Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

P21

Unedited.

#SWP21 

"Anton..." 

I gasped. I try to touched anything to support my weight. Pakiramdam ko tuloy mahihimatay ako habang nakatingin sa taong nasa harapan ko. 

"B-bakit ka nandito?" I asked. Avoiding his eyes. 

"To see you," nabigla ako ng bigla niyang hawakan ang aking kamay. "After all those years, I realized that it's still you I'm inlove with. Ikaw pa rin talaga." 

"Love?" Pagak akong natawa. "You still inlove with me—andali lang sabihin, Anton, nuh. Andali lang sabihin pero hindi mo kayang ipakita! Those years bago mo narealized na mahal mo ako ay sobra akong nasaktan. Lahat ng taon na iyon tiniis ko dahil sa pagaakala kong mahal mo ako. Ako pa rin, huh? Talaga ba? After you left me para lang makasama mo yung babae mo! Gago ka!" 

"Babe, mage-explain ako..." 

Babe, your ass...

"Explain, what? That after you cheated on me while we're still in a relationship, umalis ka ng bansa para lang sumama sa malandi mong ex...mahal mo pa rin ako?!" 

Naalala ko pa yung mga araw na paulit-ulit akong nagmamakaawa sa kaniyang huwag ako iiwan. Pero ano ginawa niya? 

"Anton, please.  . . umuwi na tayo." Nanghihina kong sabi. 

Ilang linggo ko na itong panghahabol sa kaniya. Hindi kami naghiwalay, I promised to myself na kapag magiging kami sisiguraduhin kong kami lang talaga. Kung mag-away man kami't may hindi pagkakaitindihan, aayusin agad. Pero ngayon, umabot na ako ng ilang linggong kakahabol sa kaniya pero wala pa rin nangyayari. 

"Anton, please..." unti-unti akong lumuhod. Tiningala ko siya na gulat akong tiningnan. May pagsisisi sa kaniyang mata pero mas lamang ang kagustuhang sundin ang gusto niya. 

"I don't love you anymore," iyon pa lang ang sinasabi niya pero masakit na para sa akin. 

"H-hindi mo na ako mahal? Parang ang bilis namang magbago ng puso mo. Anton, matagal na kitang kilala at alam kong hindi ka ganito—" 

"Matagal mo nga akong kilala pero bakit hindi mo makitang hindi na kita mahal!?" 

"Anton, naguguluhan ka lang." Hinawakan ko siya sa kaniyang mga kamay. "Alam kong naguguluhan ka lang. Tungkol ba ito sa arrange marraige na sinasabi ng mama mo? Pwede kong kausapin siya at itigil iyon. Anton, lahat naman may paraan e, huwag mo naman paabutin sa ganito." Sunod-sunod akong humikbi at mas hinigpitan ang paghawak sa kaniya pero nabigla nalang ako ng marahas niyang tanggalin ang aking kamay at itulak ako. Napasubsob ako sa lupa. 

"I don't love you." Mariin niyang sabi. "Hindi mo naiitindihan? Tatagalogin ko. Hindi na kita mahal. Mahal ko si Gerlyn, mula noon at hanggang ngayon. Kung minahal nga talaga kita noon baka tira-tira lang iyon." 

Tumayo ako mula sa pagkakadapa at sinampal siya. Inulit-ulit ko iyon hanggang ang sarili kong mga kamay mismo ang nagsawa. 

Sinungaling siya, sabi niya mahal niya ako pero bakit sumama siya ngayon sa ibang babae. 

He loves me, yet, he chooses her. 

"If you still thinking some ways to hurt me. Please, stop. Hindi na ako yung Beverly na kilala mo." 

"Beverly, please. . . Alam kong kasalanan ko lahat pero pag-usapan naman natin 'to oh." He begged. "A-alam kong ako pa rin yung mahal mo." 

Simula nung araw na iyon, pinangako ko sa sariling kakalimutan ko narin siya. "I hate you. That's real." I saw how pain filled his eyes with what I say. 

Those eyes... I remember those eyes look at me like I'm just a piece of disgusting shit that always beg for him.

Ayoko nang tingnan ang mata niya. Mula sa mata'y iniiwas ko ang aking paningin at inilipat ang tingin ko sa bulaklak na bigay niya. 

"Salamat dito," inangat ko ang bulaklak gamit ang isang kamay ko at ginamit ito pangsampal sa kaniya. "Pero hindi ko kailangan 'yan." 

"Gagawa ako ng paraan para bumalik ka sa akin. I want you, Beverly. I have a reason why I choose to let you go. Kung pagbibigyan mo lang ako ng oras para sabihin iyon lahat, susulitin ko iyon para lang masabi ko lahat sayo." His voice cracked while saying it. Lalo lang nasaktan ang puso ko. 

"Anton, I'm glad... I'm glad that you're back and still looking good. Pero, hindi ko gustong makita ka. I'm sorry, pero sana ito na ang huling beses na magkikita tayong dalawa." 

Dahil pinangako ko sa sarili kong hindi ko na siya babalikan pa. Pinangako ko na hindi na ako babalik sa nakaraan kung saan ako winasak ng husto. I've realized, while loving him...I also slowly crushing my whole self. Simula nung bata pa kami, simula nung unang tumibok yung puso ko sa kaniya, at simula nung panahong naamin ko rin na mahal ko siya habang wasak siya. Kasalanan ko bang sinabi ko iyon sa oras na wasak na wasak siya? Kasalanan ko bang ginawa ko iyong oportunidad para ako naman lumigaya sa piling niya. 

Simula palang katangahan na yung ginawa ko e. Simula palang ako yung tanga sa relasyong iyon dahil binuo ko siya nung wasak na wasak siya at nadurog naman ako nung panahong iniwan na niya. 

Those weeks I keep chasing him. Those days I keep saying to him that we should fix our relationship but ended up wrecking it. Takot na takot akong iwan niya. Hindi ko kayang tanggapin na may iba siya na bukod sa akin. 

"What's happening here!?" Nabigla ako ng biglang pumagitna si Phoenix sa amin at tinago ako sa kaniyang likod. "Anong ginagawa mo dito?" Ramdam ko ang galit sa pananalita ni Phoenix. 

Hinawakan ko siya sa kaniyang braso para pigilan siya, "Phoenix, mag-uusap nalang tayo mamaya pumasok ka muna." Sinubukan ko siyang paalisin sa tabi ng pinsan niya. 

"No." Mas tumalas lang ang paningin niya sa pinsan at hinawakan ako sa kamay para pigilan ako sa pagpapaalis sa kaniya. 

"Phoenix, kinakausap ko lang ang  girlfriend ko." Kalmadong sabi ni Anton at sinubukan akong tingin pero mas tinago lang ako ni Phoenix sa likod niya. 

Napasinghap ako sa sinabi niya.

 "Girlfriend?" Pagak na tumawa si Phoenix na para bang nakakatawa ang sinabi ni Anton. "You broke up already, Anton. Hindi mo na siya pag-aari pa."

"Bakit ikaw, pag-aari mo ba siya para magdesisyon para sa kaniya?" Hindi na rin napigilan ni Anton ang tumaas ang boses. 

Shit, wala yung guard ngayon. Baka magkasakitan ang dalawa't hindi ko alam kung paano ko sila mapipigilan! 

"Hindi, pero malapit na." 

Mas lumakas ang singhap ko nang marinig iyon. 

"U-uhy, tumigil nga kayong dalawa." Sinubukan ko silang paghiwalaying dalawa. 

"Malapit ko na siyang maging akin. Kaya kung may binabalak kang iba, Anton, pwes hanggang balak ka nalang. Beverly, is now mine." 

Mabuti nalang dumating na sila Manang kaya walang nagawa ang dalawa kundi tumigil. Inimbita pa ni Manang si Anton at Phoenix na mananghalian sa amin pero agad itong tinanggihan ni Anton dahil may pupuntahan pa daw ito't babalik nalang ulit mamayang hapon. 

Kaya ang Phoenix Wyatt niyo'y natapos nalang ang pananghalian ay ayaw pa rin umalis sa mansyon namin at baka'y babalik pa daw ang gago niyang pinsan at kailangan daw niya akong protektahan. 

"Phoenix nga!" Ungot ko. "Nag text na si lolo't pinapapunta ka doon! Huwag mo na kasing hintayin ang pinsan mo't siguradong hindi naman iyon babalik pa." 

"No, dito lang ako." Iniiwas niya ang paningin sa akin at ngumuso. 

"Naman e, pwede ka naman dito magdamag pero may trabaho ka. Parehas tayong mapapagalitan sa ginagawa mo." 

Tumayo ako mula sa pagkakaupo para sana hilahin siya patayo pero mali ata na desisyon na iyon sapagkat paghila ko sa kaniya'y siya rin paghila niya sa akin papunta sa kaniya at dahil malakas siya'y ang ending ay sumubsob ako sa dibdib niya at napaupo sa kaniyang hita. 

"P-phoenix..." I tried to stand up but ending up blushing hard when he pressed his chest in my back and hug me. 

"I'm sorry, nahuli ako nang dating kanina. Late ko na kasing nalaman na dumating na pala sila." 

Napangiti ako sa sinabi niya. Inabot ko ang kaniyang buhok at masuyo itong hinaplos. Isiniksik naman niya ang kaniyang mukha sa leeg ko at naramdaman ko ang maliliit niyang halik doon na ikinaigtad ko. 

"I-it's okay. You're just in time, gusto niya ulit kaming magkabalikan pero ayaw ng puso ko. A-ayaw ko na ulit maranasan yung traumang pinaranas niya sa akin noon. P-phoenix, natatakot ako." 

"Huwag kang matakot. Pangako, kapag binigyan mo ako ng chance na mahalin ka, pangako ko sayo, hindi ko gagawin yung bagay na ginawa niya. Mahal na mahal kita, Beverly. God knows how much I love you." 

I nodded repeatedly and smiled.  "Thank you..." 

Sana nga, Phoenix...



Itutuloy. . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro