana marunong pa rin tayong magpatawad. Hindi para sa iba, kundi para sa sarili natin. If ever, I'm going to let your hands go, please don't cry. Huwag mo akong iiyakan. Hindi ko deserve iyakan ng isang tulad mo. Mahal na mahal kita pero nagdisesisyon pa rin akong bitawan ka."
"Love, what are you talking about?" napaahon ako at hinawakan ang magkabilang pisngi niya, "Bakit ka ba nagsasabi ng mga ganiyang bagay?! I love you okay, kung sakaling magkakaroon man ng problema sa pagitan natin dalawa. Okay lang 'yon, pero hindi kita bibitawan. Ilalaban kita, okay!? Sa pagkakataong ito, lalaban tayo."
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro