Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

P29

#SWP29

"Kailangan talaga may payakap pa?" masungit niyang ani.

"Nagdadrama nga 'yung tao," nakasimangot kong tugon. "Ikaw nga, kahit hindi nagdadrama may payakap ka pa."

"Tsk, malamang boyfriend mo ako e!" Angal niya.

"Kahit nung magkaibigan pa tayo ganiyan kana—bebs, masakit ngipin ko. Bebs, ba't mo ako iniwan doon?!"

Natahimik siya dahil doon at mukhang nag-iisip pa.

Buti nga sayo!

Kanina pa kasi ako nagpapaliwanag pero hanggang ngayon halata pa rin na hindi niya tinatanggap ang mga paliwanag ko. Halos maubusan na ako ng hininga sa kaka-paliwanag pero hindi talaga bebenta ang mga ito kay Phoenix. Laging may pangtapat sa akin.

Inis niyang inihulog sa fountain ng aming bahay ang kaniyang barya. Dito niya ako dinala kanina nung hinayaan na niya akong magpaliwanag.

"Ayaw mo talaga maniwala?" pinaawa ko ang aking mukha dahilan upang makatanggap ako ng masamang tingin mula sa kaniya.

Ang sama talaga!

"Hindi." Final niyang sabi na nagpasinghap sa akin.

Galit siya sa pagyakap ko sa kaniyang pinsan. Paano ko kaya siya masusuyo?

Nagliwanag ang aking mga mata ng may maalala.

"Babe, may surprise ako sayo." ani ko.

Doon ko nakuha ang atensyon niya. Natigil siya sa kaniyang ginagawa at nilingon ako.  "Ano?"

Nangingiti na ako ng makitang interesante siya doon. "Hmm... secret muna!"

"Secret pero sinabi mong may surprise ka sa akin." Naiiling niyang sabi.

"Sinabi ko nga pero hindi ko sasabihin kung ano ang surprise na 'yon! Sa susunod na araw ko na sasabihin sayo."

"Ang gulo mo kausap."

"At least, sayo lang gugulo ang mundo ko." Agap ko.

"Joker ka pala," nakangiwi niyang ani.

Nagtawanan kaming dalawa dahil sa naging usapan.

Ilang minuto pa kaming nagkulitan doon bago siya tuluyang umalis para magtrabaho. Ayaw niya sanang umalis pero wala siyang magagawa dahil may trabaho pa siya. Pumasok na ako muli sa bahay para makapagayos na rin. Babalik ako sa plantation dahil mayroon akong dapat ayusin doon, tinawagan din ako ni Attorney. Sabi ni Attorney, mayroon daw gustong bumili ng plantation namin.

Titingnan ko pa kung pwede ko itong ibigay sa mga buyers. Matagal na naman na binebenta itong mga plantation namin simula nung mamatay si Daddy dahil wala na naman magma-manage noon.

Naibenta na ang ibang plantation kay Phoenix. Nang malaman niyang binebenta ito'y binili niya agad ang iba. Ang pinakamalawak nalang ang naiwan. Mahal ko ang plantation namin dahil halos kasapi na din iyon ng buhay ko pero wala akong magagawa kundi ang ibenta ito dahil hindi ako marunong mag-manage.

Wala na si Anton ng muli akong makapasok sa bahay, siguro'y umalis na kanina nung nawala ako. Umabot din ng isang oras mahigit nang tuluyan na akong makalabas sa bahay. Naka-day off ang driver kaya ako na mismo ang magmamaneho ng sasakyan ko papuntang plantation namin.

Maayos pa naman nung una. Feel na feel ko pa ang simoy ng hangin habang binabaybay ko ang daan. Nadaanan ko pa ang malawak at malaking plantation ng mga Santibastian at nakikipagbatian sa mga trabahanteng nakilala ko na nung una pa.

Naabutan ko rin sila Kuya Nate at si Anastasia na naglalampungan doon sa ilalim ng mangahan nila na ikinailing ko nalang. Lovebirds!

Malapit na sana ako sa planta ng bigla nalang tumirik ang sasakyan ko. Naglakihan ang aking mga mata at sinubukan tingnan kung may problema ba sa harapan ng sasakyan ko pero wala akong makita.

"Oh, no! no!" naisambit ko nalang.

Ba't ang malas naman!

Sinubukan kong paandarin ulit ito pero ayaw talaga. Inis kong hinampas ang aking manubela. Paano na ako nito?

Shit. Lumabas ako ng aking sasakyan at sinipat kung may problema ba ang aking sasakyan. Pero naalala kong hindi nga pala ako marunong magtingin-tingin kung may problema ba dahil minsan lang naman akong magmaneho at may driver naman ako.

Luminga-linga ako habang nakatampal ang kamay sa noo. Sinubukan kong tawagan si Phoenix pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Siguro'y busy sa trabaho kaya halos hindi na masipat ang kaniyang cellphone. Sinubukan ko rin tawagan si Gigi or si Manang pero pare-parehas naman hindi sinasagot ang tawag ko.

Inis akong napabuga ng hangin. At ginulo ang aking buhok sa sobrang inis. Sinipa ko pa ang gulong ko para lang mabaling doon ang iritasyon ko.

"Sa kadami-dami ba naman ng panahon, ngayon pa naisipang malasin ako!" Inis kong sambit at isang beses pang sinipa ang gulong.

"Hindi ka minamalas, baby. . ." Rinig ko.

"Tsk. At ngayon, naririnig ko na naman ang boses ng lalaking iyon! Pati ba naman dito?! Hindi na nga siya mawala-wala sa isip ko pati ba naman dito nagpaparamdam—"

Andami ko pang pinagsasabi pero agad lang akong nahiya sa sarili ng paglingon ko'y nakita ko ang aking nobyo na nakasakay sa kabayo at gwapong-gwapo sa suot niya. Napanganga ako.

Ang igop, besh!

"Nganga pa..." nakangisi niyang sabi. Doon lang ako nabalik sa kasalukuyan. Dammit!

"Bakit ka nandito!?" Gulat kong sabi. Nagtatatakbo ako palapit sa kaniya at tiningala siya. "Phoenix, bakit!?"

Hindi muna niya ako sinagot. Bumaba muna siya ng kabayo at hinawakan ang tali nito.

"Nate called me, nasiraan ka daw. Sila sana ang tutulong sayo pero kabayo lang ang dala nila. Saktong nandyan lang naman ako sa kabilang plantation kaya napuntahan kita agad dito, ang kaso nga lang...kabayo lang din ang dala ko."

Napanguso ako. "Tatawagan ko nalang si Manong. Papasundo ako, okay naman siguro ang isang—"

"No need, baby. Tinawagan ko na ang magaayos ng kotse mo, kukunin nila 'yan ngayon. 'Di ba may gagawin ka pa sa plantation?" tumango ako, "Let's go. Hatid na kita."

"Ahh, sasakay ako diyan?" isasakay mo ako...

"Of course, unless..." ngumisi siya ng nakakaloko.

"Sasakay ako sayo!" namula ako ng mapagtantong may double meaning ang sinabi ko. "I mean, sasakay ako diyan sa kabayo tapos ihatid mo na rin ako." Madiin kong sabi.

Bawat salitang binibitawan ko pahina ng pahina naman ang boses ko. Nakakahiya ka, bebs!

"Sige, sakyan mo na ako."

Halos hindi ko na ginagalaw ang katawan ko habang nakasakay na ngayon sa kabayo niya habang nasa likod ko naman si Phoenix na siyang nagpapatakbo sa kabayo. Ewan ko kung ano ang dahilan kung bakit hindi ako makagalaw, kung natatakot ba ako na mahulog o sadyang naninigas ako sa bawat hinga ni Phoenix ay dumadampi ito sa leeg ko.

"Okay ka lang ba?" tanong niya na ikinagulat ko.

"O-oo naman," pagak akong tumawa na may pasamang buga rin ng hangin.

Sige, bebs, sa palayan ka talaga dadamputin ng kasinungalingan mo!

Nakikita ko na ang dulo ng lupain ng mga Santibastian pagkatapos nun ay ang aking lupain naman. Konting oras nalang makakapaghinga na ako ng matiwasay. Aba'y tuwing kasama ko nalang palagi ang aking nobyo pakiramdam ko'y hinahapo ako. Laging mabilis ang aking puso halos hindi ko na ito masabayan pa.

Hininto niya ang kabayo ng makarating na kami sa plantation. Una siyang bumaba bago niya ako tinulungan naman pababa. Inilibot ko ang aking paningin at sinakop ang buhok na sumabog dahil sa malakas na hangin.

"Hihintayin nalang kita dito—"

Bago paman niya matapos ang kaniyang sinasabi ay nilingon ko na siya at sinimangutan.

"Hal, naman! 'di ba may trabaho ka pa?! Gulat na nga ako nung bigla ka nalang sumulpot kanina tapos ngayon iiwan mo pa trabaho mo para hintayin lang ako!"

"Wala narin naman akong maitutulong doon. They can do it. Nandoon ang mga pinsan ko, kaya na nila kahit wala ako." Tukoy niya kanila Kuya Nate at Nathan.

"Kahit na! Sige ka, magagalit si Lo—"

Natigil ako sa pagsasalita ng bigla niyang sakupin ang labi ko.

"Dito lang ako at hihintayin kita dito." Final niyang sabi na ikina-buntonghininga ko nalang.

Wala na akong nagawa ng pakawalan na niya ako at nagtingin-tingin na siya doon sa mga pananim na mga saging na siyang tinatanim namin dito. May mga pine trees din sa may daan.

Napailing-iling nalang ako at nagpatuloy na sa dapat aasikasuhin ko dito. Habang kinakausap ko ang aking mga trabahante, hindi naman mapirmi ang mata ko kakahanap kung nasaan na si Phoenix. Iniwan ko siya doon sa harapan, baka iniwan na ako!

"Ma'am, kung ayan po ang desisyon niyo, hindi na po kami makikialam. Masaya na rin po kaming nabigyan niyo ho kami ng trabaho kahit pansamantala. Nakapagtapos ho ng pag-aaral ang aking mga anak dahil sa kabutihan mo." Ani ng isa kong trabahante.

Nagsisi naman akong wala sa kanila ang atensyon ko.

"Naku, tay, hindi ho pansamantala. Lahat po kayo'y mananatili rito, iba lang po ang magiging amo niyo dahil may bibili na ng plantation." Agap ko.

Nag-usap din kami kung anong magiging desisyon nila. Ang iba'y gustong manatili at ang iba naman ay aalis nalang daw kung hindi magiging maganda ang kalalabasan. Sinuportahan ko nalang ang desisyon nila. Wala rin naman akong ibang magagawa para baguhin ang gusto nila. Kung saan sila masaya, kampante na ako doon. Handa rin naman daw silang kunin ng nga Montecarlos o Santibastian kung magkakaroon na hindi magandang pamamalakad dito.

Matapos ang pag-uusap namin at ang pagtitingin ko kung may problema ba doon ay lumabas na rin ako at nilapitan na ngayon si Phoenix na may kausap pa sa kaniyang cellphone. Hindi muna ako lumapit dahil mukhang seryoso ang kanilang pinaguusapan.

Nanatili lang akong nakatayo sa malayo at tinitingnan siyang kunot na kunot ang noo at parang inis pa sa kausap. Lihim akong napangiti sa nakita at namangha na rin lalo na nung umigting ang kaniyang panga habang nakikinig sa taong nasa kabilang linya.

"Sabi ko sayo, hindi mo na ako kailangan hintayin e," ani ko nung makalapit. Kakababa lang niya ng kaniyang cellphone nung lumapit na ako.

"Nah, it's okay. Just my secretary called cuz Stone was getting into it with her at the office again. I called my friend to tell him not to get into it as well, pero ayaw magpa-awat at nanginis lang. Hindi ko rin naman mapapaalis sa opisina dahil may shares rin naman siya doon." He explained.

One of the Santibastian Cousins and a successful CEO in the country, Stone Santibastian is the thing of women's fantasies. He, like Kuya Uno, does not want to have a girlfriend and only flirts. He is nonetheless committed to his career, regardless of how the women behave.

"Ilang beses na siyang na basted ah, ayaw pa rin tumigil?"

"Kapag Santibastian ang nagmahal, wala sa bokabularyo nila ang basted." Napangisi nalang ako at napailing-iling.

Hindi muna niya ako hinatid sa bahay. Dinala niya muna ako sa farm nila Kuya Uno para kumain. Naabutan namin doon ang mga magpipinsan at barkada na may dala-dalang inumin sa kamay habang nagtatawanan at nakaupo sa damuhan. Sa harapan nila ay ang mga pagkain, prutas, at iba pang mga inumin. Ang kanilang mga kabayo naman ay pare-parehas na nakatali sa bawat puno ng mangga sa gilid.

"Bebs!" tumakbo si Anastasia papunta sa akin na ikinagulat ko.

Agad naman siyang sinundan nang asawa para alalayan. "Babe naman, maawa ka sa anak natin baka maalog pati utak niyan!" eksahiradang sabi ni Kuya Nate habang nakasimangot na nakatingin sa asawa.

"Ang oa mo naman, Montecarlos! Huwag ka ngang yumakap-yakap sa akin, panget mo!" masungit na tugon ni Anastasia na ikinangiti ko.

Agad naman nila inasar si Kuya Nate.

"Nate, panget!" si Xeno.

"OA Boy ng mga Montecarlos." si Knox.

"May nakahanda akong Annulment sa bahay lapit ka lang baby gurl!" si Levi Grondey, dahilan upang mas magingay ang boys.

Agad naman silang nilapitan ni Kuya Nate at dinumog.

Napailing-iling nalang ako at natatawa silang pinagmasdan. "Tara doon tayo kanila nette nette."

"Sige," hinila niya ako palapit sa mga babaeng pinsan niya na nakaupo at nakatingin sa mga lalake habang nagtatawanan.

"Guys, si Beverly Garcia pala. Kaibigan ko!" pakilala sa akin ni Tasia.

"Hello, Antonette nga pala. Nette nette nalang," malaki ang ngiti ni Antonette habang naglalahad ng kamay palapit sa akin. Agad ko namang tinanggap ang kaniyang kamay.

"Beverly, bebs nalang." Ani ko.

"O my gosh!" mula kay Antonette ay lumipat naman ang paningin ko kay Star na ngayon ay nagniningning na ang mga mata, katulad ng pangalan niya. "Sabi na nga ba e! Ikaw 'yung famous author at poet! Pa sign naman oh!" Kinalikot niya ang kaniyang bag habang patuloy pa rin nagsasalita.

"Alam mo ba, kapag boring ako sa opisina...palagi akong nakikinig ng mga poetry tapos pinapakinggan ko 'yung sayo. Grabe, sulit 'yung one hanggang four minutes kong pakikinig. Lahat ng mga salita sagad hanggang buto! 'yung bawat bigkas mo, masakit siya. Minsan nga akala ko para sa akin 'yung tula e. Sakit!"

"Talaga, Star?" si Antonette.

"Oo, search mo sa youtube "Beverly Garcia" Pa sign dito!" Binigay niya sa akin ang maliit na notebook niya at ballpen.

Napangiti ako at agad na pumirma doon.

Marami na akong naririnig at nakikitang mga komento tungkol sa pagtutula ko pero hindi ko inakalang makakarinig pala ako nito mula sa mga kaibigang malapit kay Phoenix. Ngayon ko palang sila nakilala pero heto sila, paulit-ulit akong pinupuri kung gaano ako kagaling sa larangan na aking binuo at pinaghirapan.

"Magaling talaga itong kaibigan ko at mabait din. Kaya simula ngayon, kaibiganin niyo na rin siya ha. Huwag niyo siyang pinaplastik. Kilala ko kayo—lagot kayo sa akin!" pinanlakihan sila ng mata ni Anastasia.

"Naku, naku, naku—ikaw buntis ka! Hindi kami ganun nuh!"

"Oo nga, mabait kami."

Reklamo ng dalawa. Pero mukhang hindi iyon umuubra sa buntis dahil mas lalo lang niya idinidiin ang dalawa.

Sulit na sulit ang dalawang oras na kasama ko silang lahat. Mababait sila, Ibang-iba sa mga pinsan ni Phoenix sa side nang ina, na konting galaw ko lang ay pinagdidirian na ako. Mas panatag akong kasama ko ang mga Montecarlos at Santibastian dahil sa kanila ako tunay na nakahanap ng kaibigan.

Mayaman pero hindi nananapak ng tao. Nang magsi-uwian na ang lahat ay umuwi na rin kami ni Phoenix. Talagang nag-enjoy ako kasama ang mga kaibigan at pinsan niya kaya pagdating namin sa bahay ay bagsak na ako agad. Nang makapagpaalam si Phoenix ay deretso na ang lakad ko hanggang sa aking kwarto at ibinagsak ang sarili sa kama. Makakatulog na sana ako sa sobrang pagod kung hindi lang ako tinawag ni Manang.

Bagsak na bagsak ang balikat ko habang naglalakad papuntang pintuan ng aking kwarto. Naiinis pa ako dahil hindi ako makatulog ng maayos.

"Bakit, Manang?" humikab ako.

"Tumawag ang Tito mo, pinapatingin ang mga dokumentong dumating kanina. Dapat daw maayos mo iyon ngayon at matingnan."

"Sige, Manang...padala nalang po ng gatas at cookies sa office ko."

Tumango siya. "Hindi ka ba maghahapunan, anak?"

Hinawakan niya ang buhok ko at marahan niya itong inayos. Napapikit ako at umiling.

"Hindi na po, nabusog na po ako sa mga kinain ko kanina." Ani ko.

"Sige, huwag kang magpupuyat ngayon ha. Kung inaantok kana, huwag ka nang magtrabaho pa't matulog na agad. Kung nagugutom ka naman, gisingin mo ako't iinitin ko ang mga ulam para sayo."

Kahit alam kong hindi ko naman kailangan iyon ay tumango pa rin ako. Kung nagugutom naman ako, kaya ko namang lutoan ang sarili ko. Hindi ko kailangan ang tulong ni Manang lalo na't sariling kagustuhan naman iyon. Ako naman ang kakain kaya dapat ako rin ang magluluto.

Nang umalis na si Manang ay pumunta naman ako sa opisina ko na dating opisina rin ni daddy. May pagbabago man pero halos ganun pa rin ang itsura nito sa ayos na gusto ni daddy. Nandoon pa rin ang larawan nila ni mommy na hindi naman niya pinapatanggal dati pa. Kahit na naghiwalay silang dalawa ni mommy, alam kong minahal niya pa rin ito.

Umupo ako sa swivel chair at agad binuksan ang parcel na naglalaman ng mga dokumento galing kay Tito. Antok na antok na ako habang nagbabasa pero unang basa ko palang doon ay agad nang kumunot ang aking noo.

Bigla yatang nawala antok ko sa nababasa. Nilipat ko sa ibang pahina at binasa rin ang mga nilalaman nun. Ganun din ang ginawa ko sa ibang mga papel na nasa lamesa ko.

Parang pati isipan ko ayaw tanggapin lahat ng nakikita ko. Hindi ako makapaniwala. Ayaw kong maniwala na ganun ang pinapakita ng mga dokumentong nasa harapan ko.

Bakit ganito 'to? Joke ba 'to?

Agad kong tinawagansi Attorney para makumpirma. Mamaya pina-prank lang ako ni Tito.

"Tito, tama po ba talaga itong pinadala niyo sa aking dokumento?" tanong ko.

"Oo hija...bakit may problema ba? Hindi ba maayos ang plantation mo diyan?" tanong niya rin pabalik.

Nasapo ko ang king noo, "No tito, maayos naman po siya. I just want to confirm if it's possible that Mommy is the buyer of my plantation?"

Natahimik ang kabilang linya. "Yes, hija. I'm sorry. Hindi ko mapigilan si Belinda, gagawin niya ang lahat makuha lang ang gusto niya. Hindi siya madadaan sa simpleng salita lang." Rason niya.

Napatulala ako at hindi nakaimik. Bakit? Bakit niya gustong bilhin itong plantation ko?

"Binabawi ko na, Tito. Hindi ko na ibebenta ang plantation." Tumalim ang tingin ko sa dingding habang nakatingin doon.

Narinig ko ang pagsinghap niya mula sa kabilang linya. "Bebs, kapag itutuloy mo 'yan maraming magugutom. Alam mo iyan!"

"Tito, makakahanap pa naman tayo ng ibang buyer e,"

"Kung itutuloy mo ang gusto mo mas maghihirap ang mga trabahante mo."

"Pero si mommy ang buyer, ipagbibili ko ang plantation huwag lang kay mom—"

"Ikukulong mo ang mga trabahante mo sayo para lang sa personal mong rason? Andaming magugutom na pamilya kung hindi mo bibitawan ang plantation mo. Matagal na silang walang trabahong marangal kung hindi lang tayo tinutulungan ng mga Montecarlos. Matagal nang sira ang plantation mo kung hindi lang dahil sa iyong nobyo. Matagal na tayong umaasa sa kanila, ito na siguro ang panahon para putulin iyon." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro