P17
#SWP17
Kapag talaga alam mong paulit-ulit nalang ang mga nangyayari sayo araw-araw parang ang bilis nalang din ng panahon.
Sa ilang taong lumipas, doon ko lang naitindihan ang lahat. Na ang buhay ay hindi madali, it can be tough. Dati gusto kong makamit lahat ng isang beses lang nasusubukan pero sa ilang taon na iyon, doon ko lang napagtanto na hindi madali ang lahat. Kailangan kong sumubok at sumubok para makamit ko lahat ng gusto ko sa buhay.
The success is not just about your accomplishments or what you get in life. It is all about what you can give to others and inspiring others. Isa sa mga dahilan kung bakit ko pinagpapatuloy ang lahat kahit pagod na pagod na ako ay dahil gusto kong maging inspirasyon ng mga tao. Gusto kong may matutunan sila sa akin. Gusto ko lahat ng mga salitang binibitawan ko'y isasaisip nila't isapuso.
Lahat ng mga nakukuha ko ngayon ay hindi dahil sa gusto ko lang at hindi dahil sa gusto ko lang lakarin ang napakadilim at napakahabang tunnel na pinasukan ko, kundi dahil gusto kong mapatunayan sa sarili kong kaya kong mag-isa. Hindi ko ginagawa ang lahat ng ito dahil gusto kong sumikat at magkaroon ng ilang libong tagahanga o tagasuporta kundi dahil gusto kong maging liwanag sa madilim nilang paglalakad. Gusto kong maging inspirasyon sa lahat.
I always write what my mind wants to say. Sarado palagi ang bibig ko kapag may gusto na akong sabihin pero lagi naman bukas ang isip at mga kamay ko para sulatin lahat ng ito. Nagsusulat at nagtutula ako hindi para magpa'impress sa mga tao. Sinasabi ko lahat ng gusto kong sabihin para kahit sa ganun man lang na paraan maibahagi ko naman kung ano ang pumapasok sa isip ko.
"Thank you so much for watching our episode for today. Don't forget to like, subscribe, share and comment down below. This is Beverly Garcia na nagsasabing umibig, lumigaya at maging malaya. Hanggang sa muli. Paalam!"
Pinindot ko ang camera button ng aking cellphone para matigil ang video agad ko iyong sinave at nilipat sa laptop ko.
I'm a content creator. Naguupload ako ng mga ginawa kong tula sa YouTube, tiktok, at facebook. Hindi naman ako nabigo dahil kumikita naman ako ng malaki kahit nakakapagod ang ginagawa ko. Mayroon na akong mahigit eleven million followers sa YouTube at mahigit ten million naman both Tiktok at Facebook.
Masaya ako sa ginagawa ko. First year college ako nung sinimulan ko ang karerang ito. Ito ang naging sandigan ko sa mga panahong wasak na wasak ako at wala akong malapitan ni sino man para mawala lahat ng sakit ko. Noong una'y mahirap pero kalaunan nung nakita kong may isang taong sumusuporta sa akin, hindi ako huminto. Nagpatuloy ako sa paglabas ng mga saloobin ko.
Tungkol sa pag-ibig ang madalas kong content dahil marami sa mga viewers at subscribers ko ang gustong-gusto makarinig ng tungkol sa pag-ibig na mga spoken poetry ko. Kung dati'y isinusulat ko lang ito ngayon naman ay tinutula ko na din. Mayroon na akong dalawang librong na'published at nabenta nationwide. Doon mas dumami ang mga tagasuporta ko.
Masasabi kong tama lang pala na sila ang nilapitan ko sa mga oras na lugmok na lugmok ako.
I edit almost half part of my video bago ko narealize na malapit na mag ala-singko ng hapon. Dali-dali kong sinave ang video at pinatay ang laptop ko bago ko pinulot ang aking bag at kumaripas ng takbo palabas ng kwarto ko.
"Manang!" Sigaw ko habang pababa ng hagdan.
"Hay nakong bata ka! Ang bagal-bagal mong kumilos kanina pa pinarada ni Eron ang sasakyan mo sa labas!" Singhal ni Manang.
"Manang, sorry na. Alam mo namang busy akong tao." Nakanguso kong sabi. Napaigik ako sa sakit ng pabiro niyang pingutin ang tenga ko.
"At may trabaho ka pa, bilisan mo't baka maabutan kana naman ni Mr. Loius at magtatatalak na naman iyon kay Phoenix!" Sigaw niya.
"Naku naman, Manang! Huwag kang sigaw ng sigaw, baka atakihin ka." Hinimas ko ang aking tenga na nasaktan.
"Bilisan mo na kasi." Kumalma na siya kaya napangiti na ako.
"Eto na nga," nginitian ko siya at hinalikan ko siya sa pisngi. "Love you, Manang. Huwag mo akong iiwan ha!" Ani ko at niyakap siya.
"Hanggang buhay ako, nasa tabi mo lang ako." Napangiti ako at yumakap na sa kaniya pabalik pero agad din naman akong bumitaw.
"Alis na ako, tumatawag na si Boss." Kininditan ko siya at itinaas ang cellphone na kanina pa nagba-vibrate.
"Naku, kayo talagang mga bata kayo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa inyo." Naiiling niyang sabi.
Tumawa lang ako at mabilis na naglakad palabas ng mansyon. Pagkalabas ko'y nakaparada na nga doon ang sasakyan ko. Agad naman lumapit si Manong sa akin at binigay ang aking susi.
"Thank you po." Ani ko. Tumango lang ito bilang tugon.
Mabilis akong pumasok sa aking sasakyan at pinaandar ito. Sa Poetro Bar ako nagtatrabaho. Sa totoo lang, gusto kong lumuwas ng maynila para doon na magtrabaho at kumita ng malaki pero talagang napamahal na ako sa Isla Amore kaya hindi ko ito maiwan-iwan. At saka, narito lahat ng mga ala-ala ko ayokong iwan lahat ng iyon. Ayaw rin naman umalis ni Manang dito kaya dito nalang kaming dalawa.
Mga ilang minuto lamang ang binyahe ko at agad na rin akong nakarating ng Poerto Bar. Mabilis akong pumasok doon. At dahil restobar nga ito, restaurant pa lang ang binuksan namin dahil hindi pa naman gabi. Alas nwebe y medya namin bubuksan ang bar area.
Pagpasok ko pa lang ay nakita kong dinadagsa na ng mga taong kakain sa aming restaurant. Isa ito sa mga araw na mas dinadagsa ang restaurant dahil sabado. Hindi naman kasi gaanong kamahal ang aming restaurant, sulit lang at abot kaya nang isang pamilya.
"Good afternoon, everyone!" Ani ko. Napalingon naman sila sa akin.
"Good afternoon, bebs!" Bati rin nila nang nakangiti bago bumalik sa kani-kanilang mga trabaho.
Napangiti nalang ako at tiningnan ang Office of the Manager. Mabuti nalang pala't hindi ko naabutan si Mr. Loius dito sa labas st baka'y magtatatalak na naman ito. Agad akong pumunta sa locker room at nilagay lahat doon ang mga gamit ko bago ako nagbihis at nagpalit ng aming uniporme.
Hindi pa ako nakakalog-in sa counter pero mayroon na agad lumapit sa akin. Akala ko may problema sa kinakain niya kaya agad akong naging alerto.
"It's anything you want, sir?" Tanong ko.
"No Ma'am, gusto ko lang po magpaautograph." Nahihiya niyang sabi. Namula pa siya.
Omygosh!
"Sure!" Nakangiti kong sabi.
Agad naman siyang may kinuha sa kaniyang bag at nilabas ito. Naglakihan ang aking mga mata ng makitang libro ko ang inilabas niya at isang ballpen. Agad ko itong tinanggap at binuksan ito.
"What's your name again?"
"Matthew po."
Tumango-tango ako at agad nang sumulat sa libro.
Matthew,
Wala nang mas mahalagang bagay sa mundo. Kundi pakawalan ang sarili't magpakatotoo.
-Beverly Garcia
Agad ko iyong pinirmahan at muling binalik sa kaniya.
"Salamat po!" Sunod-sunod siyang nagbow sa harapan ko. Napangiti ako nang magpaalam siya pagkatapos magpapicture.
Hindi lang doon natapos ang araw ko. Marami pang mga tagasuporta ko ang nagsidayo pa sa Isla Amore para lamang makita ako. Marami ang nagsabi na magupload na daw ako ulit dahil broken ang mga ito't kailangan nang mga panghuhugotan. Tinawanan ko nalang ito. Hindi pa naman natatapos ang shift ko sa Poetro Bar ay pagod na ako.
Tiningnan ko ang aking cellphone at tiningnan kung may mensahe ba.
"Ayan," napatingin ako kay Alex ng bigla siyang dumikit sa akin at magingay na naman. "Todo advice ka sa Hugot tula mo para sa mga tao pero sa sarili mo hindi mo maapply ang mga sinasabi mo." Napailing-iling siya.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan?" maang-maangan kong tugon.
"Mahal mo pa rin?"
"Hindi na..."
Pinangako ko sa sarili kong hindi na ako muling magmamahal pa. Tapos na akong magmahal. Noong una'y kinaya ko pa pero kalaunan din ay sumuko. Doon din pala ako babagsak e, ang pagiging mag-isa ay nasa dugo ko na. Ngayong sanay na ako, tama na siguro 'yon.
Hindi man lang ako nakaramdam ng kahit anong pagod habang tumatakbo ako papuntang mansyon nila Anton. Ginulo ko ang aking buhok ng biglang nasira ang tsinelas ko. Inis ko itong pinulot at muling tumakbo ng mabilis. Ganun nalang ang gulat ko ng biglang may humarurot na sasakyan papunta sa akin. Bago paman ako mabangga nito'y huminto na ako at napaupo sa kalsada.
"Takbo ka ng takbo, tumingin ka sa dinaraanan mo!" Sigaw ng driver.
Nanginginig kong pinulot ang aking tsinelas at dahan-dahang tumayo. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buong sistema ko. Halos hindi pa ako makatayo ng maayos. Naramdaman ko rin ang pagagos ng likido sa aking kamay, pagtingin ko'y dumudugo ito't nagasgasan.
"Kaya mo 'to..." bulong ko sa sarili.
Muli akong tumakbo kahit paika-ika na. Sa wakas ay nakarating na rin ako sa mansyon nila Anton. Kilala na ako ng mga guard at kasambahay dito sa kanila kaya madali akong pinapasok.
Hindi ko maitindihan na kahit gaano man nasaktan yung puso ko, siya pa rin talaga. Siya pa rin yung mahal ko. Nangangamba ako na baka isang araw hindi ko na siya makikita pa, kaya andito ako ngayon. Gusto kong aminin ang nararamdaman ko sa kaniya. Gusto kong mawala yung bigat sa puso ko.
Nakita ko siyang tumatawa kasama ang mga kaibigan niyang lalake. Napatigil ako at napangiti. Kahit ilang taon kaming hindi nagkita, hindi pa rin siya nagbabago. Makisig, gwapo, at higit sa lahat siya pa rin yung lalakeng minahal ko.
"Anton..." sigaw ko.
Nakita ko ang pagbilog ng kaniyang mga mata ng makita ako. Sumilay ang kaniyang ngiti at tinakbo ang pagitan namin. Sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap.
"Beverly," bumitaw siya sa pagyakap sa akin at tiningnan ako. Nawala ang kaniyang ngiti ng makita ang kalagayan ko. "A-anong nangyari sayo? B-bakit..."
"Ah, eto? Nalaman ko kasing bumalik kana kaya tumakbo ako papunta dito. Hindi ko naman alam na may ganito palang mangyayari." Nahihiya akong tumawa.
"Sabi kong palagi kang mag-iingat ah. Bakit kaba kasi pumunta pa dito, pupuntahan naman kita doon pagkatapos kong paalisin yung mga asungot." Aniya, tinutukoy ang mga kaibigang nagsisiyahan na ngayon sa garden ng kanilang mansyon.
"Ahm..." kinagat ko ang pangibabang labi ko. Kaya mo 'yan, Beverly! "May gusto kasi akong sabihin sayo."
"Ahh, ganun ba. Ako rin kasi may gustong sabihin sayo." Aniya ng hindi pa rin nilulubayan ang aking sugat. "Yaya, pakikuha nga ng first aid kit at yung tsinelas ni Beverly." Utos niya sa maid nila na dumaan na agad naman umalis para kunin ang mga ito.
Masuyo niyang hinila ang kamay ko papuntang sala. Pinaupo niya ako sa sofa, umupo naman siya sa tabi ko. "I didn't see you this past years kasi busy ako lalo na nung pinaubaya na ni Daddy yung kompanya sa akin. Okay ka lang ba dito?"
"Okay lang naman," napahinto ako sa pagsasalita ng biglang dumating ang kanilang maid dala ang mga inutos sa kaniya ni Anton. May dala pa siyang isang bimpong basa.
Agad iyon kinuha ni Anton at pinunas sa aking paa bago isinuot sa akin ang aking tsinelas na sinasadya kong iwan dito. "Anton, may gusto akong sabihin sayo at sana huwag kang magalit sa akin. I want to say you this kapag bumalik kana ulit dati pero hindi kana bumalik nun kaya ngayon nalang ako nakapaglakas ng loob." Kinakabahan kong sabi.
"Kinakabahan naman ako sayo, parang may kasalanan kang ngayon mo lang nagawang aminin ah." Nagbiro pa siya. Tumigil siya sa paggamot sa akin at tiningnan ako na mas lalong nagpawala ng aking dibdib.
Kung kasalanan lang talagang mahalin ko ang kaibigan ko, matagal na akong nakulong. Kung mayroon lang gamot sa sakit kong ito, sana mainom ko nang makalimutan ko ang nararamdaman ko sa 'yo.
"A-Anton..." napapikit ako ng mautal ako sa sobrang kaba. Lumunok ako at paulit-ulit na kinagat ang pang-ibabang labi. "Anton, maha—"
Muling naputol ang aking sinasabi ng marinig ko ang isang tinig na nagpasakit ng aking puso.
"Babe, kanina pa kita hinahanap!" Pagkarinig ng boses na iyon ay agad napabitaw si Anton sa akin at tumayo. Napalingon ako rito.
"I'm sorry, babe. My best friend is here." Sinalubong niya ang babae at agad na pumulupot ang isang braso sa maliit na bewang nito.
Tiningnan ako ng babae at agad namilog ang kaniyang mga mata.
"Oh, are you the famous poet here in Isla Amore?!"
"Ahm," halos hindi ko na marinig ang boses ko.
"Beverly Garcia, right? Ako nga pala si Gerlyn Marie Lee. Girlfriend ni Anton." Pakilala niya sa akin.
Nahugot ko ang aking hininga.
Girlfriend...
Umalis siyang may girlfriend at bumalik pa rin siyang may girlfriend. Malamang, Beverly! Ilang beses niyang sinabi sa iyo kung gaano siya kaseryoso sa kaniyang nobya kaya hindi imposibleng sila pa rin hanggang ngayon. Bestfriend ka, dapat alam mo 'yan!
"G-girlfriend?" Tanong ko. Umaasang hindi totoo ang narinig ko.
"Yes. Girlfriend ko siya, Beverly." Proud na sabi ni Anton. "Maganda 'di ba? Matalino rin ito at mapagmahal! Kaya mahal na mahal ko 'to e!"
Hinalikan niya pa sa labi yung babae na agad ikinapula ng pisngi nung huli. Napaatras ako.
"Stop, babe. Nakakahiya sa bestfriend mo!" Humagikhik si Gerlyn.
"Ah, mauuna na ako. Hinihintay na pala ako ni Manang." Ani ko at mas lalong napaatras. Itinago ko ang nanginginig kong mga kamay. Nangiligid na rin ang luha sa gilid ng aking mga mata at nagmamakaawang pakawalan ko sila.
"Huh? 'Di ba may sasabihin ka sa akin? At saka, nagpahanda ako ng tanghalian sumabay kana sa amin." Ani ni Anton na agad kong tinanggihan.
"H-hindi na, hinihintay na ako ni Manang. Kailangan ko na rin umuwi." agap ko.
"Ipapahatid—"
Agad kong pinigilan si Anton. "Aalis na ako, hindi na kailangan 'yan. A-anton, Gerlyn...uwi na ako, nice to meet you!" Malawak ko silang nginitian at inangat ang aking kanang kamay habang nakakumo ang mga daliri. "SS sa inyo, screenshot—ay este stay strong! B-bye!"
Agad akong tumalikod at nagsimula nang maglakad palabas. Nanatiling nakaangat ang aking kanang kamay kahit hindi ko na sila nakikita pa. Nang makababa ng malawak nilang hagdan ay agad kong nilagay ang kanang kamay sa aking bibig para mapigilan ang paghikbi ng malakas. Sunod-sunod na nagsituluan ang aking mga luha na hindi ko na napigilang bumuhos.
Girlfriend niya...
Itutuloy. . .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro