Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

P13

#SWP13

"Kamusta ka?" Tanong ni Anton habang binabalatan ang aking ice cream na binili. 

Pagkatapos ng event kanina'y nagpaalam na ako sa mga kasama ko dahil si Anton ay kinukulit na akong umalis. Hanggang ngayon pa rin talaga hindi mawala-wala sa isip ko ang gulat sa pagkakakita ko sa kaniya dito. 

"Okay lang, ikaw? Mukhang namamayat ka ah." Sabi ko rin. 

"Madalas akong nagpupuyat ngayon kasi hindi lang naman pag-aaral ang inaatupag ko doon. Dad wants me to take over the company. Kapag naka graduate na ako, ako na agad ang hahawak nun." 

Perks of being a eldest child. Hindi lang naman si Anton ang nag-iisang anak nila Tito Arman at Tita Beatrice, may babae din silang anak at halos magka edad lang kaming dalawa. Hindi ko nga lang iyon nakikita pa. 

"Kaya mo 'yan, naniniwala ako sayo." 

"Basta, suportahan mo lang ako. . .hindi ako susuko." Kumindat pa siya na ikinatawa ko. 

Binigay niya sa akin ang nabalatan na Ice cream kaya agad ko itong nilantakan. Cookies and cream are my favorite flavor of ice cream. Kapag may stock kami sa bahay ay nauubos ko agad at halos hindi na abutin pa ng isang linggo. Hindi naman ako pinapagalitan ni Manang, e pano, ako lang naman ang nagiisang paborito niyang alaga. Hindi nga ako maiwan-iwan e! 

"I heard about you joining that poet group, are you happy?" He smiled gentle. 

Sunod-sunod akong tumango. "Akala ko nung una hindi ako makaka survive sa Poetry House, since they all holding a title of being a Poets. Nakakainggit din kapag naririnig kong naguusap sila about their books and collaboration. Mayroon din mga sikat at halos nahihiya na akong lapitan sila kasi pakiramdam ko kapag nangyari iyon ay masasaktan ko lang sila." 

"Okay lang naman kahit hindi mo pa naaabot ang mga bagay na mayroon na sila ngayon. Nagsisimula ka palang, marami ka pang mga oras upang ipatuloy ang ginagawa mo. Kung gusto mong magkaroon ng libro, gawin mo lahat ng makakaya mo para magkaroon ka. Kung gusto mong maging sikat, gawin mo rin ang lahat ng paraan para maging sikat ka ng hindi nakakapanakit ng ibang tao. There's a lot of things you can do. I know you can do all of it and I, myself, believe in you." 

Humikbi ako.

Inaamin kong inisip ko rin nung una'y gusto kong sumikat ng madalian. Yung tipong gusto ko makilala nila ako agad pero habang nasa proseso na ako doon ko lang napagtantong mahirap pala at nagmumukha lang akong desperada. 

"Shhh...don't cry, alam kong kaya mo 'yan." Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Kainin mo na 'yan, matunaw pa." 

Pagkatapos namin ubusin ang aming mga ice cream ay niyaya na niya akong umalis. Pupunta kami ngayon sa lolo niya para bisitahin ito. Ito rin ang isang dahilan niya kung bakit umuwi siya dito ngayon. Madalas daw kasing hinahanap ni lolo si Anton. Bukang-bibig niya ito palagi at halos walang araw na hindi niya ito hinahanap kanila Phoenix at nagtatanong kung kailan ito uuwi kaya walang magawa si Anton kundi umuwi. 

Nang makarating kami sa kanilang mansyon ay agad na siyang bumaba at pinagbuksan ako. Lumabas na ako. Agad niya naman hinawakan ang aking kamay at iginaya na ako papasok ng kanilang mansyon. 

Bumungad agad sa akin ang eleganteng hagdan at ang mga malalaking gintong vase sa magkabilang gilid nito. 

"Nasaan si lolo?" 

"Nasa dining area po, Sir." Tugon nito at agad kinuha kay Anton ang kaniyang mga gamit. Kaya binigay naman nito ng huli.  

Agad na kaming pumunta sa dining. Gabi na't wala pa rin naman kami naghapunan kaya nagpasya kaming sabayan nalang si lolo sa kaniyang dinner. 

As usual, kinamusta niya ng mabuti si Anton. Miss na miss na niya ito't halata naman sa mukha ng matanda. Pero hindi lang iyon, pinagusapan rin naman ang pagmamahal ni lolo kay lola. Sayang nga lang at maagang namatay. 

"Lo, subukan kaya nating lumubas?" Ani ko. 

"Ayaw mo ba dito sa dining? Pwede natin ipalipat sa maid yung mga pagkain doon sa garden."

"No, lo. I mean... subukan ulit natin lumabas sa mansyon. Pumunta tayo ng taniman o kaya sa rancho ng mga Montecarlos o Santibastian." 

"Bev..." pigil sa akin ni Anton. 

Nilingon ko siya. Bumagsak ang aking balikat ng makita ang pag-ayaw sa kaniyang mga mata. 

"It's okay, hijo." Nginitian ni lolo ang kaniyang apo bago muling binaling ang kaniyang paningin sa akin. Hinawakan niya ang aking kaliwang kamay. "Hija, gusto ko man nang inaalok mo pero hanggang ngayon hindi pa rin ako komportable e. Pakiramdam ko'y magkakasala ako kay Delailah kapag sinubukan kong lumabas. Pilitin ko man, sarili ko pa rin yung sinasaktan ko. I hope you understand." 

Ngumiti siya ng pilit na ikinasakit ng puso ko. "Lo, sana po maging maayos na kayo. You can do it; I will help you." 

"Thank you." 

Pagkatapos namin kumain ay lumipat naman kami nila lolo sa may swimming pool. Nakaupo ako sa sun lounger habang sila lolo'y umiinom ng wine sa maliit na lamesa malapit sa akin. 

Habang tinitingnan ang langit na puno ng mga bituin ay nabigla nalang ako ng may naglagay ng jacket sa aking likuran. Tiningnan ko ito bago dumapo ang aking paningin sa taong iyon. 

"Bagay na bagay talaga kayo, hija." Biglang sabi ni lolo. 

Naglakihan ang aking mga mata. Kami bagay ni Anton? Tapos kapag inamin ko ang nararamdam ko, aamin rin ba siya? Gusto niya rin ba ako? Bagay daw kami, so may porsyento pa rin na pwede kaming magkatuluyan?! 

I feel my cheeks burning with that thought. Lalo na nung hindi ko na namalayang ngumingiti na pala ako! Pero agad din nawala ang ngiting iyon dahil sa narinig na tugon ni Anton. 

"Hindi , Lo, nuh—kaibigan ko lang si Bevs. Mahal ko siya at nakikita ko lang siya bilang kapatid ko... 'di ba, Bevs?" Inakbayan pa ako ni Anton. 

"O-o naman!" Naitugon ko nalang. 

Nakakatawa lang dahil nakikita ko siya bilang karamay ko sa panghabambuhay samantalang siya'y mahal nga ako pero bilang kapatid naman. 

"See," ngumiti siya na parang proud na proud talaga siyang tama ang kaniyang hula. 

"Bakit naman, maganda naman si Beverly, maalaga, mapagmahal, laging bukas ang isip sa pangarap, matalino, at higit sa lahat may takot sa diyos." 

"Naku, lo! Kahit magustuhan ko man si Beverly hindi pa rin pwede." Umiiling iling pa siya. 

"Aba'y diyan tayo magkakatalo. Gusto ko ang mapangasawa ni Beverly ay isa sa mga Villanueva!" 

"Lo, mapapangasawa agad... bata pa po ako, ni hindi pa nakakapag graduate ng senior high school." Ani ko. Pakiramdam ko tuloy pulang-pula na ang mukha ko dahil sa mga sinasabi ni lolo. 

"Oo nga, Lo, at saka, may girlfriend na ako!" 

Girlfriend? 

May girlfriend na siya? Kailan pa? Bakit hindi ko alam!? 

Mabuti nalang at lumapit na ang nurse ni lolo sa kaniya para ayain na siyang magpahinga. Kaya nagpaalam na rin kami para makauwi na. 

Ni hindi ko man lang namalayan na nasa sasakyan na pala kami niya at ihahatid niya na ako pauwi. 

"Bakit tahimik ka? Pagod kana ba?" 

Hindi ko siya nilingon at nanatili lang ang mata sa bintana. 

"Beverly," sinubukan niyang abutin ang aking kamay pero agad ko din itong iniiwas. "Hey, may problema ba?" 

Agad ko siyang nilingon at masamang tiningnan. "Ako may problema, baka ikaw!?" Singhal ko. 

"What's wrong with you? Okay ka lang kanina ah." 

"Ikaw yung may mali sa sarili o baka sa utak mo. Seriously, girlfriend? May girlfriend kana pero hindi ko man lang alam?! Kaibigan mo ako 'di ba pero bakit tinatrato mo ako na parang wala lang!?" 

"Yes, may girlfriend na ako pero nagsisimula palang kami. May balak talaga akong sabihin sa iyo ang tungkol doon kanina pero nawala sa isip ko." 

"Hindi nawala, Anton. Sadyang kinalimutan mo! Ayaw mo kong maging kaibigan kaya tinatago mo pati ang bagay na iyon. Sa bagay, sino ba naman ako. Wala naman talaga akong parte sa buhay mo. Nandito ka lang naman talaga dahil hiniling iyon ni Manang. Dahil ikaw lang yung alam niyang mapagkakatiwalaan niya!" 

Nakita kong itinigil niya ang sasakyan sa harap ng pintuan ng aming mansyon. Agad kong tinanggal ang aking seatbelt at binuksan ang pintuan ng kotse para makababa. Agad niya akong ginaya at lumapit sa akin ng makababa na sa kotse. Dere-deretso na ang lakad ko hanggang pintuan pero nahabol niya pa rin ako. 

"Mali ang iniisip mo, may girlfriend na ako. Sasabihin ko sana sa iyo pero nawala nga sa isip ko. Ayokong nag-aaway tayo dahil lang sa simpleng bagay na ito. I'm sorry, okay?" 

Hindi ko siya magawang tingnan. Makita ko lang ang mga mata niya hindi ko na maiwasang manghinayang. Talagang manghihinayang ako. Una, gusto ko siya pero may gusto siyang iba—girlfriend niya na. Pangalawa, kahit kailan hindi niya ako magugustuhan dahil unang-una kapatid lang ang turing niya sa akin. 

Ang saklap ng buhay ko.

Malas na nga sa pamilya, malas pa sa pag-ibig. 

"Magpapahinga na ako." 

Hindi ko na siya hinintay makasagot. Binuksan ko na ang malaking pintuan ng aming mansyon at pumasok na dito. Dere-deretso ang lakad ko hanggang makarating ako ng aking kwarto at ibinagsak ang aking katawan sa kama. 


Itutuloy.  . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro