Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

P15

#SWP15 

Halos makatulog na ako sa sobrang antok sa kotse ni Anton kung hindi lang tumigil ang kaniyang sasakyan dahil sa pagparada nito sa harapan ng aming mansyon. Pagod na pagod kong idinilat ang aking mga mata ng maramdaman ko ang pagbukas niya ng pintuan sa gilid ko. 

"Thank you," Paos kong sabi. 

Akmang bababa na ako ng pigilan niya ako at sakupin ang aking binti at bewang. Napakapit ako sa kaniyang leeg ng buhatin niya na ako at ilabas sa sasakyan. 

"Dadalhin nalang kita sa kwarto mo." 

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Amoy na amoy ko ang mabango niyang pabango dahil sa lapit namin dalawa. Bumibigat na ang aking mga mata kaya hindi ko napigilang makatulog sa bisig niya. Kapit na kapit ako doon at takot mahulog. 

Muli kong idinilat ang aking mga mata nung maramdaman ko ang malambot na kama. Nakita ko ang malabong katawan ni Anton. Hinalikan niya ako sa noo. 

"Goodnight, Beverly." akmang aalis na siya ng hilahin ko siya pabalik ang kaniyang kamay. Napahinto siya at gulat na napatingin sa akin. 

"Stay, please..." Stay. Kahit ngayon lang. Kailangan kita..."Don't go, Antonio." 

"Sige, bebs, dito lang ako." 

Bumalik siya sa kinatatayuan niya at umupo sa kama. Agad ko naman siyang niyakap sa bewang at ginawang unan ang kaniyang hita, hinimas niya naman ito. Sobrang rahan lang nito na ikinapikit ulit ng aking mga mata. 

Kinaumagahan, nagising nalang ako at maingay na napasinghap ng makitang katabi ko na si Anton sa kama, ang malala'y nakayakap ako sa kaniyang leeg at nakayakap rin siya sa aking bewang.

Ang isang kamay namin dalawa'y magkahawak. Napatulala ako at tiningnan ang kaniyang malditong mukha. Sobrang kinis nito at hindi ko man lang nakitaan ng kahit anong dumi o imperfections doon, lahat perpekto. 

Ayoko man aminin pero maliban sa kaniyang ugali'y ang pagiging gwapo at matalino ay isa rin sa mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Hindi ko inakalang mas lalalim pa pala ang pagkagusto ko sa kaniya sa araw-araw na nagdaan. 

Napatingin ako sa kamay naming magkahawak-kamay. Nahahawakan ko siya ngayon pero pakiramdam ko ang layo-layo pa rin niya sa akin. Ramdam ko siya pero yung mismong siya hindi. Hindi ko na siya maaabot dahil may iba siyang mahal.

May nobya na siya, Beverly Garcia. Unang-una palang talo kana. 

Sa kaisipang iyon na pumasok sa isip ko ang nagpabangon sa akin mula sa pagkakahiga. Tinanggal ko ang kumot ko't tumayo sa kama. Napatingin ako sa orasan at nakitang ala-sais y medya na pala ng umaga, mga ilang minuto nalang magtatawag na si Daddy para sa aming breakfast. Alam kong may ideya na siyang dito natulog si Anton. Hindi ko naririnig na nagsusumbong ang mga maid pero alam kong maingay si Manang pagdating kay Anton.

Agad akong naligo at nagbihis pagkatapos ay ginising na si Anton. Malalim talaga siya kung matulog, hindi mo siya magigising sa simpleng tawag lang. Kailangan mo pa iyon ulit-ulitin. 

"Morning." 

Tumango ako, "Morning, ayusin mo na sarili mo, may laway ka pa sa pisngi." Ani ko at iniwas ang paningin. 

Of course, it's not true.

Siya na siguro ang pinakagwapo at pinakamalinis kung matulog o magising. Walang laway, hindi naghihilik at gosh, even his bedroom hair and voice is so damn hot! Sinong hindi maiinlove sa ganiyang katauhan?!

Agad niya naman kinapa ang labi niya kung mayroon nga pero nang makumpirmang wala'y sinamaan niya ako ng tingin.

"Hindi mo talaga maamin na kahit sa paggising ko gwapo ako." Umiiling iling siya. 

Oo, gwapo mo! pero syempre hindi ko iyon sasabihin. 

"Yucks...Buhat na buhat ang sariling upuan." Nakangiwi kong ani. 

"Kahit ikaw pa buhatin ko hindi pa rin magbabago na gwapo ako." Agap niya rin. 

"Wrong. Kahit ako pa buhatin mo, panget ka pa rin sa paningin ko!" Singhal ko. 

"Alam mo, ang kj mo talaga! Pasalamat ka't bestfriend kita." Ngumuso siya na ikinairap ko nalang. 

Kinuha ko ang aking unan at pinagpapalo sa kaniya bago binato sa mukha. "Tumayo ka na nga diyan at maligo kana! Gutom na ako kaya bilisan mo!" 

Nagmartsa ako palabas pero bago ko pa man masarado ang pintuan, tiningnan ko muna ang bestfriend kong magulo ang mukha habang nakabusangot. Grabe talaga, ang gwapo pa rin! 

Binelatan ko siya bago sinarado ang pintuan ng aking kwarto. Ngiting-ngiti ako pababa ng hagdan pero agad din pumormal ng makita si daddy na papuntang dining area. 

Halos wala ng ingay pati ang paglalakad ko. Pinaupo ko muna si daddy sa kaniyang upuan bago ako umupo sa akin. Ni hindi man lang niya ako nagawang tingnan. The last time he looked at me and smiled at me, ay yung araw na may inutos siya sa akin na dapat kung sundin. 

Magpapakabait ako at susundin ko lahat ng utos niya para ituring niya akong anak. 

I sighed, "Good morning, dad." 

Inangat niya lang ang kaniyang newspaper at hindi man lang ako tiningnan. Napapahiya kong ibinaba ang aking paningin sa pagkaing nakahanda sa plato ko. Naramdaman kong may nakatingin sa akin kaya nilingon ko ito. Nakita ko si Manang na masuyong nakatingin sa akin habang nakatayo sa gilid ni Papa. I smiled shyly and looked down again. 

Minutes passed at bumaba na rin si Anton sa wakas, "Good morning, Tito." Malamig niyang sabi. Ramdam ko tuloy ang pagtaas ng balahibo ko sa leeg. 

"Iho, mabuti't gising kana. Nung magising ako't ibinalita ni Manang na dito ka natulog ay agad na akong nagpahanda ng masarap na breakfast para sayo."

See, si Manang talaga ang tig sumbong! 

Ngumuso ako. 

"Salamat sa pagtanggap, Tito. Siguradong mabubusog ako nito." Nakangiti na niyang sabi. Nilingon niya ako't hinalikan sa ulo. "Good morning, Beverly." 

"Good morning." Hindi na ako makatingin kanila Manang at Daddy dahil ramdam ko ang mapanlaro at misteryosong tingin nilang dalawa. 

Alam kong iba ang ibig sabihin nila sa halik na iyon kaysa sa kay Anton. Madalas niya akong halikan sa ulo bilang paggalang sa presensya ko pero ni kailanman hindi naging mas mataas pa doon ang ibig sabihin sa mga halik niya sa ulo o noo ko. 

Umupo siya sa tabi ko at nagsimula nang mag kwentuhan sila ni daddy tungkol sa trabaho sa planta. Maliban sa pagiging mayor ng Isla Amore, ang aking ama'y mayroon din planta at rancho. Pero hindi iyon kasing laki ng planta ng mga Montecarlos at Santibastian. Sila Anton ang pinakamayamang negosyante dito sa Isla Amore pero hindi pa rin nila tinitingnan ang mga sarili bilang isang mataas na nilalang. 

Madalas kong makita silang nakikisalamuha sa mga magsasaka at tumutulong rito. Sila lang ang mayayamang nakita kong laging nariyan sa oras ng mga kalamidad o sakuna. Sila ang nagsisilbing pag-asa ng Isla Amore, mayayaman na't matulongin din sa kapwa. Mas mabilis pa sila sa gobyerno. 

"By the way, Purok Santiago invited us to join there Piesta sa Nayon. You want to come with us or may alis ba kayo ngayon, Anton?" Biglang sabi ng aking ama habang kumakain. 

"Wala na naman, Tito. Balak ko lang naman dalhin si Beverly sa rancho." Tumingin siya sa akin. "But it's not bad idea to join you there. I think I will enjoy there." 

"It's good then, aalis tayo after lunch. Oh, how about Phoenix, hija?" 

"I'll call him then," tumigil ako sa pagkain at tumayo. "Excuse me." 

Pumunta ako sa veranda para doon tumawag. After several rings, agad naman sinagot ni Phoenix ang tawag ko. 

"Hello?" Kumunot ang aking noo ng marinig ang boses ng babae mula sa kabilang linya. 

"Hell—" bago ko pa man matapos ang sasabihin ko'y muli na naman itong nagsalita. 

"Kung sino ka man, please, huwag ngayon. Iniistorbo mo kami ng boyfriend ko—Agh!" Singhal nito at biglang umungol. 

Putangina, umungol!

Naglakihan ang aking mga mata sa narinig. Napasinghap ako. "I—" 

"What the fuck, Lindsey!— hello, Beverly? I'm sorry about that." 

"N-no, it's okay... ahm," kinagat ko ang aking pangibabang labi. "Mali lang ako na tinawagan. Sorry, wrong call—oum, wrong call lang! Bye!" 

I hurriedly dropped the call. 

What the fuck! What is that?

Itutuloy. . .


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro