P20
#SWP20
Hindi...hindi ko kayang umibig muli.
Phoenix's confessed to me. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Mayroon sa sarili kong umibig ulit pero hindi ko naman kayang payagan ang gusto niya. Matagal ko ng kaibigan si Phoenix, kaya hindi ko alam kung tama bang gustohin ko rin siya.
Mahalin ko daw siya dahil mahal ko siya hindi yung dahil pinipilit niya lang ako. Panatag akong ganun ang iniisip niya. Hindi niya naman ako pinipilit na mahalin siya sadyang hindi ko pa alam kung magbubukas ba muli ang puso ko.
Hindi man niya natanggap ang hinihingi niyang oo, sinabi pa rin niyang maghihintay siya sa akin at liligawan ako hanggang sa magustuhan ko rin siya pabalik.
Kaya ko kayang magmahal muli? Kaya ko kayang mabigyan pa ng chance si Phoenix? Kaibigan ko si Phoenix at ayoko sa lahat ang nasasaktan siya pero ngayong ako naman ang gumagawa nun, masakit sa pakiramdam. Ayoko siyang nasasaktan pero ayoko rin masaktan tulad nung mga panahong minahal ko ang kaniyang pinsan.
Naalala ko na naman yung mga panahong mag-isa nalang ako sa malaking bahay. Parehas kong tinaboy ang dalawa kong kaibigan. Ayaw kong nakikita ang pagmumukha nilang dalawa sa mansyon dahil mas lalo lamang akong naiirita. Kapag maririnig kong dadalaw sila sa akin, hindi ako lumalabas ng kwarto ko. Puro kwarto lamang ako't nagkukulong magdamag.
Halos araw-araw akong umiiyak, nagdurusa, at humihingi ng pag-asa. Sobra akong nawasak nung mga panahong 'yon. Hindi ko alam kailan matatapos ang pagdurusa ko. Wala akong masasandigan na pamilya dahil kahit sila hindi ako gustong makasama.
"Mommy, please...umuwi na po kayo dito." Sabi ko habang patuloy na humihikbi.
Isang araw nung sinubukan kong tawagan ang numero ni Mommy at nagpasalamat naman ako na sinagot niya pa rin ito.
"Busy ako, Beverly. At saka, tigil-tigilan mo nga 'yang pagiinarte mo diyan! Nandyan naman si Manang ah, matanda kana hindi mo na ako kailangan diyan."
"Mommy, kailangan kita. Please, mommy!" Pagmamakaawa ko ulit.
"Alam mo, maswerte ka nga't hindi ka pinatapon sa bahay ampunan e! May matitirhan ka't maraming pera kaya huwag kanang humingi ng ibang bagay. Malaki kana, Beverly. Matuto kang mag-isa!"
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad niyang pinatay ang tawag. Nanlulumo kong ibinaba ang aking cellphone at tumitig sa kawalan.
Sana nga ganun, Mommy. Sana kaya kong mag-isa... pero hindi e. Anak mo rin ako na nangangailangan ng atensyon mo.
Tinigil ko ang aking pagiging content creator sa YouTube. Hindi ko dinelete ang aking YouTube account, sadyang nilayo ko lang ang sarili ko sa mga social medias lalo na ngayong sunod-sunod ang mga balita tungkol sa achievements ni Ate Jasmine at mommy sa kanilang career. May mga nakikita rin akong balita tungkol sa mga orphanage na tinutulungan nila Mommy. Inggit na inggit ako dahil mayroon silang oras para sa ibang bata pero para sa akin, na anak at kapatid, wala.
Nilayo ko man ang sarili ko sa pagiging content creator, binuksan ko naman ang puso ko sa pagiging manunulat ng mga nobela. Nagkaroon ako ng pag-asa upang mabuhay muli. I become a published author at may dalawang libro na pinamagatang: Mga tula ni bebs 1 &2.
Masaya ako dahil may pagbabago na muli sa sarili ko. Hindi na ako nag-iisa. Bumalik ang sigla ko, lalo na nung malaman kong marami ang oportunidad na naghihintay sa akin at marami rin ang sumusuporta sa akin. Nawalan ako ng pag-asa nung una pero nagbalik ito ng makita ko ang kakayahang buoin ang sarili. Hindi man lahat, pero paunti-unti.
Patuloy ang takbo ng mga araw, namalayan ko nalang ang sarili na nasa harapan na ng matandang Villanueva. Ayoko mang bumaba dahil sa takot na mahusgahan ulit ng mga tao, pinilit ko pa rin dahil ayokong bastusin ang taong tinuring narin akong parang isang apo.
"Good afternoon po, lo." I said.
Binaba niya muna ang kaniyang iniinum na tsaa sa lamesa pagkatapos ay tiningnan ako at nginitian. "Good afternoon, apo. Kamusta kana?" He asked. I smiled back to him, bago ako umupo sa katabi niyang upoan.
"O-okay naman po,"
"Talaga ba?" Agap niya. "Parang may naririnig akong ayaw lumabas ng kaniyang kwarto at gusto laging nag-iisa."
Napayuko ako at agad nangiligid ang luha sa mga mata. "I'm sorry po,"
"Uh huh, don't apologize to me. Say that to yourself." Ani niya.
I nodded repeatedly. "Yes po,"
"Keep in mind, Beverly. Even if the world is cruel, you must stand on your own feet and be strong."
"I am, lo. Lagi ko naman ginagawa iyon e pero hindi ko pa rin kaya. Natatakot na ako."
"Hindi ka nag-iisa, nandito ako—kami."
Umangat ako ng tingin sa kaniya. Nakita niya ang pagtataka dito kaya nagpatuloy siya sa sinasabi. "Ako, si Manang, si Phoenix at Anton. Andito kami palagi sa iyo para suportahan ka. Hindi ka namin iiwan."
"Totoo po?"
"Totoo, apo. Hindi kita kadugo pero tinuring kita bilang isang tunay na apo. Nananatili ka pa rin sa puso ko kahit hindi kita kaano-ano dahil mahal kita. Ang pagmamahal ay hindi lang dahil sa gusto mo ang isang tao, ito ay dahil sa pamilya mo ito. Hindi kita kadugo, but I love you. I love you because you're my family."
Sunod-sunod ang patak ng aking luha ng marinig ang sinabi niya. Hindi sukatan ang pagiging magkadugo para ituring kang pamilya ng isang tao. Ang tunay na pagmamahal ay ang pagmamahal ng isang pamilya.
The love that I never had from my parents. . .
Kinabukasan ay parang wala lang nangyari. I'll try to be productive again. Gumising ako ng maaga para mag-jogging. Alas kwatro ng umaga ng lumabas ako ng mansyon at nagsimulang mag stretching. Tinakbo ko ang kahabaan ng aming mansyon hanggang sa makaabot ako sa aming planta at patungong rancho ng mga Santibastian. May mga nadadaanan pa akong mga magsasaka sa palayan na maagang nagtatrabaho.
"Kapagod!" Sabi ko at umupo sa isang bench. Ininom ko ang natitirang
Bumalik na ako ng aming subdivision dalawang oras matapos kong libutin ang daan patungong rancho ng mga Santibastian at ng mga Montecarlos.
"Ah, shit. Nasugatan pa yata ang paa ko!" Ani ko matapos maramdaman ang bahagyang kirot sa paa ko.
"Pagod na ako, babe." Napatigil ako sa pagtingin sa paa ko nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Pagtingin ko'y nakita ko na sila Anton at si Gerlyn na papunta sa dereksyon ko.
Naglakihan ang aking mga mata at napatayo sa kinauupuan. Nagpalinga-linga ako't nataranta sa kadahilanang hindi ko alam kung saan ako magtatago para hindi nila ako makita.
Gusto kong magtago sa isang puno ngunit alam kong sa layo nito sa akin ay makikita pa rin nila akong papunta doon.
"Beverly?"
Napapikit ako ng tuluyan na nila akong makita. Sinisinghalan ko na ang sarili ko dahil sa kabagalan.
"Anton." Nasabi ko nalang ng makaharap ako sa kanila. Parehas silang basa ng pawis, hula ko'y nag-jogging rin sila. Mabuti nalang pala hindi ko sila nakita habang tumatakbo ako.
"Kamusta na, bebs? Antagal na kitang hindi nakita ah. Palagi mo nalang kasi kami tinataboy doon sa inyo." Panatag siyang ngumiti.
"O-okay lang naman," magiging okay na sa tamang panahon. "Ah, sige una na ako sa inyo!"
Tatalikod na sana ako ng pigilan ako ni Anton. Hawak-hawak niya ang kamay ko. "Sandali, Bebs. Sama ka nalang sa amin. Ngayon nalang kita ulit nakita e. Sakto kakain kami doon sa gotohan sa labasan, diba paborito mo 'yon?!"
"Ah," napatingin ako sa magkahawak naming mga kamay. Agad ko naman naramdamang nakatingin doon ang kaniyang nobya, ako na mismo ang nagalis nito. Nakakunot ang noo ni Gerlyn at parang hindi nagustuhan ang ginawa ng kaniyang nobyo. "H-hindi na. Nagpahanda rin ako ng pagkain kay Manang sa mansion."
Bahagya akong lumayo sa kanila pero hinigit naman ako pabalik ni Anton at inakbayan na ikinagulat ko. "Ano ka ba, Bebs. Lagi mo nalang ako tinatanggihan, sige ka magtatampo ako nito!"
Nilingon ko ang kaniyang nobya na mas lalo lang pumangit ang kaniyang mukha. Alam ko ang ganung reaksyon, nobya siya pero nakalingkis ang kaniyang nobyo sa akin. Inalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin.
"Babe, I'm tired. Let's go home." Biglang sabi ni Gerlyn.
"Huh, 'di ba kakain pa tayo?" Takang tanong ng huli sa nobya.
"Nawalan ako ng gana, alam mo kung gusto mo naman. Isama mo ang bestfriend mo doon at kayong dalawa ang kumain. Uuwi nalang ako."
"Ah Gerlyn, hindi... uuwi na ako. Anton, sige na dalhin mo na doon ang nobya mo." Kinuha ko ang aking tubigan. "Aalis na ako, Gerlyn at Anton."
Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad na. Kailangan mo nang umalis, Bebs. Baka magaway pa ang dalawa't madamay ka pa!
"Sandali lang, Bebs," narinig ko ang pagsinghap niya. "What's wrong with you, babe!? Bakit ka nagagalit bigla diyan?"
"I'm not angry, pagod lang ako."
"No, you are. Alam na alam ko anong mukha mo kapag nagagalit ka."
"Hindi ito mukha ng galit, Anton. Mukha ito ng taong nagseselos!"
Napahinto ako sa paglalakad. Nagseselos siya sa akin?
"What the..." naitugon nalang ni Anton.
"Nagseselos ako sa bestfriend mo dahil halos araw-araw nalang siya palagi ang bukang-bibig mo! Alam mo palagi kong napapansin 'yan sayo."
"Gerlyn, Beverly is my Bestfriend. Bestfriend." Diniinan pa talaga niya ang pagkakasabi nun. "Bestfriend ko lang siya at tinuturing ko lang siyang kapatid dahil hanggang doon lang iyon!"
Putangina. Bakit ba hindi pa ako umalis dito? Bakit ba mas ginusto ko pang makinig sa usapan nila na alam ko namang ako lang ang masasaktan. Jusko naman, Beverly! Ilang beses na niyang sinabi sayong hanggang kaibigan ka lang pero hindi ka pa rin nadadala!
Dinilat ko ang aking mga mata. Napanaginipan ko na naman siya. Napanaginipan ko na naman kung paano ako naging tanga sa kaniya. Bakit ba hindi ko nalang siya kalimutan?
Tumunog ang aking cellphone kaya kinuha ko ito. Pagtingin ko'y bumungad sa akin ang message na galing kay Phoenix.
Phoenix:
Good morning, baby! Kain kana ha. Pumunta ako diyan kanina para ihatid ang breakfast mo pero umalis din ako agad dahil may inuutos pa si Lolo sa akin. Bye, I love you.
Ako:
Thank you.
Binaba ko ang aking cellphone at naglinis na ng katawan. Maaga akong naliligo para presko sa pakiramdam. Pagbaba ko'y nakita ko nga ang breakfast na binigay ni Phoenix sa akin pero hindi ko muna iyon kinain dahil busog pa ako. Nakita ko rin na may coffee doon kaya iyon muna ang kinuha ko at agad ininom.
Lumabas ako ng garden. Binaba ko muna ang coffee ko para makapagdilig ako. Tumutulong naman ako sa mga gawaing bahay. Talagang ayaw lang ni Manang na tumulong ako dahil may maid naman daw kaming gagawa nun.
"Nasaan po si Jessica, kuya, at bakit hindi pa po nalilinisan ang pool side?" Tanong ko sa aming hardenero na nagtatanim ng bulaklak sa gilid.
"Ah, sinama po ni Manang sa palengke, nag groceries po sila."
"Sige," kinuha ko na ang hose at binuksan ang gripo. Agad kong diniligan ang mga halaman doon. Marami-rami ang didiligan ko kaya kinuha naman ng hardenero namin ang isa pang hose at doon siya sa kabilang bahagi nagdilig.
Busy ako kakadilig ng mga tanim ng biglang may nag doorbell sa gate. Paulit-ulit ito. Nagtataka tuloy ako kung nasaan ba ang guwardiya at bakit hindi ito pinagbubuksan.
"Guard!" Sigaw ko pero hindi ito tumutugon. Nilingon ko ang hardenero pero busy siya sa pagdidilig ng mga tanim.
Napabuntong-hininga nalang ako at inis na binaba ang hose ng sunod-sunod na itong nag doorbell at walang hinto. Malapit lang naman ako sa gate nagdidilig kaya ako nalang magbubukas. Siguradong hindi ito sila manang dahil dala nila ang kotse ko para mamalengke.
"Dahan-dahan naman sa pag doorbell baka masira!" Sigaw ko agad pagkatapos kong buksan ang gate.
Ganun nalang ang paglalaki ng aking mga mata ng makita kung sino iyon. My heart beats rapidly. I try to fill my lungs some oxygen to control my breathing. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito!? Hindi pa rin nagbabago ang bilis ng takbo nang aking puso. Hindi lang 'yon, mas lalo lang nasaktan ang puso ko sa nakita.
He's back...
"Anton."
Itutuloy . . .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro