Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

P25

#SWP25 

Nagising nalang ako ng nakaparada na ang sasakyan ni Phoenix sa harapan ng aming mansyon. Napaayos ako ng upo at nilingon si Phoenix. Nakatingala siya sa kisame ng kaniyang sasakyan at nakapikit. 

I bit my lip as I remembered what happened earlier. Phoenix didn't have any bruises because Anton didn't punch him back, but his knuckles were covered in blood and were now resting on the steering wheel of the car. I could clearly see from where I was sitting that his grip was tightening. I took his hand and my handkerchief to wipe his hand. 

"You don't need too," pilit niyang kinukuha ang kamay niya sa akin pero hindi ko ito hinayaan. Napabuntong-hininga nalang siya at hinayaan ako sa paggamot sa kaniya. "H-hindi ka sana nakipag-usap sa kaniya. People's change, bebs. Kung nakilala mo siya bilang isang mabait at may dignidad na tao, ngayon iba na. Paano kung wala ako—kami? Anong mangyayari sa inyo? Sana tinawag mo ako, sana sinigaw mo pangalan ko, sana...sana tumakbo ka palayo. Dahil bebs, paano kung wala ako?" 

"I'm sorry," humikbi ako. "Hindi ko naman kasi alam na ganun ang mangyayari. I-i only give him 5 minutes to explain, pero dumating sa puntong naging marahas siya. Akala ko hindi niya kayang gawin iyon sa akin. Ang sakit lang, Phoenix. Simula bata palang kaibigan ko na si Anton pero parang hanggang ngayon hindi ko pa rin siya kilala." Humagulgol ako. 

Natahimik siya. Ilang minutong puro hagulgol at singhot ko lang ang maririnig. Alam kong galit si Phoenix sa akin. 

"P-p..." 

"You need to rest," biglang sabi niya dahilan para matigilan ako. Bumuntong-hininga siya't inabot ang aking ulo. Napapikit ako sa sobrang gaan nito. "Kanina ka pa iyak ng iyak, bukas nalang tayo mag-usap ulit." 

Umiling ako. "No. We need to fix it now, galit ka sa akin e." Suminghot ako. 

"Hindi ako galit, okay? Kanina ka pa hinihintay ni Manang. Sige na!" 

Wala akong nagawa kundi ang pumayag nalang. Pero hindi ako naniniwalang hindi siya galit sa akin. "Magpapahinga na ako," ani ko. 

Tumango siya. Akmang palabas na ako sa kaniyang sasakyan ng bigla siyang magsalita ulit. "Uhm..." 

"Bakit?" Nilingon ko siya. 

"If...If you're walking my way, I'll never let you walk alone. Good night, Beverly." 

Lahat ng sinabi sa akin ni Phoenix ay tumatak sa isip ko hanggang umaga. Hindi ko alam kung anong gagawin. Simpleng mga salita lamang ang binitiwan ni Phoenix pero ang lakas ng impact nun sa puso ko. Hindi ko maiwasang kiligin. Iniisip ko palang, nag-iinit na ang puso ko. 

"Anong ano 'yan, Beverly?" 

Natigil ako sa ginagawa at tiningnan ang kaibigan. "Anong ano?" balik kong tanong.

Ngumuso siya at parang may tinuturo-turo gamit ito. Kumunot ang aking noo at nagtataka siyang tiningnan. 

"Ayan oh," ngumuso na naman siya. 

"Ha?" 

"'Yang nguso mo, girl! Jusko, kulang nalang ipatong lahat ng problema sa world diyan sa nguso mo. Ano nga bang problema mo't nakasimangot ka? Mamaya may mag reklamo na hindi maganda ang pakikitungo ng mga staff sa customers natin!"

"Wala akong problema," ani ko at ngumuso na naman. 

"Ako'y tigil-tigilan mo diyan sa mga kasinungaling mo ha. Day, kilala na kita!" 

"Wala nga kasi," sinamaan niya ako ng tingin kaya halos matakot ako doon kasi parang lalabas na mata niya sa sobrang sama. "Hindi nagte-text si Phoenix simula pa kaninang umaga..." 

"Oh e, baka busy lang!" 

"Busy? E, tinawagan ko si lolo kanina sabi niya nag jogging lang!" 

"O, malay mo nagtatrabaho na ngayon. Sinubukan mo na bang i-text?" 

"I tried, but still...hindi siya sumasagot ni isang hi nga lang wala e." Napa-aray ako ng bigla niya akong sabunutan. 

"Kunyari kapa, e gustong-gusto mo naman yung tao. Tingnan mo, hindi ka nga lang tinext bugnotin kana."  Sinabunutan niya pa ako kaisa kaya sinampal ko na ang kaniyang kamay. Tumawa naman siya. 

"Pake mo, hmp!" Pagtataray ko na mas ikinatawa niya lang. 

"Alam mo girl, isa lang 'yan e... it's either, galit pa rin siya sayo dahil nga sa sinabi mong nangyari kagabi o hindi kaya may iba na 'yon." 

"May iba na?" Naibulong ko nalang sa sarili pero talagang malakas ang pandinig ng kaibigan ko kaya narinig niya pa rin ito. 

"Oo, hindi naman kasi malabong hindi magpalit ang isang lalake, bebs. Lalo na 'yung mga lalakeng gwapo, macho, at mayaman! 'Yung mga gaya niya ay tipo ng mga babaeng chikana." Tumigil siya saglit at tinutukan ako ng maigi.

 "Kung ako sayo, i secure mo na 'yan agad si Papa Phoenix. Kasi baka ma out of stock ka, andami pa namang naga-add to chart niyan." 

"Phoenix is mine!" Sigaw ko. 

Nanliliit ang matang napatingin siya sa akin. "Talaga? Sa pagkakaalam ko walang kayo." Nakangisi niyang sabi. 

Sinamaan ko siya ng tingin. Kulang nalang may lumabas na dalawang sungay sa ulo ko. "Hindi, simula ngayon kami na. Humanda ka bukas!" sigaw ko.

Dali-dali akong nag off at tinanggal ang suot na apron. Hinagis ko ito kay Gigi na agad naman niyang sinalo.

"Uuwi na ako, pakisabi emergency lang." Mabilis kong sabi. 

"Fighting! Diligan ang nagwawalang korona!" Naglakihan ang mata ko dahil sa isinigaw niya. Mabuti nalang at malakas ang tugtog ng buong bar. 

"Gago," sigaw ko at ngumiwi. 

Nagpalit ako ng damit ko, nakasuot pa rin kasi ako ng maiksing damit, dahil nga bar na ang binuksan namin. Pagkatapos nun ay dali-dali na akong lumabas at tinungo ang parking lot kung saan nakaparada ang aking sasakyan. 

Bago ako pumunta sa paroroonan ko'y sumadya muna ako sa isang bakery sa mall para bumili ng cake. Inisip kong mabuti kung anong masarap at magandang ibigay. Pero sa huli, pinili ko pa rin ang isang simple at bilog na cake. 

Pinalagyan ko ito ng sulat at nang makita ko ito'y lumabas ang ngiting tagumpay ko. 

"Tingnan lang natin kung hindi ka maging marupok sa ibibigay ko." Nakangisi kong sabi sa sarili. 

Nang makalabas sa mall ay dere-deretso ang lakad ko hanggang sa sasakyan ko. Nang makapasok ay nilagay ko naman sa passenger seat ang cake bago pinaandar ang sasakyan. 

Ilang minuto lamang ang binyahe ko papuntang bahay nila Phoenix. Habang palapit ng palapit ako'y hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Excited ako sa gagawin pero kinakabahan ako kasi baka hindi pa naman niya binubuksan ay tinapon na niya sa basurahan. 

Sana talaga buksan niya. . . 

Pinarada ko ang aking sasakyan ng makarating ako sa mansyon nila. Kanina nung nasa gate palang ako'y nagtanong na ako sa guard kung narito ba si Phoenix. Nagpasalamat naman ako nung malamang hindi ito lumabas ng mansyon simula kanina. 

Inayos ko ang sarili ko bago ako lumabas ng sasakyan bitbit ang biniling cake. Pumasok ako sa tanggapan at agad natigilan ng kumakaripas na takbo ng isang maid ang sumalubong sa akin. 

"M-ma'am Beverly!" pasigaw niyang sabi. 

"Bakit?" Tanong ko, nalilito. 

"Hindi po tumatanggap ng bisita si sir." Kinakabahan niyang sabi. 

Kumunot ang aking noo. "Ah, nagkakamali ka! Hindi si lolo 'yung pinunta ko dito, si Phoenix." 

"Iyon nga po Ma'am, ayaw po ni Sir magpaistorbo. Kanina pa nga po 'yon ayaw lumabas ng kwarto e." 

"Pupuntahan ko nalang. Alam mo naman 'yung sir niyo hindi niya ako matitiis." Kinindatan ko siya. 

Akmang lalampasan ko na siya para umakyat na ng hagdanan at puntahan ang boss niyang nagmamaldito na naman pero hinarangan pa rin ako ng maid. 

"Ma'am, maawa po kayo. Ayokong mawalan ng trabaho." Nakanguso niyang sabi, naiiyak na. 

Napangiwi nalang ako at tiningnan ang second floor. Mukhang hindi talaga ako makakapunta kay Phoenix ah. Mabuti nalang pala at lagi akong handa. 

"Oh siya...siya!" Pagsuko ko, "ibigay mo ito sa amo mo. Sabihin mo pinamimigay ng maganda niyang nililigawan. At kung hindi niya bubuksan alam mo na ang mangyayari..." 

Nilagay ko ang aking thumb sa leeg at gumuhit dito, mula kanan hanggang pakaliwa. Naglakihan ang kaniyang mga mata at agad kinuha ang box na may laman na cake na hawak ko bago tumango-tango. 

"Ibibigay ko po ito kay ser!" 

"Goods," I smile lovely and give her a flying kiss. "Goodluck!" 

Ngiting wagi ako habang nagtatalon sa aking kama. Kanina pa ako dito at hindi pa rin mawala-wala ang epekto ng ginawa ko kanina. Oo, hindi ako kinikilig kay Phoenix, kinikilig ako sa sarili ko kasi nagawa ko iyon! First time in my life, itong ferson niyo gumawa ng isang kababalaghan. Hindi ko talaga akalaing gagawin ko iyon. 

Pero paano kung... "What if, he didn't open the box?!" 

Naglakihan ang aking mga mata dahil sa naisip pero agad akong umiling at winawala iyon sa isipan pero kasabay din nun ay ang pagpasok na naman ng bagong image sa aking isip kung saan tinapon niya ang box na cake sa labas ng kwarto niya dahil ayaw niyang tumanggap ng mga bagay na galing sa akin. 

"O my gosh, no!" Tumili ako. 

Hindi niya pwedeng itapon iyon! 

Gumulong-gulong ako sa kama at mas lumakas ang tili pero agad din akong napatigil ng biglang padabog na bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Ganun nalang ang paglalaki ng aking mga mata ng makita si Phoenix doon na sabog na sabog ang buhok, naka pajama pa at isa lang ang tsinelas. 

"Beverly Garcia, panagutan mo ako!" Sigaw niya. 

Napasinghap ako. O my! 


Itutuloy . . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro